Chapter 4

77 10 0
                                    

Happy reading po. Salamat sa mga bagong nag follow at sa mga votes😊. Keep on coming guys.
--------------------------------------

 
MAGKAKATABI silang tatlo na nakaupo sa mahabang sofa sa sala ng bahay ng mga Crison, doon sila ng mga sumundo sa kanila mula sa bar na pinuntahan nila, pare-parehas silang nakayuko at walang nag lalakas loob na mag angat ng tingin dahil siguradong sermon iyon, kompleto lang naman ang apat na pamilya doon, at lahat ng mga nakatatanda maging ang pitong lalaking sumundo sa kanila ay pawang nakatingin sa kanilang tatlo, habang sila ay nag titinginan habang nakayuko.
 
“Wala bang mag sasalita sa inyo?” and daddy nila sa seryosong tinig, gutsuhin man niyang sumagot ay hindi niya magawa, sa boses palang ng ama ay sigurado na siyang yari silang dalawa ni Yarrow. Well, inaasahan naman na nila ang bagay na iyon pero iba parin ang pakiramdam kapag nakasalang ka talaga sa hot seat. Pakiramdam niya ay lalabas na sa dibdib niya ang kanyang puso habang lihim siyang nananalangin na sana ay manatiling tikom ang bibig ni Edric sa nangyari kanina sa likod ng bar kung saan muntik na siyang magahasa.  Nang makalabas kasi sila sa bar kanina ay hinihintay na sila ng mga kasama, sa kotse nila Gunnar pinasakay si Yarrow habang sa sasakyan naman nila Aziel si Frei, kaya silang dalawa lang ni Edric ang sumakay sa sasakyan nito, gusto sana niya itong kausapin kanina pero nawalan siya ng lakas ng loob dahil hindi man lang ito nag sasalita, alam niyang galit parin ito, halata naman sa diin ng paghawak nito sa manibela.
 
“Aster, Yarrow, hindi ba kayo mag sasalitang dalawa?” this time ay matalim na ang tinig ng kanilang ama, tila ba nauubusan na ito ng pasensya sa pananahimik nila ng kapatid.
 
“But we just go to a bar, we were just enjoying as teenagers, isa pa we were not with any boys naman. I find it so unfair daddy, bakit kapag sila Edric ang nag ba-bar wala naman silang sermon, bakit kami para ngayon lang naman namin ginawa kailangan may open forum agad?” sabi ni Yarrow na tila hindi na nakapagpigil at ngayon ay nakatulis pa ang nguso. Pinandilatan naman niya ito ng mata, this is clearly not the time for talking back, hindi ba nito naririnig sa tinig ng ama nila? ang galit nito? medyo nawala lang ang pandidilat niya sa kapatid ng marinig niya ang mahina at tila pinipigil na pag tawa ng Tita Chelle at Monique nila, bahagya pang nag tago ang mga ito sa likod ng kanikanilang mga asawa, habang ang mga tito naman nila ay medyo napapangiti rin habang napapailing pero pilit lang iyong itinatago, marahil ay nakucutan ang mga ito sa itsura ni Yarrow. Gayon pa man ay nanatiling seryoso ang kanilang ama dahilan upang lalo siyang kabahan, masama na ang tingin nito kay Yarrow, their dad spoils them with everything, ito na ata ang may pinaka mahabang pasensyang tao na nakilala niya lalo na pag dating sa kanilang dalawa ni Yarrow, bihira itong magalit at kapag nagagalit ito ay para itong bulkan na sumasabog, mabuti nalang at nasa tabi nito ang kanilang mommy na panay ang haplos sa braso ng kanilang ama upang payapain ito, kung hindi ay baka kanina pa sila nitong nasigawan na dalawa.
 
“Sumasagot kana Yarrow?” mahina ngunit may diin nitong turan, ang kapatid naman niya ay muling napayuko saka nag sorry sa kanilang ama, bahagya niya itong siniko at ganun din ang ginawa nito sa kanya.
 
