Good evening Luetians! 🙂 hindi pa sana ako mag aupdate dahil ayon dami pa work hehehe. Pero napansin ko nung nakaraang araw na may nag vote, so naisip ko may nag babasa na nga!. Hahaha kaya ito pinilit ko makapag update tulad ng sinabi ko.
Ikaw na nag vote sa chapter 16, nag iisa ka lang naman so alam mo yon 😁, this update is specially for you! Hahahaha salamat sa support sa baguhang tulad ko. I really appreciate yong mag nag vovote, comment at siempre mga nariricruit natin jan 😅.
Sa mga bagong taga subaybay natin, tulad ng sinabi ko sa ibang naunang sumubaybay. Please enjoy your stay hehehe. ☺
Keep on voting or comment lang po kayo for update, hindi ako mangangako but ill try my best na makapag update para sa mga sumasabay dito. Pag di na ako masyadong busy back to normal na po ang update natin.
Enjoy reading! 😘
----------------------------------------
It has been long and very tiring week for Aster, from their project that keeps her busy all day and night, to her brother who never stopS nagging at her, telling her to stay away from Mr. Galvez or to any other man, hindi pa talaga ito nasiyahan sa araw araw nitong pag sasabi sa kanya na layuan ang kliyente nila, pinag bawalan narin siya nitong humarap sa lalaki tuwing may meeting, kahit pa nga gusto niyang pumunta. It’s not like she is interested to Mr. Galvez, the man in question was undoubtedly handsome and really appealing to women, but she is not affected by his charm, she want to go not because she want to see the guy but to make sure that everything is in order. Ito ang unang proyekto na ipinag katiwala sa kanya ng ama kaya gusto niyang siguraduhin na talagang magiging maganda at maayos ang lahat to impress her dad. But her brother is making it hard for her, sa tagal ata nilang hindi nag kita ay nakalimutan na nitong hindi na siya ang 17 years old Aster na kapatid nito. And because she doesn't want to argue with him anymore, she opted to just listen and stay in the office, in some ways, naging pabor din naman iyon sa kanya dahil mas nakapag focus siya sa iba pang kailangang gawin. Yon nga lang kahit na umuo na siya sa lalaki ay daig pa rin nito ang kanilang ama kung mag higpit sa kanya. Siguro kapag natapos na ang project na ibinigay sa kanya ng daddy nila ay kakausapin niya ng masinsinan ang lalaki, nauunawaan naman niya kung saan ito nanggagaling, kahit hindi sila magkasundo at close na dalawa ay kapatid parin siya nito kaya marahil ay talagang pinoprotektahan siya nito katulad ng mahigpit na bilin dito ng kanilang ama at mga tiyuhin. Ganun rin naman ito kay Yarrow, pero mas malala nga lang sa kanya dahil nalalambing naman ito ni Yarrow, hindi katulad niya, hindi gumagana ang mga pag papacute niya sa lalaki.
Today is Saturday, and she plan to rest all day, nasa bakasyon pa rin ang mga magulang nila, gusto niyang bumawi sa isang buong linggo ng pag tatrabaho, nakakapagod pala talaga mag trabaho, specially for someone like her who carries a very heavy responsibility on her shoulder. Kaya pala palagi niyang nakikitang pagod ang mommy at daddy nila, but never did she heard them complaint even once. They are really blessed with a good and loving parent, her parents deserve this vacation kaya hindi nila talaga inistorbo ang mga ito, kahit pa nga gusto gusto na niyang pauwiin ang daddy niya upang ito ang personal na mag train sa kanya. Nag unat siya ng katawan at sinilip ang orasan, it’s 8 in the morning, wala pa sana siyang planong bumaba at mas gusto lang muna niyang humilata pero nakakaramdam na siya ng gutom, kaya naman bumangon na siya at nag palit ng damit, nag hilamos narin siya nag toothbrush at nag suklay ng buhok bago lumabas ng kanyang silid at nag tungo sa kusina. Nang nasa bungad na siya ng kusina ay bahagya siyang napaatras ng makita ang lalaking tahimik na kumakain sa lamesa, ito man ay napatingin rin sa gawi niya ng marahil ay maramdaman nito ang kanyang presensya. Ng medyo makabawi sa pagkabigla ay naglakad siya palapit sa lamesa at naupo sa tapat nito.
“You’re here” may bahid ng pagtataka niyang turan, saglit naman ulit siya nitong sinulyapan saka nag kibit balikat at nagpatuloy sa tahimik na pagkain, habang siya ay hindi parin makapaniwala na narito ito ngayon sa harap niya, kelan ba niya ito huling nakitang nakaupo sa upuang iyon? noong nag paalam ito na lilipat na ng bahay.
“Why are you looking at me like that? Bawal na ba ako dito?” nakangiti nitong tanong, napansin niyang palapit na sa lamesa ang isa nilang kasambahay na may dala ng pagkain niya, kaya bahagya siyang sumandal sa kanyang upuan upang bigyan ito ng space bago niya sinagot ang lalaki.
