Edric can feel it, he is not dumb not to know what’s happening between him and Aster, it’s like everything is falling apart even before it had a chance to flourish into something beautiful. He already lost his battle against himself, after so many years, he still ended up a loser, but he doesn't have any regrets. Tanggap na niya na alipin siya ng nararamdaman para sa babae, and he is not going to lose in love too. Things are fine when he finally admits his feelings to her, maliban sa ilang pag tatangka nitong umiwas sa kanya, he knew deep inside that they are fine. However, after that day, everything has changed between them and he knows he is doomed, seeing that kind of fear in her eyes, the way she is avoiding him now, he can see her determination to stop and whatever they have for each other and he just can't let that happen.
That is his problem now, Aster even asked their father to personally train her, idinahilan pa nitong may sarili siyang negosyo na pinapatakbo kaya mas matututo ito kung mismong ang ama nila ang nagtuturo rito ng mga dapat. Ngayon ay hindi na niya magawang gamitin ang trabaho para lang mapalapit sa babae. She is not avoiding him physically, nag kikita parin sila kapag pinatatawag siya ng kanilang ama tungkol sa ibang bagay, but she became ice cold towards him, her eyes where emotionless and even her smile is lifeless, it seems na ibang Aster ang kaharap niya. She won't even talk to him unless the topic is pure business, he tried to make a conversation out of work but she is quick to dodge him, and she is good at it, ni hindi man lang nakakahalata ang kanilang ama sa ginagawa nitong pag iwas sa kanya, everything seems to be okay between them but he can feel it in his balls they are not okay. It’s been a month since that days in their parent’s house, alam niyang masyado itong naapektohan sa nasaksihan nito, hindi naman iyon nakapagtataka, maging siya ay nakadama rin ng takot na mangyari sa kanila ang nangyari sa magkapatid na iyon kapag nalaman ng mga magulang nila na may namamagitan sa kanilang dalawa. Baka nga mas malala pa sa sinapit ng kapitbahay nila ang danasin nila kung sila ang mahuhuli, alam niyang iyon ang ikinatatakot ng babae, at hindi niya ito masisisi.
“Sir?” narinig niyang tawag ng kanyang secretary, dahilan upang mapatigil siya sa malalim na pag iisip. Bumaling siya rito at tumikhim upang pag takpan ang pagkawala niya sa sarili sa harap ng babae na ngayon ay nakakunot ang noo sa kanya.
“Uhm, Yes what is it again?” tanong niya sa babae habang patay malisya na para bang hindi siya nito nakitang nakatulala.
“Uhm, above you schedule sir, I was reminding you po of your appointments today, do you want me to repeat you schedule sir?” sabi ng babae saka mabilis na inalis ang pag kakakunot ng noo nito saka muling bumaling sa hawak nitong ipad. Mag sisimula na sana ulit ito sa pag iisa isa ng mga gagawin niya ngayong araw ng iangat niya ang kanyang kamay.
“Yes sir?” tanong nito na tila natigilan, ngayon lang kasi niya ito pinigilan sa pagbibigay ng schedule niya.
“Cancel all my appointments for today, all those that are urgent, please call Jervis to attend on my behalf, I have somewhere else to go sabi niya sa babae saka kinuka ang kanyang coat at diretsong lumabas ng kanyang office, not giving her a chance to stop or question him. Mahal niya ang company niya, pinag hirapan niya iyong itaguyod, simula ng nakapagtapos siya ay wala ng ibang naging mahalaga sa kanya kundi ang negosyo niya, but now is different, of course Aster is far more important than his business, he is willing to risk everything even his beloved company for her, the only woman who stole his heart.
Tahimik at derederetso siyang nag lakad, wala naman sa mga empleyado niya ang nagtangka na mag tanong kung saan siya pupunta o pumigil sa kanya kaya malaya siyang nakalabas ng gusali, sa totoo lang ay wala naman siyang lugar na gustong puntahan maliban sa office ng babaeng minamahal niya, but now is not the time, alam niyang busy ito ng ganitong oras at gagamitin lang nito iyon upang maiwasan at itaboy siyang palayo, so instead of going to her office, he decided to go to Rizal, iginilid lang niya ang kanyang sasakyan sa tabi ng kalsada sa ilalim ng malaking puno, bago siya lumabas at naupo sa nakausling ugat ng puno paharap sa siyudad na malayang nakikita mula sa lugar na iyon. Hindi pa masyadong tirik ang araw pero mainit narin, hindi lang niya masyadong ramdam dahil malakas ang hangin sa lugar na iyon at malago ang dahon ng puno na kanyang sinisilungan. Tahimik niyang tinanaw ang kapaligiran, siguradong maganda doon sa gabi dahil matatanaw ang nagkikislapang ilaw ng siyudad. Gusto sana niyang makasama si Aster sa mga ganitong lugar to relax, they don't need to talk about anything, they can just sit there and watch the city while enjoying the cold breeze, he can just hold her hands and maybe kiss it from time to time, pero malabo pang mangyari ang bagay na iyon, hindi sa sitwasyon nila ngayon. His mind is busy thinking of ways kung paano niyang matitibag ang napaka taas na yelo na inilagay ng babae sa pagitan nilang dalawa, he can use the old trick but it might not work on her now, with the kind of determination she has, alam niyang hindi na niya ito masisilo sa mga simpleng pambablackmail. Lalo pa at wala rin naman siyang planong totohanin ang blackmail na iyon. Should he just invite her for a date? For sure hindi ito papayag. Sumama kaya siya sa meeting nito with Mr. Galvez? Kahit naman kasi hindi na siya ang nag te-train sa babae ay updated parin siya sa schedule at progress ng project na hawak nito, thanks to his father na hindi nagsasawang ibida sa kanya ang mag achievements ng kapatid niya. But how can he join without being noticed? Siguradong mag tataka ang daddy niya kapag sumama siya because Aster took him out of the picture already. at hindi niya gugustohing mas lalong bigyan ng dahilan ang babae upang layuan siya na siguradong gagawin nito kapag nag pa dalos dalos siya. Aster values their father’s opinion more than anything else, kaya hindi siya maaaring gumawa ng hakbang na maaring ikaduda ng kanilang ama. It’s hard to think of ways, to finally corner that woman, pero naniniwala siya sa sipag at tiyaga, pasasaan ba at may mabubuo rin siyang plano.
A smile appeared on his lips when an idea pop on his mind, hindi pa nila nagagawa ang bagay na iyon kaya siguradong hindi siya mahihirapang i-convince ang kanilang ama, on time lang rin dahil summer na ngayon, this is the perfect time for that activity. Dahil sa na buong plano sa kanyang isip ay agad na siyang tumayo at nag drive pabalik sa siyudad, instead of going back to his office, he choose to go straight to his father’s office.
“Hi! is dad inside?” nakangiti niyang tanong sa secretary ng kanilang ama na magalang namang bumati sa kanya bago sumagot.
“Yes sir, you may inter his office, may usapan po ba kayo?”
“Nothing, I just drop by may gusto lang akong sabihin sa kanya” nakangiti parin niyang tugon sa babae, halatang naninibago ito sa kanya dahil hindi naman niya ito madalas ngitian, hindi naman siya suplado sa babae pero kadalasan ay seryoso lang ang mukha niya kapag kausap ito.
“Yes sir, go ahead po” sabi nito saka bumalik sa ginagawa, siya naman ay dumeretso na sa office ng kanyang ama.
“Dad” tawag niya sa pansin nito.
“Oh Drey, what brings you here? Nakakagulat ata na iniwan mo ang company mo para dalawin ako?” nakangiti nitong turan, alam niyang he is just teasing him na sinakyan na lang rin niya.
“I’m sorry dad, but I’m not here for you but for business” nakangiti niyang tugon dito.
“You just broke your old man’s heart son” madrama nitong turan na nginitian lang niya “well, have a seat” sabi nito na itinuro pa ang upuan sa harap ng table nito, pero sa halip na maupo sa isa sa mga upuan ay mas pinili niyang maupo ng patagilid sa table nito dahilan upang mapasandal ito sa swivel chair nito habang umiiling iling sa kanya.
“I have a proposal” panimula niya, pinag salikop naman ng ama ang dalawa nitong kamay saka tumango upang bigyan siya ng pagkakataong ipaliwanag dito ang kanyang proposal. Patango tango ito habang nag sasalita siya tila ba pinag iisipan ang suggestion niya. After niyang mag salita ay nginitian siya ng ama saka ito nag pahayag ng pag payag sa nais niyang gawin na lihim niyang ipinag diwang. Sisiguraduhin niyang pag sapit ng araw na iyon ay hindi na makakawala pa sa kanya ang babaeng iyon.
“So, when do you plan to do it? And where?” tanong ng kanyang ama, sa totoo lang ay hindi pa niya napag iisipan ang bagay na iyon but it’s okay, madali nalang naman iyon i-set.
“I still don't have a date and place in mind, pero madali lang naman iyon, I’ll ask my HR team to work on it” sagot niya sa ama.
“They can work with our HR para hindi naman sila masyado mahirapan” suggestion nito na tinanguan naman niya.
“Or you and Aster can do it together, malapit naman ng matapos ng kapatid mo ang project na binigay ko sa kanya, it’s better if she will be involve in activities like this so she would also know how to take care of her people once na siya na nag namamahala rito” suggestion pa nito na talaga naman pinalakpakan ng kanyang tenga, puso, atay at lahat na yata ng organ niya sa katawan ay naki palakpak na rin.
This is an additional way para mapalapit siya sa babae hindi niya naisip kanina ang bagay na iyon, thanks to their father who suggested that wonderful idea.
“That’s a great idea dad” pagsang ayon niya sa sinabi nito, ilang oras pa silang nag usap ng tungkol sa negosyo bago siya tuluyang nag paalam rito, paglabas niya ay nakasalubong niya si Aster, parehas silang natigilan ng sandaling mag lapat ang kanilang mga mata pero mabilis rin silang nakabawi, mabilis itong nag lakad palayo sa kanya patungo sa office nito habang siya ay napapailing nalang na lumakad palapit sa elevator. Gusto niya itong sundan at kausapin para mabawasan man lamang sana ang pananabik niya rito but he knew this is not the right time, isa pa, baka hindi niya mapigilan ang sarili niya kapag nagkasarinlan silang dalawa, siguradong mas lalo itong iiwas sa kanya kapag nag kataon kaya naman kahit halos ayaw ng paa niyang umalis don ay pinilit niyang humakbang. He need to be patient and plan his moves carefully.
Pagka alis niya sa office ng kaniyang ama ay saka lamang siya bumalik sa kanyang office, as expected ay tambak ang mga papeles na kailangan niyang permahan sa taas ng kanyang table. Kaya naman wala na siyang sinayang na sandali at mabilis niyang inisa isa ang bawat folder upang pag aralan kung ano ang mga iyon, may mga pinirmahan rin siyang checke, ng matapos na siya sa kanyang pag babasa at pag pirma ay napasandal siya sa kanyang swivel chair. His mind just can't stop of thinking about that woman. Kapag hindi siya abala sa trabaho ay abala naman ang utak niya sa kakaisip sa babae. Napabuntong hininga nalang siya saka dinampot ang mga folder na tapos na niyang permahan at saka iyon ipinatong sa table ng mga departamentong may kailangan niyon, mag isa nalang siya sa office dahil gabi na kaya siya na mismo ang nag dala ng mga iyon sa bawat department, pwede naman niya iyong iwan sa kanyang table at hayaan ang secretary niyang i-distribute iyon kinabukasan, pero ginawa na lang niya hindi naman din mabigat na gawain.
Matapos siya sa ginagawa ay saka lang siya nag ayos pauwi sa kanyang condo na nag silbi na niyang tahanan simula ng umalis siya sa poder ng kanilang mga magulang. Pagkarating niya ay agad siyang dumeretso sa kanyang silid at naligo, nanlalagkit na rin kasi ang katawan niya, ng matapos siyang maligo ay nahiga siya sa kanyang higaan saka ipinikit ang mga mata, the moment his eye closed ay agad na lumitaw sa kanyang balintataw ang napaka gandang mukha ni Aster dahilan upang makatulog siyang may matamis na ngiti sa labi.
YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
RomanceEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...