“Please don't be mad at them Tito Xi, it was me who asked them to accompany me tonight po” mabilis na salo ni Freia para sa kanila ng kapatid ng muli nanaman sanang magsasalita ang kanilang ama.
 
“At anong kabaliwan ang pumasok diyan sa kokote mo Sapira Freia Crison, para maisip mo ang kalokohang ito?” ang malakas na tinig ng Tita Fire nila na ngayon ay striktong nakatingin kay Freia, tumayo ito mula sa kinauupuan at nakapamewang na nag lakad pabalik balik sa gitna ng sala bago muling nag salita.
 
“Hindi kita pinalaki para gumawa ng mga ganitong klase ng kalokohan Sapira Freia, ngayon sabihin mo sakin anong pumasok diyan sa kokote mo at dinamay mo pa itong dalawa sa kabaliwan mo?”
 
“Mom, you should be the one to understand us here, tumatakas ka rin naman po dati para mag bar diba? kayo nila tita Mina at Nikki” sagot ng kaibigan niya sa ina nito na ngayon ay nanlalaki ang mga mata at nakabuka ang bibig habang tila hindi makapaniwalang nakatingin sa anak nito dahilan upang muli nanamang matawa ang Tita Chelle at Monique niya pati narin ang mga Tito nila kasama na ang kanilang ama. Makailang ulit nagbuka sara ang bibig ng ginang na tila ba may gusto itong sabihin pero hindi nito maisatinig. Nang wala itong makapang salita sa bibig nito ay malakas nitong hinampas sa balikat ang asawa nitong agad na sumama ang mukha mula sa pag pipigil ng tawa at napatitig sa asawa nito.
 
“Kausapin mo yang anak mo” sabi nito sa asawa saka muling bumalik sa pag paparoot parito, tumikhim naman ang asawa nito at pinaseryoso ang mukha bago nag salita.
 
“Yes, your mom did that a lot of times” sabi nito dahilan upang tuluyan ng matawa ang lahat ng naroon maliban sa kanilang tatlo na nagkakatinginan, bakit parang naging comedy show ata ang kanina ay panenermon ng mga ito sa kanila.
 
“Puma!” malakas na sigaw ng Tita Fire nila na tila hindi makapaniwalang sinabi iyon ng asawa sa kanila. “Do you really have to say that!” sabi nito sa asawa sa nandidilat na mata.
 
“But that’s the truth” pag dadahilan naman ng tito nila. “Kuya oh” sabi ng ginang na tila nag papa kampe sa dalawa nitong kapatid.
 
“Well, what can we say? hindi naman na kami magtataka dahil may pinagmanahan naman talaga itong si Freia pag dating sa pag takas takas” pam-bu-bully pa ng tito Dane nila sa kapatid na napatingala nalang sa ere habang nakatirik ang mga mata. “uuuurrrrrrgggggg” sabi nito “You three! This is not the time to make fun of me!” naiirita nitong turan habang ang mga tito at tita nila ay tila walang pakialam na tumatawa lang, hanggang sa lumabas mula sa silid ng mga ito ang kanilang lolo at lola. Tumikhim ang kanilang Lolo habang inaalalayan nito ang asawang makaupo sa sofa sa harap nilang tatlo.  Lahat sila ay matamang tinitigan ng kanilang lola, bahagya pa itong umiling ng tignan ang mga anak itong lalaki mukhang nakikinig lang ang mga ito sa usapan nila mula sa silid ng mga ito.
 
“I can't believe I raise a childish bunch of idiots” sabi nito habang nakatingin kila tito Brent at Dane na ngayon ay napapakamot nalang ng ulo. “You were talking about the safety of this 3 princess that we have here, you shouldn't take this situation as a joke and act like a mature individuals, so this three will understand where they gone wrong and learn their lesson” ang mga tito at tita nila na kanina ay siyang nag papagalit sa kanilang tatlo ang ngayon ay napapagalitan, napailing nalang siya sa bilis ng pag ikot ng mga pangyayari. Matapos ang mga ito pagalitan sa inasal sa harap nila ay saka sila nakangiting hinarap ng matanda.
 
“Mga apo, pag pasensyahan nyo na kung kinakailangan kayong kausapin ngayon at pagalitan dahil sa ginawa ninyo, dahil kahit saang angulo naman ninyo tignan ay talagang mali ang ginawa ninyo. Yarrow apo” tawag nito sa kapatid niya na agad namang tumingin sa matanda. “Ang mga kuya ninyo ay hindi namin masyadong hinihigpitan na lumabas at mag punta sa mga bar-bar na yan dahil mga lalaki sila, kaya nilang ipag tanggol ang kanilang sarili at palagi rin silang magkakasama tuwing lumalabas kaya hindi kami nag aalala masyado dahil alam naming hindi nila pababayaan ang isat isa, maliban pa yon sa katotohanang walang nagagahasang lalaki dito sa Pilipinas, pero hindi ibig sabihin ay hindi sila pinagsasabihan. Samantalang kayong tatlo, ano bang laban ninyo kung may mag tatangka sa inyo ng masama? kung nilagyan ng mga tao doon ng pampatulog ang mga inumin nyo at I-gang rape kayo maipag tatanggol ba ninyo ang mga sarili ninyo?” tanong nito sa kapatid niyang marahang umiling sa matanda, habang sinasabi nito ang mga salitang iyon ay napabaling siya ng tingin kay Edric na matiim na nakatitig sa kanya, seryoso ang mukha nito at hindi niya maunawaan kung galit ba ito o ano, basta para siyang napapaso sa paraan nito ng pag titig sa kanya kaya nag bawi nalang siya ng tingin. “Kaya sana intindihin ninyo kami, mahal na mahal namin kayo dahil kayo ang mga prinsesa namin kaya hindi namin gustong mapahamak kayo, at ang ginawa ninyong ito ay napakalaking kapalaluan lalo pa at hindi naman kayo katulad ng Tita Fire ninyo na sanay sa mga ganung lugar nung ganyang edad siya sa inyo” sabi pa nito bago bumaling sa bunsong anak na hindi naman malaman kung ngingiti sa ina nito o ngingiwi.
 
“Sorry po Lola” sabi ng kapatid niya sa mahinang tinig.
 
“Ikaw naman Freia Apo” baling nito sa kaibigan niya, “Oo, alam nating lahat na sakit ng ulo namin ang mommy mo noong siya ang nasa ganyang edad sayo, dahil sa hilig niyang tumakas pag gabi kasama ng mga kaibigan niya para lang mag pakasaya sa mga bar na yan. Pwedeng sabihin ng lahat na minana mo sa mommy mo ang ganyang ugali kaya ka nag pasimunong tumakas ngayong gabi, pero apo, ikaw ay si Freia at hindi si Fire kahit sa kanya ka pa galing ay magkaiba kayo. May sarili  kang isip at pagpapasya, ng ayain mo itong dalawa na tumakas kanina, iyon ay repleksyon ng pagkatao mo at hindi ng pagkatao ng mommy mo, kaya hindi tama na ibalik mo sa kanya ang ginawa mo na para bang siya ang sabi sayong tumakas kayo. You are the one who made that decision, so grow up at panindigan mo ang desisyon mo ng hindi mo kinakaladkad ang mga pagkakamali sa nakaraan, dahil nakaraan na ang mga iyon”. Litanya nito sa apo, ng silipin niya ang kaibigan ay tila maiiyak na ito. “Sorry po lola, sorry po mommy” medyo piyok na nitong turan, agad naman itong tinanguan ni tita Fire na ngayon ay nakangiti na.
 
