Good morning Luetians! today is my writting anniversary in wattpad, happy 1 year to us 😁😁
Maiba lang ako, I saw comment sa isa kong story, bakit daw parang nauulit ang story? Yes po, sinadya ko talaga yon para makita nio both female and male POV, kayang parang naulit pero yong repeat ng scene is POV na ni Puma 😊 sana umabot dito yong nag ask para mabasa nia yong sagot ko ☺.
At dahil 1 year anniv ko ngayon, mag update ako hehehehe.
Welcome sa mga new followers antin diyan, may nabudol nanaman tayo 🤣🤣😅. Sana mas marami pa tayong mabudol sa mga darating na taon. Enjoy your stay! 😁 humayo kayo at mag pakarami. 😘
------------------------------------------
Nag mamadali niyang inayos ang sarili, sa sobrang pagkataranta niya ay hindi na niya maibalik sa pagkaka hook ang kanyang brassiere, mabuti nalang Edric was there to help her, well kasalanan din naman nito kung bakit iyon nakalas. Mabilis siya nitong pinatalikod at ito na ang pagkabit ng hook para sa kanya, naramdaman pa niya ang pag dulas ng kamay nito sa kanyang bewang pero hindi na niya iyon pinansin. Nang masigurado niyang maayos at presentable na ang kanyang itsura, ay nag mamadali niyang dinampot ang bag na hindi niya namalayang nabitawan niya kanina, bahagya lang niyang sinenyasan ang lalaki na mag tago bago siya tuluyang lumapit sa may pinto upang pag buksan ang kapatid na panay ang tawag mula sa labas.
“Row, akala ko tulog kana” Kinakabahan ngunit nakangiti niyang tanong sa kapatid, hoping na wala itong narinig mula sa mga panaka naka nilang pag uusap ni Edric kanina habang.. never mind, saway niya sa sarili, pilit niyang itinuon ang atensyon sa kapatid na bahagyang nakakunot ang noo habang nakatingin sa kanya.
“I went to your room to check if nakauwi kana but you're not there, tapos nakarinig ako ng mga boses na parang nahihirapan na ewan dito sa library kaya nag punta ako. Naisip ko na baka nasa loob ka at may hindi magandang nangyayari.” mahaba nitong paliwanag. Napalunok naman siya sa sinabi ng kapatid, dahil totoo namang may nangyayaring hindi dapat sa loob kanina, at kung hindi ito dumating, God knows kung saan pa sila maaaring humantong na dalawa ni Edric. But of course, hindi niya iyon aaminin sa babae, mabuti nalang at nag salita ito at hindi nito naisipan na buksan agad ang pinto kundi ay siguradong huli sila sa akto. Mabilis niyang hinawakan ang braso ng kapatid at nakangiti itong hinila papunta sa kanyang silid.
“What do you need? Why are you looking for me?” pag iiba niya sa usapan, hindi niya mapigilan ang mapangiwi ng mapansin na nakatuon parin sa pinto ng library ang mga mata ni Yarrow habang hinihila niya ito papunta sa kanyang silid.
“What happened to you? Bakit umuungol ka?” tila nag tataka nitong tanong, napalunok muna siya ng laway bago nakangiting sumagot sa kapatid. “A-ano, nabung-nabungo kasi ang legs ko sa table ni daddy, kaya, ayon na-napaungol ako, ang sakit nga eh, pero okay naman na wala namang galos tsaka wala narin ang sakit ngayon” nauutal niyang pag dadahilan, praying na sana at tanggapin nito ang alibi niya.
“Ang clumsy mo naman” sabi nito saka inalis ang tingin sa pinangalingan nila kaya naman nakahinga siya ng maluwag. “So why are you looking for me?” tanong ulit niya sa kapatid upang tuluyang alisin kung ano man ang maaaring tumatakbo sa isipan nito.
“Edric was here, I just want to check if you're okay, baka kasi nag away nanaman kayo nung isang yon, lalo pa at nalaman ko na nag mamadali kang umalis kanina” sabi nito na ikinangiti niya.
“Sus, yun lang naman pala, hindi kami nag talong dalawa, sabay pa nga kami nag breakfast eh, umalis lang talaga ako kasi hindi na ako makatulog, naisip ko mamasyal nalang para malibang, wala ka naman kasi eh, anyways, kumusta pala ang short vacation mo?” tanong niya rito, pinayagan ito ng parents nilang sumama sa isa nitong kaklase na umuwi ng province para makapagrelax naman ito, dahil super stressed ito.
“Ow it was fun, super fun, ang saya rin pala sa province noh? Ang dami kong na meet na mga new people and grabe! para akong prinsesa kung ituring nila doon, well masisisi ko ba sila e mukha naman talaga akong princess sa ganda kong ito” pag yayabang nito na ikinatawa niya at lihim na ipinag pasalamat dahil mukhang hindi na nito naiisip yung narinig nito sa library kanina, at halatang excited itong mag kwento ng mga nangyari dito.
“Kaya naman pala nag enjoy ka dahil ginawa kang prinsesa, may nanligaw ba sayo doon?” tanong niya sa kapatid, hindi na siya mag tataka kung oo ang sagot nito, napaka ligawin naman talaga nitong si Yarrow, pero dahil mahigpit ang mga bantay nila ay walang nakakalusot, ewan lang niya doon sa province. Dahil sa tanong niya ay lumingon ito sa kanya at tinirikan siya ng mga mata na ikinatawa niya, base sa reaction nito ay alam na niya ang nangyari.
“As if naman may makakalusot na manliligaw, kila Drey palang wala ng makalusot, isama mo pa sila dad at tito, may cute guy panaman sana doon, I thought I can at least flirt with him, nakakainis!” nag mamaktol nitong turan sabay upo sa kanyang kama, siya naman ay nag handa para makapag wash habang nag kukwentuhan silang magkapatid.
“Oh, what happened with the cute guy?” tanong ulit niya rito kahit alam na niya ang sagot, sabay pasok ng CR, hindi na siya nag abalang mag sara ng pinto dahil nag uusap sila ni Yarrow.
“Well, ayon napurnada, I can't believe na kahit sa province ay umaabot ang galamay nila sa pag babantay satin! I mean, how do they do that?” sabi nito na may hand gestures pa. Mabilis lang niyang tinapos ang pag lilinis ng katawan saka nag tungo sa kangyang dressing room, sumunod naman si Yarrow sa kanya.
“Nagtaka ka pa? you know tito Puma owns this some sort of agency” sagot niya sa kapatid, wala silang masyadong idea about the agency dahil hindi naman sila ini-expose doon ng mga magulang dahil mga babae daw sila, basta alam lang nila na may agency ang tito Puma nila na related sa mga ganung bagay. “Malamang may mga nakabantay sayo palagi kung paanong may nakabuntot din samin ni Frei palagi” pag papaalala niya rito. Kahit naman kasi ayaw nila ay hindi nila napigil ang mga magulang na mag talaga ng security guards nilang tatlo, ipinagpapasalamat na lang nila na hindi naman nila nararamdaman na may nakasunod sa kanila palagi, nagsimula iyon nung isa-isa ng magtapos ng kolehiyo ang mga Silva at maging abala sa kanya kanyang tinatahak na landas. Akala nga nila ay medyo magiging maluwag na ang buhay nilang tatlo noon pero nagkamali sila.
“Dapat si Frei lang ang binabantayan nila ng ganun” kunyari ay nayayamot nitong turan, alam naman niyang nag dadrama lang ito at hindi totoong nag tatampo o ano pa man sa kanilang daddy at mga titos.
“We are blessed they love us all like their own” sabi ulit niya rito matapos siyang mag palit ng damit pantulog saka lumabas ng dressing room at nahiga sa kanyang kama, tumabi naman ng higa sa kanya ang kapatid, napabaling siya rito ng tila bigla itong nanahimik. “Problem?” tanong niya rito, bumaling naman sa kanya ang babae saka siya malungkot na nginitian.
“Medyo nakakalungkot din pala noh, kapag nasanay ka na palagi kayong mag kakasama tapos bigla hindi na kayo kompleto at bilang nalang ang mga pagkakataong nag kakasama kayo, As much as I enjoy hanging out with my new circle of friends, nakakamiss din ang mga kumag na yon” sabi nito, simula kasi ng maging abala na sa buhay ang mga kaibigan nila at nag kanya kanyang lipat narin ng tirahan ay medyo dumalang na lang ang pagkikita nila, once a week nalang sila nagkakasama sama at madalas ay hindi na sila kumpleto dahil palaging wala si Conall. Si Drey naman ay palaging wala kapag kasama siya kapag ito naman ang kasama ay siya ang wala, hindi niya lang sure kung wala ulit ito bukas dahil sasama siya.
“Namimiss mo lang si Conall eh” pang aasar niya rito dahilan upang samaan siya nito ng tingin.
“I was so over him na noh! hindi ko na siya crush! Kaya bakit ko siya mamimiss?” sagot nito na ikinatawa niya, hindi niya alam kung totoo bang wala na itong crush kay Conall, mukha namang totoo dahil nag i-entertain na ito ng ibang lalaki sa buhay nito, kahit na bawal pa talaga itong mag entertain sa ngayon.
“Hay, makabalik na nga lang sa room ko, sige na, good night sis, magkikita kita pa tayo bukas, excited na ako sabi nito saka halos patakbong lumabas ng kanyang silid. “Lock the door please” pahabol niyang sigaw bago ito tuluyang makalabas na sinunod naman ng kapatid. Nang makalabas na ito ng kanyang silid ay dahan dahang napalis ang kanyang matamis na ngiti at dagling lumabas ang kanyang tunay na nararamdaman.
Marahan siyang napahawak sa kanyang labi na kanina lang ay walang sawang halikan ni Edric, parang hindi maproseso ng utak niya ang nangyari kanina. Naulit nanaman ang tagpong iyon 5 years ago, and this time, malinaw na malinaw ang takbo nang kanilang pag iisip. Hindi siya nakakadama ng pandidiri at aaminin niyang nagustuhan niya ang ginawa nila, sa katunayan ay gustong gusto, at kung siya lang ang masusunod ay gusto niya iyong ulit ulitin, parang isang malakas na drugs ang tamis ng labi nito, nakaka addict, parang hindi na niya kayang tumigil, patunay ang mga unggol niyang hindi niya alam na naririnig pala ni Yarrow at ang pag papaubaya niya sa lalaki. Goodness! kung hindi pa dumating si Yarrow, sigurado siyang higit pa sa halik at haplos ang nangyari sa kanilang dalawa. Ano ba itong nangyayari sa kanya? matagal na niya itong nararamdaman, pinipilit lang niyang baliwalain dahil hindi tama, pero ngayon na wala na siyang maidahilan sa kagagahang nagawa niya, paano pa niya iyon babalewalain? Kung ibabase niya sa mga inaakto at sinasabi ng lalaki kanina ay malinaw niyang masasabi na pareho sila ng nararamdaman, at yun ang pinaka malaki niyang problema sa ngayon.
Nakakaramdam siya ng takot, sa maaaring mangyari sa mga susunod na araw, kung hanggang saan niya kayang pigilan ang sarili. Pano ba niya magagawang pigilin ang sarili kung natutuliro ang kanyang utak sa tuwing malapit ito sa kanya? dapat siguro ay mahigpit niyang ipatupad ang safe distance na sinasabi ng lalaki, pero bakit parang ayaw niyang gawin iyon, not now na muli niyang naramdaman kung gaano kasarap ang makulong sa mga bisig nito, that feeling of peace and security na naramdaman niya ng lumapat ang matigas nitong pangangatawan sa kanya, pakiramdam niya ay walang mangyayaring masama sa kanya kapag yakap siya ng lalaki. Nalilito siya, kailangan niyan umiwas sa lalaki alam niya iyon pero hindi niya gustong gawin ang ibinubulong ng kanyang isip, napakalakas ng pwersang umaalipin sa kanya, maging hanggang ng mga oras na iyon ay nais niyang bumalik ng library upang tignan kung naroon pa ang lalaki upang muli niya itong makasama at mahalikan. Kanina habang mahigpit siya nitong yakap, habang masuyo nitong hinahaplos ang kanyang katawan, pakiramdam niya ay may bahagi ng pagkatao niya ang biglang napunan, na tila ba matagal ng naroon ang kakulangan na iyon at ito lamang ang nakapuno. Umikot siya sa pag kakahiga at humarap sa kanyang kanan, kasalukuyan siyang nag iisip kung ano ang gagawin niya ng makatanggap siya ng text message mula sa lalaki.
“Let’s talk” yon ang laman ng message nito, napangiti siya at mabilis na tumayo, hahakbang na sana siya palabas ng kanyang silid ng bigla siyang mapatigil sa kinatatayuan, ano naman ang sasabihin niya sa lalaki? Na nagustuhan niya ang pinag saluhan nilang halik? Na agad siyang na addict sa mga yakap nito at haplos? Na gusto ulit niyang gawin nila ang bagay na iyon? Tila nanghihina siyang napaupo sa gilid ng kanyang kama. Gusto niyang puntahan ang lalaki pero natatakot siya sa maaaring kalabasan ng muli nilang pag lalapit.
“I’ll wait for you in the garden” muli nitong text sa kanya, mabilis niyang nilapag ang kanyang cellphone sa nightstand at saka pinatay ang mga ilaw at muling nahiga sa kanyang kama. Though it’s hard to sleep without talking to him, she would prefer to be in her room away from him and sleep, kesa muli nanaman silang mahulog sa isang pagkakamali. Kailangan niyang pairalin ang kanyang utak ngayon, at ang sinasabi nito ay ang lumayo na sa lalaki habang maaga pa, habang wala pang nasusunog sa kanilang dalawa, dahil kung pag bibigyan niya ang sarili, siguradong parehas silang matutupok sa apoy ng kasalanan.
KINABUKASAN ay maaga siyang nagising kahit hindi siya halos nakatulog, bahagya tuloy nangingitim ang ilalim ng kanyang mga mata, itinago lang niya iyon sa pamamagitan ng concealer. Maaga siyang nag ayos at bumaba upang kumain ng agahan. Bahagya pa siyang napatigil sa pag pasok ng kusina ng makita niya si Edric, seryoso naman itong bumaling sa dereksyon niya ng siguro ay maramdaman siya nito, nandoon narin si Yarrow, halatang excited na mag kikita kita nanaman ulit silang magkakaibigan.
Hindi niya pinansin ang nanunumbat na tingin ng lalaki, alam niya kung bakit tila galit nanaman ito sa kanya, sa halip ay naupo siya sa kanyang pwesto, nag good morning lang siya kay Yarrow bago sinimulang kainin ang inihain ng kasambahay, ramdam niya ang pag sunod ng mga mata ni Edric sa bawat galaw niya, pero pinilit niyang wag itong tignan at magpatay malisya sa paninitig nito.
“Do you have an idea kung saan tayo pupunta ngayon?” tanong ni Yarrow sa kanya, umiling naman siya dahil wala talaga siyang idea, madalas ay ang mga Silva ang nag paplano kung saan sila magkikita.
“Kumain ka nalang Yarrow, malalaman mo rin naman mamaya” sagot ni Edric dito.
“Sungit mo naman, nag tatanong lang ang tao eh, may dalaw ka nanaman ba?” tanong nito kay Edric.
“Malalaman mo rin naman kasi and alam mo rin namang sila Gunar ang nagpaplano ng mga ganitong lakad so bakit samin ka nag tataong” balik nito sa kapatid nila, halatang mainit ang ulo ng lalaki, napabuntong hininga lang siya ng mag simula ng magtalo ang dalawa sa harap ng pagkain.
“Mag asawa ka na nga Drey, para mabawasan naman yang kasungitan mo, hmp” turan ni Yarrow. Hindi na niya narinig na sumagot ang lalaki, gusto niyang tumingin rito at alamin ang reaction nito pero natatakot siya, buo na ang pasya niya, kailangan nilang umiwas sa isat isa upang maiwasan nilang mangyari ulit ang nangyari kagabi, and this is her listening to her brain than her heart.

YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
RomanceEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...