Naging maayos naman ang mga sumunod na araw, nanatiling lihim ang kanilang relasyon and they are happy, as much as possible ay hindi sila masyadong nag uusap kapag may mga kasama sila katulad ng dati, pero kapag silang dalawa lang ang magkasama ay halos hindi na sila mag hiwalay na dalawa, palagi silang tila sabik na sabik sa isa’t isa kaya naman palagi silang nauuwi sa mainit na pagtatalik. Palagi mang kulang ang mga nakaw na sandaling pinag sasaluhan nila, ay sapat na iyon para sa kanila dahil pareho nilang gustong mag ingat. Bawat kilos at galaw nila at nag iingat sila, kahit sa mga text at call ay naging maingat rin sila, they even bought a new sim and cellphone only dedicated for each other. Most of the time at nag vi-video call sila during lunch, habang siya ay nasa loob ng kanyang office at ang lalaki naman ay nasa sarili rin nitong opisina, dahil doon ay hindi na siya lumalabas para mag lunch maliban nalang kung kailangan talaga, ganun din naman ang ginagawa ng lalaki. They both made some adjustments so their relationship can survive, it is not easy, but they are surviving and happy. But not everything is about happiness, every relationship undergo to some trials and misunderstanding, and they are not an exemption to that. Katulad nalang ngayon, hindi pinapansin in Edric lahat ng tawag at text niya rito, alam niyang abala itong tao, pero hindi ito nawawalan ng time sa kanya, isa pa ay alam niyang wala itong meeting o kahit anong appointment ngayon dahil sinasabi naman nito ang schedule nito sa kanya. Kagabi pa siya nito hindi pinapansin, hindi na niya alam kung paano susuyuin ang lalaki, masyado naman kasing seloso, hindi naman niya iyon ginusto, it was just an accident at napag sabihan narin ang lalaking dahilan ng pag aalburoto nito. Kahapon kasi ay nagkaroon ng maliit na insidente, they are all in the meeting room for HR presentation on the team building activity, na gusto nilang gawin ng magkasama, so naroon rin ang team nila Edric, after the presentation ay hindi sinasadya na sumabit sa isang naka usling wire ang isa nilang HR at aksidenteng lumapat ang labi nito sa labi niya. It was an accident, pero hindi naniniwala ang lalaki, hindi naman niya ito masisisi dahil halata namang may crush sa kanya ang lalaki. Nagalit din ang kanilang ama dahil sa nakita rin nito ang pangyayari, pero agad rin naman itong kumalma ng mapatunayang aksidente ang lahat at hindi talaga sinadya ng pobreng empleyado, so they closed the case and just make some preventive actions para siguradong hindi kakalat sa labas ang naturang insidente. Halos lumuhod pa sa harap niya ang lalaki sa pag hingi nito ng tawad, at dahil hindi naman talaga nito sinasadya ay pinatawad niya ang lalaki na hindi nagustuhan ni Edric. He wanted to fire the poor guy, bagay na tinutulan niya dahilan upang sa kanya mabaling ang galit nito. Bakit daw niya ipinag tatanggol ang lalaki, she can still remember how they argue about the matter in front of their father. Gigil na gigil ang lalaki ganun rin siya, walang nagawa kahit ang kanilang ama upang pigilan silang dalawa dahil pareho sila nitong naiintindihan. He understand Edric’s reaction dahil iniisip nitong nagiging protective lang ang lalaki sa kanya dahil kapatid siya nito, at kabastusan nga namang maituturing ang nangyari kung talagang sinadya iyon ng lalaki. Nauunawaan rin siya nito dahil hindi naman deserve ng lalaking iyon ang mawalan ng trabaho dahil sa isang aksidente, it was beyond his control. Umabot din ng isang oras ang pag tatalo nilang dalawa hanggang sa pareho silang galit na lumabas ng office ng kanilang ama.
Nang humupa na ang init ng kanyang ulo ay sinubukan niya itong kausapin upang magkaayos silang dalawa, ngunit hindi siya nito pinapansin, kaya ngayon ay namomroblema na siya, hindi niya alam kung okay pa ba sila as in okay na sila parin, o maghihiwalay na ba sila dahil hindi siya nito pinapansin, pakiramdam kasi niya ay mawawala na ito sa kanya dahil isang buong araw na niyang sinusubukang kausapin ang lalaki, pero tila ito walang interest na kausapin siya. Hanggang sa hindi na niya natiis at nag desisyon na siyang puntahan ito, nag paalam siya sa ama na lalabas lang at may bibilhin sa mall, pinayagan naman siya nito dahil hindi pa naman malalim ang gabi. Nag drive siya patungo sa condo ng kasintahan, pag dating niya roon ay mabilis siyang lumabas ng kanyang kotse saka nag lakad papasok ng building, ngunit hindi pa siya nakakalapit ng tuluyan sa receptionist ay nakita na niya ang lalaking pakay niya roon, and he is not alone, may kausap itong babae, nag tatawanan ang dalawa habang nakakapit ang babae sa braso ni Edric, ang lalaki naman ay tuwang tuwa at napapatingala pa sa kakatawa sa sinasabi ng babae rito, pakiramdam niya ay tinuklaw siya ng ahas, kaya ba hindi siya nito pinapansin? Pinalitan na ba agad siya ng lalaki? Gumaganti ba ito sa kanya? Hindi niya napigil ang pag patak ng butil ng luha sa kanyang mata, parang sinasaksak ng maraming kutsilyo ang kanyang puso, parang namamaga ang kanyang utak, pakiramdam niya ay napunta siya sa ibang dimensyon kung saan dinig na dinig niya ang bawat tibok ng kanyang puso at ang sakit na bumalatay doon. Nanatili siya sa kinatatayuan, tila siya na estatwa hanggang sa mag salubong ang kanilang mga mata, doon lamang siya tila natauhan, nakita niya ang pagkawala ng kulay sa mukha ng lalaki pero hindi na niya iyon pinag tuunan ng pansin, bagkos ay pinili niyang tumalikod at mabilis na lumakad palabas ng naturang gusali, narinig niya ang pag tawag nito sa kanyang pangalan pero hindi na siya lumingon pa, ng makalabas siya ng gusali ay patakbo niyang tinungo ang kanyang kotse, naririnig niya ang paghabol sa kanya ng lalaki kaya mas binilisan niya ang pag takbo, good thing at mabilis siyang nakapasok sa kanyanyang sasakyan, tumatakbo parin ito palapit sa kanya, pero hindi na siya nito naabutan dahil mabilis na niyang pinatakbo ang kanyang kotse.
Wala siyang direksyon na tinatahak, basta nag da-drive lang siya habang hilam ng luha ang kanyang mga mata, ang sakit, sobrang sakit, hindi niya sukat akalaing ganun lang nito kabilis na tutuldukan ang kanilang relasyon, at ang pinaka masakit, may kapalit na agad siya, ni hindi manlang siya nito binigyan ng pagkakataong ipaliwanag rito ang side niya, kung bakit hindi siya pabor sa gusto nitong tanggalin ang lalaking iyon sa trabaho, basta nalang itong naghanap ng iba, and he looked happy, habang siya ay parang sira ulo sa kakaisip rito, ito pala ay nag papakasaya sa piling ng ibang babae. Nang hindi na niya halos makita ang dinaraanan ay itinigil niya ang sasakyan sa gilid at umiyak ng umiyak, parang sasabog ang puso niya sa sobrang sakit. Ang lalaking nagparanas sa kanya ng sobra sobrang kasiyahan ay siya rin palang mag bibigay sa kanya ng sobra sobrang sakit. Hindi niya alam kung gaano siya katagal doon, basta iniyak lang niya ng iniyak lahat ng sakit na nararamdaman niya hanggang sa tila natuyuan na siya ng luha. Napasulyap siya sa kanyang cellphone ng muli nanaman iyong mag ingay, kanina pa ito tumatawag sa kanya, pero hindi niya nagawang sagutin dahil wala doon ang kanyang atensyon. She choose to ignore the call at muling nag maneho, wala parin siyang dereksyon, basta nag mamaneho lang siya, ng mapagod sa ginagawa ay saka lang siya nag maneho pabalik sa kanilang tahanan, it’s already 10pm ng makabalik siya, nakita niya sa garahe ang sasakyan ni Edric, ibig sabihin ay nandito ito, pakiramdam niya ay namanhid na ata siya, kaya walang emosyon siyang nag lakad papasok ng kabahayan, nakasara na ang mga ilaw, marahil ay tulog na ang lahat ng tao doon, binuksan niya ang pinto at hindi na siya nagulat ng makita ang lalaking nag aabang sa kanya sa sala, isinara niya ang pinto saka iyon inilock, lumapit naman sa kanya ang lalaki at tangka siyang hahawakan pero pinalis niya ang kamay nito, ang kapal naman ng mukha nitong hawakan siya matapos ng nakita niya kanina.
“As, babe, mag usap naman tayo oh” mahina nitong pakiusap, ayaw gumawa ng kahit anong ingay dahil baka magising ang iba nilang kasama sa bahay. Tinignan niya ito ng masama, ang kapal ng mukhang makiusap na mag usap sila, siya ba kinausap nito? ni hindi nga manlang nito nagawang mag reply sa kahit isa man lang sa mga text at chat niya, ni hindi sumagot kahit isa sa higit isang daan niyang tawag dito, tapos ngayon ay makikiusap itong mag usap sila?.
“Baby, please let’s talk, talk to me please!” pag mamakaawa nito pero manhid na siya, noon lang niya naranasang masaktan ng ganun at hindi niya sukat akalaing nakakamanhid pala ng puso ang sobra sobrang sakit. Nilampasan niya ang lalaki ng hindi nag sasalita, sinubukan naman siya nitong pigilan pero muli niyang inalis ang kamay nito, he looked hopeless, it is also hurting her to see him in pain, pero ito naman ang may kagagawan kung bakit sila nasa ganong sitwasyon ngayon. Siguro this is heavens way of telling her that this thing between them will never work out. Tinitigan niya ang lalaki saka ibinuka ang bibig.
“Tapos na tayo” tipid niyang turan saka tumalikod, pero mabilis siya nitong niyakap mula sa likuran. “No! fucking no baby, hindi ako papayag, hindi ako makakapayag, mag usap tayo, pag usapan natin to, it’s just a misunderstanding. Wala kaming relasyon ni Crisel, she is just a friend, dumaan lang siya sakin para sabihing sila na nung matagal na niyang nililigawan, Crisel is a lesbian, hindi kami talo, at kahit hindi siya tomboy ay wala akong pakialam dahil hindi ko siya gusto, ikaw ang gusto ko, ikaw ang mahal ko, walang kami. Baby please!” pagpapaliwanag nito kahit hindi naman niya hinihingi, pero wala na siyang pakialam, remembering how he treated her just because of that petty incident yesterday, nagawa siya nitong tikisin ng isang buong araw, their relationship is not that long yet pero nagagawa na siya nitong baliwalain, how much more kapag tumagal na sila ng ilan pang buwan? Ng taon? Baka umabot sa puntong lumuluhod na siya sa harap nito para lang pagukulan nito ng pansin. “Still, not enough reason para baliwalain mo ako Edric, sinimulan mo na hindi ba? Ituloy tuloy na lang natin, tapusin na natin ito” sagot niya rito saka binaklas ang pagkakayakap nito sa kanya at muling nag lakad paakyat ng hagdan. Muli siya nitong hinawakan sa braso pero hindi na siya tumigil, sumabay naman ito sa kanya sa pag akyat ng hagdan habang kawak parin ang isa niyang braso, ng makarating sila sa taas ay pilit niyang iwinawaksi ang kamay nitong nakahawak sa kanya pero matigas ito. hindi ito nag salita pero hindi siya nito hinayaang pumasok sa kanyang silid, sa halip ay dinala siya nito sa silid nito, pumiglas siya pero walang nagawa ang lakas niya rito, ayaw naman niyang sumigaw dahil hindi niya gustong makita sila ng mga tao doon sa ganung kalagayan. Nang makapasok na sila sa silid nito ay inilock nito ang pinto saka siya niyakap ng buong higpit. “I’m sorry baby, sobra lang naman akong nag selos sa gagong yon eh, hindi ko matanggap na hinalikan ka niya kahit pa aksidente lang yon, sorry na! nagtampo lang talaga ako, kakausapin naman sana kita eh tatawagan na nga dapat kita, kaso dumating lang bigla si Crisel kaya hindi ko na natuloy ang pag tawag sayo, kakausapin naman sana talaga kita eh, sorry baby! hindi ko na uulitin, pangako hindi ko na uulitin, please wag ka namang makipag hiwalay sakin! pwede pa naman natin itong ayusin eh, pag usapan natin please, wag naman ganun As please! Parusahan mo nalang ako kahit ano tatanggapin ko wag ka lang makipag hiwalay sakin please!” pag susumamo nito pero matigas ang puso niya ng mga oras na iyon, patuloy lang ang lalaki sa pakikiusap sa kanya, lumuhod pa ito sa harap niya habang mahigpit na nakayakap sa isa niyang paa, hilam ng luha ang mga mata nito habang nagmamakaawa sa kanya, pilit rin nitong hinahawakan ang kamay niya, at kitang kita niya ang matinding takot sa sakit sa mga mata nito habang nag mamakaawa na wag niyang hiwalayan. Nanatili lang siyang tahimik sa lahat ng pakiusap nito, hanggang sa maka rinig sila ng kaluskos sa labas dahilan upang bitawan siya nito ng subukan niyan kumawala rito. Alam niyang hindi rin nito gustong mahuli sila sa ganung sitwasyon, ng mag lakad siya patungo sa pinto upang lumabas ay muli siya nitong hinawakan sa kamay “please baby, give me another chance please, wag naman ganito, mahal kita Aster please!” pakiusap pa rin nito sa mahinang tinig, pero tinignan lang niya ito ng masama saka tuluyang lumabas ng silid nito. May bahagi ng puso niya ang gustong maniwala sa mga sinabi nito, pero may bahagi rin ang nag dududa at hindi naniniwala. Walang ibang laman ang isip niya kundi ang nakita niya at ang mga sinabi ng lalaki. Sunod sunod ang pagpapadala nito ng mga text at chat messages, asking for forgiveness, telling her na hindi sila maghihiwalay and more, pero hindi na niya ito pinansin. Padapa lang siyang nahiga sa kanyang kama saka muling inilabas lahat ng sakit na nararamdaman niya, hindi niya alam kung hanggang anong oras siya umiiyak sa kanyang silid, basta hinayaan lang niyang tumulo ang kanyang luha hanggang sa wakas ay daigin siya ng pinag halong antok at pagod.

YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
RomanceEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...