Chapter 18

66 7 0
                                    

 
Edric is standing by the window of his room when he sees Aster’s car storming out of the gate, she seems to be in a hurry like she is being chased by a ghost. He knew he was the reason why she suddenly left the house when her plan was to rest all day, maybe he went overboard teasing her a while ago. He can’t help it, and that was just his way to stop himself from kissing her till his heart content, heaven know how much he wanted to kiss her when he saw tears fall from her beautiful eyes, he is so near to losing control, good thing he was still able to snap out of it and just teased her. He knew he should go home and distance himself from her, but he just can’t do it, o mas tamang sabihing ayaw niya munang umuwi. Nag buga siya ng malalim na buntong hininga saka umalis sa tapat ng bintana at lumabas ng kanyang silid, hindi niya alam kung susundan ba niya ang babae o hindi, kung ang puso niya ang susundin ay gusto niya itong sundan dahil gusto niya ito makasama ng buong araw. Kung ang isip naman niya ang susundin ay dapat na siyang umuwi ng sa ganun ay hindi na siya ma temp na halikan ang babae. He is so conflicted kaya naman pinili nalang niyang mag tungo sa library ng ama upang mag hanap doon ng pwede niyang basahin.
 
ILANG ulit na bumuntong hininga si Aster, kasalukyan siyang nakaupo ngayon sa isang bench upang mag pahinga saglit, kanina pa siya palibot libot sa mall pero hindi parin maalis sa isip niya ang eksena kanina at mga emosyon na binubuhay ng lalaki sa kanya, mga emosyon na tanging ito lamang ang may kakayahang buhayin mula sa kaibuturan ng pagkatao niya, mga emosyong alam niyang hindi niya dapat nararamdaman pero nararamdaman niya. Ipinilig niya ang ulo at saka tumayo, magpapasalon na lang siguro  siya, wala naman kasi siyang magustuhang damit, tapos narin siyang manood ng sine at wala naman siyang naintindihan sa takbo ng kwento, dapat ay umuuwi na siya dahil alas sais narin naman pero hindi pa niya gustong umuwi dahil magulo parin ang sistema niya. Marahan siyang nag lalakad while looking at her cellphone when she suddenly bump to someone dahilan upang ma out balance siya, mabuti nalang at mabilis ang kamay ng taong nakabanggaan niya at masalo siya nito kaagad, kundi ay siguradong sa sahig siya pupulutin.
 
“I’m sorry Ms. hindi kita napansin” hingi nito ng paumanhin sa kanya habang inaayos niya ang sarili.
 
“Aster?”  tila nabigla nitong turan, napaangat naman siya ng tingin sa lalaki ng marinig niyang tinawag nito ang kanyang pangalan dahilan upang dahan dahang lumaki ang mga mata nita.
 
“Jazz” tawag din niya sa pangalan nito, she can't believe she is seeing Jazz again, ilang taon na rin sila nitong hindi nag kita na dalawa, bigla nalang kasi itong nawala noon.
 
“It’s really you” tila hindi parin makapaniwalang turan ng lalaki. “Wow! You look even more beautiful As, walang kupas, I mean look at you” punong puno ng paghanga nitong turan.
 
“You look good yourself” papuri rin niya rito, gwapo naman talaga ang lalaki, mas macho na ito ngayon kesa noon.
 
“Your alone?” tanong nito sabay lingon sa likod niya na tila ba hinahanap ang mga kasama niya na ikinatawa naman niya.
 
“Yeah, it’s just me” pag confirm niya sa sinabi nito, muli namang bumaling sa kanya ang nakangiti nitong mga mata, he looked happy now than before.
 
“Himala ata, pinayagan ka ng kuya mong gumala ng mag isa, diba palagi kayong may bantay na tatlo nila Yarrow at Freia” natatawa nitong turan na ikinangiti rin niya.
 
“Actually, mahigpit parin sila, but not like before, isa pa, we are all busy with life” sagot niya sa lalaki.
 
“I see” patangotango nitong turan, napahawak pa ito sa baba nito, tila ba may nais itong sabihin pero nag aalangan.
 
“May sasabihin ka ata?” puna niya rito. Ang lalaki naman ay bahagyang napakamot sa likod ng ulo nito.
 
“Uhm, is it okay if I invite you for dinner?” atubili nitong pag aya sa kanya.
 
“It’s okay” magiliw niyang pag papaunlak dito, baka mas makatulong sa kanya ang pag sama dito mag dinner. “Really?” tila biglang naging excited nitong turan. “Yeah it’s okay, it’s just a friendly dinner naman” pag bibigay linaw niya, alam niyang may gusto sa kanya ang lalaki noon, hindi man niya alam kung gusto parin siya nito ngayon ay mabuti ng malinaw ang lahat.
 
