Happy reading Luetians😊
------------------------
MATIYAGANG nakipag siksikan si Aster sa mga kapwa kabataang nag kalat sa loob ng naturang bar, ihing ihi na talaga siya at ano mang oras ay puputok na ang pantog niya, ng sa wakas ay nakita niya ang CR ay halos patakbo na siyang pumasok doon, mabuti nalang walang tao kaya nagawa kaagad niya ang dapat niyang gawin. Pag tayo niya ay medyo nakaramdam siya ng hilo, rinig parin sa loob ng CR ang ingay sa loob ng bar pero hindi iyon ganun kalakas, napahawak siya sa dingding at ipinikit ang mga mata, hindi naman sila uminom pero nakakahilo parin ang mga ilaw at ang amoy ng alak sa paligid. Saglit muna siyang nanatiling nakahawak sa pader bago niya inayos ang sarili, lumabas siya ng cubicle at saka inayos ang mukha, hindi pa naman siya haggard pero inayos narin niya ang makeup, ng matapos na siya sa ginagawa ay mabilis na siyang lumabas upang balikan ang dalawang kasama na paniguradong nag hihintay sa kanya. Pag labas niya ay aksidente siyang nabangga ng isang lalaki, agad naman siya nitong nasalo kaya hindi siya tuluyang bumagsak sa sahig, amoy alak ang lalaking nakabangga sa kanya kaya ipinaling niya ang ulo sa bandang gilid, dahil mahigpit parin nitong hawak ang kanyang bewang kahit maayos na siyang nakatayo.
“Oi, gandang chix pare” sabi nito sa mga kasama bago ang mga ito malakas na nag tawanan.
“Let me go” sabi niya sa lalaki na halatang lasing na saka ito itinulak palayo sa kanya pero ayaw siya nitong bitawan, sa halip ay naramdaman niya ang mas lalong pag higpit ng kamay nito sa kanyang bewang dahilan para mag pumiglas na siya.
“Beautiful, tingin ka sakin” sabi nito na hinagilap ang kanyang baba at pwersahan siyang pinaharap dito, agad siyang sinalakay ng matinding takot ng mag tama ang kanilang mata ng lalaki, namumula kasi ang mga mata nito at bakas sa mukha nito na bangag ang lalaki, marahil ay naka-drugs ang mga ito. “Tangina ang ganda pala talaga pare” sabi nito sa mga kasama na ngayon ay nakikiosyoso narin sa mukha niya. Siya naman ay pilit paring kumakawala sa mahigpit nitong pagkakahawak sa kanya, ang baho ng hininga nitong amoy alak.
“Wag ka ng mag pumigas Ms. Beautiful, ang mabuti pa sumama ka nalang samin ng mga kaibigan ko ng mapakinabangan naman namin yang ganda mo” sabi nito saka siya hinila papunta sa kung saan, nag panic na siya kaya agad siyang nag susumigaw.
“Row Help! Frei! Help me! Let me go you bastard, hindi ako sasama sa inyo, bitawan mo ako! Yarrow help me” malakas niyang sigaw habang nahihintakutan, hindi niya alam kung saan siya dinadala ng mga lalaki basta may dinaanan silang pasilyo, ng mahirapan ang lalaking hilahin siya dahil panay ang piglas at sigaw niya ay pinasan nalang siya nito na parang sako ng bigas. Nasasaktan siya sa paraan nito ng pag hawak sa kanya pero wala doon ang isip niya kundi sa takot na nararamdaman, hindi naman siya tanga para hindi malaman kung ano ang planong gawin ng mga lalaking ito sa kanya.
“Help me Row, Drey!” sigaw niya, deep inside ay nananalangin siyang dumating ang lalaki upang iligtas siya, hindi man sila magkasundong dalawa ni Drey ay hindi naman nito hinahayaan na mapahamak siya, at palagi siya nitong tinutulungan sa oras ng pangangailangan. But tonight, is different dahil wala doon ang lalaki kaya kahit anong tawag niya sa pangalan nito ay wala namang mangyayari. Sa lakas ng ingay sa loob ng bar alam niyang himala rin na narinig siya ng dalawang kasama kanina, ang pag asa nalang niya ay kung mag tataka ang mga ito kung bakit ang tagal niyang makabalik at hanapin siya ng mga ito.
Maya maya ay nakita niyang nasa labas na sila ng bar, nasa bandang likod iyon at wala siyang nakikitang tao kahit isa, gayon paman ay sumigaw parin siya, ang tatlong lalaki naman na nagdala sa kanya doon ay nag tawanan lang sa ginawa niya.
“Beautiful, kahit anong sigaw ang gawin mo walang makakarinig sayo dito, walang dumadaan dito at kung meron man, sa palagay mo tutulungan ka nila? takot lang nila samin, kaya kung ako sayo, maging mabait ka nalang at ibigay mo ang gusto namin para hindi ka na masaktan” sabi ng lalaking bumuhat sa kanya saka siya sinunggaban ng halik, sa abot ng makakaya niya ay iniwas niya ang sarili, pero mahigpit siya nitong niyakap sa bewang, ang dalawa niyang kamay ay nakahawak sa ulo nito at pilit iyong itinutulak palayo sa kanya.
“Let go of me! You monster! Heeeelp!” Malakas niyang sigaw habang pilit parin itinutulak ang lalaking may masamang tangka sa kanya, hanggang sa may nakita siyang lumabas sa dinaanan nila kanina and the next thing she knew, isa-isa ng tumutumba ang tatlong lalaking nag dala sa kanya doon. Ng pare-parehas ng walang malay ang mga lalaking iyon ay sa kanya naman bumaling ang nag babaga nitong mga mata, alam niyang ipinag dasal niya kaninang dumating ito upang iligtas siya, pero sana pala sila Aiden nalang ang dumating. Kung bakit naman kasi napakabait ni God at kung sino ang ipinag dasal niya ay siya talagang ipinadala nito gayong pwede namang ibang tao nalang, ngayon ay nauunawaan na niya ang ibig sabihin ng kasabihang be careful of what you wish for, nakasisigurado siyang bubugahan nanaman siya ng apoy ng dragon na ngayon ay nakatayo na sa harap niya.
GALIT NA GALIT SI EDRIC, hindi lang siya kundi pati ang anim na lalaking kasama niya, kahit mag kakahiwalay sila ng sasakyan ay alam niyang pare-parehas silang nag pupuyos sa galit ng mga oras na iyon. Sino ba naman ang hindi magagalit, nalaman lang naman nilang tumakas ang magagaling na babae, buong akala nila ay natutulog na ang mga ito, mabuti nalang at pumasok si Tita Fire sa silid ni Freia kaya nalaman nitong unan lang ang nakahiga sa kama ng babae, at ng silipin nila sina Aster at Yarrow sa silid ng mga ito ay ganun din ang naabutan nila. Mabuti nalang at hindi naman sila nahirapan sa pag hahanap sa tatlong babae, dahil agad na pinakilos ng Tito Puma niya ang mga tao nito upang hanapin ang prinsesa nito. Tatlong sasakyang ang dinala nila, tig tatlo ang laman ng dalawang sasakyan habang mag isa lang siya sa isa pa. Pagkarating nila sa bar na pinuntahan ng tatlo ay agad silang pumasok sa loob, hindi naman sila nahirapang hanapin ang mga babae, pero napakunot ang nuo niya ng mapansing dalawa lang ang nandoon, mabilis silang lumapit sa mga ito at agad nilang hinawakan ang dalawang babae sa mga braso nito, walang nag sasalita sa kanilang pito, pero tingin palang nila ay sapat na upang malaman ng mga ito ang galit nila dahilan para mapayuko ang mga ito.
“Where is Aster?” tanong niya sa dalawa dahil hindi niya nakikita ang babae sa paligid, maging ang mga kasama niya ay palinga linga rin sa buong paligid upang hanapin ang babae.
“I can’t see her” sabi ni Aiden na akmang lalakad papunta sa dance floor, marahil ay upang hanapin ang babae
“She went to the CR, ang tagal nga niya eh” sabi ni Yarrow na hawak niya sa braso, dahilan upang mapatigil si Aiden sa akma nitong pag lalakad. “Con” tawag niya sa kaibigang si Conall, naunawaan naman agad nito ang ibig niyang sabihin kaya lumapit ito sa kanila at kinuha si Yarrow mula sa pag kakahawak niya.
“Ouch naman, ang higpit mo naman makahawak” reklamo ng kapatid niya kay Connal “Wag kang maingay kung ayaw mong pilipitin ko itong braso mo, kung hindi kayo tumakas di sana hindi ka nasasaktan ngayon” pag babanta ng lalaki, hindi na niya pinansin ang dalawa, madalas naman kasing mag talo ang mga ito, at alam niyang hindi kailan man sasaktan ni Con ang kapatid niya, dahil ito pa nga ang nauunang manapak sa mga nag tatangkang manakit sa babae kesa sa kanya. Sinenyasan niya ang mga kaibigan na lumabas na bago siya nag simulang mag lakad papunta sa CR “Sigurado ka?” tanong ni Torin habang hawak nito si Freia, tinanguan lang niya ang mga kaibigan bago nag patuloy sa pag lalakad. Mababalatan talaga niya ng buhay ang babaeng iyon oras na makita niya ito, ang lakas ng loob na pag alalahin sila.
Nakarating siya sa CR at nakita niyang bukas naman ang pinto niyon, ang problema ay hindi naman siya maaring pumasok dahil CR iyon ng mga babae, kaya nakiusap nalang siya sa isang babae na nakita niya, mabuti nalang at nadaan sa ngiti niya ang babae at pumayag na icheck ang loob ng CR. Pagkalabas ng babae ay agad na tinambol ng matinding pangamba ang dibdib niya, nag pasalamat siya sa babae at alertong nag palinga linga sa paligid, maya maya ay merong tumapik sa kanyang balikat.
“Edric” sabi ng kaklase niya na siya palang tumapik sa kanya. “Anong ginagawa mo rito?” pasigaw nitong tanong sa kanya.
“Looking for someone” pasigaw rin niyang sagot dito, napakunot ang nuo nito sa sinabi niya saka muling nag tanong “Who?” hindi nito kilala si Aster pero dahil nag tanong ito ay mabuti narin sigurong tanungin niya ang lalaki, baka nakita nito ang babae “Have you seen this girl here? according to my sister she went to the CR” tanong niya rito sabay pakita ng larawan ng babae sa kanyang cellphone, tinignan naman iyon ng classmate niya bago ito umiling “I haven’t seen her” sagot nito, pero may sinabi ito sa kanya ng tila may maalala “Where?” tanong niya rito na agad namang itinuro ang tinutukoy nito.
“Thanks man” sabi niya sa lalaki at agad na tinahak ang daang itinuro nito, hindi raw nito nakita ang mukha ng babae pero baka iyon ang inahanap niya. Dinala ng tatlong lalaki sa kung saan at doon dumaan, Hindi niya kailangang maging genius para maisip kung ano ang planong gawin dito ng mga lalaking iyon. Habang mabilis na nag lalakad ay kumuyom ang kanyang mga kamao, sisiguraduhin niyang kilay lang ang walang latay sa mga ugok na yon sa oras na makita niya ang mga ito at sa oras na may gawing masama ang mga ito kay Aster. hindi pa man siya tuluyang nakakarating sa dulo ng pasilyo ay naririnig na niya ang sigaw ng isang babae, at hindi siya maaring magkamali, kilalang kilala niya ang boses na iyon, na kahit siguro tulog siya ay makikilala parin niya.
