Chapter 36

71 8 0
                                    



Aster was crying in her bed again, she locked the door to make sure that Yarrow will not see her in her current state, gabi na ng ihatid siya ni Freia sa bahay nila at wala naman siyang masyadong nakasalubong maliban sa isang kasambahay, sinabi niya rito na pag may nag hanap sa kanya ay sabihin matutulog na siya at ayaw niya mag pa istorbo. Ng makapasok na siya sa kanyang silid ay agad na tumulo ang kanyang luha. Natatakot siya, hindi niya alam ang gagawin, kahit ang sabihin kay Edric ang sitwasyon ay parang hindi niya kaya, kanina pa siya tinatawagan ng lalaki ngunit hindi niya iyon sinasagot, nasa out of the country conference ang lalaki at isang linggo ang ilalagi nito roon, alam niyang nag aalala ito sa hindi niya pag sagot sa mga tawag nito, pero hindi niya ito kayang kausapin, ayaw muna niyang kumausap ng kahit na sino. Iyak lang siya ng iyak. Hindi na niya mabilang kung ilang ulit niyang tinignan ang ultrasound na inabot sa kanya ni Freia kanina, it was the first picture of her child, she should be happy, but she can't, call her selfish, but this child is unwanted, hindi pa siya handa, at kahit kalian siguro ay hindi siya magiging handa. Paano niya sasabihin sa mga magulang na nag pabuntis siya? and worst sa sarili pa niyang kapatid? Paano tatanggapin ng mga ito ang kasalanang nagawa niya? siguro ay mas matatanggap pa ng mga ito kung sa ibang lalaki, pero sa sarili niyang kapatid. Paano niyang ipaiintindi sa mga tao na nagmamahalan sila? Ano ang gagawin niya? This is so sudden, hindi sila nakapag handa, ni hindi nga nila na pag uusapan ni Edric ang bagay na ito. Ang tanga tanga niya! Bakit hindi niya naisip na pwede siyang mabuntis? Bakit hindi niya naisip na pwedeng mag bunga ang ginagawa nila, they were so active in sex, sa bawat lihim nilang pag kikita ay hindi maaaring hindi sila mag talik, para silang palaging uhaw sa isa't isa. Bakit hindi siya nag ingat ng husto? Bakit? bakit? bakit? ang dami niyang bakit, gusto niyang sumigaw at magalit pero kanino? Ginusto naman niya lahat ng nangyayari sa kanila ni Edric, hindi siya nito pinilit. Gulong gulo ang isip niya, walang patid ang pag patak ng kanyang luha, hanggang sa kusa ng sumuko ang kanyang katawan at tuluyan na siyang makatulog, dahil sa pagod at halo halong emosyon na nag papahirap sa kanya ng mga oras na iyon.

KINABUKASAN ay nag kulong lang siya sa kanyang silid, wala siyang lakas na bumangon, nahihilo siya at masakit ang kanyang ulo dahil sa halos magdamag na pag iyak, ng tignan niya ang kanyang cellphone ay nakita niyang napakaraming miss calls ni Edric, tambak din ang mga messages nito, nag aalala ito kung maayos ba siya dahil hindi naman niya gawaing hindi ito pansinin, maliban nalang kung magkaaway silang dalawa, na hindi na muling nangyari simula nung huling insidente na nag away sila at muntik ng mag hiwalay.

Ilang ulit siyang kinatok ng sariling Ina upang tanungin kung okay lang siya pero nag matigas siya na wag itong papasukin, sinabi niya na okay lang siya at gusto lang niya matulog dahil ilang buwan na siyang puyat, nag papasalamat naman siya at hindi nag pumilit ang Mommy nila na pumasok sa kanyang silid kahit pa nga halatang nag aalala ito sa inaakto niya. Alam niyang hindi siya maaaring manatiling ganun, kailangan niyang lumabas ng silid at pumasok sa trabaho, ngunit hindi niya kaya, hindi parin niya alam kung ano ang gagawin niya. Hindi niya kayang harapin ang panghuhusga ng mga tao sa paligid niya, mas lalong hindi niya kayang harapin ang panghuhusga ng sariling pamilya. Hindi niya kakayanin kung ikahihiya siya ng sariling mga magulang dahil sa nagawa niyang kasalanan, kaya isang desisyon ang nabuo sa kanyang isipan, alam niyang mali, pero yun lang ang nakikita niyang pwede niyang gawin ng mga oras na iyon, she need time and space para mapag isipan niya ang kanyang sitwasyon, at hindi niya iyon magagawa kung nandito siya sa kanilang tahanan. Kaya naman mabilis siyang nag impake, aalis siya, lalayo, para makapag isip, kung kelan siya magiging handa na harapin ang mga ito ay hindi niya alam, kaduwagan oo, alam niya, pero lahat naman siguro ng nasa kalagayan niya ay matatakot din. Lahat ng mga sa tingin niya ay kailangan niya ay kinuha niya, she took her savings account, na dati ay hindi naman niya ginagamit, she can't bring her cards, siguradong ma-ta-track siya ng magulang kapag ginamit niya ang mga iyon, she need cash to be able to hide. Inimpake rin niya ang ilan niyang personal documents, mga alam niyang kakailanganin niya sa pag sisimula, unting damit lang ang kinuha niya, dahil alam naman niyang sooner ay hindi na iyon kakasya sa kanya at kakailanganin niyang bumili ng bago, mabilisan niyang isiniksik ang ultrasound sa bulsa ng isa niyang bag, when everything is ready ay muli siyang naupo sa kanyang kama at pinagmasdan ang kanyang silid na naging kanlungan niya sa loob ng napakaraming taon. Ni minsan ay hindi niya inakala na kailangan niyang umalis ng hindi nag papaalam, huminga siya ng malalim at pilit na kinalma ang sarili, walang mangyayari kung palagi siyang iiyak, makakasama pa iyon sa baby nya, the child may be unwanted, but she plan to take care of him or her, kahit bunga ito ng pagkakamali nila ni Edric ay sumibol parinito dahil sa pag mamahal.

Nang sa tingin niya ay tulog na lahat ng tao sa kanilang bahay ay dahan dahan siyang lumabas ng kanyang silid, dumadagondong sa matinding kaba ang kanyang dibdib habang tahimik at maingat siyang nag lalakad palabas, panay ang dasal niya sa isip na sana ay wag magising ang kahit sino sa mga kasama niya sa bahay. Nang makalabas na siya ay dali dali niyang ipinasok ang mga gamit sa loob ng kanyang kotse, tapos ay tumakbo siya patungo sa gate ay buong ingat iyong binuksan. Tapos ay muli siyang tumakbo pabalik sa loob at sumakay sa kotse, nanalangin muna siya na sana ay hindi magising ang mga tao sa loob ng kanilang bahay, bago niya binuksan ang makina ng sasakyan. Huminga siya ng malalim bago pinausad ang sasakyan, saglit siyang bumaba upang muling isara ang kanilang gate bago tuluyang umalis sa lugar na iyon. Dahil madaling araw na ay maluwag na ang kalsada, mabilis siyang nag hanap ng pinaka safe na ATM machine upang mag withdraw, kinuha niya ang lahat ng laman niyon. Pagkatapos ay muli siyang bumalik sa loob ng kotse at nag maneho, hindi na siya nag hanap ng matutuluyan dahil madaling araw naman na, kailangan pa niyang mag tungo sa banko upang i-withdraw ang laman ng kanyang saving account, bako pa madiskubre ng mga magulang ang ginawa niya. Marami siyang saving accounts, ang iba doon ay ang mga magulang niya ang nag open para sa kanya noong bata pa siya, pero hindi niya iyon pwedeng gamitin dahil tatawagan ang mga ito ng banko kapag nag withdraw siya ng malaking halaga mula roon, bagay na hindi pwedeng mangyari, mabuti nalang at nag open siya ng sarili niyang saving account noong mag debut siya. Malaki na ang laman niyon na sasapat kahit dalawang taon siyang hindi mag trabaho. Matiyaga siyang nag hintay na mag bukas ang bangko, umorder lang siya ng breakfast sa isang drive thru, ng makita niyang nag open na ang bank ay nagmamadali siyang bumaba ng sasakyan at pumasok, agad niyang sinabi sa teller ang pakay niya at halatang nagulat ito ng sabihin niyang iwi-withdraw niya ang lahat ng kanyang savings, gayon paman ay wala namang naging problema dahil naipakita naman niya lahat ng kailangan para makapag withdraw siya. Ilang oras rin ang kinailangan ng mga ito upang maihanda ang pera, habang nag hihintay ay panay ang dasal niya na sana ay walang makakita sa kanya, sigurado siyang ng mga oras na iyon ay alam na ng mga magulang na umalis siya, sigurado rin siyang hinahanap na siya ng mga ito, hindi pa ang mga ito maaaring mag report sa mga Pulis dahil wala pa namang 24 hours simula ng umalis siya, ang inaalala niya ay ang ahensya ng Tito Puma niya, siguradong lalapit dito ang mga magulang upang hanapin siya.

"Ma'am, everything is ready na po, paki sign nalang po dito" sabi ng bank Manager ng lumapit ito sa kanya, inilapag nito sa table ang lahat ng kailangan niyang permahang dokumento na agad naman niyang pinermahan. Pagkatapos doon ay agad na siyang lumabas at bumalik sa kanyang kotse dala ang dalawang malalaking bag na naglalaman ng cash. Ng makapasok siya sa kotse ay agad niyang binuksan ang maleta niyang walang laman, sinadya niyang dalhin iyon upang mailagay niya roon ang pera ng sa gayon ay hindi ito masyadong mahalata. Nang masiguradong okay na ang lahat ay muli siyang lumabas ng kotse at kinuha ang mga gamit niya, saka umalis ng parking lot at nag hanap ng taxi, dalawang malaking maleta lang ang dala niya kaya hindi naman siya ganun kahirap, hindi na kasi niya maaaring dalhin ang kanyang kotse dahil mabilis siyang ma-ta-track ng mga magulang kapag ginamit niya iyon. Alam niyang mahahanap at mahahanap siya ng mga ito, with her Tito Puma's connection, sigurado siyang makikita siya ng mga ito, but she will do everything to buy herself more time. Gutom na gutom na siya dahil hapon na siya naka para ng Taxi, gayon pa man ay tiniis nalang muna niya ang gutom at sinabi sa driver na dumaan sa isang drive thru upang maka order siya ng pagkain. Pagkatapos ay nag pahatid na siya sa terminal ng bus papuntang Nueva Vizcaya, she need to stay away from the city kung ayaw niyang makita agad siya ng mga ito, siguro naman ay hindi na siya basta basta matutunton doon ng mga magulang, dahil wala naman silang kahit isang kakilala sa lugar na yon.

Madilim na ang paligid ng umalis ang bus na sinasakyan niya, ipinikit niya ang mga mata ng muli nanamang tumulo ang kanyang mga luha. I'm sorry Mom, Dad, I know you are worried now but I have to do this, I'm so sorry for leaving like this, for disappointing you, most of all, I'm sorry for falling in love with my brother. I'm so sorry! Paulit ulit niyang pag hingi ng tawad sa kanyang isipan habang patuloy na pumapatak ang kanyang luha. Hindi mawala sa isip niya ang kanyang Ina, sigurado siyang umiiyak ito ngayon sa matinding pag aalala, sigurado rin siyang hindi mapakali ang kanyang Ama, they have been protective of her ever since, kaya siguradong nag kakagulo ngayon sa kanilang tahanan, sana lang ay magawa siyang patawarin ng mga ito. Hindi rin mawala sa isip niya si Edric, kamusta na kaya ito? malamang ay nag aalala narin ito sa ibang bansa. She knew she should be telling him the situation, dapat magkasama nilang hinaharap ang problemang ito, dahil silang dalawa naman ang may gawa iyon, but she don't want to drag him into this mess, pwede pa itong mamuhay ng normal kasama ang mga mahal nila sa buhay ng hindi ito hinuhusgahan ng mga tao sa paligid, kung hindi malalaman ng mga ito ang tunay na dahilan ng biglaan niyang pag alis ay mananatiling maayos ang lahat para kay Edric at sa kanilang mga magulang. Kasalanan naman kasi niya kung bakit ito nangyari, siya ang babae, dapat siya ang higit na nag iingat, pero naging pabaya siya, kaya heto siya ngayon mag isang haharapin ang bunga ng kanyang pag kakamali, hindi na niya gugustuhing idamay ang ibang tao sa problemang iyon, lalo na ang lalaking mahal niya.

Pinilit niyang matulog habang bumabyahe, sinabi ng kondoktor na mahaba pa ang byahe nila at umaga na sila makakarating kaya pwede pa siyang matulog, naki usap na lamang siya rito na gisingin siya pag nakarating na sila. Maliwanag na ang paligid ng makarating sila, nang makababa siya ay nag tanong tanong muna siya sa mga tao doon kung may alam ba ang mga ito na maari niyang tuluyan pansamantala, habang nag hahanap pa siya ng pwede niyang rentahan, good thing dahil may alam daw na paupahan ang napag tanungan niya at ipinag tawag pa siya ng tricycle, ito na mismo ang nag sabi sa driver kung saan siya ihahatid, bilang pasasalamat ay binigyan niya ito ng isang libo bago sumakay sa tricycle.

Mabilis silang nagkasundo ng may ari, hindi naman ganun kalaki ang pinauupahan nitong town house pero sapat na para sa kanya, two story iyon at may dalawang kwarto, may CR ang isa sa mga silid kaya iyon ang pinili niyang gamitin. Nasa baba ang kusina at pinaka sala, meron ding CR sa baba, malinis ang paligid at may space rin naman para sa isang sasakyan. Ang problema lang ay wala siya kahit isang gamit sa loob ng bahay. Maaga pa naman at may oras pa siya upang mamili ng mga gamit kaya nag pasya muna siyang lumabas, bumili lang siya ng mga kailangan na niya, tulad ng higaan at panlinis. Pagkatapos ang kumain lang muna siya sa nakita niyang kainan dahil hindi pa siya nag aagahan, ng mabusog na siya ay umuwi na siya dala ang mga pinamiling gamit, nag walis lang muna siya sa kabuohan ng bahay tapos ay nahiga, pakiramdam niya at pagod na pagod siya, sa susunod na araw na lamang niya ipag papatuloy ang pamimili ng iba pa niyang kailangan, sa ngayon ay magpapahinga muna siya. Marahan niyang hinaplos ang impes na tiyan saka bahagyang napangiti. "It's going to be just you and me baby, but I promise that everything will be okay" bulong niya sa anak bago tuluyang ipinikit ang mga mata upang matulog.

Savage book 1: Edric Walker - CompletedWhere stories live. Discover now