“Okay, come, uhm may dala ka bang sasakyan? Pwede doon ka nalang sa car ko? ipapahatid ko nalang sa inyo ang kotse mo bukas, gusto pa sana kita makausap habang papunta tayo doon, you know catching up” paliwanag nito na tinanguan naman niya, it’s better for her, so she can divert her attention to their conversation at hind sa lalaking naiwan niya sa bahay. Nang tumango siya ay may tinawagan ito upang kumuha ng sasakyan niya sa parking, ibinigay naman niya rito ang susi niya at ang plate ng kanyang sasakyan, ito na raw ang bahala, ng makuha iyon ng tinawagan nito ay nag tungo na sila sa kotse nito.
 
“So, how are you? it’s been years since we last saw each other” panimula nito sa usapan.
 
“I’m good, just graduated this year, I’m now having my training in dad’s company, how about you? bigla bigla ka nalang nawala?” nakangiti niyang turan na nginitian din ng lalaki.
 
“I’m good, I’m helping my father with our business, may pupuntahan dapat ako pero nabangga kita, mabuti nalang nabangga kita, kung hindi ay hindi pa tayo mag kikita”
 
“Oh, may lakad ka pala eh, bakit nag aya ka mag dinner” tanong niya dito dahil baka nakaka istorbo siya sa lalaki.
 
“No, it’s okay, pwede naman yun sa ibang araw, Isa pa, mas gusto ko na itong nangyaring aksidente nating pagkikita, I got to talk to you again” natatawa nitong sagot sa kanya habang nag mamaneho.
 
“Okay, if you say so, basta hindi naman kita naaabala”
 
“Hindi ka naman naging abala sakin kahit noon” sagot nito bago sila binalot ng katahimikan, makalipas ang ilang sandali ay muli itong nag salita.  “Uhm can I ask you something?” tila nag aatubili nitong tanong habang nakatoon ang mga mata sa kalsada.
 
“What is it?” tanong rin niya rito.
 
“Uhm, may boyfriend ka na ba?” deretso nitong tanong na nag paalala sa kanya sa banta ni Edric.
 
“Wala akong boyfriend and I’m not looking for one” nakangiti niyang sagot dito.
 
“Are you sure? You might need one, nandito naman ako” tahasan nitong turan na ikinatawa niya.
 
“No Jazz, you are not going there” agad niyang sagot dito.
 
“Why not? Sabi mo wala ka namang boyfriend, and hindi narin ako magpatumpik tumpik pa, I still like you As” seryoso nitong turan na ikina buntong hininga naman niya.
 
“I’m sorry but I will have to turn you down again” nakangiti pa rin niyang turan, hindi niya gustong seryosohin ang sinabi ng lalaki, they are better off as friends.
 
May iba kang gusto ano?” sabi nito sa tinig na hindi nag tatanong.
 
“I’m not sure about that, come on Jazz, you are a friend to me, and it’s better if we let it stay that way”
 
“Grabe ka talaga sakin! hindi ka talaga mahilig mag paasa noh? Hindi mo manlang ako binigyan ng chance, basted agad” pabiro nitong turan na ikinatawa niya.
 
“Anyways, okay na rin siguro iyon, kasi sigurado akong mas mahihirapan akong kunin ang pag payag ng mga magulat at kuya mo ngayon” nakangiti nitong turan.
 
“What happened to you before? bakit bigla ka nalang nawala?” pag iiba niya sa usapan.
 
“I have to leave para makapag isip ako ng tama, para kasi akong nasisiraan ng bait noon” pailing iling nitong turan.
 
“Huh?” nag tataka niyang tanong sa lalaki, bumuntong hininga naman ito saka siya tinignan sa mga mata, I'll tell you later, pasok muna tayo nagugutom na ako eh” sabi nito na ikinatawa ulit niya, hindi niya napansin na  tumigil na pala sila, she is enjoying this conversation with him.
 
Nang makalabas sila ng sasakyan ay inalalayan siya nito papasok sa naturang kainan, it was not a fancy restaurant, simple lang iyon pero maganda ang paligid, humanap ito ng pwesto na kitang kita ang view ng mga ilaw sa labas para raw relax lang sila habang nag uusap, umorder muna sila bago muling bumalik sa pag uusap.
 
“Ang ganda dito” sabi niya while looking outside, sariwa ang hangin sa pwesto nila, nakakarelax din ang magandang tanawin, madilim na kaya wala na siyang ibang nakikita kundi ang mga ilaw na nag kikislapan sa bandang baba.
 
“Yeah, katulad ng kasama ko, maganda” sabi nito na ikinangiti ulit niya.
 
“Nambola ka pa. so bakit ka nga umalis before?” tanong ulit niya sa lalaki, sumandal muna ito sa upuan nito bago ito sumagot.
 
“I got one of my girlfriends pregnant” diretsahan nitong turan, nanlaki ang mga mata niya at napabuka ang kanyang bibig, wala siyang idea na may nabuntis ito.
 
