Chapter 12

64 6 0
                                    


 


“BABE, stop looking at your sister already, she is fine naman eh” malanding bulong sa kanya ng babaeng katabi, kanina pa siyang naiirita dito dahil kung makakapit ay parang tuko. Kasalanan din naman niya dahil isinama niya ito, hindi naman niya kasintahan ang babae pero alam niya na kakailanganin niya ng distraction ngayong gabi, nagkataon na ito ang available kaya ito ang isinama niya. Bagay na parang gusto niyang pag sisihan dahil napaka clingy nito, iniwan na nga niya ito kanina ng lapitan niya si Aster at Harris sa gitna ng dagat ng mga tao pero heto parin ang babae at nakakapit sa kanya, sabagay wala naman kasi itong kilala doon maliban sa kanya. Hindi tuloy siya makaalis, kanina pa niya gustong lapitan si Aster na ngayon ay umiinom kasama ng Harris na iyon, alam naman niyang walang relasyon ang dalawa at walang gusto sa babae si Harris, pero nag seselos parin siya, hindi niya gustong nakikita itong may ibang kasama. Isa pa, nag aalala siya na baka mapano ito, bakit kasi pinayagan ito ng parent nilang uminom eh hindi naman ito sanay.
 
“Babe, I said stop staring at her na eh, ano bang meron diyan sa kapatid mo?” naiirita ng turan ng katabi niya, gayon pa man ay hindi parin niya ito pinansin at nanatiling nakila Aster at Harris ang kanyang mga mata.
 
‘If you won’t stop looking at them, aalis na ako, iiwan na kita dito” pananakot ng babae dahilan upang lingunin niya ito, mabilis naman siyang nginitian ng babae, ngiting agad ding napalis sa mukha nito ng tumugon siya sa sinabi nito.
 
“Okay, leave” sabi niya rito saka muling bumaling sa area na nag sisilbing bar ngayong gabi.
 
“Pag umalis ako dito, mag bi-break na tayo” pananakot pa ulit ng babae kaya muli siyang humarap dito.
 
“Break? Hindi naman tayo, bakit tayo mag bi-break?” tanong niya sa babaeng ngayon ay nanlalaki na ang mga mata “Just leave, wala akong pakialam, and stop bothering me after this” sabi niya saka inalis ang kamay nito na nakapalibot sa kanyang braso, he knew that he acted like a certified asshole tonight but he is really not in the mood. Nag papadyak namang umalis ang babae sa tabi niya, sinundan nalang niya ito ng tingin saka napapailing na ibinalik ang mga mata sa bar area. Hindi nalang sana niya ito isinama, the woman feels so entitled, akala siguro nito ay hahabulin niya ito, well, kung gusto niya ito baka pa, kaso wala siyang nararamdaman kahit katiting na paghanga sa babae. Gayon pa man ay sinundan na rin niya ito upang alamin kung nakakuha ba ito ng sasakyan, at ng masiguradong nakakuha ito ng taxi ay pumasok na rin ulit siya sa loob, ng tignan niya ang bar area ay wala na doon sila Aster, bumalik na ang mga ito sa kinauupuan ng mga ito kanina habang nag tatawanan, he can see na medyo may epekto na sa babae ang alak na ininom nito pero hindi pa naman itong lasing, bahagya lang namumula ang mukha ito at namumungay ang dati ng mapupungay na mga mata, hawak ito ni Harris sa braso habang nag lalakad, he knew too well that it was a harmless touch, pero gusto parin niyang putulin ang kamay ng lalaki na nakahawak sa babae. Nang makita niyang nakaupo na ang babae sa upuan nito ay nag tungo siya sa bar area kung saan galing ang dalawa at umorder ng alak, iinom nalang siya upang kahit papano ay malibang siya.
 
ASTER saw ng padabog na umalis ang ka date ni Edric, maging ang pag sunod dito ng lalaki, kung ibabase sa kilos ng babae ay masasabing nag away ang dalawa, hinayaan nalang niya ang mga ito at saka nilagok ang natitirang laman ng kanyang baso, humingi pa siya ng isa pa kay Harris pero ayaw na siya nitong bigyan ulit kaya bumaling siya sa bar tender upang dito humingi ng alak pero nginitian lang siya ng lalaki at hindi na binigyan ng alak.
 
“Come on guys, isa nalang please!” pakiusap niya sa dalawa pero umiling lang si Harris sa kanya dahilan upang mapasimangot siya sa lalaki.
 
“Nakakainis ka, sasabi sabi kang uminom tayo tapos pag dadamutan mo naman pala ako”
 
“Ang sabi ko uminom tayo hindi mag lasing As, isa pa may pangako ako kay Tito at Tita na hindi kita lalasingin, mabuti nga hinayaan kitang uminom ng dalawang baso eh, look at your face, namumula kana dalawa palang yung naiinom mo at hindi pa malakas na alak yang pinainom ko sayo, 1 more glass and I'm sure you will be drunk” nakangiti nitong turan na tila balewala lang dito ang pag simangot niya, kaya naman sinubukan niyang mag pa cute dito baka yon ang gumana pero tinawanan lang siya nito at pinisil ang magkabila niyang pisngi.
 
