Chapter 34

38 4 0
                                    


Malikmata

"Pardon?" Ani Amber. Hindi makapaniwala sa narinig.

Ganun din ako. Hindi ako makapaniwala sa sinabi niya. Niloloko ba ako nito? O kaya ay ito ang paraan niya para layuan siya ni Amber. Kung ganun nga hindi magandang ideya ito! Baka magalit sa akin si Amber!

"I'm Ella's boyfriend!" Sinigaw na niya ito. Tinigil ng dj ang music kaya napatingin lahat sa amin ang mga nasa party. Kumbaga sa boxing, kami yung main event.

Hindi ako makapagsalita, parang may pumipigil sa akin!!

Tumingin sa akin si Amber. Parang hinihintay niya ang sagot ko. Wala akong nasabi kaya....


"I thought we're friends? You fooled me Ella! All of us!" Tinuro niya lahat ng mga tao sa penthouse. "Let's go girls!" Sabi niya kina Kotoko at Francia. Nagdalawang isip pa si Kotoko kung sasama siya kay Amber. "Kotoko!" Natauhan si Kotoko at sumama na kay Amber. Nag-sorry pa siya sa akin bago lumisan.

Umiling naman ang mga taong nasa penthouse. Ganun din ang ginawa nina Joo Won at mga kaibigan niya.


Ako naman natulala na sa kinatatayuan ko. Hinintay ko na mag sink in sa utak ko ang nangyari.... Nang magsink in na......


Hindi ko sinasadyang nasampal ko si Anthony. Nadala ako sa emosyon ko.


"Ella." Gulat na sambit niya habang nakahawak sa pisngi niyang nadapuan ng kamay ko.


"Hindi mo dapat ginawa iyon!"

"Pero wala akong ibang naisip na paraan para lubayan ka nung Joo Won na yun! "

"At dinamay mo pa si Joo Won dito? Nagtatanong lang naman siya! Wala siyang ginagawang masama! Ang sabihin mo gusto mo lang na lumayo si Amber sayo! Bakit ba hindi mo siya mabigyan ng pagkakataon?"

"Ella, nag-alala lang ako baka kasi anong gawin ni Joo Won sayo! Kilala ko siya! At oo iyon din ang naisip kong dahilan para layuan ako ni Amber! Pinagpipilitan niya kasi ang sarili niya sa akin! Kung alam mo lang ang sinabi niya sa akin kanina----"

"Ngayon wala na akong kaibigan! Iniwan na nila ako dahil sayo! At ngayon...... simula ngayon wag mo na akong kakausapin! Our friendship is over." Nagmadali akong umalis sa penthouse. Mahirap gawin ang desisyong ito pero sa ngayon ito ang nakikita kong solusyon. Alam ko pagsisisihan ko ito balang araw pero wala na. Nangyari na.

Nadatnan ko pa si Sandy at Keet sa living room, nanonood ng chicflix. Parang naiiyak na silang dalawa sa pinapanood nila. Nakakatuwa naman silang panoorin. Nakaakbay pa si Keet kay Sandy. Sina mama at dad may business trip na pinuntahan. Ayos lang naman iyon, para sa aming pamilya naman ang ginagawa nila.

Naramdaman ni Sandy ang presensya ko kaya pinunasan niya ang mga luha niya .


"Oh Ella nandito ka na pala. Halika samahan mo kaming manood?" Anyaya niya.


"Uhmmm hindi na. May gagawin pa kasi ako. Sa susunod na lang." Kahit ang totoo ay wala naman talaga. Gusto ko lang mapag-isa sa ngayon.....

Pinagpatuloy nila ang kanilang panood at pumasok na ako sa kwarto ko.

Nahiga agad ako sa kama dahil sa pagod na naramdaman.


Habang nakapikit ang mga mata ko ay tumunog ang cellphone ko.


The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon