Chapter 33

74 5 6
                                    

She has

It was really a good decision na manirahan sa Paris. Nakahanap ako ng mga bagong kaibigan and this time it's for real.

Nasa school ako ngayon, naglelecture ang prof. Naeenjoy ko ang interior designing. Nung isang araw pinagawan kami ng portfolio. Ang sabi ng prof ay mag-isip lang kami ng mga disenyong gusto namin at ilagay sa portfolio. Ito raw ang magsisilbing pointers namin para sa mga gagawing proyekto.

"Okay that's it for today. Enjoy the your day." Paalam ng prof.

Inaayos ko ngayon ang mga gamit ko. Lumapit naman ang isa kong kaklase na isang korean, pero magaling naman mag english. Isa siya sa mga kaibigan ko. Kinwento ko rin sa kanya ang nangyari sa akin sa Pilipinas.

"Ella, would you like to go with us later? We'll have a party at our penthouse." Anyaya ni Amber Park.

Party? Pwede naman siguro akong pumunta sa party na iyon. Saka kina Amber naman yun kaya okay lang. Kilala rin kasi ni daddy ang pamilya ni Amber. Dad used to work with Amber's father. Ang kwento ni daddy ay mabait naman ang pamilya nila. Mahilig nga daw sa party....

"Uhmmm.... Call!"

"Great! Wait for us at the Coffee shop beside the school? I also invited some of my friends. But don't worry you won't feel out of place. Some of the Filipino student here are also invited." Mukhang nabasa ni Amber ang isip ko. Nakahinga ako ng malalim nang may mga pilipino ring imbitado sa party. Sigurado hindi mawawala si Anthony doon! He's pretty known sa mga babae dito sa school. Crush nga siya ni Amber eh kaya for sure imbitado siya!

In speaking of Anton (short for Anthony), kinwento ko sa kanya ang nangyari nung hinatid ko sa pamilya niya ang mga bilin niyang pasalubong. Natawa siya nung sinabi kong inakala ng inay niya na boyfriend ko siya.

"Naku pasensya ka na Nads—- Ella sa inasta ni inay. Ganun talaga yun! Palabiro siya minsan." ani Anton.

Buti na lang at magkabatch kami ni Anton. Tinulungan ako ni mommy para makasabay sa mga pinag-aaralan nila. Four years from now graduate na ako!

Tulad nga ng sabi ni Amber ay naghintay ako sa may coffee shop sa tabi ng school. Nag-order lang ako ng cappucino habang hinihintay ko sila.

Nagawa ko ring gumawa ng facebook sa paghihintay sa kanila. Una kong inadd si Keet pagkatapos ay sina mama at dad. Hinanap ko rin ang facebook ni Sandy at Anton. Kaagad naman nila akong inaccept, mukhang online sila. Sinubukan ko ring itipa ang pangalan ni Cyrus sa search bar. Niclick ko agad nung makita ang pangalan niya. Buti na lang at hindi nakaprivate ang account niya, may nakatag na mga litrato sa kanya. Galing kay Hannah. Mukhang masaya naman siya ng wala ako. May nakalagay pa na caption sa sa isang litrato na "soon to be mrs. Flores". Ang daming nagcomment na "bagay kayo", "congrats so happy for the both of you!". May nagtanong din kung kelan ang kasal. Nagkumento naman si Hannah doon. "My dad says when Cyrus knows how to run their company." Kumento niya. Ang sabi pa ng isa ay para daw ma-ensure ang company nina Cyrus kapag kasal na sila.

Iyon na ang huling komentong nabasa ko at ni log out ko na dahil nandito na sina Amber.

Nang makita niya ako ay kaagad siyang tumabi sa upuan ko.

"Ella I invited Anthony. Do you think he'll come?"

"Uh... Think so?" Di siguradong sagot ko.

"Please Ella, make him go!? PLease? For me?" Nagsusumamong sabi niya.

"Okay i'll call him." Kinuha ko ang cellphone ko para sana matawagan si Anthony nang may mensahe na akong natanggap galing sa kanya.

Anton: Pupunta ka ba sa party mamaya?

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon