Chapter 15

62 3 0
                                    

True Feelings

Nadya's POV


Nandito ako ngayon sa harapan ng gate, hinihintay si Cyrus.



Tama ba na tinulungan ko ulit si Allison pagkatapos ng ginawa niya kay Keet? May konting inis pa rin kasi ako sa kanya pero parang mas nangunguna na ngayon ang pagtulong ko sakanila ni Cyrus. Para matapos na ang paghihirap ko sa relasyon nilang dalawa. Mabuti siguro na tulungan ko ulit sila para maging masaya na sila.....

Ako kaya, kailan ako magiging masaya? Magiging masaya ba ako kung tutulungan ko sila?

Kakaiba kasi ang nararamdaman ko kapag nakikita kong magkasama silang dalawa ni Allison. Para bang may tumutusok na karayom sa dibdib ko pero hindi ko mawari kung ano at bakit....

May namamataan akong sasakyan na patungo rito, siguro ay si Cyrus na ito.


"Manong, paki-bukas na po yung gate padating na po si sir Cyrus." paalala ko kay manong guard.

"Ganoon ba? Salamat.."

Sinundan kong pumasok sa garahe si Cyrus para sabihin sa kanya ang magandang balita.


"Uhh... Cyrus.."  naalala ko yung nakita ko kanina " Ano kasi..."

"What??"

"Pinapasabi nga pala ni ma'am Andrea na dito na lang daw magdinner bukas si Allison. Gusto niya daw kayong makausap bukas tungkol sa relasyon niyo..."


"R-really? That's good to know.."

Pareho kaming natahimik at nagkahiyaan....

"About sa kanina.."


"Sorry!" sabay naming sabi


"You first." utos niya

"Pasensya na talaga, may nagtext kasi sa akin na pumunta ako sa private building.. May kailangan daw kasi akong makita."

"No, it's okay. It's not your fault. It's our fault in the first place. I should have been more careful that somebody could see us kissing or whatever.. So, shall we go inside?" aya niya

"Sige mauna ka na, magpapahangin muna ako sa may hardin..."

"Okay."

Nang makaalis na siya ay tumungo na rin ako sa may garden para magpahangin...

Naguguluhan na talaga ako sa sarili ko... Alam ko sa sarili ko na baka may gusto na ako kay Cyrus at tinutulungan ko sila ni Allison. Masakit sa akin na tinutulungan ko yung taong gusto ko na mapunta sa iba. Pero kailangan dahil pinangako ko sakanya na tutulungan ko siya sa taong mahal niya.


Hindi pa naman ganoon kalalim ang nararamdaman ko kay Cyrus kaya kayang kaya ko pa siyang makalimutan.


---


Cyrus' POV

Now that mom gave me and Allison a permission to our relationship siguro naman malilimutan ko na ang nararamdaman ko kay Nadya. Oo inaamin ko na may gusto ako kay Nadya but I love Allison. Paghanga lang ang nararamdaman ko sa kanya kaya madali lang makamove on.

I just hope it will vanish already so I won't face any problems.

I texted Allison about having a dinner with my mom tomorrow. She said she's excited and a little bit nervous.

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon