Chapter 10

70 7 0
                                    


NAGSIMULA muling tumugtog ang banda habang nakatitig lang siya sa lalaking nakaupo sa gitna ng entablado, he is going to sing the same song Jazz sang a few minutes back. Ang mga nangungusap nitong mata ay nakatuon sa kanya, at gusto niyang matunaw sa paraan nito ng pag titig sa kanya, ang puso niya ay agad nanamang nag wala sa kanyang dibdib, para iyong sasabog sa matinding kaba, kung bakit siya kinakabahan? Hindi niya alam, kaya pinabayaan na lang niya magkahugpong ang kanilang mga mata ng magsimulang bumuka ang bibig ng lalaki upang umawit.
 
Mula nang aking masilayan, tinataglay mong kagandahan
'Di na maawat ang pusong sa'yo ay magmahal
Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan
 
Habang dahandahan nitong binibitawan ang bawat salita sa naturang awitin ay hindi niya maiwasang mamangha sa tinig ng lalaki, she heard him sing a lot of times already but the effect of his voice on her never changed, his voice is her favorite in the whole world, marami na siyang narinig na magagaling na singers pero iba talaga ang hatid na kasiyahan sa puso niya ng tinig nito. It’s like his taking her always to a different world where she can see his vulnerability, too far from the proud and mighty Edric she used to know. It’s like his talking straight into her heart and pouring his untold emotions to her and only to her, making her feel special and that strong & unexplainable connection.
 
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa?
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita, maghihintay pa rin at aasa
 
Pumikit ito habang kinakanta ang bahaging iyon ng awitin marahil ay upang mas namnamin ang mensahe ng kantang inaawit nito, habang siya ay nanatiling nakatitig sa napaka gwapo nitong mukha, dahilan upang agad na mag lapat ang kanilang mga mata ng muli itong mag mulat. Hindi niya maipaliwanag pero ng mga oras na iyon, pakiramdam niya ay sa kanya nito sinasabi ang mga salitang iyon.
 
Masaya ka ba 'pag siya ang kasama, 'di mo na ba ako naaalala?
Mukha mo ay bakit 'di ko malimot-limot pa?
Laman ka ng puso't isipan, 'di na kita maiiwasan
Pag-ibig ko sana ay pagbigyan
 
Umiwas ito ng tingin ng ang bahaging iyon na ang kinakanta nito, may kakaiba siyang emosyon na nakita sa mga mata ng lalaki, tila ba ito nasasaktan na hindi niya maunawaan, at dahil panay kalituhan ang nakakapa niya sa kanyang puso ay pinili na lang niyang pumikit habang nakikinig dito.
 
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa?
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita, maghihintay parin at aasa
 
Habang nakapikit niyang pinakikinggan ang eksperto nitong pag awit ay mas lalong tumibay ang kanyang hinala na in love nga ang lalaki. Hindi niya alam kung imagination lang ba niya iyon o kung ano man pero tila ito nagdurusa habang umaawit, para bang meron itong mabigat na dinadala, making her think that maybe, he is not in good term with the woman he love, and there it is again, that small pain in her chest making it hard for her to breath.
 
Sa pag-ibig mo na may nagmamay-ari na
Nais ko lang malaman mo na minamahal kita
 
Dahil sa pinong kirot na nararamdaman ay mabilis siyang napadilat ng mga mata, both confusion and fear are visible in her eye.
 
Bakit ba ikaw ang naiisip ko at 'di na mawala-wala pa?
Kahit na alam ko na ang puso mo ay may mahal na ngang iba
Ayaw nang paawat ng aking damdamin, tunay na mahal ka na
Sana'y hayaan mong ibigin kita, maghihintay parin at aasa
 
Nang matapos na ito sa pag kanta ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan at nag desisyon na mag tungo sa ladies’ room, hindi na niya hinintay na makabalik si Edric sa upuan nito at batiin sa maganda nito performance. Hindi niya maunawaan ang sarili, napapansin niyang napapadalas ang pananakit ng kanyang dibdib na minsan ay may kasama pang hirap sa pag hinga, di kaya may sakit siya sa puso? Pero wala naman iyon sa lahi nila, pero yon lang rin kasi ang naiisip niyang paliwanag kung bakit napapadalas ang pag kirot ng kanyang puso.  Nakipag titigan siya sa sarili sa harap ng salamin saka bumuntong hininga, ano bang nangyayari sa kanya, one moment she is happy one moment she is sad and in pain, napapailing na lang niyang kinuha ang kanyang lipstick at nag pahid niyon sa kanyang labi, medyo nabura na kasi ang lipstick niya dahil  sa pagkain niya kanina, nag lagay rin siya ng kaunting pulbos dahil medyo nangingintab na ang mukha niya. She need to stop over thinking things dahil natatakot lamang siya, kaya itinuon nalang niya ang atensyon sa pag aayos ng sarili, ng masiyahan siya sa itsura ay saka lang ulit siya lumabas ng ladies room. Instead of going back to their table, she decided to go outside and have some fresh air, maybe that’s what she need to stop herself from thinking, the place is after all beautiful, perfect iyon para sa mga taong tulad niya na gustong mag isip habang nakatanaw sa overlooking view, may nakita siyang bench sa gilid kaya nag tungo siya doon at naupo, malamig ang simoy ng hangin at napakasarap niyon sa pakiramdam. Maya maya ay may naramdaman siyang umupo sa kanyang tabi dahilan upang mapalingon siya sa kanyang tabi and she saw Jazz smiling sweetly at her.
 
