Say Sorry
"I'm sorry sir! Hindi ko po talaga sinasadya." hindi ako nakapag concentrate!
"Sorry ka ng sorry! Pay attention !" at nag walk out si Cyrus.
"Pasensya na po talaga ma'am, sir...." nakakahiya naman 'tong ginawa ko! Nabuhusan ko ng juice si sir Cyrus sa harap pa mismo ng mga magulang niya....
"It's okay iha. Nga pala for the mean time habang tumutuloy kayo dito kinuha ko bilang driver ang tatay mo habang wala pa kayong nahahanap na tirahan. Kung pwede sana ay, ikaw na muna ang magsilbi kay Cyrus. Hindi na kasi kaya ni manang ising ang pag-aalaga sa kanya."
"Salamat po sir! Sige po ako na po bahala kay sir Cyrus!" ang bait bait naman pala nila.... Hindi ko inaasahan na bibigyan nila ng trabaho si itay!
"Nalaman ko rin na hindi ka makakapag-aral this coming year, ako na bahala sa pag-aaral mo." sabi ni sir Edward
"Naku maraming maraming salamat po talaga, napaka laking tulong po nito para sa kinabukasan ko! Ang bait niyo po!" makakapag-aral na din ako sa wakas! Tinanggap ko na kaagad kase blessing yun! Tandaan wag dapat tanggihan ang blessing!
"In return, you need to make sure na hindi na lalapit si Cyrus kay Allison. Ayoko na habulin pa niya yung babae na yun. You have to report all the actions of Cyrus inside the university okay?" utos ni ma'am Andrea
"I will ma'am! Thank you!"
"Okay, you may go now."
Nilinis ko muna yung natapong juice at kinuha ang pagkain ni sir Cyrus. Ihahatid ko daw sa kwarto niya utos ni manang Ising.
Habang papunta ako sa kwarto ni sir Cyrus ay may naririnig ang sigaw... Lumapit ako sa pinto at tinapat ko ang tenga ko rito.
"Please give me a chance! Please Allison, I'm begging you!" may kausap si sir Cyrus at si Allison yun. Parang nag mamakaawa siya..... Nalulungkot ako para sa kanya...
"I will do everything just for you to be with me again! I love you....." mahal na mahal niya pala talaga si Allison...
Bigla na lang bumukas ang pintuan! Hindi ko namalayan na hindi pala ito totally na nakasara, nakita niya tuloy ako!
"What are you doing here?" galit na galit na naman siya sa akin! Hindi ko naman sinasadya na galitin siya!! :(
"Uhmm sir, here's your food!"
"Hindi ba't sinabi ko sayo na wag na wag mong pakikielaman ang buhay ko? Bakit ba ang kulit mo hah? Tanga ka ba??" sobra naman siya kung makapag-salita
"Bakit ba ang init init ng ulo mo? Inuutusan lang naman ako ni manang Ising na dalhin ito sa'yo! At isa pa hindi ako tanga! Tao lang ako, nagkakamali!"
Hindi ko na napigilan ang sarili ko. Kahit na amo ko siya at katulong lang ako, sana naman ay respetuhin niya ako kahit konti lang. Ginagawa ko lang naman ang trabaho ko! >o
"At sumasagot sagot ka pa? Umalis ka na nga dito!"
"Syempre sasagot ako, tinanong mo ako eh! Hindi ako katulad mo na bastos!"
At umalis na ako ng tuluyan bago pa ako magalit ng tuluyan.....
Pinuntahan ko na lang si manang Ising sa kusina....
"Manang, ang hirap naman po'ng pakisamahan si sir Cyrus. Hinatid ko lang naman yung pagkain niya siya pa 'tong galit..." paliwanag ko kay manang
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanficPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...