Chapter 31

81 7 0
                                    


 


Life must go on for Aster, even if she no longer knows how to live a normal life after what happened. Edric never stops sending her messages and calling her but she refuses to answer any of it, maybe she was hurt a little too much, she can’t even stand seeing him cause it’s breaking her heart. What he said about not having a relationship with that woman might be true, but the fact that she was neglected for something not even her fault was a different thing. It’s something she cannot just ignore. Maybe some people would say she is exaggerating, but for her, it’s really a big deal to be neglected by the person who is supposed to be listing to you, also, she knows she doesn’t deserve to be treated that way, specially again, that it was not her fault, she was raised by her mom knowing her rights and worth, that’s why it’s really hard for her to act like nothing happen and just let it pass.
 
“What is happening to you As? Akala mo ba hindi ko napapansin? You were spacing out for a few days now, palagi ring namamaga ang mga mata mo, and you have dark circle in your eyes” puna ni Yarrow na siyang kasabay niya sa pananghalian ngayon araw, she feels like she needed a break from everything that is happening, kaya nag paalam siya sa ama na pupunta sa school ng kapatid upang sabay silang mag lunch, gusto lang niyang maka bonding si Yarrow, lately ay hindi na sila masyadong nakakapag bonding na dalawa, dahil pareho silang abala sa kanilang mga buhay, and to be honest, she also forget about her sister because she was too happy with her love life.
 
“Nothing, I just have so many things in my table right now” pagdadahilan na lang niya saka ito nginitian. “Do you still have class after this?” tanong niya sa babae to divert the topic, she don't want to talk about how she was this past few day “Nothing why? do you want to hang out with me?” nakangisi nitong tanong. “Yeah, I was actually thinking of asking you to shop, matagal na rin tayong hindi nakapag shopping ng mag kasama” nakangiti niyang turan na medyo ikinagulat ng kapatid. “Are you serious? How about your work? I thought you're going back after we eat?” tanong nito. “I already texted dad to ask permission and he said yes” nakangiti niyang tugon dito, natawa naman siya ng mapa yes ang kapatid, maybe just like her, Yarrow also missed hanging out with her. “Can I call Freia? I also missed shopping with her” suggestion nito na ikinatuwa naman niya, gusto rin niyang makasama ang babae just like the old times.  
 
Mabilis na tinawagan ni Yarrow si Freia at ganun nalang ang excitement nito ng pumayag ang babae, kaya naman nag mamadali na nilang tinapos ang pagkain at agad na nag tungo sa mall kung saan sila magkikita. They stroll every single boutique na nadaanan nila, from clothes, bags to accessories, wala silang pinalampas, kung titignan ay para silang mga bata na ngayon lang dinala ng mga magulang sa playground at sabik na sabik mag laro. And it help her to lessen the burden in her heart, she feel a little refresh.
 
Habang nag lilibot silang tatlo ay walang tigil sa pag vibrate ang kanyang cellphone, the one dedicated for Edric, ganun iyon palagi simula ng gabing makipag hiwalay siya rito, actually, she is not sure kung hiwalay na ba talaga sila or what? ayaw kasi nitong pumayag at patuloy sa walang sawang pangungulit sa kanya araw-araw, kaya hindi niya alam kung valid ba yong pakikipag hiwalay niya kung siya lang ang may gusto. Sa totoo lang ay binabagabag na rin siya ng matinding konsensya, pero hindi nalang niya pinapansin.
 
Nanatili sila sa mall buong hapon, nang magsawa sila sa pamimili ay nanood naman sila ng sine, tapos ay nag pa massage para marelax ang mga muscle nila, lalo na si Freia na sobrang pagod daw sa dami ng inaasikaso nito, 7pm na ng makaramdam silang tatlo ng gutom, kaya nag pasya silang kumain muna at ituloy nalang ang pag lilibot pagkatapos nila mag dinner, they were busy planning about where they will go after they eat, nang bigla nalang sumulpot sa harap nila si Edric, he looked so serious. Agad siyang nakadama ng kaba dahil sa bigla nitong pag sulpot, lalo pa at nakatuon lang ang mga mata nito sa kanya at tila ba wala itong ibang nakikita maliban sa kanya, tumikhim muna siya bago pinilit ang sarili na mag salita. “D-drey, what are you doing here?” kinakabahan niyang tanong sa lalaki, hindi niya alam kung ano ang motibo nito sa bigla nalang pag harang sa kanila, hindi naman siguro nito planong I broadcast sa dalawa niyang kasama ang hindi nila pagkakaunawaang dalawa. “We need to talk” sabi nito na hindi parin maalis ang mga mata sa kanya, natatakot tuloy siya na baka makahalata sila Freia at Yarrow.
 
