Afraid
Nadya's POV
Mabilis akong bumalik sa apartment namin ni Keet. May problema ba si Cyrus? Hindi man lang siya nagpaalam sa akin!
Sinusubukan kong tawagin ang numero ni Cyrus nagriring naman pero walang sumasagot.
"Cyrus naman! Sagutin mo please!!"
Pagbukas ko ng pintuan ay nadatnan kong hahalikan na sana ni Keet si Sandy pero nagulat sila sa akin.
Hala naistorbo ko pa tuloy sila. .
"Uhh Nads bakit?" Parang walang nangyaring tanong ni Keet
"Sorry Keet, Sandy, si Cyrus umalis na! Hindi ko alam kung saan pumunta!" Natataranta na ako dito!
"Anong umalis? Paanong umalis?" Tanong ni Keet
"Nag checked out na siya dito. Hindi man lang niya sinasagot mga tawag ko eh..."
"Baka naman emergency. Wag kang mag-panic. Alam mo naman na anak siya ng may ari ng Flores Company, baka may urgent lang."
"Sana nga.... Pasensya na talaga kayo..."
Tumango naman silang dalawa. Pumunta na lang ako sa kwarto at nagkulong.
Pinag-aalala naman ako ni Cyrus. Natatakot ako na baka binalikan niya si Allison.
Wag naman sana.
Lumipas ang linggo na puro pag-aalala ang ginawa ko. Ni hindi rin ako makakain ng maayos.
Ngayong araw na ang tour namin sa mga landmarks ng Paris France.
Excited ang lahat sa araw na ito at hindi mo maiitatago ang ngiti sa kanilang mga labi pati na si Ms. Gerado.
Hindi naman nakasama si Anthony, ano kayang ginagawa niya ngayon? Sayang at di siya nakasama. Kung sabagay ako na narito hindi masyadong maenjoy ang tour dahil sa pag-aalala.
Unang pinuntahan namin ay ang Notre Dame na isa sa nga malalaki at pinakakilalang simbahan sa mundo. Nanatili pa rin itong matatag kahit may French Revolution na naganap.
Sana ganun din ang mangyari sa amin ni Cyrus. Kahit na magkatampuhan at mag-away kami ay mananatili pa ring matatag ng relasyon namin.
Kumuha ng mga litrato ang mga kasama ko. Pero ako nakatulala lang.
"Nadya hindi ka ba masaya?" Tanong ni Sandy
Saglit pa akong nag-isip ng isasagot ko.
"Okay lang. Binabagabag lang kasi ako ng pag-alis ni Cyrus."
"Wag ka ng mag-alala. Mag-enjoy ka muna, sayang naman kung hindi ka magiging masaya." Saka siya ngumiti.
Pilit na lang din akong ngumiti.
Ang sunod na pinuntahan namin ay ang Arc de Triomphe isa sa mga sikat na monumento dito sa Paris. Itinatag ito para bigyang ala ala ang mga lumaban at namatay nung French Revo. at Napoleon wars.
Nakakamangha naman ang ipinakitang tapang ng mga bayaning lumaban para sa bayan nila.
Namangha din ako sa ganda ng Louvre Palace na nagsilbing royal palace noon. Ang istraktura nito at ng Louvre Pyramid ay hindi biro.
Ang huling pinuntahan namin ay ang Musee de'Orsay na punong puno ng mga French masterpiece tulad ng mga paintings, sculptures, furnitures at photography.
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanficPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...