Allison Villanueva
Nakita ko! Kitang kita ko yung mga nanlilisik na mga mata ni Allison!
Pagkatapos nun ay naglakad na palayo si Allison kasama ang mga kaibigan niya.
Narinig ko rin ang mga bulong-bulungan ng mga tao sa paligid.
"Is she Cyrus' new girlfriend? So cheap!!"
"Hindi ba siya nireregaluhan ni Cyrus ng mga damit? Ang baduy niya kasi!!"
"Ang kapal ng mukha! Sa harap pa mismo ni Allison sila nag-flirt!! So not good."
Wow ha! Nagbubulong pa kayo eh dinig na dinig ko naman!
Ang sabihin niyo ay na-iinggit lang kayo! Mga espasol.....
Kainis yung Cyrus na yun! Hindi porket amo ko siya ay ayos lang sa akin yung ginawa niya!
Naglakad na ako patungo sa CBA building. May dala naman akong map para di ako maligaw.
Habang naglalakad ako ay muntik na akong masagasaan ng isang puting kotse....
"Ano ba! Hindi ka ba tumitingin sa minamaneho mo? Muntik na akong mamatay!" sigaw ko
Binaba niya ang salamin ng kotse.....
"Sorry miss! Nagmamadali kasi ako!" sabi ng isa pang gwapong nilalang...
"Ah, hindi okay lang! Ako yung hindi tumitingin sa dinadaanan ko. Mag-ingat ka sa susunod hah?" sabi ko na lang. Gwapo eh, nakakahiya naman kung pagsasabihan ko pa....
"Okay thanks!" at pinaharurot pa yung kotse sa loob ng campus.
Pwede bang magpatakbo ng mabilis dito?
-
Nang sa wakas ay nasa loob na ako ng CBA building, napansin kong nakatingin lahat ng mga tao sa akin.
Hindi ko na lang sila pinansin baka malate pa ako at mapahamak.
Pagpasok ko sa room ay nakatingin din sila sa akin! Artista na ba ako?
Umupo na lang ako sa bandang harap malapit sa teacher's table.
May kumalabit sa akin. Teka parang kilala ko siya, familiar yung mukha niya sa akin! Saan ko nga ba nakita 'to? Sorry memory gap!
"Excuse me miss." sabi niya "Wait, ikaw pa yung muntik ko ng masagasaan kanina? Sorry ulit miss!" paumanhin niya
Siya yung gwapong nilalang kanina sa daan.....
"Okay lang, hindi naman ako nasugatan."
"Pwede bang umupo na lang ako dito sa bakanteng upuan sa tabi mo?"
"Oh? Sure!"
"What's your name pala?" tanong niya
"I'm Nadya Ann Dela Cruz. Ikaw?"
"Keet. Owen Keet Marquez"
"Nice to meet you Keet!" inabot ko sa kanya ang aking kamay para makipag shake hands.
"You too Nadya!" inabot niya rin yung kanya
Nagkwentuhan pa kami ng mga ibat ibang bagay tungkol sa Willard.....
Pagkalipas ng ilang minuto ay dumating na yung prof....
"Good morning class! I'm Mr. Cholo Ocampo, your teacher in major accounting subject. I'm 26 years old and engaged with my girlfriend." sabi pa ni sir na nagpalungkot sa mga kaklase kong babae "Wala munang discussion ngayon, introduction muna. State your name, age, and whatever you want to add. Let's start with you." Turo niya sa akin.
Tumayo ako sa aking upuan at nagsalita.
"Hi! Ako nga pala si Nadya Ann Dela Cruz! Tawagin niyo na lang akong "Nads". I'm 16 yrs. old. Scholar lang ako dito, may nagpapa-aral sa akin. Nice to meet you all!!. " masayang bati ko sa kanila
"Ang formal mo naman Nads, but it's better anyway so your classmates can know you better." masama ang tingin nila sa akin... bakit kaya?
Narinig ko pang nagbulong bulungan ang iba kong mga kaklase....
"Halata naman na kasali siya sa social welfare, look on how she dress."
"It's not suitable for Willard, she doesn't even have a uniform."
"Okay next!" putol ni sir sa mga nagchichismis sa akin.
"Good morning everyone! I'm Owen Keet Marquez, 17 yrs. old. Please be good to me!" at nagsipagtiliian ng mahina ang mga kaklase kong babae samantalang tahimik ang mga lalaki.
Mga ilan pa ang nagpakilala ng may isang nagpa-estatwa sa aking kinauupuan...........
"I'm Allison Kate Fajardo, 16." tumingin siya sa akin "Watch out for me."
Wait..... classmate ko yung ex ni Cyrus? Si Allison? No wayy!!!
Hindi ko maigalawa ng maayos ang sistema ko. Para bang nung tumingin si Allison sa akin ay kusang na-estatwa ako.....
Tulungan niyo ako!! >o<
A/N : Magpapalit po ako ng bookcover kapag umabot po ito ng 200-250 reads. :)
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
ФанфикPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...