Chapter 22

90 5 2
                                    

A SWEET ONE

Nadya's POV

"Anthony??! A-anong ginagawa mo dito??" nauutal na tanong niya

"Ikaw anong ginagawa mo at kasama mo si Cyrus? Hanggang dito ba ay gumagawa kayo ng project?" mapanuyang sabi ni Anthony

Alam kong mahirap at masakit na makita mo sa akto yung girlfriend mo na may kasamang iba. Hands down ako para kay Anthony.

"What are you talking about??!" hindi na mapakali si Allison

Si Cyrus naman tahimik na nakikinig sa tabi niya. Parang wala lang sa kanya ang nangyayari ngayon! Hello?! Girlfriend niya yung nasa harapan niya! Nakuha niya pang makipagtitigan sa akin!!

"Eh bakit ikaw??! Two timer ka rin naman di ba?!! Bakit kasama mo siya??!" Sabay turo sa akin ni Allison

"Malandi ka talaga !! Una si Cyrus, pagkatapos si Keet! Ngayon naman si Anthony?!! Eh mas malala ka pa sa mga p*kp*k sa kalsada!!!" hinawakan na siya ngayon ni Cyrus sa dalawang braso.

"Tumigil ka nga Allison!! Huling huli ka na sa akto, nagagawa mo pang sumisi ng ibang tao! Magpakatao ka naman Allison! Anong nangyari sa iyo??!!" sigaw ni Anthony

"Cyrus!" bumitaw siya kay Cyrus at humarap sa kanya "Don't believe them! Sinisiraan lang ako ng malanding ito-"

"SHUT UP!!" sigaw ni Cyrus "I don't want to hear anything from you. We're done." walang emosyong sabi niya at saka hinatak ako palayo sa dalawa

"Cyrus!! Please don't leave me!! Cyrus! I can explain!" Kahit anong sigaw ni Allison ay hindi na pinansin ni Cyrus.

"Allison! Let's talk!" sabi ni Anthony ng nagtangkang sumunod sa amin si Allison

At ako? Hindi ko alam kung bakit sumama ako sa kanya!

Anong gagawin ko??

"Cyrus ang higpit naman ng pagkakahawak mo sa akin! Hindi naman ako tatakbo!"

Nang nakalayo na kami ay binitawan niya na ako.

"Anong relasyon mo sa lalaking iyon?"

"Wala! Kakakilala ko lang sa kanya!!"

"So sumasama ka sa mga stranger?"

"Pwede ba, hindi siya stranger! Scholar siya nina Keet. Mabait siyang tao."

Sinuri naman ako ni Cyrus.

"May gusto ka ba sa kanya kaya kasama mo siya?" Malumanay na ngayon

"Anong klaseng tanong yan? Syempre hindi-"

At niyakap niya ako ng mahigpit na mahigpit.

"Cyrus-"

"Stay still. I missed you."

Namiss niya ako?? Bakit? Bakit niya ko niyakap? Ibig bang sabihin may gusto siya sa akin?

"May gusto ka ba sa akin kaya namiss mo ko at niyakap?"

Bumitaw naman siya at tumingin sa akin.

"No." bumagsak ang mga mata ko sa sahig. "Cause I love you."

He loves me? He doesn't like me because he loves me!!

Hindi ako makahinga!! Cyrus Flores just said that he loves me!

Buong buhay ko ngayon lang ako nakaramdam ng ganitong feeling. Mabilis ang tibok ng puso ko. Parang may kumikiliti sa tiyan ko. I felt love.

"T-talaga?! Ako din eh, noon pa man mahal na kita hindi ko lang masabi sayo kasi-"

The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLDTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon