Chapter 5

89 6 0
                                    

Happy reading Luetians 🙂 natutuwa ako kasi patuloy kayong nadadagdagan, kahit paisa isa lang 😘.

Keep on coming people!!! 😁😁😁
-----------------------------


"Can we talk?" tanong niya rito kahit pa nga kinakabahan siya, hindi rin niya maunawan ang sarili kung bakit siya kinakabahan gayong kakausapin lang naman niya ito. Hindi sumagot ang lalaki, sa halip ay saglit muna siya nitong tinignan, bago nag lakad palapit sa kinaroroonan niya upang kumuha ng tubig, tahimik naman niya itong hinintay na matapos uminom. Nang matapos ito ay inilapag nito ang basong ginamit sa lababo katabi ng ginamit niya, medyo nagulat siya ng tabihan siya nito mula sa pagkakasandal sa lababo, this is the first time na tumabi ito sa kanya. Hindi tuloy niya maiwasang kabahan, lalo pa at damang dama niya ang init na nag mumula rito dahil magkadikit ang kanilang mga braso.

"Talk" tipid nitong turan, yumuko siya at lumunok muna ng laway bago nag salita.

"Thank you! for saving me back in the bar, kung di ka dumating baka napano na ako, and for not breathing a word to our parents kanina" sabi niya rito saka nanahimik, hinihintay niyang sigawan siya nito tulad ng madalas nitong gawin pero hindi iyon nangyari, bagkos ay nanatili lang na walang imik ang lalaki dahilan upang mapatingala siya rito. At dahil napakalapit nila sa isa't isa ngayon ay malaya niyang nakikita ang kalahati ng mukha nito. Napaka gwapo talaga ng kuya niya, matangos ang ilong nito at natural na mapula ang mga labi, habang ang may kakapalan nitong kilay ay parang sa babae na maganda ang pagkaka korte sa taas ng napakaganda nitong mga mata. Wala manlang maipipintas sa angkin nitong kagwapuhan, no wonder maraming babae ang nag kakagusto rito at marami na rin itong naging ex, hindi na niya mabilang. Sa hindi niya maunawaang dahilan ay bigla siyang nakadama ng pinong kirot sa kanyang puso ng maalala ang mahabang listahan ng mga exes ng lalaki, those girls are luckier than her, because they got the chance to talk to him and be close to him, mga bagay na hindi niya basta basta nagagawa dito kahit magkapatid sila dahil palagi itong nagagalit kapag lumalapit siya rito kahit wala naman siyang ginagawa.

"Don't stare at me like that, I might not be able to stop myself" sabi nito na nag pabalik sa kanyang diwa na hindi niya namalayang nag lalakbay, habang nakatitig siya rito dahilan para muli siyang mapayuko, nakakahiya na nahuli siya nitong parang fun girl na nakatitig dito. "Hey" tawag nito sa kanya, kaya muli niyang inangat ang kanyang ulo dahilan para mag lapat ang kanilang mga mata. Noon lang niya napansin ang mataman nitong pagtitig sa kanya, hindi naman niya napigilan ang makadama ng hiya dahil sa paraan nito ng pag titig sa kanya, mabuti nalang at madilim sa kinaroroonan nila kaya hindi nito pansin ang pamumula ng kanyang pisngi.

"M-may dumi ba ako sa mukha?" nauutal niyang tanong dito ng hindi nito alisin ang mga mata sa kanya pagkalipas ng ilang sandali, naiilang narin kasi siya sa titig nito na tila ba may nakikita ito sa mukha niya, kakaiba kasi ang kislap ng mga mata nito habang matiim na nakatitig sa kanya, hindi lang niya matukoy kung ano iyon. Sa halip na sagutin siya ay bahagya itong tumawa sa naging reaction niya, kaya muli na naman siyang mapatitig dito. Ang gwapo lang kasi nito kapag nakangiti, bihira niya itong makitang nakangiti at hindi niya alam na ganun pala ang epekto niyon lalo na sa malapitan, nakakapanghina ng tuhod dahil tila gustong takasan ng lakas ng kanyang tuhod ng mga oras na iyon.

"I told you, don't look at me like that" this time ay seryoso na nitong turan, nasanay na siguro ang mata niya sa dilim kaya kahit bahagyang madilim sa kinaroroonan nila ay malinaw pa rin niyang nakikita ang pag pag bigat ng paghinga nito kasabay ng pagtaas baba ng dibdib ng lalaki.

"I'm sorry!" sabi niya saka muling yumuko,

"Don't look down" utos na naman nito na ikinakunot ng noo niya. "Ano ba talaga? Pag nakatingin ako sayo ayaw mo, ngayon yumuko ako ayaw mo parin, tumalikod kaya ako?" hindi niya napigilang turan sa lalaking ngayon ay nakangiti na ulit. Hindi niya alam kung anong trip nito pero mukhang malakas ang sapak ng lalaki ngayon, ngingiti ito tapos biglang seseryoso tapos ngingiti nanaman na tila ito siyang siya sa nakikita. Marahan nitong inangat ang kamay saka inabot ang buhok sa gilid ng kanyang mukha at saka iyon inipit sa likod ng kanyang tenga, dahil sa ginawa nito ay muli siyang napatitig sa nakangiti nitong mukha.

Savage book 1: Edric Walker - CompletedWhere stories live. Discover now