“Join us nalang Drey, we are going to eat dinner” narinig niyang sabat ni Yarrow dahilan upang bumaling siya sa mga kasama, good thing dahil tila wala namang napapansin ang dalawa, binalingan ni Edric si Yarrow bago muling nag salita “No, you and Freia can go now and eat, Aster needs to come with me” seryoso nitong turan, akmang tututol pa si Yarrow ng agad itong putulin ni Edric “No more buts Yarrow, we need to talk about very important matter” sabi nito dahilan upang matameme ang kapatid nila at mapatango nalang, tahimik na nag paalam ang dalawa sa kanya saka nag patuloy sa pag lalakad, napansin niyang may kinawayan sila Yarrow at Freia bago tuluyang umalis kaya napabaling siya sa dereksyon kung saan kumaway ang dalawa. Saka lang niya napansin ang dalawang babaeng nakatayo sa bandang likod ni Edric. Agad niyang nakilala ang isa sa dalawang babae dahil iyon ang kausap ni Edric ng gabing puntahan niya ito.
 
“Let’s talk” sabi nito saka mahigpit na hinawakan ang kanyang kamay at basta nalang siyang hinila palabas ng naturang mall, mabilis namang sumunod ang dalawang babae na kasama nito sa kanila. Dinala siya ng lalaki sa parking lot at agad na pinag buksan ng pinto ng sasakyan, ayaw man niyang sumama rito ay sumakay narin siya dahil nakakahiya naman sa dalawa nilang kasama kung mag aaway sila sa harap ng mga ito, kahit naman nakaramdam siya ng inis sa isa sa dalawang babae ay may pinag aralan parin siya at hindi siya palengkerang klase ng babae. Tahimik lang silang dalawa ni Edric bahang lulan ng sasakyan nito, ang sasakyan naman ng dalawang babae at nakasunod lang sa kanila, she already have an idea kung bakit sumusunod ang mga ito sa kanila but she don't know kung saan sila pupunta dahil hindi naman din nag sasalita si Edric, kaya minabuti nalang rin niyang humalukipkip sa kinauupuan at tumanaw sa labas ng bintana. Pagkalipas ng lang sandali ay pumasok ang sasakyan nila sa basement ng building kung saan ang condo ng lalaki, at tulad kanina ay nakasunod sa kanila ang sasakyan ng dalawang babae, hindi na niya hinintay na pag buksan siya ni edric ng pinto, tulad ng madalas nitong gawin simula ng maging sila, agad namang lumapit sa kanya ang lalaki at mahigpit ulit siyang hinawakan sa pulsuhan na para bang tatakas siya, hinila siya nito patungo sa elevator at hinintay na makapasok ang dalawang nilang kasama bago nito pinindot ang floor kung saan ang unit nito, napansin niyang tila kinakabahan ang dalawang babae habang magkahawak ang mga kamay, hindi tuloy niya alam kung kusa bang sumama ang mga ito sa lalaki o napipilitan lang. Pag bukas ng elevator ay muli siyang hinila ng lalaki papunta sa unit nito, mabilis nitong binuksan ang pinto at hinila siya papasok saka diretsong pinaupo sa sofa habang ito ay nag tungo sa likod niya, sumunod naman ang dalawang babaeng kasama nila, itinuro ng lalaki ang upuan sa tapat niya kaya doon naupo ang mga ito.
 
“Explain to her Crisel” walang ligoy nitong utos sa babaeng nakita niyang kausap nito, napakamot naman sa batok ang tinawag na crisel saka bumuntong hininga. Ngumiti ito ng pilit bago nag salita.
 
“Hi, I’m Crisel, pinakiusapan ako ng lalaking iyan na sabihin sayong wala kaming relasyon, so yeah, I’m here to tell you na wala kaming relasyon, hindi kami talo dahil hindi ko siya type at hindi niya rin ako gusto. Anyways, I want you to meet my girlfriend, Ruby” sabi nito bago bumaling sa babaeng katabi nito at kahawak kamay, tipid namang ngumiti at kumaway sa kanya ang babaeng tinawag na Ruby, tinanguan lang niya ito dahil ayaw naman niyang maging bastos. “Anyways, I really don't know kung ano pa ang mga pag uusapan ninyo ni Edric, but I assure you, wala kaming relasyon, magkaibigan lang talaga kami, I’m sorry for causing you trouble but it was not my intention, I hope I’m able to set the record clear from here” sabi nitong napapangiwi, halatang hindi rin alam kung pano mag papaliwanag sa kanya.
 