“You are so cute and adorable As, but the answer is no, come on balik na tayo sa table natin para medyo mahimasmasan kana” sabi nito na inalalayan siyang tumayo, hindi naman siya nahihilo parang medyo gumaan lang ang pakiramdam niya sa kanyang ulo at ramdam niyang uminit ang kanyang katawan, must be the effect of alcohol on her body. Naramdaman niya ang pag alalay nito sa kanyang braso na ikinatawa niya.
 
“I’m fine Harris” sabi niya sa lalaki na hindi parin siya binitawan.
 
‘Better to be sure than sorry, marami marami ang sasapak sakin kapag nagalusan ka oras na bigla ka nalang matumba diyan, isa pa, sayang ang makinis na kutis” nakangiti ring turan ng lalaki kaya naman hinayaan nalang niya itong alalayan siya hanggang sa makabalik sila sa table nila kanina.  Maya maya ay nakita niya si Edric na nakaupo sa counter ng bar area at umiinom ng alak, napailing nalang siya, nag away nga marahil ang dalawa bulong niya sa isip, then a realization hit her, “OMG” hindi niya napigilang maibulalas dahilan para lingunin siya ni Harris.
 
“What?” tanong ng lalaki “Nothing” sagot niya rito.
 
“Nothing pero nanlalaki ang mga mata mo” sabi nito saka muling bumaling sa cellphone nito, ka text ata nito ang girlfriend dahil seryoso ito sa pag te-text o pag cha-chat.
 
Di kaya? Si Diane ang mysterious girl na minamahal ng lalaki? Hindi naman kasi niya nakikitang nag lalasing ang lalaki dahil sa isang babae, wala naman kasi itong pake alam, sa mga nagiging girlfriends nito, ngayon lang niya nakita ang lalaki na nag iinom dahil sa babae at ang babaeng iyon ay si Diane. Goodness! kaya ba para itong hirap na hirap sa mga kinakanta nito dahil ang babae yun ang minahal nito? kung totoo ang hinala niya then what Harris said was true, He really is in a bad place, knowing Diane, hindi yun natatali sa iisang lalaki lamang, daig pa nun ang pokpok kong magpalit ng lalaki, may bali balitang kumakalat sa campus na sex addict ang babae kaya kung kani kanino ito nag papakama. At para sa isang lalaki, it is painful to know that the woman you love is being fucked by different men every now and then. Yes, that must be the case.
 
“Tapos ka na makipag pulong sa pagkain mo? Malapit na silang matunaw sa titig mo ahh” narinig niyang turan ng kasama dahilan para ismiran niya ito. “Seriously, what is it? ang lalim eh concern ako baka malunod ka” nakangiti nitong tanong, mukhang naayos na ang problema nito sa kasintahan dahil maaliwalas na ang bukas ng mukha nito at nakatago narin ulit ang cellphone nito sa bulsa.
 
“Don’t mind me” sabi lang niya sa lalaki at hindi na ito pinansin, nailing naman itong umalis upang ikuha sila ng maiinom. Nang makaalis ang lalaki ay muli niyang binalingan si Edric, he looked really down at the moment, ganun katindi ang epekto rito ng pag aaway nito at ni Diane, totoo nga sigurong mapag laro ang tadhana, sa dami ng babaeng pwede nitong ibigin bakit yung Diane pa na iyon.
 
PATULOY na lumalim ang gabi, halos lahat ay nagkakasiyahan pero siya ay nanatili sa kanyang upuan at lihim na pinag mamasdan si Edric na abala sa pag lalasing nito hanggang sa tila mag sawa na ito sa pag toma ng alak at umalis ng lugar na yon. Siguro ay susundan nito si Diane upang kausapin, tuluyan na siyang nawalan ng gana, hindi niya alam kung bakit ganun nalang siyang naapektuhan sa mga nangyayari sa lalaki, dahil ba ito sa nag longing siya sa pagmamahal nito bilang kapatid? O dahil sadyang hindi niya lang gusto ang babaeng mahal nito para rito? Kung alin man sa dalawa ang dahilan ng matindi niyang kalungkutan ngayong gabi ay isinantabi nalang muna niya, lalo pa at nakita niyang nag lalakad palapit sa kanya si Freia.
 
Nag usap lang sila saglit ng kaibigan at nag paalam na rin siya upang umuwi, nag dahilan na lang siya sa mga magulang na mauuna ng umuwi dahil medyo nahilo siya, siguro ay dahil rin sa alak na ininom niya kanina, agad naman siyang pinayagan ng mga magulang at dahil wala siyang sariling sasakyan ay nag pahatid nalang siya kay Harris, malugod naman siya nitong pinaunlakan dahil kanina parin ito uwing uwi pero hindi ito pinapayagan ng mommy nito dahil ngayon na lang daw ulit namin sila nakasama, kaya siya ang ginamit nitong rason upang makaalis na ito sa naturang party, kating kati narin kasi itong makipagkita sa kasintahan nito.
 
Nang maibaba siya nito sa tapat ng kanilang bahay ay mabilis na siyang pumasok ng gate saka kumaway sa lalaki, ng maisara niya ang gate ay saka lang niya narinig ang pag alis ng sasakyan nito, nanlulumo siyang nag lakad papasok sa kanilang kabahayan, walang kailaw ilaw ang buong kabahayan kaya ibig sabihin ay siya palang ang tao ngayon doon, maingat niyang binuksan ang pinto at muling isinara making sure na naka lock iyon bago siya marahang naglakad paakyat ng hagdan, mabuti nalang at hindi naman mabigat ang suot niyang gown kaya hindi na niya kailangan ng aalalay sa kanya paakyat.
 
Ng makarating siya sa ikalawang palapag ay naglakad siya patungo sa kanyang silid ng bigla nalang may humarang sa kanya at mabilis siyang hinila sa library, gusto niyang sumigaw kahit alam niyang walang ibang tao doon na pwedeng sumaklolo sa kanya, pero mahigpit ang pag kakahawak ng taong iyon sa kanyang bibig kaya hindi niya nagawa ang gusto.
 
“Sino ang nag hatid sayo?” tanong ng matalim na tinig na kilalang kilala niya, amoy na amoy rin niya ang alak sa bibig nito,
 
“Edric?” patanong niyang tawag dito. “Sino sabi ang nag hatid sayo?” tanong ulit nito saka siya isinandal sa dingding habang ang katawan naman nito ang ginagamit na pangharang sa kanya upang hindi siya makaalis.  “What the fuck Edric! Gusto mo ba talaga akong patayin huh? Can't you talk to me nicely?” naiirita niyang tanong sa lalaki, goodness, akala niya ay kung may nakapasok ng masamang loob sa bahay nila kung makahila ito sa kanya, pangalawang beses na iyon at hindi na niya napigilan ang mainis sa pagkakataong ito, she was really afraid.
 
“Sagutin mo ang tanong ko Aster” sabi nito saka bahagyang yumuko upang mag pantay ang kanilang mga mukha. Dahil bukas ang bintana ng library at nasanay na siya sa dilim ay nakikita na niya ang mukha nito, sobrang seryoso nito ng mga oras na iyon, pero wala siyang pakialam kahit galit pa ito, wala itong karapatang takutin siya ng ganun kaya itinulak niya ang lalaki saka ito tinignan ng masama.
 
“Wala kang pakialam!” galit niyang turan saka aktong mag lalakad palabas ng naturang silid ng bigla nalang siya nitong hawakan sa isang braso at hilahin pabalik, pagkatapos niyon ay naramdaman niya ang mahigpit nitong pagyakap sa kanyang bewan habang ang isa nitong kamay ay humawak sa kanyang batok kasabay ng pag lapat ng labi nito sa kanyang labi.
 
Natuliro ang utak niya at nanigas ang buo niyang katawan habang nanlaki ang kanyang mga mata, she can't breathe, ang tanging laman lang ng utak niya ng mga sandaling iyon ay ang lalaking tila uhaw na uhaw na humahalik sa kanyang mga labi, nakapikit ito habang mahigpit siyang yakap na tila ba takot itong may umagaw sa kanya mula sa mga bisig nito, maya maya ay tumigil ito sa ginagawang pag halik sa kanya at tinitigan siya sa mga mata, kung kanina ay galit ang nababanaag niya sa mga mata nito ngayon ay iba na, naging malamlam iyon habang nakatitig sa kanya.
 
“Kiss me back baby” pabulong nitong sabi saka inalis sa kanyang mga mata ang paningin nito at ibinaba sa kanyang nakabuka paring mga labi. Ilang sandali muna nito iyong tinitigan bago ito napalunok tapos ay dahan dahan ulit nitong ibinaba ang mukha sa kanya hanggang sa muling mag lapat ang kanilang mga labi, this time ay banayad lang ang pag halik nito sa kanya, tila nag uudyok upang kanyang tugunin, at hindi naman ito nabigo, dahil hindi nag laon ay dahan dahan narin siyang napapikit habang ang kanyang mga labi ay kusang tumugon sa mga halik nito dahilan upang mahinang mapaungol ang lalaki, kasabay niyon ay ang kusang pag galaw ng kanyang mga kamay upang kumunyapit sa batok nito nito saka ito mas hinila palapit sa kanya dahilan upang lalo pa nitong palalimin ang halik na kanilang pinag sasaluhan

Savage book 1: Edric Walker - CompletedWhere stories live. Discover now