“Nagulat lang ako, alam mo pa pala ang daan pauwi” sabi niya.
“Anong palagay mo sakin may alzheimer's?” Tanong nito na nakataas pa ang kilay, hindi na niya ito sinagot at mas piniling mag kibit balikat saka sinimulan ang pag kain, baka kasi mag sagutan nanaman silang dalawa, nakakapagod din makipag talo sa lalaki dahil hindi rin naman ito nag papatalo katulad niya.
“Have any plans today?” tanong nito habang kumakain sila dahilan upang mapaangat siya ng tingin, pasimple niyang sinipat ang paligid upang alamin kung siya ba ang tinatanong nito, para kasing himala na nagtatanong ito, kelan paba ito nagka interest sa mga plano niya? Well, sa tanang buhay niya ay wala naman talaga itong pakialam sa kanya, dalawang bagay lang naman ang dahilan upang magkaroon ito ng pakialam. Una, kapag ang bagay na iyon ay may kinalaman sa kaligtasan niya, para silang hindi magkapatid dahil literal na hindi sila close, pero sigurado siya na pag nasa panganib siya ay nariyan ang lalaki upang tulungan siya, katulad nalang noon insidente sa bar dati. Pangalawa, kapag ang bagay na iyon ay may kinalaman sa lalaki at pakikipag relasyon, na siyang dahilan ng pag sasagutan nila nitong isang buong lingo, daig pa kasi nito ang ama nila. Ng masiguradong wala silang ibang kasama ay bumalik ulit siya sa pagkain at saka sumagot.
“Nothing, I just want to rest” matapat niyang tugon dito, hindi naman ito muling nag salita at tumango tango lang saka nag punas ng bibig dahil tapos na itong kumain.
“Why?” curious niyang tanong dito.
“Nothing, I just asked, baka kasi kung saan saan ka magpunta para lang makipag kita doon sa Galvez na yon palibhasa wala ako” nakabusangot nitong turan, siya naman ay napatigil sa pag subo ng pagkain at napapantastikohang napatingin sa lalaki, hindi niya malaman kung pag tataasan ba niya ito ng kilay o matatawa siya rito.
“Don’t tell me that you came here just to make sure na hindi ako makikipag kita kay Mr. Galvez?” tanong niya sa lalaki na nag kibit balikat lang.
“Just making sure” tugon nito makalipas ang ilang minuto, napasandal siya sa kanyang upuan at ibinaba ang kutsarang hawak sa kanyang plato saka huminga ng malalim, this thing is really getting into her nerves now, pakiramdam niya ay malapit na talaga siyang sumabog.
“You do realize that I'm no longer a teenager, do you?” seryoso niyang tanong sa lalaki.
“That’s pretty obvious As” nakangisi naman nitong tugon, hindi niya alam kung nananadya ba ito o ano.
“Then why do you keep on treating me like a teenage girl? What do you care if go out with some guy? may it be Mr. Galvez or not? It’s not like I’m too young to date, I don't understand where all this paghihigpit coming from” tanong niya rito habang hindi nilulubayan ang mga mata nito na matiim ring nakatitig sa kanya.
“Just consider it as me asking for a favor As, I don't want to go to jail for, you know, murder, if I came to a point where I killed someone because you didn't listen, and don't ask where I’m coming from, because no matter how hard I explain it to you, you will never understand” tugon nito habang titig na titig rin sa kanya, bumuntong hininga muna siya bago muling nag salita.
“So bawal akong makipag date at makipag relasyon bilang isang pabor, dahil baka makapatay ka kapag nakipag relasyon ako, pero hindi ko pwedeng malaman ang dahilan kung bakit ka humihingi ng ganung klase ng pabor. Ano to Drey lokohan? Wala akong planong maging matandang dalaga just so you know” nakataas ang kilay niyang turan, iba rin talaga ang trip ng kapatid niyang ito, hindi niya alam kung umabot rin ba sa ganito ang pag hihigpit nito kay Yarrow. Bumuntong hininga ang lalaki na tila ba ito nauubusan ng pasensya sa pakikipag usap sa kanya.
“Basta no dating and no boyfriend for you As, not on my watch” sabi nito saka tumayo at iniwan siya sa kusina, sinundan naman niya ito ng tanaw hanggang tuluyan na itong mag laho sa paningin niya, maybe she should talk to their parents? Baka may saltik na ang lalaking iyon, but deep inside her, she knew that she will not be able to talk to their parents about it, she just can't bring herself into doing it, something is telling her not too. Inabot nalang niya ang baso ng tubig sa kanyang tabi at uminom na din, nawalan na siya ng ganang ipag patuloy ang pagkain dahil sa lalaki, kahit kalian talaga ay panay lang kaguluhan at kalituhan ang dala ng lalaki sa kanyang sistema, isang bagay na ayaw nalang niyang intindihin dahil natatakot siya sa maaring maging sagot kapag pinag tuunan niya iyon ng pansin.
Bumalik siya sa kanyang silid upang ipag patuloy sana ang pag papahinga, pero hindi na siya dalawin ng antok, salamat sa kapatid niya, at dahil wala si Yarrow ng araw na iyon ay wala naman siyang ibang magawa sa loob ng kanyang silid, hindi naman din niya alam kung bumalik na sa condo niya si Edric o hindi pa, so she decided to read some book, muli siyang lumabas ng kanyang silid upang kumuha ng libro sa library at nag lakad papunta sa lanai when she hear Edric singing “the heart wants what it wants” by Selena Gomez. Hindi niya napigilan ang sarili na lumakad palapit sa kwarto nitong nakabukas ang pinto, ng nasa tapat na siya ng pinto ay nag salubong ang kanilang mga mata, tila wala sa sarili siyang pumasok sa silid nito habang patuloy naman ang lalaki sa pag kanta nito. She never realized how much she missed his singing voice until she heard him sing again, his voice was her favorite sound in the whole world, she could spend the whole day just listening to it, listening to him felt like she was transported to the past where she can always hear him sing almost every night. She slowly sat on his bed beside him, still looking amazed by how good he is, the song was good too though the message was painful. She stayed there while he kept on singing until he finished, she remained unmoved on his bed until he reached out to wipe her face while worry was visible in his eye.
“Why are you crying As?” malumanay nitong turan habang marahang pinapahid ang luhang ni hindi niya alam na tumulo pala mula sa mga mata niya.
“Huh?” tila wala sa sarili niyang tanong dito sabay hawak sa kanyang pisngi, basa nga iyon ng luha niya, goodness! nakakahiya talaga siya minsan, narinig niya ang bahagyang pag tawa ng lalaki dahilan upang samaan niya ito ng tingin.
“You missed me that much huh?” mapang asar nitong tanong sa kanya dahilan para mamula ang pisngi niya, pinadilatan niya ito ng mga mata saka tumayo upang lumabas ng silid nito, goodness sinapian ba siya ng masamang ispirito o ganun nalang ang pagkamangha niya sa boses nito para maiyak siya? akmang maglalakad na siya palabas ng pinto ng maramdaman niyang hinawakan nito ang kanyang kamay na may hawak na libro.
“Na miss din kitang kantahan As, namiss kita” nakangiti nitong turan na hindi umabot sa mga mata nitong nababalot ng kalungkutan. Pagkalipas ng ilang minuto na hindi siya nagsalita ay binitawan narin to ang kamay niya, siya naman ay bahagyang nag aatubiling naglakad palabas ng silid nito, ng maisara niya ang pinto ay tila siya natauhan mula sa isang di maipaliwanag na pangyayari. Malalaki ang hakbang niyang tinungo sa kanyang silid, ang plano niyang pag babasa ay hindi na natuloy, heto nanaman ang kakaiba niyang pakiramdam kapag malapit si Edric sa kanya, sobrang bilis ng tibok ng puso niya at medyo pinag papawisan siya kahit pa nga naka aircon naman ang kwarto niya, ganitong ganito rin ang pakiramdam niya ng gabing halikan siya ng lalaki, na siyang naging dahilan ng pag alis nito ng bahay. Ipinilig niya ang ulo saka makailang beses na kumurap kurap. Whatever is this must stop, sabi niya sa isip, kaya patihaya siyang nahiga sa kama at saka binuklat ang librong hawak upang magbasa. Ilang beses ulit siyang kurap kurap bago sinimulang basahin ang aklat na napili niya, pero nakakailang oras na siyang nag babasa ay hindi parin siya nakakaalis sa unang pahina, dahil kahit anong gawin niya ay hindi niya magawang maintindihan ang binabasa niya, kaya naman hindi siya makaalis alis doon, ng magsawa na siya ay pabalya niyang ibinagsak ang kamay na may hawak ng libro sa kama at bumuntong hininga.
“This is not working” mahina niyang bulong sa sarili. Nag paikot ikot siya sa kanyang kama at pinilit ang sarili na mag isip ng ibang bagay pero kahit anong gawin niya ay wala talagang ibang laman ang utak niya kundi ang nangyari kanina.
“Uurrrrrggg” naiirita niyang ungol, ng ma-realize niyang walang nangyayari sa mga plano niya ngayong araw ay nag pasya siyang tumayo at maligo, mabuti pa siguro ay mag mall na lang siya to divert her attention to something else, tama! At least sa mall ay marami siyang makikita at marami siyang pwedeng gawin. With that in mind ay nagmamadali siyang naligo at nag bihis, saka walang lingon likod na lumabas ng kanilang bahay at nag tungo sa kanyang kotse saka iyon mabilis na pinatakbo palayo sa bahay nila at sa lalaking nag dudulot ng kalituhan sa sistema niya.
YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
RomanceEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...