Unexpected Scene
Nadya's POV
"Bye Nay! Bye Tay! Alis na po kami!"
"Anak mag-ingat ka doon ah? Kung may problema wag magdalawang isip na tawagan ako." paalala ni inay
"Opo nay! Kayo din po mag-ingat kayo!" kaway ko kina inay at itay
Kinuha na ni Keet yung maleta ko at sigurado akong nasa likuran na ng sasakyan iyon.
"Oh anak mag-ingat kayo roon." paalala ni manang Ising
"Opo manang, kayo din po mag-ingat kayo. Inumin niyo po mga gamot niyo sa tamang oras, wag din po kayong magpapalipas ng gutom. Ipinakiusap ko na po kayo kay inay." paalala ko din kay manang. Hindi naman na nagpapagod si manang sa mansyon, ayaw ni Cyrus. Gusto niya na magpahinga na lang siya pero todo tanggi pa rin si Manang.
"Mga ateng paki- bantayan na rin po si manang ah." pakiusap ko kina ate Myra, Alice at ate Koring.
"Oo naman Nadya, malakas si manang sa amin." ani ateng Koring
"Huwag mo na siyang alalahanin. Kami na rin magbabantay kay ate Selya at kuya Lukas." sabi rin ni ate Alice
"Basta mag-enjoy ka lang dun! At wag kalimutan ang pasalubong!!" dagdag pa ni ate Myra
"Syempre po! Sige alis na ho kami!"
Sa huling beses ay kinawayan ko silang lahat at tumungo na sa sasakyan ni Keet.
"Tara na Keet?"
"Wala ka bang nakalimutan?"
Meron. Nakapag-paalam na ako sa lahat pwera lang kay Cyrus. Kanina ko pa nga siya hinihintay na umuwi. Hindi kasi kami nagkasabay na umuwi ni Cyrus kanina, nagpa-iwan siya. Di ko alam kung nasaan siya ngayon......Gabi na.
"Mukhang wala na, na-check ko na kanina mga gamit ko."
"Sure?" sumilay ang mga mapanuring mata ni Keet
"Oo naman! Lezz go!" hindi ko na lang pinansin ang mga tingin ni Keet
Yung totoo? Alam ba niya na hinahanap ko si Cyrus? Hindi kasi ako mapakali sa mga titig niya. Parang may nagawa ako na hindi ko masabi sa kanya.
Kung nasaang lupalop man naroon si Cyrus , bahala siya!
Hapon na ng nakarating kami sa Charles de Gaulle international airport ng France. Halos labing-apat na oras din ang naging biyahe namin. Nahilo nga ako sa biyahe, buti na lang at nakatulog ako kahit ilang oras lang.
"Welcome to France!" ani Keet
"Haba ng biyahe! Medyo nagutom ako." Nagutom talaga ako, hindi naman kasi heavy meals ang binibigay sa loob ng eroplano. Parang pang diet na meals lang, kaya hindi talaga ako nabusog.
"Kain muna tayo bago dumiretso sa apartment namin?"
"Please?"
"Bienvenue!" bati ng guard sa restaurant na pinuntahan namin hindi kalayuan sa Charles de Gaulle Int. airport.
Iminuwestra ng isang waiter ang available na table for two.
Kumuha ng menu ang waiter at saka iniabot sa amin.
Binuksan ko ang menu at nanlaki ang mga mata ko sa mga pagkaing sineserve nila.
Hindi ko maintindihan!!
"Anong' sayo Nads?" tanong ni Keet
"Uhh... Ikaw anong sa'yo?"
"May I have a Skillet Chicken Bulgogi and Iced tea please." Ano daw ? Bulogi? Ano yun? Chicken lang yung alam ko!!
BINABASA MO ANG
The One Destined For Me (JaDine Fanfic) ON-HOLD
FanfictionPaano kung ang mahal mo may mahal ng iba? Maghihintay ka ba kung kailan ka niya mamahalin pabalik? Paano kung sabihin niyang "hindi kita kayang mahalin" ? Mamahalin mo pa ba siya? Paano kung habang may mahal kang iba ay mahal ka din ng bestfriend mo...