MOVE ON
Napatakip ako sa aking bibig dahil sa narinig. Bumuhos din ang aking mga luha.
"Kailan pa po 'tay??" Halos hindi ko ito masabi dahil sa bigat ng pakiramdam ko.
"Isang taon pagkatapos mong umalis. Hanggang sa huling hininga ng inay mo ay ikaw ang hinahanap niya. Hindi ko naman alam kung paano ka makakausap anak. Hindi na kami nagtatrabaho sa mga Flores ng mga panahong iyon. Wala akong mahingan ng tulong." Habang nagkukwento si itay sa pinagdaanan nila nung wala ako ay naiisip ko ang mga nangyari sa kanila. Sigurado akong hirap na hirap sila. Lalo na't walang katuwang si itay sa pag-aalaga kay inay......
"Nang mamatay ang inay mo ay nabalitaan ito ni sir Cyrus, kaya kinuha niya ako bilang personal driver niya. Nalaman ko rin sa kanya na naging nobyo mo siya. Totoo ba iyon Nadya?" Talaga? Ikinuwento ni Cyrus na naging nobyo niya ako? Ang akala ko ba ay "past time" niya lang ako?? Nasabi niya lang siguro iyon dahil hindi maganda kung sinabi niyang ginawa niya akong pampalipas oras.
Ang bigat! Mabigat sa pakiramdam yung kinilala kong inay sa nakalipas na labing-walong taon ay pumanaw ng hindi ko man lang nalaman.....
Siya yung inay ko!!! Yung nanay na mahal ko! At ngayon pumanaw na siya??? Paano ko na lang tutuparin ang mga ipinangako ko sakanya? Para sakanilang dalawa ni itay??? Hindi ko man lang sila naipatayo ng sarili nilang mansyon!! Hindi ko sila naipasyal sa ibat ibang bansa! Hindi ko man lang nasabi kung gaano ko siya kamahal.....
"H-Hindi ko kayo dapat iniwan ni inay! Kasalanan ko po 'ito tay! Ang sama sama ko pong anak!!" Hindi ko mapigilang sisihin ang sarili ko! Kung hindi lang ako umalis ng bansa! Kung sana ay nalaman ko ng mas maaga na nagkasakit si inay, sana hindi na lang ako umalis!!
Teka, alam kaya nina mama ang nangyari kay inay? Bakit hindi nila ako sinabihan o pinaalalahanan man lang??
"Tay..." humugot muna ako ng lakas para makapagsalitang muli. "May natatanggap po ba kayong panggastos galing kay mama?"
"Sa mama mo? Kay ma'am Ellaine ba anak? Wala kaming natatanggap, bakit para saan ba iyon?"
Wala silang natatanggap?? Pero nangako si mama sa akin na papadalhan niya ng panggastos sina inay!! Paano nagawa ni mama na magsinungaling sa akin????
"Para saan nga ba iyon Nadya?" Tanong muli ni itay.
"W-wala po 'tay...." inayos ko na ang sarili ko, baka kasi makita pa ako ng mga Flores.
"Saan nga po pala nailibing si inay?"
"Sa Manila north cemetery anak. Kung gusto mo bisitahin natin siya pareho minsan."
"May cellphone po ba kayo, kunin ko po number niyo kung meron."
Ipinakita sa akin ni itay ang numero niya at isinave ko sa aking contacts.
"Manong Lukas!" Manong!"
Si Cyrus!!
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanfictionPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...