Recall
Tinanghali ako ng gising! Lagot ako kay Cyrus nito!! May pupuntahan sana kami ngayon pero tingin ko ay hindi na matutuloy....
"Anak! Anak gumusing ka na riyan, hinihintay ka na ni sir Cyrus!" sigaw ni inay "Bumangon ka na riyan at hihintayin ka niya hanggang sa matapos ka." dagdag pa ni inay
Aba, hindi ko alam na marunong palang maghintay si Cyrus! Tingnan ko nga kung hanggang kailan niya kayang maghintay.
Pumunta ako sa kusina para kausapin si Cyrus....
"Hindi ka pa nakabihis?" panimula niya
"Naku! Pasensya na po sir, may LBM kase ako!" sabi ko with matching hilot sa tiyan
"What?!" sigaw niya "Ano ba'ng kinain mo kahapon at bakit sinumpong 'yang tiyan mo?" tanong niya pa
"Isang galon ng vanilla ice cream at isang litro ng pineapple juice!" pagsisinungaling ko
"Naglilihi ka ba? Impossible, wala ka namang pambili nun!" lait niya
"Porke mahirap hindi na pwedeng kumain ng ganun, eh kasi gutom na gutom ako kahapon!!"
"Oh akala ko ba may LBM ka? Bakit may lakas ka para sigawan ako??" sarkastikong tanong niya
"Oo nga pala no? Teka sir mag ccr lang ako,ibubuhos ko lahat ng kinain ko kahapon!" di mapakaling sagot ko
"If I know niloloko mo lang ako. Okay, kung ayaw mong sumama sa akin mag-mall ayos lang. "
"Anong akala mo sa'kin? Hindi pumupunta sa mall?!! Teka lang magbibihis ako!! "
"Hay nako, pakipot pa bibigay din naman pala."
Binelatan ko lang siya.
---
"Eh ano nga ba kasing gagawin natin sa mall?"
"Bibilhan ko ng regalo si Allison. It's her birthday on monday." paliwanag niya
"Walang'ya ka! Sinama mo ako para lang bumili ng regalo? Anong gagawin ko, taga-bitbit ng mga paper bags?"
"Ikaw mamimili kung anong regalo ang ibibigay ko."
"Malay ko ba kung ano'ng gusto niya! Saka bakit di mo nalang itanong sa kanya?"
Loko to! Sinama lang pala ako para mamili ng ireregalo kay Allison. Hindi man lang niya ako naisip na bigyan ng regalo samantalang nagpapakahirap akong tulungan sila!
Biro lang! Taos puso ko silang tinutulungan, pero mas masaya kung bibigyan niya ako ng token of gratitude...
"Wag ka nang mag-inarte diyan, hindi bagay sa'yo...."
"Wag kang managalog! Hindi rin bagay sayo! Parang sirang plaka....." bulong ko
"Anong sabi mo?"
"Ahh wala naman, tara na baka wala tayong mairegalo sa kanya!"
---
Pagkatapos ng mahabang paghahanap ng regalo kay Allison ay nagpaalam si Cyrus para mag cr ng biglang......
"Well, well, well! Balon balon balon!" sabay sabi ng mga Gossip Girls yung mga nanabunot sa akin. Nakwento sila ni Allison nung isang araw, ang pangalan daw nung leader nila ay Charlotte Montenegro anak ng isa sa mga mayaman at respetadong businessman. Pero yung anak naman niya hindi karespe-respeto! Yung tatlong kasama niya ay sina Aria, Monique at Tyra, mga anak mayaman lang....
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanficPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...