MONTHS have passed at naging maayos naman ang lahat sa kaniya, hindi na sila masyadong nagtatalong dalawa ni Edric pero kapansin pansin rin ang pag iwas nito sa kanya. Akala niya ay tapos na sila bahaging iyon pero hindi parin pala, dahil iniiwasan parin siya nito, in fact, parang mas matindi ang pagnanais nitong umiwas sa kanya ngayon, hindi nalang niya pinapansin dahil nasasaktan lang siya. siguro ay hindi na talaga mangyayari yung pangarap niyang maging close sila ng lalaki, siguro ay mainit talaga ang dugo nito sa kanya, pasalamat nalang rin siya at hindi na siya nito madalas awayin, yun nga lang ay halos hindi narin siya nito kausapin.
Napabuntong hininga siya, she should be happy tonight just like everybody else, It’s Freia’s 18th birthday and her friend’s family did not let it pass without an extravagant celebration, Freia wanted a simple birthday celebration, but Tita Fire wouldn't allow it kaya walang nagawa ang kaibigan niya. Wala namang tumutol sa gustong mangyari ni Tita Fire because Freia deserves this kind of celebration, she is after all the only girl in both Silva and Crison Family kaya hindi na nakakapagtaka na pinaghandaan ng husto ng mga magulang nito ang 18th birthday ng babae. She is also happy for her friend, Freia looks different from her usual self na palaging walang ayos, her friend is stunning with her simple yet every elegant gown.
“Why are you alone here?” tanong sa kanya ng isang lalaki na ng lingunin niya ay agad niyang nakilala at nginitian, it's Harris Rodriguez isa sa kambal na anak ni Tita Ellise na kakambal naman ng Tita Monique nila, nakilala lang nila ang mga ito noong nakaraang buwan dahil sa ibang lugar naninirahan ang mga ito dahil narin sa trabaho ni Tito Nikko, ang ama ng lalaki. She instantly became close to him, ganun din sa kakambal nitong si Baron at sa nakababatang kapatid ng dalawa na si Theodore. But among the three Rodriguez ay itong si Harris ang talagang close niya, kahit isang buwan palang silang nag kakakilala, she think they develop this what they call platonic relationship the moment na nagkakilala silang dalawa, she also meet his girlfriend, one thing na alam niyang dahilan kung bakit hindi ito pinag babantaan ng mga kaibigan niya sa pag lapit sa kanya ay dahil alam ng lahat na may girlfriend na ang lalaki and he is head over heels that woman.
“I’m just not in the mood to mingle with people i really don't know” tipid niyang sagot sa tanong nito, hindi naman nag dalawang isip ang lalaki at mabilis siyang sinamahan sa kanilang table, mag isa lang kasi siya ng mga oras na iyon dahil abala si Yarrow sa paghahanap kay Conall na nagtatago nanaman, habang ang iba nilang mga kaibigan ay may kanya kanyang date na kasama, at siempre pa abala rin ang birthday celebrant kaya naiwan siyang mag isa sa kanilang table, ayaw naman niyang makipag plastikan dahil wala na siyang ibang ka close sa party na iyon bagaman kilala niya ang karamihan sa mga invited, ayos lang naman sa kanya dahil medyo sumama rin ang pakiramdam niya. Hindi niya alam kung bakit basta sumama nalang ang pakiramdam niya kanina ng makita niya ang date ni Edric, siguro kasi hindi niya talaga type ang babaeng iyon, everyone in school knew that the woman is a slut. ewan ba niya kay Edric kung bakit pinatulan ang babaeng iyon ang dami namang ibang babaeng nag hahabol dito.
“Okay, samahan nalang kita kawawa ka naman eh” nakangiti nitong turan sabay subo ng pagkain dala nito.
“Ang sabihin mo wala ka lang date, nag away nanaman kayo ano?” tanong niya sa lalaki, sa maikling panahon na nakilala niya ito at ang kasintahan nito ay isa lang ang napansin niya, iyon ay ang dalas mag away ng dalawa, na sa sobrang dalas ay maituturing na ata niyang traffic sa edsa, araw-araw.
“She is being jealous of some girl again, I don't even know who the girl was, basta nagseselos na naman siya” bigla nitong turan bago napabuntong hininga. Sinasabi na nga ba niya.
“Baka naman may nakita sa phone mo?” tanong niya na ikinakunot ng noo ng lalaki “Let’s not talk about it, kakausapin ko nalang siya bukas” sabi nito, kaya nanahimik nalang siya, wala naman din kasi siyang sasabihin.
“Ang ganda ni Fire no” out of nowhere ay turan ng lalaki “Yeah she is” pagsang ayon naman niya. “Maganda naman talaga yang si Freia, hindi lang mahilig mag ayos” dugtong pa niya na ikinatawa ng lalaki. “What’s funny” tanong niya rito.
“Malamang ipinag papasalamat ng mga kuya at pinsan niya na hindi mahilig mag ayos iyang si Freia, tignan mo nga ang mga loko, ni hindi na matignan ang mga date nila dahil panay ang bantay sa kapatid nila, look around, almost half of the male population is admiring the debutant, paniguradong mag hahakot ng sangkaterbang manliligaw si Freia ngayong gabi” natatawa nitong turan dahilan upang mapalingon siya sa paligid, saka lang niya napansin na marami nga ang nakamata sa kanyang kaibigan.
“Kaso, good luck nalang sa mga mahahakot niyang manliligaw, mukhang meron ng naka pwesto eh” nakangiti ulit nitong turan na ikinakunot naman ng noo niya. “What do you mean?” tanong niya sa lalaki para ito naman ang mapakunot ng noo sa kanya.
“Hindi mo alam?” tanong nito sa tinig na tila nag dududa ito na hindi niya alam.
“Ang alin?” tanong ulit niya sa lalaki.
“Goodness ang manhid nyo naman! wala hayaan mo na lang yung sinabi ko, hindi nyo naman pala napapansin” nailing pa nitong turan, isa pa yon sa napapansin niya sa lalaki napakalakas ng pandama nito, hindi niya alam kung nakakabasa ba ito ng isip pero magaling itong makiramdam sa paligid at sa mga taong nakapalibot dito, siguro dahil isa lang naman itong Psychologist, and he is great at what he does.
“Lika sayaw tayo” bigla nitong aya sa kanya sabay tayo at hawak sa kanyang kamay, ni hindi na manlang nito hinintay ang pag payag niya, basta nalang siya nitong hinila sa gitna ng mga sumasayaw.
“Grabe ka! hindi mo manlang talaga ako tinanong kung gusto ko ba o hindi” sabi niya sa lalaki ng hawak na siya nito sa bewang.
“Wag kang maingay, meron lang akong gustong ma confirm, isa pa, ikaw lang ang pwede kong isayaw dito na hindi mag reresulta sa pakikipag hiwalay sakin ng lalabs ko” nakangiti nitong turan na ikinailing nalang niya.
“Ewan ko sayo, pasalamat ka hindi sya nagseselos sakin”
“Yeah, thank God! you're the only woman she is not jealous, pag nag selos pa ba naman kasi siya sayo ay ewan ko nalang aba 8 years ang tanda ko sayo” sabi nito ng nakangiti.
“Bakit may iba nga na mas malaki pa ang agwat ng edad sa isa’t isa pero nag kakatuluyan” pag dadahilan niya na ikinangiti ng lalaki.
“I think she can also sense what I sense in you when we first meet” makahulugan nitong turan “What do you mean?” tanong nanaman niya sa lalaki, ang dami nitong sinasabi na hindi niya masundan.
“Wag mo ng intindihin yung sinabi ko, intindihin mo nalang yung pag sasayaw natin, maawa ka sa paa ko nakakailang apak ka na eh” naka ngiwi nitong turan dahilan upang matawa siya. “Sorry” tipid niyang hingi ng paumanhin dito, hindi naman kasi niya kasalanan dahil ito naman ang bigla nalang humila sa kanya doon.
“Kung alam ko lang na gagawin mong tapakan ang paa ko ay hindi na sana kita hinila rito, ang sakit mo sa paa” pag rereklamo nito pero alam niyang hindi naman ito seryoso roon.
“Ikaw kasi eh, basta basta ka nalang naghihila” pag dadahilan naman niya bago niya naramdaman ang bahagyang pag higpit ng hawak nito sa bewang niya.
“I told you, I need to confirm something, and now it’s clear to me” bulong nito sa bandang tenga niya dahilan upang lalong kumunot ang noo niya. Mag tatanong na naman sana ulit siya rito ng may bigla nalang umagaw sa kanya mula kay Harris.
“May I have her for this dance” narinig niyang tanong ng lalaking umagaw sa kanya kay harris habang seryoso itong nakatingin sa nakangiting lalaki.
“Naagaw mo na nga eh, anyways okay lang ang sakit narin naman ng paa ko sa kanya, good luck to your feet then” sabi nito bago siya kinindatan at nag lakad palayo sa kanila ni Edric na siyang umagaw sa kanya mula rito.
“Anong pinag uusapan niyo? bakit ang lapit lapit nyo sa isa’t isa? bakit pabulong bulong pa siya sayo?” seryosong tanong ng lalaki dahilan upang tumirik ang mga mata niya, here they are again, kung ano ano na naman ang iniisip nito, kaya pala siya inagaw kay Harris, umaandar nanaman ang papaging overprotective brother nito.
“Wala naman, yung pananakit lang daw ng paa niya dahil ilang beses ko na siyang natapakan” sagot niya rito, ayaw niyang mag away silang dalawa dahil ngayon nalang ulit ito lumapit sa kanya matapos ang pag hila nito sa kanya sa library.
