“Aster, are you okay?” concerned na tanong ng kaibigang si Freia, bumisita ito sa bahay nila ngayon kaya mag kasama sila ngayon sa kanyang silid, bakas ang pag aalala sa magandang mukha ng kaibigan.
“Yeah, I’m fine, medyo nahihilo lang ako” pilit ang ngiti niyang tugon sa kaibigan, baka pagod lang siya, hindi rin niya maintindihan ang sarili, nitong mga nakalipas na araw ay madalas siyang atakihin ng pagkahilo, pero kadalasan naman ay nawawala rin kapag nagpahinga na siya, madalas ay sa umaga lang naman iyon nangyayari, so far ngayon ang pinaka matinding sumpong, naisip niya na baka dahil lamang iyon sa ilang buwan na rin niyang pag pupuyat, mukhang binabalikan na siya ng katawan niya. “Namumutla ka, mag pa check up ka kaya? Come on samahan kita” suggestion ng kaibigan na sinang ayunan niya, baka anemic na siya, kailangan niyang humingi ng vitamins na pwede niyang inumin, at mas maganda kung mag papacheck up muna siya para mabigyan siya ng tamang vitamin. Dahil talagang nahihilo siya ay inalalayan siya ng kaibigan, maayos naman ang damit niya kaya hindi na siya nag palit ng panlakad, pinakiusapan nalang niya si Freia na wag ng sabihin sa mga kasambahay nila kung saan sila pupunta, dahil siguradong makakarating iyon sa kanyang Ina at siguradong mag aalala nanaman yun, as much as she love her mom, minsan ay may pagka OA ang mommy nila pagdating sa kalusugan nilang mag kakapatid. Naunawaan naman ng kaibigan ang ibig niyang sabihin kaya hindi nga nito sinabi sa mga nakakasalubong nilang kasambahay kung saan sila pupunta, pasimple lang siya nitong inalalayan, sinasabi lang nila na mamamasyal silang dalawa kaya wala namang naging problema.
“Ano ba kasing pinag gagawa mo?” may halong sermon nitong tanong sa kanya, napangiti naman siya dahil halatang nag aalala lang ito.
“Wala to, baka anemic lang ako, I’ve been working on a project for a month now, and I have been deprived of sleep, kaya siguro ako nahihilo, don't worry I’ll be fine, manghihingi lang akong vitamins sa doctor” pag bibigay niya ng assurance sa kaibigan.
“You should be taking care of yourself As, alam ba to ni Tito? I’m sure hindi niya alam, dahil sigurado naman akong magagalit yun kung malalamang inaabuso mo ang sarili mo sa pag tatrabaho”
“He doesn't need to know, madami lang kasi talagang kailangang gawin na hindi ko naman pwedeng basta nalang iwan, we have a very tight timeline with this project so I really need to work double time” pagdadahilan niya sa kaibigan, totoo naman ang bagay na iyon, pagkatapos kasi nilang mag team building ay pumasok ang project na iyon sa kanila at siya ulit ang pinag hawak ng kanilang ama, she has been very busy for 3 months now, at talagang kulang siya sa pahinga, kahit weekend kasi ay kailangan niyang mag trabaho, ang tanging pahinga na lang niya sa trabaho ay ang mga nakaw na sandali nila ni Edric, na kung totoosin ay hindi rin naman pahingang maituturing, dahil wala rin naman silang sawa sa pag sasalo sa init ng kanilang pag mamahalan. She’s only sleeping 3 hours almost every night, pero ok lang naman sa kanya dahil kaya naman niya, itong mga nakalipas na araw lang talaga ay medyo nakakaramdam na siya ng pagkahilo.
“Ewan ko sayo, masyado ka ring workaholic” sabi nito habang nag papark sa gilid ng hospital. Inalalayan siya nito habang nag lalakad, pakiramdam niya ay lalo siyang nahihilo sa bawat minutong lumilipas, kaya naman napahigpit ang hawak niya sa kaibigan, “Are you okay?” Narinig niyang tanong nito, pinilit niyang iangat ang tingin sa kaibigan para sana sagutin ito pero nanlalabo na talaga ang kanyang paningin, hindi na niya namalayan kung ano ang sumunod na nangyari, ang huli nalang niyang narinig ay ang malakas na pag tawag sa kanya ng kaibigan, before everything turned black for her.
PINAGPAPAWISAN NG MALAMIG SI FREIA, one of her best friends just collapse in front of her, mabuti nalang at may nakakita sa kanila kanina kaya ay tumulong sa kanyang dalhin ang kaibigan sa emergency area ng hospital, kasalukuyang inaasikaso ang kaibigan niya ng mga oras na iyon, kanina pa niya gustong tawagan si Yarrow upang ipaalam ang nangyari sa kapatid nito pero naalala niya ang pakiusap ng kaibigan kaya pinipigil niya ang sarili.
“Ma’am” tawag sa kanya na isang nurse na nag assist sa kanila kanila.