“Hiwalay na kami ng makilala kita, and as you already know, naadik kaagad ako sa ganda mo, nakipag hiwalay ako sa lahat ng girlfriends ko noon because I want to be with you at seryoso ako. Habang nakikipag lapit ako sayo, bigla siyang bumalik at sinabi sakin na buntis siya sa anak ko. Natakot ako na baka dahil doon ay layuan mo na ako, isa pa takot din ako na baka pag nalaman ng kapatid mo ay ilayo kana talaga niya sakin. You see, I’m a selfish kind of man kaya kahit alam kong sobrang mali ay sinabi ko sa kanya na ipalaglag ang bata.” Mas lalong nanlaki ang mga mata niya sa sunod nitong naging rebelasyon.
 
“Kaso hindi siya pumayag at kinukulit niya ako na panagutan siya, bagay na ayaw kong gawin dahil nga nakilala na kita. Ikaw ang dahilan kaya gusto kong mag bago, ikaw ang dahilan kaya na realize ko lahat ng mga maling nagawa ko sa mga kabaro mo, sobra kong pinag sisihan ang mga naging kalokohan ko noon, naisip ko kung hindi siguro ako naging masyadong mapag laro ay hindi ako pag babawalan ng kapatid at mga kaibigan mo na lumapit at manligaw sayo noon. All I want that time is you As, kaya pinagtaguan ko siya, but she is persistent and told my parent about her situation. Kaya napilitan akong panagutan ang bata. But I’m still an asshole, trying to look good on you while neglecting my responsibility to my then unborn child and his mother. Hanggang sa kinausap ako ni dad, to, you know, try to put some sense in my head. Kaya yon, nag pasya akong umalis at lumayo sayo dahil kung hindi ko yun gagawin, hindi ko magagawang maging ama sa anak ko, dahil ikakahiya ko siya at itatago sayo, lahat gagawin ko sukdulang itatwa ko ang sarili kong anak wag lang lumayo ang loob mo sakin, but my dad was right, my child doesn't deserve that, it took me sometime bago yon tuluyang pumasok sa kokote ko. And when it sink on me, I made a decision for my child, and that is to stay away from you, kaya bigla akong nawala” mahaba nitong paliwanag. She was left speechless for a few second before she regained her composure. Hindi niya alam na ganun katindi ang pagkakagusto nito sa kanya dati, mabuti nalang pala at nakinig ito sa ama nito.
 
“Ho-how’s your child?” tanong niya dito.
 
“Ow he is great, 4 years old na siya ngayon at sobrang kulit, kamukhang kamukha ko siya, I’m thankful na hindi nakinig sakin ang mommy niya noon, kung nakinig sakin ang mommy niya, hindi ko mararanasan ang pinaka masayang bagay sa buhay ko”
 
“How about his mother? Kumusta siya? alam niyang hindi nag katuluyan ang dalawa base sa ginawang pag alok ng lalaki kanina na liligawan siya.
 
“Well, hindi ko na siya nagawang mahalin, mahirap subukang mag mahal ng iba kapag may iba ng laman ang puso mo. Sinubukan naming maging okay para kay Zion but things did not work for us kaya naghiwalay kami, we became co-parent for our son until she passed away” paliwanag nito, nanlaki nanaman ang mga mata niya dahil sa sinabi nito.
 
“She pa-passed away?” tila hindi makapaniwala niyang turan, natawa naman ang lalaki sa naging reaction niya.
 
“Yeah, na involve siya at yong bago niyang kasintahan in an accident that lead to their death 2 years ago, mabuti nalang nga at hindi nila kasama si Zion that time, hindi ko ma imagine na may mangyayaring masama sa anak ko, so I’m basically a single dad now, raising my son alone, maganda sana kung magkakaroon siya ng bagong mommy na kasing ganda mo, kaso ayaw mo naman, gwapo naman yung anak ko mana sa tatay” pag bibiro nito dahilan para mahampas niya ito sa braso. Kung ano ano pa ang mga napag kwentuhan nilang dalawa habang kumakain,  mukhang hindi naman nito dinamdam ang pag tanggi niya sa panliligaw nito at mukhang masaya naman na ito sa anak nito kaya masaya rin siya, itinuring rin kasi niyang kaibigan ang lalaki. Nag stay pa sila sa lugar na iyon ng mga ilang sandali at nag kwentuhan lang ng kung ano ano saka siya nito inihatid sa kanilang bahay.
 
“Thank you for tonight, pinasaya mo ako”  sabi nito ng nasa tapat na sila ng kanilang gate, pareho na silang nasa labas ng sasakyan nito.
 
“Thank you din, I enjoyed tonight, it’s good to see you again” sabi niya sa lalaki saka tuluyang nag paalam dito at pumasok sa gate ng kanilang bahay. Pagka sara niya ng gate ay agad siyang nakaramdam ng kakaiba, bumilis ang pag tibok ng kanyang puso at tila siya nabalisa. Napasulyap siya sa bintana ng silid ni Edric at ganun nalang ang pagkagulat niya ng sinalubong ng matalim nitong mga mata ang kanyang paningin.
 
Ano nanaman kaya ang nangyari? Bakit parang galit nanaman ang lalaki? 

Savage book 1: Edric Walker - CompletedWhere stories live. Discover now