“Bakit kailangan pang ibulong sayo” istrikto parin nitong turan na ikinabuntong hininga niya, ramdam niyang malapit ng mapatid ang pasensya nia.
“Drey, Harris has a girlfriend and everyone knows that, wala yung gusto sakin, maybe close lang talaga kami, don’t tell me na pati closeness naming bilang mag kaibigan ay lilimitahan mo?” nakataas ang kilay niyang tanong dito.
“Hindi ko lang gusto na merong umaaligid sayo” pag dadahilan nito “Drey hindi niya ako pinopormahan, we are just friends, we don't like each other that way, so please!” nag uumpisa na siyang mayamot dito pinipigilan lang niya, ito nga kabi kabila ang girlfriend hindi naman niya ito pinakikialaman, siya lahat nalang ng lalaking didikit sa kanya issue dito.
“Concern lang ako” pag dadahilan ulit nito ng mapansin marahil nito ang pag iba ng mood niya.
“Bakit ba ganyan ka? Lahat nalang ng madikit sakin kahit hindi naman nanliligaw issue sayo, hindi naman kita pinakikialaman sa mga girlfriends mo ahh, sinabihan ba kita i-break mo yang malandi mong girlfriend ngayon? Hindi naman diba? kaya pwede ba, pabayaan mo rin ako, alam ko ang limitasyon ko” hindi na niya napigilang turan bago ito binitawan at nag simulang mag lakad pabalik sa table nila.
“As” tawag naman nito sa kanya pero hindi na niya ito pinansin, ayaw naman niyang gumawa ng eksena sa birthday ng kaibigan niya noh, pero nakakainis nalang kasi talaga ang lalaki, napaka OA, hindi naman nanliligaw si Harris eh, iniwasan na nga niya si Jazz para matahimik na ito tapos ngayon, pati ang pag lapit niya kay Harris ay kukwestyunin narin nito, samantalang sa parents nila ay okay lang.
“O bakit sambakol yang mukha mo?” tanong ni Harris sa kanya ng makalapit siya dito
“Nothing” nakasimangot parin niyang tugon sa lalaki “Nag away kayo?” tanong nito “Siya kasi eh! pati pakikipag kaibigan ko sayo kinukwestyon, nakakainis na!” pag lalabas niya ng sama ng loob sa kaibigan “Ako nga hindi naman ako nangingialam sa kanya kahit pa iba iba siya ng girlfriend, at kahit ayaw ko doon sa current girlfriend niya ngayon hindi ko naman siya pinakikialam eh, bakit ako halos lahat nalang ng lalaking madikit sakin binibigyan niya ng kahulugan” pag papatuloy niya, nainis na kasi talaga siya at kailangan niyang ilabas iyon.
“Relax, he is in a really bad place As, kaya nag kakaganyan siya, I don't want to judge him pero mahirap ang sitwasyon niya kaya habaan mo nalang ang pasensya mo” sabi nito habang tila mapanuring nakatitig sa kanya, kung paano nito nasabing mahirap ang sitwasyon ni Edric ngayon ay hindi niya alam.
“Come on lets drink” pag aaya nito sa kanya “I’m not allowed too” sagot niya sa kaibigan “Don’t worry akong bahala ipag papaalam kita kila tito” sabi nito sabay hila ulit sa kanya, tulad ng sabi nito ay ipinag paalam nga siya nito sa mga magulang niya na himalang pumayag naman, basta raw wag lang siyang lalasingin.
“Don’t worry tito, tita, ako pong bahala dito sa prinsesa ninyo” nakangiti nitong pag bibigay ng assurance sa mga magulang niya, ng tumango ang daddy niya ay dinala siya nito sa bahaging nag seserve ng alak, ito ang pumili ng iinumin niya dahil wala naman siyang alam sa mga alak, pero gusto rin nga niyang uminom ngayong gabi.
“Here, drink up” sabi nito na mabilis niyang sinunod, napangiwi siya sa lasa niyon ng maramdaman niya ang pag guhit ng init sa kanyang lalamunan. “So?” tanong nito ng ganap na niyang nalunok ang inumin. “I don't like the taste” sagot niya rito.
“Sa una lang yan, pag nasanay kana wala na yan, don't worry yang isang baso lang naman ang ipapainom ko sayo, you are not allowed to drink more than that” sabi nito sabay inom rin ng inumin nito.
“So ano to, tikim lang?” tanong niya sa lalaki na mabilis namang tumango. “You don't want to make a scene in Freia’s birthday party right?” taong nito na tinaguan niya. “So yan lang ang iinumin mo, baka magwala ka nalang bigla pag nalasing ka eh” natatawa nitong turan, siya naman ay muling lumagok ng alak, ng maubos niya ang laman niyon ay kumingi pa siya sa lalaki na natatawa naman siyang binigyan bago ibinalik sa bartender ang bote ng alak at sinabing wag na siyang bigyan ulit ng alak.
YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
RomanceEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...