“Yes? How’s my friend?” deretso niyang tanong sa babae. “The Doctor wants to talk to you, come follow me” sabi nito saka siya iginiya sa kinaroroonan ng kaibigan. Nakahiga ang babae sa bed at tela lang ang nag hihiwalay rito sa iba pang emergency patient, namumutla parin ito at wala paring malay, nakita naman niya ang babaeng nakatayo sa gilid ng higaan ng kaibigan, probably the Doctor. Matamis siyang nginitian ng babae ng makuha nila ang atensyon nito.
“What is your relationship to the patient Ms.?” nakangiti nitong tanong sa kanya.
“I’m her friend, is she okay? Why did she collapse? Is she sick or something? Is it something serious?” sunod sunod niyang tanong sa babae na nakangiti parin sa kanya, kung ibabase sa expression ng Doktora ay mukhang wala namang malalang problema ang kaibigan niya.
“You don't need to worry about your friend, wala naman siyang sakit, it’s natural for her to feel dizzy from time to time and to vomit, she just needs to take more rest para hindi sila mapahamak ni baby” nakangiting turan ng Doktor.
ILANG MINUTO NA SIYANG INIWAN NG Doctor at nakaupo lang siya sa tabi ng higaan ng kaibigang wala paring malay, she can't seem to grasp the news the beautiful doctor break to her, Aster is pregnant, tinanong niya ang doctor kung sigurado ba itong buntis ang kaibigan niya at tinawanan lang siya ng babae, ipinakita rin nito sa kanya ang result ng ultrasound na ginawa ng mga ito sa kaibigan. According to the doctor ay 3 weeks nang nagdadalang tao ang kaibigan niya, but she still can’t believe it. Paano nabuntis ang kaibigan niya? Wala naman siyang alam na kasintahan nito? wala rin itong na kukwento na nanliligaw dito, well may mga alam siya na nag papahiwatig sa kaibigan pero sabi nito ay hindi nito pinapayagan ang mga ito na manligaw dahil hindi raw ito interesado, tapos ay buntis ito? who could be the father? Kanina habang nag uusap sila papunta sa clinic ay mukhang wala itong ideya na nagdadalang tao ito, rape victim ba ang kaibigan nila at hindi lang sinabi sa kanila? Sabagay, matagal tagal narin simula ng hindi na sila masyadong nakakapag bonding. Tinignan niya ang kaibigan na wala paring malay saka makailang ulit na bumuntong hininga, this woman has a lot of explaining to do, hindi naman nito maililihim ang pag bubuntis nito, in a few months ay lalaki ang tiyan nito at siguradong malalaman ng lahat ang kalagayan nito. This is going to be a bumpy road for her friend, siguradong magagalit ang mga magulan nito dahil wala naman silang kilalang boyfriend ng babae, at kung meron man, siguradong magagalit parin ang mga magulang nito.
“Hhmmm” ungol ng kaibigan dahilan upang maputol ang kanyang pag iisip, “As?” tawag niya rito, dahan dahan naman itong bumaling sa kanya, kahit nalilito sa mga nalaman ay nginitian niya ang kaibigan, saka tumayo at nag paalam rito na tatawagin lamang ang Doctor, hindi niya alam kung paano niya sasabihin sa kaibigan ang na laman kaya ang Doktora nalang ang hahayaan iyang mag sabi niyon dito.
MARAHANG NAUPO SI ASTER, inaalalayan siya ng nurse na sumilip sa kanya ng umalis ang kaibigan, nahihilo parin siya pero medyo okay na ang pakiramdam niya kumpara kanina, nang hingi rin siya ng tubig sa nurse at mabilis naman siya nitong inabutan ng isang baso ng tubig bago ito nakangiting umalis, tahimik niyang hinintay na bumalik ang kaibigan, hindi rin naman nag tagal at bumalik na ito, kasama na nito ang marahil ay Doktora na siyang tumingin sa kanya base sa suot nito.
“Good afternoon how are you feeling?” nakangiting bungad sa kanya ng babae, kimi naman niya itong nginitian bago sumagot.
“A little better, though I’m still feeling dizzy”
“Ow, it’s not something to worry about, it’s normal with your situation, sa mga susunod na araw ay maaari ka ring makadama ng pagsusuka, lalo na sa umaga, you might also experience having food preference, though hindi naman lahat nakakaranas ng ganun pero hindi pa rin imposible, you just have to be more careful with what you do and everything you eat for the sake of the baby, I will also give you vitamins which you need to take every day” tuloy tuloy na turan ng Doktor habang siya ay halos lumuwa na ang mga mata sa mga sinasabi nito sa kanya.
“Wa-wait, doc?” pagputol niya sa pagsasalita ng babae, natigilan naman ito at napatingin sa kanyang mga mata.
“What exactly are you saying? W-what baby?” kinakabahan niyang turan, hindi siya tanga para hindi malaman ang ibig sabihin ng mga ipinaliwanag ng doctor, malinaw rin nitong binanggit ang “baby”, pero parang hindi niya ma absorbed.
