Chandelier
"What?! No way Ella!" Mariin ang pagtutol ni mama tungkol dito.
"But ma, gusto ko ang project na inaalok nila sa akin. It will be big break for me!"
"Anak, I know why you are doing this. You still love him right?"
Hindi ko naman kailangan itanggi pa. Mas mabuti na rin ito para sa akin. Ang realidad na mismo ang sasampal at gigising sa akin na kailangan ko ng tumigil sa pagmamahal kay Cyrus.
"It's for the best."
"No its not, your dad needs to know this!"
Kinuha ni mama ang kanyang cellphone para sana matawagan si papa.
"Mom don't!" Pinigilan ko siya.
Tumingin siya ng mariin sa akin at huminga ng malalim.
"Sige na, I won't tell your dad about this. I trust you anak, alam kong alam mo na ang ginagawa mo. Matanda ka na. Its your choice."
"Thank you mama." Niyakap ko ng mahigpit si mama.
"Gusto mo bang mag meryenda?" Tanong ni mama, ang sabi niya ay nagbake daw siya ng strawberry cake.
"Sure mom. I'm really hungry."
Nagpakuha si mama ng cake at ng juice sa kasamahan sa bahay.
Hindi kasi talaga ako nabusog kaninang lunch, nawalan din kasi ako ng ganang kumain.
Habang kumakain kami ni mama ay napagtanto ko kung kakayanin ko nga bang makatrabaho si Cyrus ng ilang buwan.....
Maybe months will be enough para makalimutan ko siya? I wonder kung lagi din bang pumupunta si Hannah sa kanyang opisina. May anak na kaya sila?
Iniisip ko pa lang na may kumpletong pamilya na siya ay nalulungkot ako.
"Ella, kaya mo bang makasama siya sa trabaho?" Tanong bigla ni mama.
"I'll try. There's no harm in trying naman. Also, I can take care of myself. Besides, I'm all grown up now." Paninigurado ko kahit na mismong ako ay kinakabahan.
"Alam kong kaya mo yan anak. Nandyan naman si Anthony tuwing kailangan mo siya."
Tumango ako.
After ng kwentuhan namin ni mama ay pumanhik na ako sa aking kwarto. Pagkakita ko pa lang sa aking kama ay humiga na agad ako. Siguro dahil sa sobrang pag-iisip at pagod na rin. Pumikit ako ng ilang saglit.
Ang daming nangyari sa araw na 'to.
Naisip ko ang kumpanya ni Cyrus kaya napadilat kaagad ako.
Kailangan kong matawagan si Allison! Sasabihin ko na tatanggapin ko na yung project.
Kaagad kong ni-dial ang numero ng HR.
Ilang ring lang ay sinagot niya na ito. Para bang inaasahan nila ang pagtawag ko.
"Hello, this is Ella Marquez. I would like to speak with Ms. Fajardo." Simula ko.
"Oh yes Ella ako 'to. Buti napatawag ka?"
"I'm accepting the project. Please inform mr. Flores about it. Thank you!"
"Good decision. Mabuti na lang at kaagad kang tumawag, alam mo kasi maraming nagustuhan si Cyrus sa mga ibang nag-apply. Pero sigurado akong ikaw ang pipiliin niya sa lahat ng iyon." Sabi niya na parang sigurado siya.
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanfictionPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...