Ng hindi na ito nag salita ay narinig niya ang pag buntong hininga ni Edric sa likod niya saka ito nag pasalamat sa Crisel na agad namang nag paalam sa kanila, sinamahan ang mga ito ni Edric hanggang sa pinto ng unit, kahit papaano ay gumaan ang pakiramdam niya matapos niyang marinig ang confirmation mula sa babae. Nang makalabas na ang dalawa ay muling isinara at inilock ni Edric ang pinto ng unit nito saka bumalik at naupo sa tapat niya, kung saan nakaupo ang dalawang babae kanina, hindi ito nag salita bagkos ay tinitigan lang siya. Tinitigan rin niya ang lalaki at doon niya napansin na pumayat ito, katulad niya ay mugto rin ang mga mata nito at nangingitim ang paligid tanda na hindi rin ito nakakatulog ng maayos. Hindi rin maayos ang suot nito, kung dati ay hindi niya kakitaan ng kahit isang kusot ang mga damit nito, ngayon naman ay parang hindi na nito kilala ang plantsa dahil kusot kusot ang damit nito.  
 
“Baby” tila nahihirapan nitong turan bago umalis sa kinauupuan nito at lumuhod sa harap niya, nagulat siya sa ginawa nito pero hindi siya nakapag salita upang mapigilan ito. “I’m really sorry for how I acted that day, please kausapin mo na ako, ayusin naman natin to oh, wag naman ganito, wag mo naman ako iwan dahil doon, I know mali talaga na ibinunton ko sayo ang inis ko sa lalaking iyon at ang hindi ko pag pansin sa mga message at calls mo, I swear baby pinag sisihan ko na yon” sabi nito sa kanya habang nakaluhod at nakahawak sa kanyang kamay,  he looked so pathetic right now, hindi niya akalaing aabot sa ganito ang lalaki, na talagang mag mamakaawa ito sa kanya na ayusin nila kung ano ang meron silang dalawa.  “I really miss you babe, para na akong mababaliw sa bawat araw na lumilipas na hindi tayo nag kakaayos, hindi ko kayang mawala ka sakin Aster, hilingin mo na ang kahit ano, parusahan mo ako hanggang gusto mo, wag ka lang makipag hiwalay sakin, hindi ko talaga kakayanin please As! Please” lumuluha nitong pakiusap.
 
Habang pinag mamasdan niya ito sa ganung kalagayan ay parang binibiyak ang kanyang puso para sa lalaki, he doesn't deserve to beg like this, hindi nito deserve ang sakit na nakikita niya sa mga mata nito, and it pained her more knowing that it was her who caused this man so much pain, dahil nagmatigas siya. Hindi na niya napigilan ang tunay na nararamdaman, kaya naman marahan niyang hinawakan ang magkabila nitong pisngi at marahang pinahid ang luha nito. masuyo niya itong nginitian bago marahang tumango, tandan a pinatawad na niya ito, agad namang nagliwanag ang mukha ng lalaki at kuminang ang mga mata, tila ito natanggalan ng lahat ng pasinin nito sa buhay.
 
Mabilis nitong hinawakan ang magkabila niyang pisngi at pinag lapat ang kanilang mga labi, hinalikan siya nito na tila ba wala ng bukas, tinugon naman niya ang halik nito sa kaparehong kaparaanan, gusto niyang iparamdam sa lalaki ang nag uumapaw niyang pagmamahal para rito sa pamamagitan ng halik na iyon. Ilang minuto pa silang nanatili sa ganung ayos, hanggang sa maramdaman niya ang pag angat ng kanyang katawan mula sa sofa, ng buhatin siya ng kasintahan habang patuloy parin ito sa pag halik sa kanya. Mabilis naman niyang ipinulupot ang dalawang binti sa bewang ng lalaki upang suportahan ang bigat niya, ang dalawa naman niyang kamay ay ipinalibot niya sa batok nito upang hindi siya mahulog, kahit na mahigpit siya nitong hawak sa bewang. Naglakad ito patungo sa kwarto at maingat siyang inihiga sa kama. Hindi ito agad sumunod sa kanya sa halip ay isa isa muna nitong tinanggal lahat ng kasuotan nito habang nakapako sa kanya ang mga mata nito, kitang kita niya ang pananabik sa bawat titig at kilos ng lalaki, kaya naman kusa narin niyang hinubad ang kanyang damit, dahil hindi niya maitatanggi na nasasabik rin siyang muling maranasan kung paanong angkinin ng isang Edric Walker.  

Savage book 1: Edric Walker - CompletedWhere stories live. Discover now