Mas binilisan niya ang pag lalakad at halos takbuhin na niya palabas, ng makalabas siya ay hindi siya nahirapang makita kung saan ang mga ito. Pagkakita niya sa kalagayan ng babae ay agad na nag dilim ang paningin niya, dalawang lalaki ang nanonood sa mga ito habang ang isa ay iniipit si Aster sa pagitan ng katawan nito at ng pader na nasa likod ng babae, habang panay naman ang sigaw at tulak ng babae sa mukha ng lalaki na nakasobsob sa bandang leeg at taas ng dibdib nito. Hindi na siya nakapagisip at agad niyang sinugod ang isa sa tatlong lalaki, magkasunod na suntok at sipa ang pinakawalan niya rito, ng makita ng pangalawang lalaki ang ginawa niya ay akmang susugod ito sa kanya upang tulungan ang kasama pero higit na mas mabilis siya, katulad ng nauna ay magkasunod na suntok at sipa ang pinakawalan niya rito dahilan para mawalan rin ito ng malay. Nang masigurong hindi na babangon ang dalawa ay ang leader naman ng mga ito ang hinarap niya, nakita niyang natigilan ito ng titigan niya ito ng masama at agad na binitawan si Aster, akmang tatakbo ang lalaki pero hindi niya ito hinayaang makatakas. Sunod sunod ang pinakawalan niyang suntok sa mukha nito, lalong lalo na sa bibig ng lalaki, nag didilim ang paningin niya habang naaalala niya kung panong dumapo ang labing iyon sa leeg at sa taas ng dibdib ng babae, nahimasmasan lang siya ng makarinig siya ng malakas na pag singhap mula sa kung sino, ng lumingon siya ay nakita niya si Aster na totop ang sariling bibig habang nakatingin sa kanya, bakas ang takot sa maganda nitong mga mata. Matalim ang matang nag lakad siya palapit sa babae, alam niyang medyo natakot ito dahil medyo napaatras pa ito at napasandal sa pader sa likod nito kung saan ito iniipit ng lalaki kanina. Ng makalapit siya rito ay mahigpit niyang hinawakan ang panga nito at sa nagdidilim na paningin ay dinukot niya ang panyo sa bulsa at pinunasan ang leeg nito gamit iyon hanggang sa mamula na ang leeg nito.
“Ouch Drey, that hurts” narinig niyang reklamo nito, ni hindi niya namalayang namumula na ang leeg nito, ang tanging laman lang ng isip niya ay ang burahin ang bakas ng halik ng hayop na lalaking iyon sa balat nito. Madilim parin ang mukha niya ng bahagya siyang lumayo rito.
“Saan kapa hinalikan ng lalaking yan?” turo niya sa lalaking nakahandusay sa lapag at wala paring malay hanggang ngayon. “Here” tila natataranta nitong turan sabay turo sa bandang dibdib nito na expose sa suot nitong damit dahil mababa ang neckline niyon, hindi naman kita ang cleavage nito sa damit pero sigurado siyang makikita iyon kapag yumuko ang babae. Napunta sa parting itinuro nito ang kanyang nag babagang mga mata. “Alcohol” sabi niya sabay lahad ng kamay, mabuti nalang at meron naman pala itong dala sa pouch nito na nakasabit lang sa pulsuhan nito. Kinuha niya ang alcohol mula rito at agad iyong ini-spray sa dibdib nito dahilan para mapalundag ito sa gulat. “Why did you do that?” tanong nito, pero hindi niya sinagot ang babae at agad na pinunasan ang parting binasa niya ang alcohol. Bahagya siyang natigilan sa ginagawa ng medyo bumaba ang kamay niya sa taas lang ng mayaman nitong dibdib, at mapatitig sa banayad na pag taas baba ng dibdib nito sa tuwing hihinga ang babae dahilan para pangapusan siya ng hininga, parang tinangay ng hangin ang utak niya at dahan dahang ibinaba ang mukha papunta sa dibdib ng babae. Bumalik lang sa normal ang takbo ng kanyang utak ng hawakan nito ang kamay niya upang agawin ang panyo na ginagamit niyang pamunas rito.
“Ako na” sabi nito, napaangat ang tigin niya sa mukha nito at tila ba siya napapasong napalayo rito ng mag tama ang kanilang mga mata. Sunod sunod siyang napamura sa isip habang dahan dahang lumalayo sa babae na ngayon ay abala na sa pag punas sa dibdib nito, hinintay niyang matapos ang babae sa ginawa nito saka niya ito hinawakan sa pulsuhan at hinila papunta sa mga kasama nilang siguradong nag hihintay sa kanila._____________________________
Edric Walker peaople.😍
YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
RomanceEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...