“Bakit mag isa ka dito?” tanong nito, medyo may kadiliman ang area na iyon pero kita parin naman sila dahil sa liwanag na mula sa buwan at sa tulong narin ng mga ilaw na nag kalat sa paligid.
 
“I just want to breathe some fresh air” tipid niyang sagot sa lalaki saka ipinikit ang mga mata at bahagyang tumingala sa langit.
 
“You are so beautiful Aster” narinig niyang komento ni Jazz na ikinangiti niya pero hindi siya nag abalang tumingin dito bagaman umusal siya ng pasasalamat rito.
 
“Magaling pala kumanta ang kuya mo” komento nito dahilan para mapa baling siya rito.
 
“Yeah, he is great, namana niya yon kay mommy, even Yarrow is a good singer, ako lang ang hindi nagmana kay mommy saming tatlo” sabi niya rito.
 
“Akala ko pa naman ma-i-empress ka sa boses ko yon pala napapaligiran ka ng mga magagaling kumanta” natatawa nitong tugon na ikinangiti rin niya.
 
“You sing well din naman, congratulations nga pala, you did great” sabi niya sa lalaki na napakamot naman sa likod ng ulo nito.
 
“Kaso hindi manlang ako hinayaan ng kapatid mong mag moment kahit saglit, sinapawan agad ako eh” sabi nito dahilan para matawa siya ng malakas.
 
“Mahihirapan talaga akong kumbinsihin sila na mabuti ang intensyon ko sayo” sabi nito na ikina tahimik niya.
 
“Uhm, about that, sa totoo lang kasi Jazz hindi parin talaga ako pwedeng mag paligaw” matapat niyang sagot dito. “My dad will go ballistic kapag nalaman niyang nag papaligaw na ako at 17, I'm sorry but you will have to stop, iba nalang siguro ang ligawan mo, I can only offer friendship” dugtong pa niya.  Ilang sandali muna itong nanahimik bago malungkot pero naka ngiting nag salita.
 
“Ganun ba, pasensya kana, it’s okay kung hindi ka pa pwedeng ligawan, I can be your friend, sana lang wag mo akong pigilan na gustuhin ka, kasi gusto talaga kita As, ewan ko ba, aaminin ko na gago ako, marami akong pagkakamali in my past lalo na sa mga babae, but you are different, iba ka talaga, ni hindi ko alam kung anong pinagkaiba mo sa kanila basta gusto kita at seryoso ako doon, sana hayaan mo akong ipadama iyon sayo, at sa oras na pwede ka ng ligawan, sana hayaan mo akong ligawan ka” mahaba nitong turan, napaiwas naman siya ng tingin sa lalaki.
 
“I will not promise you anything, ayaw kitang paasahin, paano kung mag kagusto ako sa iba? di masasaktan ka lang”
 
“It’s okay, I'm willing to risk and to wait” pag pupumilit pa nito.
 
“But it’s not okay with me, you see Jazz, ayaw kong makasakit, it will be better kung kakalimutan mo nalang ang nararamdaman mong attraction sakin, and when the time comes na pwede na akong ligawan at gusto mo parin ako at wala parin akong kasintahan, then maybe you can pursue me, but don't wait for me, I don't want you to wait dahil hindi ko maipapangako na may hihintayin ka” paliwanag niya rito, dahilan upang mapa buntong hininga ito.
 
‘So basted na ako?” patanong nitong turan. “I’m sorry” apologetic niyang tugon, hindi talaga niya gustong manakit at masasaktan lang niya ito kapag hinayaan niya itong mag hintay, mabait naman ito sa kanya at gwapo, pero kaibigan lang ang tingin niya rito, wala siyang nararamdaman na kahit anong espesyal para rito.
 
“It’s okay, don't worry hindi ako galit sayo, sana lang when time comes na pwede ka ng ligawan ay bigyan mo ako ng chance” sabi nito, sasagot pa sana siya ng biglang tumunog ang cellphone nito, dinukot nito iyon mula sa bulsa at huminga muna ang malalim bago nag salita “What?” walang buhay nitong tugon sa kausap “Okay I’ll be there” sabi ulit nito saka pinatay ang tawag at nag paalam sa kanya, kailangan na raw nitong umalis dahil may kailangan itong asikasuhin, mabilis naman niya itong tinanguan at pinanood na umalis, nanatili muna siya sa kanyang pwesto ng ilang saglit bago bumalik sa kanilang table.
 
“Where have you been?” nakakunot ang noong tanong ni Aiden sa kanya, nakangiti naman siyang tumabi dito at sumandal sa balikat ng lalaki, Aiden is like an older brother to her, well lahat naman ng mga Silva at nakakatandang kapatid ang tingin niya dahil ilang taon din ang tanda ng mga ito sa kanya.
 
