Sorry medyo matagal ang update, almost a week din, nabusy lang po sa work 🙂
Enjoy reading😘
------------------------------
MASAMA na ang tingin sa kanya ng kaibigang si Freia, dahil kanina pa niya kinakapa ang nuo at leeg nito upang alamin kung may lagnat ba ang babae. Freia is an introvert kind of girl kaya sobra talaga siyang nag tataka, na ito pa ang nag aya sa kanilang dalawa ni Yarrow na tumakas para mag clubbing. Yarrow on the other hand is excited about this whole thing at pasayaw sayaw pa ito habang nakaupo sa unahan.
“Will you please stop that already As, I’m not sick!” nakatirik ang matang turan ng kaibigan ng hindi na ito nakapag pigil.
“Well, you can’t blame me, sobrang nakakapag taka lang talaga na nag aya kang mag bar, ikaw! Si Sapira Freia Silva “the introvert” Crison, nag aya na tumakas at mag bar ng ganun ganun lang. No! I’m not buying that my friend. So, tell me, anong meron?” sagot niya rito saka lalo ito siniksik sa kinauupuan nito.
“Nothing” sabi nito na humalukipkip sa gilid.
“Ow, come on Frei, alam mong hindi kita titigilan” sabi niya sa kaibigan na niyakap ang isa nitong braso at humilig sa balikat ng babae, alam niyang may nangyari dito, wala naman kasi itong interest sa night life. The Freia they all knew won’t ask them to scape from their guards which is their brother and go clubbing without a valid reason.
“I just want to keep it to myself” mahina nitong turan pero sapat para marinig niya, napaangat siya ng mukha ng marinig ang sinabi nito.
“So, we are now keeping secrets from each other?”
“No! not like that, I will tell you rin naman, but not now, please! I’m pissed”
“Owkey, basta you promise me that you will tell me, okay?” she doesn’t want to push her luck dahil baka mag away lang sila, but she also needs to make sure.
“Yeah, I’ll tell you some other time pag hindi na ako asar” pangako nito kaya hindi na niya pinilit ang kaibigan. At dahil inalis na niya ang atensyon sa kaibigan ay napabaling siya sa kapatid na walang tigil sa walang pakialam na pag giling, napapailing iling nalang tuloy ang driver ng taxi na katabi nito.
“Row, will you please stop dancing. And tigas ng katawan mo!” umiiling niyang turan sa kapatid, matigas kasi talaga ang katawan nito at wala itong kapag-a-pag-asa sa pag sasayaw, pero ilalaban niya ito kung kantahan ang labanan. Sa kanilang tatlong babae kasi ay si Freia talaga ang dancer, magagaling din sumayaw ang mga kuya ng babae, they all got it from their mother, Tita Fire. Masyado lang introvert itong si Freia kaya hindi masyadong alam ng lahat kung gaano ito kagaling sumayaw, pero maihahalintulad talaga ito sa ina kung pag sasayaw ang pag uusapan. Samantalang si Yarrow naman ay nag mana sa kanilang ina who has a beautiful voice, at masyadong confident itong kapatid niya kaya lahat ng singing competition sa school nila ay sinalihan na nito at palagi naman itong nananalo. Nasobrahan nga yata ito sa confidence kaya pati dance contest ay gusto nitong salihan kahit ang tigas tigas naman ng katawan nito, mabuti nalang at nag papaawat naman sa kanya ang kapatid. Siya ang kolelat sa kanilang tatlo kung talent ang pag uusapan, well, she considers herself as an average girl, hindi siya magaling kumanta pero marunong naman, hindi naman siya off tune kaya kahit di kagandahan ang boses niya ay napag tyatyagaan ng daddy nila ang mga kanta niya. Masyado kasing sensitive ang tenga ng ama nila at mahilig itong magpatigil pag off tune ang kumakanta. Hindi rin siya marunong sumayaw, she can do a simple step pero pareho talagang kaliwa ang dalawa niyang paa. Sa maraming bagay ay naiiba siya sa dalawang kapatid, Yarrow took her beauty from their mom and Edric took from their dad, while she doesn’t look like her mother nor her father, ang sabi ng daddy niya ay kamukha siya ng lola niya from her mother side but she doesn’t have a picture to compare. Hindi narin naman iyon mahalaga sa kanya, she already made piece with the fact na kinapos talaga siya sa talent, at ang dalawang kapatid ang biniyayaan niyon dahil maganda rin ang tinig ni Edric, sa katunayan ay maraming nahuhumaling dito dahil sa boses nito.
“Wag ka ngang magulo, istorbo ka sa dance number ko, diba kuya?” sabi nito na nag pakampi pa sa driver. “Yes ma’am” pakikisakay naman dito ng matanda “See! kulitin mo yang si Frei para malaman natin kung anong mabuting ispiritu ang pumasok sa katawan niyan at nag aya mag bar. OMG! I need to have a word with that good spirit, para makausap ko na palaging sapian iyang babaeng iyan” sabi nito sabay turo kay Freia
“Shut up Row, kumanta ka nalang ng masiyahan naman ako sayo” sabi naman ni Freia.
“Ow wow! Bakit? ako ba nasiyahan sayo? Well tonight, oo kasi mag babar tayo dahil sayo” patili nitong turan saka muling bumalik sa pag sasayaw.
“You do realize, na lagot tayo sa mga magulang natin kapag nalaman nila to. At nakasisigurado akong malalaman nila to” sabi niya sa kapatid.
“Sus, madali lang yan, lalambingin ko lang si daddy tapos si Drey” sabi nito, palagi kasi itong ipinag tatanggol ng kuya nila. Samantalang siya, never mind nalang, sa dalas nilang mag away na mag kapatid, maituturing niyang himala kapag ipinagtanggol din siya ng lalaki, hindi niya alam pero maiinit talaga ang dugo ng kapatid niyang iyon sa kanya.
“Mabuti nga kayo tatlo lang ang problema ninyo, sila Edric, Tito at Tita lang, eh ako? Yari ako sa buong angkan ko pag nag kataon. Kasalanan kasi talaga ito ng kumag na yon eh!” sabi naman ni Freia, totoo naman ang sinabi nito, dahil sobrang higpit ng mga magulang, kapatid maging ng mga pinsan, Titos at Tita’s ng babae, isama pa ang lolo at lola nito. Alam niyang pagagalitan rin sila ni Yarrow ng mga Silva at Crison dahil parang anak narin ang turing ng mga ito sa kanilang tatlong magkakapatid, pero iba parin ang sitwasyon ni Freia, nag iisang babae kasi ito ng mga Silva at Crison kaya ingat na ingat ang buong pamilya rito.
“Okay, stop about this yari-yari thing already, let’s cross the bridge when we get there! but for now, leeeets Paartteeey!” tuwang tuwang turan ni Yarrow ng sa wakas ay nakarating sila sa gusto nilang puntahan.
“Hey Row, don’t you dare drink any drinks from someone except us okay?” babala niya sa kapatid, may tiwala naman siya dito, hindi rin naman ito tanga, pero minsan nasosobrahan ng pagiging sociable nakakalimutan mag ingat kaya mabuti ng paalalahanan niya.
“As, don’t worry about me okay? I can manage, yong isang yon ang bantayan mo” sabi nito sabay nguso kay Freia na hindi niya namalayang nag lakad na pala papasok sa naturang bar. Agad niyang hinawakan ang pulsuhan ng kapatid at hinila ito para sundan si Frei.
“Basta, hindi tayo dapat mag hiwahiwalay huh” bilin niya sa dalawa ng makapasok na sila, sa totoo lang ay kinakabahan siya. This is the first time na pumasok sila sa ganitong klase ng lugar, it was so crowded at masyadong maingay, ang sakit rin sa mata ng mga patay sinding ilaw na iba’t iba ang kulay. They are too sheltered from anything like this, silang tatlo ang itinuturing na prinsesa ng apat na pamilya kaya hindi sila basta basta pinapayagan pumunta sa mga party maliban nalang kung kakilala ng mga magulang nila, at sa tuwing papayagan sila ay hindi pwedeng hindi nila kasama ang mga dakila nilang bantay na minsan ay mas mahigpit pa sa mga magulang nila.
“Oh my god, I wanna go home!” narinig niyang turan ni Freia.
“Hey, are you okay?” pasigaw niyang tanong dito, sa lakas ng music at sa ingay ng paligid ay kailangan nilang sumigaw upang magkarinigan silang tatlo. Nakaupo na sila ngayon sa isang sulok habang ang ibang kabataan ay abala sa pag sasayaw sa gitna ng dance floor, may pailan ilan pa silang nakikita na nag hahalikan, naiiskandalo man ay pinili nalang nilang mag patay malisya. Dahil bago lang sila sa ganung lugar ay nanahimik lang sila sa kanilang mga upuan, si Yarrow ay pasayaw sayaw sa upuan nito katulad ng ginawa nito kanina habang nasa taxi silang tatlo. Alam niyang medyo natatakot din ang kapatid kaya kahit atat na itong mag saya ay nananatili ito sa kinauupuan.
“No, but I will survive, I think?” sagot nito sa tanong niya na ikinatawa niya.
“What do we do now?” tanong niya kay Yarrow
“I don’t know, dance maybe?” tanong din nito.
“Okay let’s dance” biglang sabi ni Freia “But let’s just dance with each other, is that okay?” dagdag nito na agad nilang sinang ayunan ng kapatid. And so, sabay sabay silang tumayo na tatlo at mag kakahawak ang kamay na nakipag siksikan sa mga kapwa kabataang nag sasayaw, ng medyo makahanap sila ng pwesto ay nakisayaw narin silang tatlo. Aster never knew that clubbing can be this fun, akala niya ay hindi totoo yong sinasabi ng mga classmate niya kapag nag kukwento ang mga ito tunkol sa experiences ng mga ito sa bar, habang lumalalim ang gabi ay unti unti ng nawala ang takot nilang tatlo at malakas na silang nag tatawanan, they are enjoying each other’s company. Ilang lalaki ang sumubok lumapit at makipag sayaw sa kanila pero hindi sila pumayag kaya nag sisialisan rin ang mga ito at hinahayaan nalang sila. Nang mapagod na sila sa pag sayaw ay bumalik sila sa kanilang upuan, um-order sila ng juice upang mapawi ang kanilang uhaw, hindi kasi sila umiinom ng alak. Well, bawal silang uminom ng alak, ang pag takas nila ay sapat na para ma grounded silang tatlo ng isang buwan at hindi na nila planong dagdagan ang kasalanan nila sa pamamagitan ng pag inom, dahil sigurado silang magiging times two ang parusa nila kapag nag amoy alak silang tatlo.
“Hi girls, enjoying the night?” biglang sabi ng lalaking basta nalang naupo sa kanyang tabi, napaalis siya sa pag kakasandal sa couch na kinauupuan dahil inilagay nito ang braso sa sandalan, nag mumukhang naka akbay ito sa kanya. Nag katinginan silang tatlo, pareparehas nilang hindi alam kung ngingiti ba sila rito at makikipag kaibigan o palalayasin nila ang lalaki dahil hindi naman ito invited.
“Come on, we just want to be friends” sabi nito nang mapansin ang reaction nilang tatlo saka may sinenyasan sa bandang likod nito, kasunod niyon ay may dalawa pang lalaking lumapit sa table nilang tatlo, but unlike the first guy, nanatiling nakatayo ang dalawa nitong kasama sa gilid nila. “My name is Jazz, and this are my friends, Gigs and Rob, actually kanina pa namin kayo pinagmamasdan, you girls are beautiful pero ngayon ko lang kayo nakita dito, don’t worry we just want to be friend” mahaba nitong turan, muli silang nagkatinginang tatlo, mukha namang mababait ang mga ito, pero hindi parin talaga niya alam kung anong gagawin sa mga ito.
“Uhm, Hi!” bigla niyang turan, mag mumukha naman kasi silang tanga na tatlo kung hindi man lang sila mag re-react, bumaling sa kanya ang lalaking nag pakilalang Jazz.
“What is you name?” tanong nito sa kanya, nakita niyang kinakausap narin ng dalawa nitong kasama sila Yarrow at Freia, mukhang mababait pero mga playboy ang mga ito.
“I’m Aster” pag papakilala niya sa lalaki, inabot nito ang kanyang kamay saka iyon hinalikan, medyo nailang siya sa ginawa nito kaya binawi niya ang kamay mula rito at tinignan ang dalawang kasama, katulad niya ay mukhang hindi rin komportable ang mga kasama, especially Freia na hindi naman talaga sanay makipag usap sa mga lalaki maliban nalang sa mga kapatid at pinsan nito at kay Edric. Tumikhim siya saka muling bumaling sa lalaking katabi niya, isang tipid na ngiti ang ibinigay niya rito.
“Uhm Jazz, right?” pag kokomperma niya sa pangalan nito, agad namang tumango ang lalaki at nginitian rin siya, gwapo ang mga lalaking ito pero naiilang na sila sa presensya ng mga ito.
“I’m sorry, you guys are okay naman, but we kinda like to be on our own tonight, I hope you and your friends don’t mind” apologetic niya turan sa lalaki, ayaw naman kasi niyang bastusin ang mga ito at baka magalit, hindi naman nawala ang ngiti sa mga labi nito at bahagyang tumango sa kanya.
“No worries, we understand, we just really want to know you, but we also don’t want to make you girls uncomfortable so we will take our leave, but can I have your number at least, please” sabi nito, at dahil ayaw naman nga niyang bastusin ang lalaki ay ibinigay nalang niya ang numero niya. Hindi naman nag laon ay umalis na ito at ang mga kaibigan nito, silang tatlo namay ay nakahinga ng maluwag at muling bumalik sa dance floor upang sumayaw. Dahil nag i-enjoy na silang tatlo ay hindi na nila namalayan ang oras, pag balik nila sa kanilang table ay nag katinginan pa silang tatlo at sabay sabay na napangiwi, dahil alas dos na ng madaling araw.
“We need to go home” sabi ni Freia, sabay naman silang tumango ni Yarrow.
“I’ll just go to the restroom” paalam niya sa dalawa dahil naramdaman niyang puputok na ang pantog niya.
“Ok, will wait for you here, bilisan mo ahh” sabi ng kapatid niya na agad niyang tinanguan saka nag tungo ng restroom to relieve her bladder.--------------------------
See how beautiful our Aster baby. Isn't she pretty? 😍😍😍😘
YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
Roman d'amourEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...