Have fun reading 😊
-----------------------------------
NAGMAMADALI niyang kinuha ang bag sa ibabaw ng kama, saka muling sumilip sa salamin upang suriin ang kanyang sarili. Today is her first day at work, well, training to be exact, and she can’t be late, kahit pa na pag aari ng pamilya nila ang kumpanya ay hindi siya maaaring malate at ayaw rin niyang malate, she needs to make an impression and being late is not a very nice impression to make. Ewan ba kasi niya, sa dami ng araw na pwede siyang malate ng gising ay ngayong araw pa talaga, kung kelan first day niya. Sabagay, hindi rin kasi siya nakatulog ng maayos kagabi dahil hindi siya dalawin ng antok, siguro dahil super excited siyang mag trabaho. She graduated few month ago and her family give her a little time to rest and relax before they put on her shoulder the responsibility of running their family business. Her brother whom she haven't seen for years since the accidental kiss, refused to manage their company because he wanted to stand and build an empire of his own, hinayaan naman ito ng kanilang ama at silang dalawa ni Yarrow ang kinausap nito to become his successor. And it is now her time to help their dad who will soon retire, Yarrow will be joining her next year kapag naka graduate na rin ito.
Patakbo siyang bumaba ng hagdan habang hawak ang kanyang bag at susi ng sasakyan. Yes, she now owns a car, it’s her parents’ gift to her on her 18th birthday.
“Stop running Aster” paninita ng kanyang ina na nakatayo di kalayuan sa hagdan, tumigil naman siya sa pagtakbo at nag lakad nalang pababa, ng makarating siya sa paanan ng hagdan ay nakangiti siyang nilapitan ng mommy niya.
“Kumusta ang baby ko? excited ka na ba sa first day mo?” tanong nito.
“Yes mommy” nakangiti rin niyang sagot dito saka niyakap ang ina at humalik sa pingi nito, agad rin niya itong binitiwan at tumakbo palabas ng kanilang tahanan “Have to go mom, I don't want to be late on my first day” pasigaw niyang paalam upang marinig siya nito.
“How about your breakfast?” narinig niyang pahabol ng mommy niya pero hindi na niya ito pinansin at derederetsong sumakay sa kanyang kotse at nag mamadaling pinaandar iyon, mabuti nalang at mabilis naman din siyang pinag buksan ng gate ng kanilang guard. Nang nasa tapat na siya ng guard ay binuksan niya ang bintana ng sasakyan at nakangiting nag pasalamat dito bago tuluyang pinatakbo ang sasakyan.
7:40am na ng makarating siya ng kumpanya, she step out of her car and walk with grace towards the building elevator, ng makapasok siya ay pinindot niya ang floor kung saan siya tutungo, maya maya pa muling bumukas ang elevator, kaya naman nag simula siyang mag lakad patungo sa office ng daddy niya. Dahil kilala silang magkakapatid doon ay magalang siyang binabati ng lahat ng kanyang mga nakasalubong, nakangiti naman niyang tinutugon ang mga ito ng good morning. she walked with poise, isa iyon sa mga natutunan niya, someday she and her sister will manage the company, kaya kailangan palagi siyang presentable sa harap ng mga employees nila, it will help to gain respect.
“Good morning dad” magiliw niyang bati sa ama na nakaupo sa swivel chair habang totok ang mga mata sa dokumentong hawak nito.
“Good morning baby, I'm impressed your not late for work” nakangiti nitong turan ng mag angat ito ng tingin “Of course” nakangiti naman niyang turan at saka nag lakad palapit sa table nito at naupo sa upuan sa tapat niyon. “I see” tumatango tango nitong turan “but next time, please eat your breakfast before leaving home, okay? I hate receiving a warning call from your mom” nakangiti parin nitong turan habang siya ay bahagyang napangiwi.
“Go to the pantry and eat your breakfast, you only have 15 minutes to eat before you officially start your day” sabi nito saka muling ibinalik ang paningin sa mga documents na hawak nito.
Kaya naman wala na siyang nagawa kundi ang mag lakad patungo sa pantry upang kumain, knowing her mom, siguradong sermon sila ng daddy niya mamaya kung hindi siya kakain, mabilisan lang ang ginawa niyang pagkain dahil hindi naman mahaba ang oras niya, ng tapos na siyang kumain ay lumabas agad siya ng pantry upang simulan ang training, alam niyang marami siyang kailangang gawin.
Pina samahan nalang siya ng ama sa assistant nito papunta sa kanyang magiging opisina, may meeting pa kasi ito kaya hindi na siya nito personal na maihahatid sa kanyang office, hindi naman iyon ganun kalayo sa office ng ama pero nasa pinaka dulong bahagi iyon. Nang makarating sila doon ay agad na ipinaliwanag sa kanya ni Trina, assistant ng daddy niya, ang mga kakailanganin niya, ng matapos ito sa pag inform sa kanya ng mga basic need to know ay nakangiti na itong nag paalam upang bumalik sa pwesto nito, “Just let me know ma’am if you still need anything” magalang nitong turan bago tuluyang lumabas ng naturang silid, nakangiti naman niya itong tinanguan saka iginala ang mata sa kabuohan ng kanyang office. The room is spacious and complete with everything she need, merong sala set sa isang sulok na pwedeng upuan ng bisita, malapad ang kanyang table, may malaking TV monitor na nakakabit sa dingding paharap sa kanyang table, may sariling CR, pantry at iba pa, talagang pinag handaan ng mga magulang ang kanyang unang araw, her parents are really sweet, palaging ibinibigay ng mga ito ang lahat ng gusto nila basta maging masaya at komportable lang silang magkakapatid. Marahan siyang nag lakad palapit sa kanyang lamesa, ipinatong niya ang kanyang bag sa gilid saka naupo sa kanyang swivel chair, muli niyang pinalibot ang mga mata sa kabuohan ng kanyang office at hindi niya napigilan ang tuluyang mapangiti, she like everything that she sees, alam na alam talaga ng daddy niya ang kanyang taste. Nakangiti niyang inabot ang isang folder na nakapatong sa kanyang table upang isa isahin ang laman niyong. Their business is in entertainment industry, kaya hindi na rin nakapag tataka na panay profiles ng ibat ibang aspiring stars and model ang laman ng mga folder na iyon, and they all looked good, mapa babae at lalaki. She is busy scanning the profiles in one of the folders ng nakarinig siya ng mahihinang katok sa kanyang pinto dahilan upang tumaas ang kanyang paningin, nakita niya ang assistant ng kanyang ama na nakatayo sa pintuan.
“Ma’am, pinapatawag po kayo ng daddy ninyo” Magalang nitong turan, sinilip niya ang orasan at nakita niyang 10am na, hindi niya namalayang two hours na pala ang lumipas, madami dami rin kasi ang mga profiles na kailangan niyang ireview at medyo nahihirapan siyang pumili kung sino ang gagawin nilang model para sa project na unang pinahawakan sa kanya ng ama.
“Tapos na ang meeting niya?” tanong niya sa babae habang inaayos ang mga folders at tumayo.
“Yes Ma’am” magalang ulit nitong sagot, iniwan na lang niya ang mga folders sa table at hindi na muna nag abalang isalansan ang mga iyon, mas importe na puntahan niya ang ama kaya sumunod siya sa babae pabalik sa office ng kanilang ama na nasa same floor lang rin naman.
“Hi dad” muli niyang bati rito ng makapasok siya.
“Hey baby, sit down first” sabi nito without removing his eye on the documents he is signing. Naglalakad siya papalapit dito, tahimik niya itong hinintay na matapos sa ginagawa at inabala ang sarili sa pagbasa ng nakita niyang magazine sa taas ng table nito. Nang matapos na itong mag sign ng mga documents ay saka lamang ito nag angat ng tingin sa kanya.
“How’s your day so far?” tanong nito sa kanya habang inaangat ang telepono sa tabi nito upang i-dial ang number ng assistant nito, hinintay niyang matapos itong kausapin ang assistant nito bago siya sumagot.
“It’s fine dad, I was reviewing the profiles in my table for the project you mentioned last night”
“Good to hear, so may napili ka na ba?”
“Wala pa, it seems that none of them fit for the project, sila lang ba ang choices natin?” tanong niya dito.
“Well, we can still pull other profiles for you to check, but those on your table are the best that we got, anyways you may ask Trina to get as much profiles as you need, just don’t take too much time on selecting, as there are more thing to do in that project than just checking the profiles” nakangiti nitong paalala sa kanya. “I know dad, it’s just that none of those I see catches my attention yet, I’m sure there is one, I just need to see more” sagot niya rito “Well, what can I say, my daughter is as picky as her father. Okay, now I need to formally introduce you to the board, a fair warning sweety, don’t let them see your weakness, they may smile in front of you, but they will surely test your capacity, can’t blame them, you will soon replace me as the CEO of this company, so you need to prove yourself to them, okay?” seryoso nitong turan na nakangiti nama niyang tinanguan, sa totoo lang ay kinakabahan siya but the board doesn't need to know that.
Mag kasabay silang tumayo ng ama at nag lakad patungo sa pintuan, alerto naman silang pinagbuksan ni Trina ng pinto, sinamahan rin sila ng babae hanggang sa conference room at muling pinag buksan ng pinto, unang pumasok ang kanyang ama at sumunod siya, naupo sa pinaka dulong bahagi ang daddy niya habang siya ay sa bandang kanan nito. Nakahanda na sa lamesa ang mga folders na marahil ay naglalaman ng mga documents na kakailanganin nila sa meeting, well this is not just an ordinary meet and greet, they will also discuss how she will take on the project her dad entrusted to her. Sigurado siyang gigisahin siya ng mga ito mamaya, but it’s not a problem to her because she came in ready, hindi siya makapapayag na lamunin ng mga taong ito sa harap ng kanyang ama, kahit bata pa siya at bago pa lang sa field ay gusto niyang ma-impress sa kanya ang ama, kaya naman masusi na niyang inaral ang project na ibinigay nito sa kanya bago pa man ang araw na ito.
“Good afternoon” nakangiting panimula ng kanyang ama, agad namang bumaling rito ang lahat ng naroon, they are 6 in the room, kilala na niya ang mga ito dahil madalas niyang makita ang mga kalalakihan sa mga business party na dinadaluhan ng kanilang pamilya, pero aminado siyang mababaw lang ang pag kakakilala niya sa mga ito, ganun din ang mga ito sa kanya. Her father formally introduces her as his successor, nakangiti naman siyang binati ng mga ito pero ramdam niya na ayaw sa kanya ng ilan sa mga ito, but she dodged the negative feeling. It is not a secret that they want Edric to be their dad’s successor, well, everyone expects him to be the successor, especially now that he is starting to make name on his own in the business world. But she is the one in position now, and they can do nothing about it, all she has to do is to prove to them what she can do, that she can be as great a leader as Edric.
After the meeting with the board at muli siyang bumalik sa kanyang office, she feels so exhausted, grabe ang daming tanong ng mga ito, good thing she was able to answer every single question they throw at her, even their comments on the strategies she made for the project to succeed, buti nalang talaga inaral niya ang project na iyon, kung hindi ay nganga siya sa meeting kanina. Her dad just let her handle those old men, tahimik lang itong nakikinig sa pakikipagpalitan niya ng opinyon at plano sa buong board, at minsan nga ay nakikitanong din ito, hindi niya alam kung interesado ba ito sa planong binuo niya o sinusubukan lang rin siya nito tulad ng mga boards, akala nga niya ay hindi na matatapos ang pag tatanong ng mga ito. Grabe, ang alam niya ay first day ng training niya ngayon, pero hindi training ang nangyari kundi bakbakan, huminga siya ng malalim saka sumandal sa kanyang upuan, parang biglang sumakit ang ulo niya, dapat pala nag dala siya ng advil, makalipas ang ilang minuto ay muli niyang hinarap ang pag busisi sa mga profiles na nasa table niya. Hanggang sa katukin siya ni Trina upang tanungin kung mag papabile ba siya ng merienda dahil lampas lunch time na. Inabutan na sila ng lunch sa meeting kanina at saglit lang silang tumigil upang kumain tapos ay back to discussion nanaman, kaya minabuti niyang mag pabili na ng merienda, hindi kasi siya masyadong nakakain kanina.
Pag sapit ng hapon ay may kumatok sa kanyang pintuan, pag angat niya ng ulo ay nakita niya ang nakangiti niyang ama. “Hey dad” pag bati niya rito, nag lakad naman ito papasok ng office niya at naupo sa sofa na naroon, iniwan niya ang ginagawa at lumapit sa ama saka naupo siya sa harap nito.
“How’s your office? Do you like it?” tanong nito habang sinisipat ang paligid
“Dad hapon na, ngayon mo lang ako tinanong niyan” nakanguso niyang sagot dito na ikinatawa naman ng ama niya.
“I’m sorry baby, dad got busy I forgot to ask you this morning” nakangiti parin nitong turan, nginitian naman niya ito saka sinagot ang tanong nito, nauunawaan naman niya na busy itong tao, mabuti nga at dinalaw pa siya nito ngayon doon.
“Any way, I came here to congratulate you. You did great at the board meeting, I’m impressed with how you confidently respond to their questions and criticism, I know it’s just your first day and I did not expect that you did bring a lot before you came here. You made daddy proud in front of the board sweety, I’m so proud of you!” sincere nitong pagbati sa kanya na ikinangiti naman niya. “I don't want to disappoint you” sabi niya dito, tinapik naman nito ang balikat niya saka muling nagsalita “Good job sweety! keep it up, there’s still more to come” hindi niya alam kung paalala ba iyon o babala, but whatever it is, she is ready.
“Anyway nandito na cia” bigla nitong turan habang hawak ang cellphone nito sabay tayo, nag lakad ito papunta sa pinto ay may kinausap doon, ng muli itong pumasok ay kasama na nito ang lalaking hindi niya inaasahang makikita nang araw na iyon.
“As, baby, your brother is here to train you while me and your mom is out for a short vacation” nakangiting turan ng kanilang ama habang nakaakbay pa sa lalaki. Siya naman ay tila natulala sa kinauupuan.
“Drey” mahina niyang tawag sa pangalan nito, nginitian naman siya ng lalaki ng ubod ng tamis dahilan upang mag wala ang puso niya mula sa kanyang dibdib, oh God, she is doomed!

YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
Lãng mạnEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...