‘And for you, Aster apo” baling nito sa kanya “Tahimik ka lang sa inyong tatlo simula ng makauwi kayo rito, may nangyari ba sayo sa bar na pinuntahan ninyo?” tanong ng matanda sa kanya dahilan para mapabaling sa kaniya ang lahat maging si Yarrow at Freia. Siya naman ay napatingin kay Edric at saglit na nakipag titigan dito, sa pamamagitan ng kanyang tingin ay gusto niyang iparating rito ang mensahing wag siyang isusumbong. “Wala naman po lola” sabi niya sa matanda na hindi makatingin sa mga mata nito. “Sigurado kaba apo?” tanong nito ng tla hindi ito na-convince sa naging sagot niya, kaya naman tinignan niya ito sa mga mata saka muling sumagot “Opo lola, sigurado po ako” sagot niya dito. “Bueno, sana ay may natutunan kayong tatlo sa pangyayaring ito, at sana ay huwag na itong maulit pa, maasahan ko ba iyon mga apo” tanong nito sa kanilang tatlo, mabilis naman silang sumagot sa matanda na may kasama pang pag tango, ng masiyahan ito sa naging tugon nila ay tumayo na ang matanda at muling tinignan ang mga anak nito saka mahinang bumulong  “Ano nalang ang mangyayari sa inyo kung wala kami ng Papa ninyo” naiiling nitong turan saka humawak sa kamay ng asawa nito at nag pagiya papasok sa silid ng mga ito.
 
“I love you Ma, Pa” sabay sabay na turan ng mga Tito at Tita nila.
 
“So, I guess this is it, ang lola lang pala ninyo ang kailangan natin dito, sabi ng tito Brent nila na ikinangiti ng lahat bago ito muling nag salita.
 
“Wag na ninyo itong uulitin, malinaw ba?” tanong nito sa kanilang tatlo na magkapanabay naman nilang sinagot ng Opo tito. Matapos iyon ay halos sabay sabay na silang umalis sa bahay ng mga Crison at nagsipag lakad pauwi sa kanikanilang mga tahanan. Tahimik silang lima habang nag lalakad, pagkarating nila sa kanilang bahay ay hindi sila agad pumasok sa kanilang silid, naupo muna sila sa sofa sa sala at nag hintay ng sasabihin ng mommy at daddy nila.
 
“hindi ko gusto ang nangyari ngayon, at sa totoo lang ay nakakawala ng tiwala, pero dahil kinausap na kayo ng lola ninyo at sinabi naman ninyong hindi na ninyo uulitin ay bibigyan ko pa kayo ng isa pang pagkakataon, and I hope this time ay hindi na ninyo iyon sisirain, lalo kana Yarrow” sabi nito sa kanilang dalawa, nakangiti naman silang tumayo ng kapatid at sabay na niyakap ang kanilang ama sa magkabilang gilid.
 
“Hindi na po mauulit daddy, we love you po” sabi niya rito na tinugon naman nito ng tag isang halik sa ulo nilang dalawa ni Yarrow, pagkatapos ng kanilang daddy ay ang mommy naman nila ang niyakap nila at sinabihan ng I love you bago sila nag kanya kanya ng pasok sa kanilang mga silid, pero siya ay hindi agad pumasok sa silid niya, sa halip ay nag tungo muna siya sa kusina, gusto niyang kausapin si Edric pero hindi niya alam kung pano niya ito kakausapin.
 
“Hindi ka paba aakyat?” muntik pa siyang mapalundag dahil sa biglaan nitong pag sasalita sa likod niya, akala niya ay umakyat na rin ito, inilapag niya ang baso sa lababo saka ito hinarap.
 
“Can we talk?” tanong niya sa lalaki, mabuti ng kausapin niya ito ngayon kesa ipag paliban pa niya.

Savage book 1: Edric Walker - CompletedWhere stories live. Discover now