Chapter 32

89 6 0
                                    


 


Everyone are excited and just so energetic kahit alas quattro palang ng madaling araw, they rented 4 buses for this team building, 1 bus per group para hindi naman masikip  at maging komportable parin ang bawat isa. She and Edric are silently seating at back of the bus, he is holding her hands under the jacket like what he always do kung may pagkakataon, hindi naman siya tumutol dahil silang dalawa lang naman ang nasa dulo, and everyone are all busy chatting with each other oblivious of what is happening at the back, isa pa ay gusto rin naman niya pag hawak nito ang kanyang kamay. Inaantok pa siya pero alam niyang hindi siya makakatulog sa ingay ng mga kasama nila sa bus, gusto sana ni Edric na magdala ng sariling sasakyan pero hindi pumayag ang kanilang ama, mas maganda raw kung sasabay sila sa bus, they both understand why, kaya hindi na sila nag pumilit.  Inihilig niya ang ulo sa sandalan at ipinikit ang mga mata, gusto lang niyang pumikit ng maramdaman niya ang pag hawak ng lalaki sa kanyang ulo at pag giya sa kanya pasandal sa balikat nito.
 
Akmang aalis siya sa pagkakasandal sa balikat nito ng muli nitong hawakan ang ulo niya upang pigilan siya.

"Stay As" tipid nitong turan, alam niyang hindi siya mananalo kaya hindi na siya nakipag talo at nanatiling nakapikit.

“Sir are you sure okay lang kayo ni Ma'am Aster dito sa likod? kayo nalang po doon sa unahan”  narinig niyang turan ng isa sa mga empleyado dahilan upang mapamulat siya ng mata at maituwid ang ulo. Muli naman siyang kinabig ni Edric  at pinasandal sa balikat nito, mukhang hindi naman minasama ng lalaking nakatayo sa harap nila ang ginawa ng kasintahan, marahil ay iniisip nitong inaalagaan lang siya ng kapatid niya kaya naman hinayaan nalang niya ang dalawa na mag usap.
 
“Where fine here Mark, si Suzette na lang ang paupuin ninyo sa unahan, balita ko mahiluhin ang isang iyon” sabi nito sa empleyado na narinig naman niyang sumagot ng okay bago umalis at bumalik sa pwesto nito. Maya maya pa ay unti unting tumahimik ng kapaligiran, marahil ay sinabihan nito ang mga kasama nila sa bus na tumahimik dahil natutulog siya, kaya naman nag mulat ulit siya ng mata at tinignan ang paligid.
 
Nakita niyang nag uusap parin ang mga ito pero pilit na hindi gumagawa ng ingay upang hindi siya maistorbo, kaya naman nag desisyon siyang basagin ang katahimikan.
 
“It’s okay guys, you can talk, I'm not sleeping, pinipikit ko lang ang mata ko”  turan niya dahilan upang muling mag ingay ang mga ito, napangiti na lang siya sa bilis bumalik ng mga ito sa pag aasaran, sa totoo lang ay mas gusto niya na tahimik ang mga ito, dahil inaantok pa talaga siya, but this day is not for her but for them, minsan lang rin naman ang ganitong activity sa loob ng isang taon kaya okay lang. 

"Are you okay?" tanong sa kanya ng kasintahan ng muli niyang ihilig ang ulo sa balikat nito. "hhm" tangi niyang tugon dito 
 
“I love you” mahina nitong bulong  sa kanyang uluhan na nag dulot ng kiliti sa kanyang puso, tiningala niya ito at nginitian ng matamis, “I love you too” bulong rin niya sa lalaki, saglit niyang sinipat ang kanilang paligid, ng masiguradong walang nakatingin sa kanila ay muli niyang binalingan ang lalaki at ginawaran ng masuyong halik sa labi. Wala sana siyang plano na patagalin ang halik na iyon dahil baka may makakita sa kanila, pero hindi siya hinayaan ng lalaki na lumayo agad rito, bagkos ay mariin nitong hinawakan ang kanyang batok at pinalalim ang halik. And she weak to his kisses, kaya hindi  niya napigilan ang sarili na tugunin ang halik nito sa parehas na paraan, and the thought that they might get caught only added to the excitement she is feeling.  Nag hiwalay lamang sila ng makarinig sila ng malakas na hilik, ni hindi niya napansin na nanahimik na pala ang kanina ay maiingay nilang mga kasama, kung hindi pa dahil sa malakas na hilik na iyon na ngayon ay pumupuno sa kabuuan ng bus. Maya maya pa ay isa isa ng nagising ang mga natutulog na sana nilang kasama, may pailan ilan ang tumayo pa sa kinauupuan upang hinahanap kung sino ang humihilik ng malakas, ng makita ng mga ito kung sino iyon ay nag kanya kanya ang mga ito ng pagkuha ng kanikanilang mga cellphone, at pigil ang tawa na kinunan ng video ang katrabahong humihilik. Siguradong kantyawan nanaman ito mamaya, hindi niya napigilan ang makitawa ng magising ang humihilik at nagulat ng makita nitong nagkukumpulan ang mga katrabaho nito upang  kunan siya ng video. Tulad ng inaasahan niya ay muli nanamang nag kagulo sa loob ng kanilang bus, paminsan minsan ay sumasali sila ni Edric sa pag aasaran ng mga ito habang byahe. Akala nga niya ay mapipikon na ang empleyadong iyon pero nagulat siya na game na game itong nakipag asaran sa mga katrabaho, dahilan upang lalong mapuno ng tawanan ang buong bus, ang plano niyang pumikit hanggang makarating sila sa venue ay hindi na natuloy, dahil nakisali na rin sila ni Edric sa kaguluhan ng mga kasama nila 

Savage book 1: Edric Walker - CompletedWhere stories live. Discover now