The Wedding
Ella's POV
"Alis na po ako!" Paalam ko sa aming kasambahay na si Nana Lilian. Late na akong nagising kaya nauna na si Keet. Sana lang at hindi ako late ng pasok.
Bumalik na sina mama at dad sa Pilipinas, nung disyembre pa. Kami nalang tatlo ni Keet at nana Lilian ang naiwan sa condo....
Natatanaw ko na si Anthony sa may gate. Kumaway ako para makita niya ako. Ngumiti naman siya. Napansin ko rin sina Amber, Kotoko at Francia. Kinawayan nila ako.
Salamat naman at ayos na kami ng mga kaibigan ko. Lalo na si Amber, siya kasi pinakaclose ko sa tatlo.
"Good morning! Sorry I'm late! I forgot it's monday today!"
"It's okay! Let's go before the bell rings." sabi ni Kotoko.
"May problema ka no?" Bulong ni Anthony.
"Wala no! Nakalimutan ko lang talaga na monday ngayon...." pagsisinungaling ko.
"Eh bakit maga ang mga mata mo?"
Oo nga pala, hindi ako makakapag sinungaling dahil sa mga mata ko..... Buong araw lang akong nasa kwarto kahapon. Nag-aabang sa mga post ni Hannah tungkol sa kasal nila ni Cyrus.
Sa bakasyon daw ay magpapakasal na sila..... February na ngayon kaya dalawang buwan na lang ay ikakasal na sila.... Hindi pa rin matanggap ng puso ko na ikakasal na ang lalaking pinakamamahal ko sa ibang babae.
"Wala lang 'to, may pinanood lang ako na pelikula kaya naiyak ako."
"Sige, sabi mo eh."
"English only please? We don't understand your language!" Paalala ni Amber.
"Sorry Amber! It's just nothing..."
Pumasok na kami sa mga classrooms namin, at sakto na tumunog ang bell.....
-----
Keet's POV
"Ella! Please buksan mo ang pinto! Ella!!" Kasal ngayon ni Cyrus kaya ayaw niyang lumabas. Nagmumukmok lang siya sa kanyang kwarto. Hindi namin ang aming gagawin! Pinapunta ko na rin si Sandy para may kasama akong mag-comfort kay Ella.
Kanina pa natataranta si nana Lilian dahil hindi sumasagot si Ella at puro hikbi ang aming naririnig mula sa loob.
"Keet! Anong nangyayari??"
"Salamat sa diyos at dumating ka! Si Ella kasi ayaw lumabas ng kwarto! Hindi pa siya nag-aalmusal at nagtanghalian! Nag-aalala ako baka anong mangyari sa kanya!"
"Napano ba siya?"
"Ikakasal ngayon yung taong mahal niya."
"Si Cyrus ba?" Tanong ni Sandy.
"Oo...."
"Sir Keet heto na po yung susi!" Sabay abot ni nana sa akin.
Nanginginig ang mga kamay ko habang binubuksan ang pinto.
Nang mabuksan na namin ay kaagad naming hinanap si Ella.
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanfictionPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...