Maghihintay
Nadya's POV
Nagpapahinga na sina inay at itay sa kwarto. Hindi na muna siguro ako matutulog dun, hayaan ko na muna sila. Sa tingin ko rin kasi ay di ako makakatulog.
Napagdesisyunan ko na pumunta sa may garden at mag-relax.
Habang nagpapahinga ako sa may kahoy na upuan ay may tumigil na sasakyan sa gate.
Baka si Cyrus na talaga ito!!
Kumaripas ako ng takbo papunta sa gate sa pagbabakasakaling si Cyrus nga ang dumating.
Hindi pa rin....
May lumabas na dalawang lalaki na hindi ko kilala.
"Sino po sila?" Tanong ko.
"Kayo po ba si Ms. Nadya Dela Cruz?" Tanong nung isang lalaki.
"Opo, bakit ho?" Nakaramdam bigla ako ng kaba. Baka mga hostage taker sila!! Waaahhh!!!
"Pinapasundo po kayo ni sir Keet." Paliwanag nung isa na medyo malaki ang pangangatawan.
Si Keet? Bakit naman? Tumawag siya kanina, baka ito yun..
"May nangyari po kasi kay ma'am Ellaine. Gusto po kayong makausap ni sir Keet. Nasa St. Lukes po sila ngayon."
Kinabahan ako. Natatakot ako na baka napano na si tita Ellaine. Pero ayaw ni inay na makipagkita pa ako sa kanila. Pero bakit? Ano ang dahilan??
Hindi na ako nagtanong pa, sumama na lang ako sa kanila. At kung sakali man na niloloko ako ng dalawang 'to, bahala na ang Diyos sa kanila.
Mukhang nagsasabi naman sila ng totoo dahil tama ang daan na tinatahak namin papunta sa ospital.
Ilang minuto lang ay nasa parehong ospital na kami kung nasaan din si sir Edward.
Sinamahan ako ng dalawa patungo sa kwarto ni tita Ellaine.
"Salamat po." Sabi ko nang nasa tapat na kami ng kwarto.
Kumatok muna ako bago ako pumasok.
Pagpasok ko ay una kong nakita si Keet na mukhang kanina pa ako inaantay.
"Nads!" Sinalubong niya ako ng yakap.
"Keet naman! Baka magselos si Sandy!" Biro ko kahit na kinakabahan ako.
"Nads wag mo na munang isipin yan." Seryosong pakiusap niya.
"Sorry. Kamusta na si tita?" Pag-iiba ko ng usapan.
"She's okay na. Kailangan niya lang magpahinga sabi ng doktor niya."
"Ano ba kasi talaga ang nangyari at bakit nagkaganyan si tita?"
"May tumulak sa kanya, nauntog ang ulo niya sa may malaking bato. Mabuti na lang at hindi gaanong malubha kundi malalagot ang gumawa nito sa kanya." Ramdam ko ang galit at pagkamuhi ni Keet sa taong gumawa niyon kay tita Ellaine.
Kung sino man siya. Ang sama niya. Maging ako man ay nakaramdam ng galit sa taong iyon.
"Bakit? Sino ba yung gumawa nun kay tita? Bakit niya nagawa iyon?"
Nagdadalawang isip pa si Keet kung sasabihin niya sa akin.
Humugot siya ng malalim na hininga.
"Wag kang mabibigla Nads ah."
"Hindi! Sino ba kasi?"
"Si aling Selya." Bigo niyang sabi.
Si inay? Si inay ang gumawa niyon kay tita? Pero bakit?
"Paanong si inay? Niloloko mo naman ako Keet eh! Hindi magandang biro yan!" Di yan totoo! Di ako naniniwalang kayang gawin ni inay iyon!!
"Pero iyon ang nangyari! Kitang kita ko sa mga mata ko na tinulak siya ni aling Selya!"
"Baka may nasabi o ginawa si tita kay inay! Hindi iyon magagawa ni inay kung walang dahilan."
Di ako makukumbinsi ni Keet. Para kasing may kulang sa paliwanag niya. May hinihintay pa akong idudugtong niya.
"Sige Keet sabihin mo, ano ang dahilan?"
Ito na yun. Sa oras na sabihin ni Keet ang bagay na iyon ay nararamdaman ko na may magbabago.....
"Dahil ikaw si Ella, ang nawawalang anak ni mommy. Nais ni mommy na kunin ka na sa inay mo. Pero hindi iyon matanggap ni aling Selya kaya niya tinulak si mommy."
Ako si Ella? Hindi.
Hindi maaari....
"Hindi yan totoo Keet! Paano mo nasasabi yan? Kaibigan kita!!"
"Dahil yon ang totoo! Ikaw si Ella Marquez! Maniwala ka sa akin! Hindi ikaw si Nadya!" Sumisigaw na siya. Inaalog niya pa ang mga balikat ko. Parang gusto niya na paniwalaan ko iyon .
Hindi ako maniniwala hanggat hindi si inay ang magsasabi sa akin.
"Pasensya ka na Keet pero hindi ako maniniwala kung hindi lang din si inay ang magsasabi ng totoo."
"Pero nagsasabi ako ng totoo! Ikaw si Ella-"
"Tumigil ka na Keet! Aalis na ako!"
Dali dali akong lumabas ng kwarto ni tita Ellaine.
Umiiyak na ako sa hallway ng ospital. Mabuti na lang at wala ng masyadong tao dahil disi-oras na ng gabi.
Hindi ko namalayan na may nabangga ako.
"Sorry! Pasensya ka na- Cyrus?!"
Sa dami ng pwedeng banggaan bakit siya pa?
Tiningnan niya lang ako at saka siya nagpatuloy na naglakad..
Ganito na lang ba talaga??
"Cyrus! Maghihintay ako! Hihintayin ko ang paliwanag mo! Tandaan mo na mahal na mahal kita!" sigaw ko kahit na hindi na siya lumingon. Mabuti na lang talaga at disi-oras na, busy ang mga nurse. Malamang tulog sila.
Hihintayin kita Cyrus. Sana bumalik ka na. Kailangan ko ng karamay.
Ikaw na nga lang ang nag-iisang karamay ko, iiwan mo pa ako? Hindi ako papayag! Lalaban ako!
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanfictionPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...