Lukso ng Dugo
Nadya's POV
Thank god it's friday! Mamayang gabi na ang alis namin ni Keet patungong France. Hindi ko mawari ang nararamdaman ko sa mga oras na ito. Magkahalong saya at lungkot. Masaya dahil mapupuntahan ko na ang pangarap kong lugar, malungkot dahil mamimiss ko sina inay.
Nakapag-paalam din ako kay mam Andrea at pumayag naman siya. Gusto pa nga niya akong bigyan ng pocket money pero tinanggihan ko. Yung pagpayag pa lang kasi ni mam na mawawala akong ng dalawang linggo ay sapat na sa akin.
Nakita ko na sa student portal ang mga grades ko. Masaya ako dahil matataas ang kinalabasan nito sa halos limang buwang pagsisikap ko. Maayos din naman yung mga grades ni Keet. Yung kay Cyrus, hindi ko alam pero sa tingin ko ay maayos naman. Scholar nga talaga si Allison, siya ang may pinakamataas na grado sa klase namin. Pumapangalawa daw ako sabi ng homeroom teacher namin. Bigo ako dahil ilang points lang ang lamang niya. Hindi naman ako ganito ka-competitive dati eh, siguro epekto ito ng pagkakagusto ko kay Cyrus. Gusto ko na kahit sa pag-aaral man lang ay malamangan ko si Allison.
Saka na nga muna yung pag-aaral, ang importante ay makalayo muna ako sa kanila. Dahil sa tuwing nakikita ko silang magkasama, nasasaktan ako. Kagabing kausap ko si Keet, alam ko na nakikinig si Cyrus. Gusto ko siyang pagselosin kaya sinabi ko na boyfriend ko yung kausap ko. Pero mukhang hindi apektado si Cyrus sa sinabi ko kaya sobra akong nalungkot. Parang nainis pa nga siya nung sinabi kong may boyfriend ako, siguro ang nasa isip niya ay wala akong karapatan na magkaboyfriend ng gwapong mayaman dahil isang hamak na katulong lang ako.
Napapansin ko kasi sa tuwing magkasama kami ni Keet ay laging galit at suplado si Cyrus. Ayaw niya sigurong makita ako na nakikihalubilo sa mga katulad niya. Negative ba ako kung mag-isip? Ngayon lang ako naging conscious sa sarili ko simula nung makasalamuha ko ang mga taong katulad niya....
Ano kayang ginagawa nila sa mall kahapon? Bakit nasa travel section din sila? Aalis din ba silang dalawa? Saan naman? Sigurado ako lalo silang mapapalapit sa isa't isa.
I sighed.
"Wala na yata talaga akong pag-asa sa kanya..."
"Kanino naman?"
"Kay..." nagulat ako ng paglingon ko. Si Cyrus.
"Ahh wala. Pangalawa lang kasi ako sa klase." pagsisinungaling ko pero totoo naman na pangalawa lang ako.
"And Allison has the highest grades right?" pagmamayabang niya
Oo na. Hindi mo na kailangang ipamukha sa akin. Nasa kanya na lahat, maging ikaw.
"Ganun na nga. Alam mo , ang swerte talaga ni Allison. Matalino, mabait, maganda at higit sa lahat may taong lubos na nagmamahal sa kanya. Naiinggit na nga ako sa kanya eh, kasi lahat ng pangarap ko meron siya. Parang nung nagsabog ang Diyos ng perpektong katangian, nasalo niya lahat samantalang ako pumulot lang ng tira-tira." paliwanag ko
Tahimik lang naman siyang nakinig sa akin. Pinakita niya sa akin na naiintindihan niya ako. Ni hindi man lang niya ako kinontrahan, parang tama lahat ng sinabi ko tungkol kay Allison.
"Kung sa tingin mo ay sumasang-ayon ako sa sinabi mo, you're wrong. Let's say that all the things you said about Allison are true. But there's something about you na wala si Allison. And it's....."
"Nadya! Anak! Tawag ka ni Keet, nasa labas siya."
" Uhmm nay pakisabi po sandali lang."
"Kasama mo pala si sir Cyrus, pasensya na po kung naistorbo ko kayo."
"Okay lang po manang Selya." Sabay ngiti kay inay
"Sige anak, puntahan ko lang si Keet."
"Salamat nay."
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanficPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...