Chapter 35

40 3 3
                                    

Bye Bye




Cyrus' POV

Ginawan ko ng paraan ang sa amin ni Hannah. Papayag lang siyang makipaghiwalay sa akin kung papayag akong matulog kasama niya (sex). Pero syempre hindi ako pumayag.




I had slept with other girls back in Amerika. Normal lang iyon sa mga kabataan doon. Makeout ang tawag namin. Pero kahit na ginawa ko na noon iyon, iba na ngayon. Dahil narealize ko na mali.

Nang makilala ko si Nadya nagbago na ang pananaw ko sa buhay. Pinangangalagahan ko ang mga desisyong gagawin ko. Natuto rin akong magpatawad at umintindi..... Kung kelan nagiging maayos na ang buhay ko saka pa magkakasakit si dad. At ang gusto niya para sa akin ay pakasalan ko si Hannah.



Hindi ko alam bakit kailangan ko siyang pakasalan..... Hindi ko alam kung ano ang nakita ng mga magulang ko sa kanya. Si Hannah ay halimbawa ng isang babaeng hinding hindi ko kailanman matitipuhan at mamahalin. Iba siya, kung si Nadya minahal ko ang kaibahan niya si Hannah hindi. Lalo ko lang napatunayan na hinding hindi ko siya mamahalin.



Binalaan ako ni Hannah na isusumbong niya ako kay mom at dad pero hindi ko siya pinakinggan. Ako na ang bahalang magpaliwanag sakanila na si Nadya talaga ang mahal ko.



Kaya napagdesisyonan ko na lumuwas din sa Paris para makuha siyang muli. I missed her so much. Sa oras na mahanap ko siya, ipaparamdam ko sa kanya na hindi ko na siya iiwan kahit kailan. Ilang buwan nga lang ang nakalipas parang dekada ko na siyang hindi nakikita. Mahal na mahal ko talaga siya.

Hindi ko alam kung saan ko siya makikita pero hindi ako titigil hanggat hindi ko siya nahahanap. Isang araw na ang nakalipas pero hindi ko pa siya nakikita. Nung ikalawang araw sa Glamour apartments ako namalagi, nasa kama lang ako buong araw.




Hindi ko na kasi alam kung saan ko siya mahahanap. Nag-open ako ng facebook. Sinubukan kong i-search ang pangalan ni Nadya . Hindi ko iyon nakita hanggang sa maalala ko na hindi na nga pala siya si Nadya. Hindi ko alam ang tunay niyang pangalan kaya hinanap ko kay Keet. Ella Marie Marquez.




Buti na lang at hindi ito naka-private. May pinost siya na litrato at may caption "Waiting for that special someone to watch the sunset together."



"Teka? Ito yung sa park?"



Chineck ko kung anong oras niya ito pinost. Twelve minutes ago......



Nagmadali akong tumayo sa kama, hindi ko na inalala kung ano ang itsura ko. Mabilis akong lumabas sa apartment. Hindi ko na kailangang gamitin ang nirentahan kong kotse dahil pwede naman na lakarin ito.

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon