Habang palapit sila ng palapit sa kanilang bahay ay patindi naman ng patindi ang kabang nararamdaman ni Aster, pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya sa loob ng kanyang dibdib, pinagpapawisan na rin siya ng malagkit.
“Baby relax, wala silang mahahalata kung aarte tayo ng normal, pero kung ganyang butil butil ang pawis mo sa noo ay baka mahalata talaga tayo” nakangiting turan ni Edric habang mahigpit na hawak ang kanyang kamay, trying to lighten the atmosphere, napabaling siya rito at napansin niyang relax na relax ang lalaki, hindi niya alam kung paano nitong nagagawa ang bagay na iyon pero siya, hindi niya kayang baliwalain ang kabang nararamdaman.
“Hindi kaba natatakot?” tanong niya sa lalaki, nginitian siya nito bago sumagot. “Natatakot, just like you, I don't want to disappoint mom and dad, I don't want to see disgust in Yarrow eyes, I don't want to break their hearts, but I can face that, what I am really afraid of is to lose you baby, you are my world, my strength, my everything. Kung malalaman nila ang tungkol sa atin, it won't be easy for me too, it will also crush me, but I can take that, but not the pain of losing you, it will not just crush me baby, it will surely kill me, so yes, natatakot ako, pero nakahanda akong harapin ang lahat kung ang kapalit noon ay hindi ka mawawala sakin” madamdamin nitong turan saka hinalikan ang likod ng kanyang kamay na hawak nito simula kanina. Mabagal lang ang pag mamaneho nito, giving her more time to collect herself.
“God, I wish I can calm down just like you” sabi niyang ipinaypay ang isang kamay sa kanyang mukha. “Okay sige ganito, para hindi ka masyadong kabahan, wag mo isipin yong nangyari satin, pag kaharap natin silang halat, wag mo isiping tayo, hanggang masanay ka sa setup natin, ang mahalaga naman ay pareho nating alam kung gaano natin kamahal ang isat isa” suggestion nito, napatango tango naman siya at pilit na sinunod ang suggestion nito, paulit ulit niya iyong ibinubulong sa isip hanggang sa mapatingin siya sa mag kahawak nilang mga kamay.
“Paano ko naman iisipin na wala tayong relasyon kung kanina mo pa hawak ang kamay ko?” nakataas ang kilay niyang tanong sa lalaki na natawa nalang sa kanya, pero ipinag pasalamat narin niya na binitawan nito ang kanyang kamay, dahil tanaw na niya ang gate ng subdivision nila, hindi niya inasahan na isa-suggest nito ang bagay na iyon, but she also think that’s the best way to act normal, ang wag isiping may relasyon silang dalawa kahit parang napaka imposible naman niyong gawin. She inhale as much oxygen as she can and slowly release it, good thing at nakatulong ang ilang ulit niyang pag hinga ng malalim upang kumalma kahit kaunti ang kanyang Sistema.
“Feeling better?” tanong ng lalaki, tumango naman siya saka ito nginitian. Tama, wala namang alam ang mga tao sa bahay nila sa totoo nilang relasyon, silang dalawa lang ang nakakaalam, kung ayaw niyang mabuko, kailangan niyang umarte ng normal. Humugot uli siya ng isa pang buntong hininga ng huminto na ang sasakyan ni Edric sa kanilang bakuran. “You can do it” sabi niya sa sarili saka binuksan ang pinto ng sasakyan at lumabas doon, hindi na niya hinintay ang lalaki at derederetso na siyang pumasok sa kabahayan, mas mabuti ng wag silang mag sabay sa pag lalakad para mas marelax siya.
“Good afternoon dad” bati niya sa amang naabutan niyang nakaupo sa sala habang nagbabasa ng libro. “Good afternoon sweety, so how was it?” tanong nito na ang tinutukoy ay ang kanilang ocular. Naupo siya sa tabi nito bago sumagot, pakiramdam kasi niya ay matutumba siya dahil naramdaman niya ang bahagyang pagsagi ni Edric sa kanya ng dumaan ito sa kanyang likod at naupo sa tapat ng kanilang ama. “Everything is fine dad, I will make a recommendation to the HR team so they can work on the other things, sabi niya sa ama saka muling tumayo “Where is mom?” tanong niya rito na hindi binalingan ang lalaking ngayon ay seryoso ng nakaupo sa harap ng kanilang ama.
“In the kitchen, preparing dinner” tipid na sagot ng kanilang ama, iniwan niya ang dalawang lalaki sa sala at nag lakad patungo sa kusina kung saan naroon ang kanyang ina. “Hi mom, good afternoon” bati niya rito saka yumakap at humalik sa pisngi nito. “Afternoon sis” bati rin niya kay Yarrow na nakikigulo pala sa mommy nila sa pag prepare ng pagkain “Afternoon sis” bati rin nito sa kanya na hindi man lang siya nililingon dahil abala ito sa ginagawa.
“Mabuti at nakauwi na kayo ng kuya mo, akyat kana sa room mo para makapag pahinga ka muna bago tayo mag dinner, ipapatawag nalang kita huh” nakangiting turan ng kanilang ina, tumango naman siya at sinunod ang ina, mas mabuti rin iyon dahil hindi siya komportable na ngumiti sa harap ng mga ito gayong alam niyang may malaki siyang kasalanang ginawa. Nang makapasok na siya sa loob ng kanyang silid ay bagsak ang balikat siyang naupo sa kanyang kama, bakit ganito, masaya siya oo, walang pagsidlan ang kasiyahan niya ngayong silang dalawa na ni Edric, pero bakit ang bigat? Bakit para siyang sinasakal? Bakit kahit anong saya ang nararamdaman niya ay may bigat parin? parang isang baso na umaapaw ang tubig sa kalahating bahagi habang ang kalahati ay tuyot na tuyot. Ganun ang nararamdaman niya, sobrang saya, sobrang sarap, pero may kulang. Ganito ba talaga ang pakiramdam kapag alam mong mali ang ginawa mo? Nag mahal lang naman siya, wala naman siyang tinatapakang tao, naging mabuti naman siya, naging masunurin, ito lang naman ang ginusto niya sa tanang buhay niya, pero bakit ganun? Akala niya kapag nakuha na niya ang gusto niya ay magiging buo na ang kasiyahan niya, pero nagkamali siya, nakuha nga niya ang gusto pero hindi naging buo ang kanyang kasiyahan. At sa sarili niya ay alam niyang hindi iyon magiging buo kahit kailan. Dahil kahit anong gawin nilang dalawa, pareho nilang alam na mali ang relasyon nila. Pero wala ng magagawa pa dahil tapos na, nag desisyon na silang ituloy kahit alam nilang mali at bawal. Muli siyang humugot ng malalim na buntong hininga saka patihayang nahiga sa kama, kailangan niyang maging matatag, wala siyang ibang pwedeng sisihin sa kung ano man ang kahihinatnan ng relasyon nilang dalawa ni Edric kundi ang sarili niya, malinaw sa isip niya na walang pumilit sa kanyang pasukin ang bagay na ito, personal niya itong desisyon kaya dapat niyang panindigan.
Bumangon siya at nag tungo sa banyo upang mag linis ng katawan at mag palit ng damit. Pag labas niya ay sakto namang tumunog ang kanyang cellphone. Dinampot niya iyon at tinignan ang message, she receive two messages, one from their group chat about their weekly get together and one from Edric, hindi na siya nag abalang buksan ang group chat nila dahil siguradong panay kalokohan nanaman ang pinag uusapan doon lalo na kapag panay ang mga boys ang sumasabat. Ang Message na lang ni Edric ang binuksan niya at hindi niya mapigilang mapangiti sa message ito.
Edric Walker:
Hi baby! Where are you? I miss you already. sabi nito sa chat, inilapag muna niya ang cellphone at nag bihis bago nag reply sa chat ng lalaki.
Aster Walker:
Just finish cleaning myself, I’ll be in lanai in a few, reply niya rito.Sigurado siyang pupunta ito ng lanai para makita siya. Kaya naman excited siyang lumabas ng silid at nag lakad patungo sa doon, pakiramdam niya ay isa siyang teenager na kinikilig dahil magkikita sila ng kanyang crush, ganito pala ang feeling ng may kasintahan bulong niya sa isip. Hindi nga siya nagkamali, pagdating niya doon ay naroon narin ang lalaki at tahimik na naghihintay sa kanya, agad na umaliwalas ang mukha nito ng makita siya, nag lakad ito palapit sa kanya at tila ba gusto siyang yakapin ng panlakihan niya ito ng mata, na unawaan naman nito ang gusto niyang sabihin kaya napasimangot na lang ito at naupo na lang sa upuang naroon. Hindi sila nag uusap, na kuntento na sila sa mga simple nilang palitan ng tingin, minsan ay sabay pa silang natatawa sa kakornihan nilang dalawa, pero pareho rin silang walang pakialam, dahil nag i-enjoy sila sa ginagawa, kahit pa nga para silang sira na nakaupo lang at nag titinginan.
“Ma’am Sir, tinatawag na po kayo ng mommy ninyo” narinig nilang tawag ng isa nilang kasambahay, nakangiti niya itong nilingon at tinanguan tanda na susunod na sila, ng tumalikod ang kasambahay ay tumayo narin siya at nag lakad kasunod nito, naramdaman niyang nakasunod rin sa kanya ang lalaki.
Katulad ng madalas mangyari ay naging masaya ang kanilang dinner, as usual ay si Yarrow nanaman ang kanilang bangka, their parents listen attentively sa dinadaldal ng kapatid nila, ganun din naman ang ginawa niya, as much as possible ay hindi siya sumusulyap sa gawi ni Edric dahil baka mahalata sila ng mga kasama, kaya naman minabuti niyang manahimik nalang. After the dinner ay nag stay muna sila sa sala, nag kwentuhan lang sila ng kung ano ano, madalas talaga nilang gawin ang bagay na iyon simula pa noon, dumalang lang naman iyon ng lumipat ng tirahan si Edric, ginagawa parin naman nila ito kahit na wala ang lalaki, yun nga lang ay hindi sila kumpleto, ngayon nalang ulit nila ito nagawa ng kumpleto sila at masasabi niyang masaya siya na nakakapag kwentuhan at nakakapag tawanan sila ngayon ng buo. Ano kaya ang mangyayari sa masaya nilang pamilya kapag lumabas na ang katotohanan sa pagitan nila ni Edric? Naniniwala siyang walang sekretong hindi nabubunyag, alam niyang sooner or later ay mahuhuli sila, it’s just a matter of time, at hindi niya maimagine ang mangyayari sa kanilang pamilya kapag sumapit na ang araw na iyon, kung saan kailangan na nilang harapin ang masakit na katotohanan.
Nang mas lumalim ang gabi ay nag pasya na silang mag pahinga, nagsawa na rin sa kakadaldal si Yarrow at nakakaramdam narin siya ng antok at pagod, kaya dumeretso na siya sa kanyang silid, muli siyang nag linis ng katawan saka nag bihis ng regular niyang pantulog at sumampa sa kama, matutulog na sana siya ng makatanggap siya ng tawag mula sa kasintahan, kahit nakakaramdam na siya ng pagod ay pinili parin niyang sagutin ang tawag nito.
“Hi babe” agad nitong bungad sa kanya na ikinangiti niya.
“Hello” tipid niyang sagot.
“Are you sleeping? Naistorbo ba kita?” tanong naman nito.
“No, actually kakahiga ko lang, patulog palang sana ako, why did you call? Tanong niya rito.
“I just miss you, gusto sana kitang makatabi kaso hindi pwede kaya tinawagan nalang kita, go to sleep na, I’ll sing you a song until you fall asleep” turan nito na tinanguan naman niya kahit hindi siya nito nakikita. Inayos niya ang pag kakahiga at itinapat ang cellphone sa kanyang tenga upang marinig niya itong kumakanta, tinatamad na kasi siyang bumangon upang kunin ang earphone niya.
If I had to live my life without you near me
The days would all be empty
The nights would seem so long
With you I see forever, oh, so clearly
I might have been in love before
But it never felt this strong
Our dreams are young and we both know
They'll take us where we want to go
Hold me now, touch me now
I don't want to live without you
Nothing's gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
One thing you can be sure of
I'll never ask for more than your love
Nothing's gonna change my love for you
You oughta know by now how much I love you
The world may change my whole life through
But nothing's gonna change my love for you
PATULOY LANG SIYA sa pag kanta, hindi niya alam kung gising pa ba ang kinakantahan niya o tulog na, pero hindi siya tumigil hanggang sa hindi natatapos ang kanta. At ng matapos na iyon ay hindi niya napigilan ang pag silay ng isang matamis na ngiti sa kanyang mga labi, alam niyang nakatulog na ang babae dahil naririnig niya ang banayad na tunog ng pag hinga nito. Pinatay niya ang tawag bago humiga sa kanyang kama, he is happy, there is no denying that, he never felt this happy in his entire life, ngayon lang, at dahil yun kay Aster, aaminin niyang kinakabahan rin siya sa maaaring kahantungan ng pag mamahalan nilang dalawa. Kung gugustuhin ng mga magulang nila na paghiwalayin silang dalawa ay wala siyang magagawa, hindi dahil sa wala siyang gagawin kundi dahil alam niyang hindi siya mag wawagi laban sa mga ito, kahit may sarili na rin siyang negosyo at maayos naman iyong tumatakbo ngayon ay hindi parin yon maikukumpara sa kung ano ang meron ang kanilang ama, isama pa ang connection ng kanilang ina, nakasisigurado rin siyang tutulong mga mga tito nila sa kung ano man ang magiging pasya ng mga magulang nila, para narin talaga nilang mga magulang ang mga nakatatandang Silva at Crison, ano ba naman ang magiging laban niya sa mga ito, pero kahit ganun, kahit alam niyang he doesn’t stand a chance against them ay nakahanda siyang sumugal, para sa kanila ni Aster, He will fight for her no matter what! That he promise.

YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
RomanceEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...