“Nagpahangin lang sa labas” sagot niya rito.
 
“Nag pahangin o nag paligaw?” istriktong tanong naman ni Azeil
 
“Don’t lie Aster we saw you talking to that ugly guy” si Gunnar naman na seryoso rin ang mukha habang nakatingin sa kanya, napapangiti naman siyang umalis mula sa pag kakasandal kay Aiden saka humarap sa mga ito upang mag paliwanag.
 
“Well, I already told him to stop courting me kasi hindi pa ako pwedeng magpa ligaw, there happy” nakangiti niyang tanong sa mga ito na sabay sabay na napa tango at nag sabi ng good, silang tatlo naman nila Freia at Yarrow ay napailing nalang sa mga kasamang lalaki, ang hihigpit talaga ng mga ito.
 
“I don't want to see that guy near you ever again As, pag nakita ko pa ulit siyang lumapit sayo walang sisihan kung mabalian ko siya ng buto huh, si Aiden na ngayon ay naka akbay na sa kanya.
 
“Yes sir” tugon naman niya sa kaibigan sabay saludo na ikinangiti nito bago ginulo ang kanyang buhok.
 
“Kayo Yarrow, Freia? May mga nanliligaw rin ba sa inyong dalawa?” baling naman ni Azeil sa dalawang babaeng tahimik na kumakain ng fries.
 
“Bakit naman kami nadamay sa usapan, nakasimangot na tanong ni Freia sa pinsan nito”
 
‘Sagutin mo nang maayos Freia” si Conall na nakasandal sa likod ng upuan nito habang hawak ng beer na iniinom sa isang kamay, may kanya kanyang beer na hawak ang mga lalaking kasama habang silang mga babae ay panay juice ang inumin.
 
“Wala, sino naman manliligaw sakin?” sagot naman ni Freia sa pinsan nito.
 
“Good, dahil papakainin ko sila ng tubo kapag nagkamali sila” nakangising tugon naman ni Conall dito, hindi tuloy niya maiwasang kilabutan. Malaki na talaga ang ipinag bago ni Conall, simula sa pananalita nito maging sa pananamit, para na itong gangster na hindi niya maunawaan, minsan tuloy ay nakakadama na siya ng takot sa lalaki.
 
“Ako hindi mo tatanungin kung may nanliligaw na sakin?” nakangiting singit ng kapatid niya habang nakatingin kay Conall na nag taas lang ng kilay.
 
“May nagkakagusto sayo? malabo siguro ang mata nun” pang aasar naman nito kay Yarrow dahilan upang mag tawanan silang lahat, childhood crush talaga ni Yarrow si Conall, mula bata pa sila ay madalas na itong mag papansin sa lalaki na nakasanayan na lang nila kaya hindi na nila pinapansin, after all crush lang naman.
 
NANG MEDYO lumalalim na ang gabi ay napag pasyahan na nilang umuwi, wala namang pasok kinabukasan pero may lakad pa raw si Conall kaya nagkayayaan narin silang umuwi, ang lalaki ang talagang dahilan kung bakit sila nag kita sa labas ngayon, bihira na kasi nila itong nakakasama lalo pa at hindi na ang mga ito nakatira sa village nila, dahil lumipat na ang mga ito ng condo simula ng maka graduate ang mga ito.
 
Nang makarating sila sa kanilang bahay ay tumuloy siya sa kusina upang kumuha ng tubig habang ang dalawa niyang kapatid ay dumeretso na sa taas, matapos siyang uminom ay umakyat na rin siya, pagdating niya sa taas ay muntik pa siyang mapasigaw ng may bigla nalang humila sa kanya papunta sa library, mabuti nalang at mabilis nitong natakpan ang kanyang bibig kaya hindi siya nakagawa ng ingay, ng tanggalin nito ang kamay sa kanyang bibig ay mabilis niya itong hinampas.
 
“What’s with you? bakit ka nanggugulat?” pagalit niyang tanong kay Edric na siyang humila sa kanya.
 
“Totoo ba?” tanong nito na ikinakunot ng noo niya.
 
“What?” balik tanong niya sa lalaki
 
“Na pinatigil mo na siya sa panliligaw sayo?” mahina ngunit seryoso nitong turan.
 
“Yeah, why? medyo nalilito niyang tugon.
 
“Wala, just making sure, nakangiti na nitong turan bago muling nag seryoso.
 
“But I thought you like him?” tanong ulit nito na muling ikinakunot ng noo niya.
 
“I don’t. What makes you think na gusto ko si Jazz?” nalilito niyang tanong rito.
 
“Wala lang” sagot nito saka siya iniwan sa library. Siya naman ay napapailing nalang sa inasal ng lalaki, ano nanaman kaya ang tinira ng lalaking iyon? ang lakas ng trip eh.
 

------------------------
Click on the above video to hear Edrics Version😊😊😊

Savage book 1: Edric Walker - CompletedWhere stories live. Discover now