“Oww, I’m sorry medyo na carried away ako” friendly nitong turan, but anyways, you are pregnant Ms. Walker, 3 weeks, so you have to be very careful, iwasan mo ang mga bagay na nakaka stress sayo, palagi ka bang puyat?” tanong nito, wala sa sarili siyang napatango sa tanong nito.
“You should stop whatever is keeping you from having a good sleeping, lack of sleep is not good for the baby and you, so far we have nothing to worry, the baby is healthy, you can stay for a while hanggang sa mawala ang hilo mo, pag hindi kana nahihilo pwede ka ng umalis, wala namang reason to keep you here, do you still have any more question?” tanong ng doctor dito, tulad kanina ay wala sa sarili nanaman siyang napatango.
“Ok, if that’s the case, I will take my leave, just call me if you need anything, and you should come back after a month for your monthly check up, and if ever magkaroon ka ng bleeding, bumalik ka kaagad dito” nakangiti nitong turan saka tuluyang umalis sa harapan niya, siya ay hindi parin makapaniwala sa bombang pinasabog ng Doktor sa kanyang harapan. Bakit hindi manlang pumasok sa isip niya ang posibilidad na buntis siya, ngayon lang niya naalala na hindi nga pala siya dinatnan noong nakaraang buwan, bagay na hindi nakapag tataka dahil wala naman silang ginagamit na protection ni Edric, hindi rin ito nag wiwithdrawal, goodness! nag iingat sila na walang makakita sa kanila, pero bakit hindi nila parehas naisip na gumamit ng protection? Ano ang gagawin niya ngayon?
Naramdaman niya ang masuyong pag hawak ng kung sino sa kanyang kamay saka ang marahan nitong pag punas sa luhang hindi niya naramdamang tumulo, saka lang siya napabaling sa kasama niya, saka lang rin niya naalala na nandito nga pala si Freia and she just hear everything the Doctor says.
“Frey” mahina niyang tawag sa kaibigan, marahan naman itong naupo sa gilid ng kanyang kama saka siya mahigpit na niyakap. “Ssshhhh, I’m here, I’m just here As” pagpapa kalma nito sa kanya, yumakap rin siya sa kaibigan at tahimik na umiyak sa balikat nito, ipinag pasalamat niya na hindi nag tanong ang babae sa kanya, basta hinayaan lang siya nitong umiyak habang hinahaplos ang kanyang likod. Makalipas ang ilang sandali ng pag iyak sa balikat ng kaibigan ay nagawa rin niyang tumigil sa pag iyak, tinulungan siya nitong ayusin ang sarili upang makaalis na sila sa hospital na yun.
Habang nasa sasakyan ay tahimik lamang silang dalawa, alam niyang gustong mag tanong ng kaibigan pero ipinag papasalamat niyang inererespeto nito ang pananahimik niya.
“Can we not go home?” basag niya sa katahimikan, hindi pa siya handang harapin ang kanyang mga magulang, she still can't process the news, para parin siyang nakalutang sa alapaap, ayaw muna niyang sumagot ng mga tanong na siguradong kakaharapin niya kapag nakita siya ng mga magulang sa ganung kalagayan. Narinig niya ang pag buntong hininga ng kaibigan, gayon pa man ay pinag bigyan nito ang kanyang hiling, nag drive lang ito ng walang direksyon hanggang sa unti unting bumaba ang araw, pagsapit ng alas sais ay ipinarada nito ang kotse sa isa sa paborito nilang restaurant.
“We should eat, you can't skip your meal now” sabi nito, tumango naman siya at sabay na silang nag lakad papasok ng naturang restaurant, umorder ito ng pagkain at dahil wala siyang gana ay hinayaan nalang niya itong umorder para sa kanya.
“Are you okay?” tanong nito ng makaalis ang waiter na kumuha ng order nilang dalawa, hindi niya malaman kung ano ang isasagot sa kaibigan, she’s not okay. Pakiramdam niya ay sasabog na ang puso niya sa matinding kaba, hindi niya alam kung ano ang gagawin. Muli namang bumuntong hininga ang kaibigan ng hindi siya sumagot at inabot ang kanyang kamay.
“As, I honestly have so many questions, and I can’t understand how all this happened, I mean may boyfriend ka ba? But I will not force you to answer all of my questions, because I can see you already have so much running in your head right now, just keep in mind that I am here. Okay? If you are ready to lessen the weight and to talk about it, I’m willing to listen, I will not judge you, I won't promise that ill understand, but I will not judge. You have me, okay? So, wag ka na masyadong mag isip, I will support you” nakangiti nitong pag bibigay ng assurance sa kanya, ayaw man niyang aminin pero kahit papaano ay nakadama siya ng kaunting kaginhawaan, knowing na kahit hindi nito naiintindihan ang mga nangyayari ay nakahanda parin itong damayan siya.
Nginitian niya ang kaibigan bago siya nag salita “Thank you Frey, I really need that” sabi niya rito, nag papasalamat talaga siya at nandito ito upang damayan siya bilang kaibigan.

YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
RomanceEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...