At dahil anniv ko ngayon sa wattpad. Another update para sa mga nabudol. Hahaha enjoy reading 😚
-----------------------------------
It has been a week since that blissful night in his father’s library, and it has been a week too since that vixen avoided him. It’s obvious that she wants nothing to do with him after that night, making him go crazy with anger and for missing her so badly. Her lips on his, her soft body clung to his, her smell, her moan, everything about her. He missed her so much and he just wants to be in one place with her and look at her beauty even for just an hour, but that woman makes sure they will not see each other, not even a minute, especially now that their parents are back from their vacation.
Magdamag niya itong hinintay sa garden ng gabing iyon, he wanted to talk, they needed to talk! Pero hindi siya sinipot ng magaling na babae. Hindi rin siya nito nireplyan man lang, kinaumagahan ay hindi rin siya nito pinansin, para siyang hanging na nararamdaman lang nito pero hindi nakikita at nagagalit siya. Alam niyang pareho lang sila ng nararamdaman, malinaw na sa kanya ang bagay na iyon ngayon, naramdaman na niya iyon noong una niya itong halikan, nung gabi ng kaarawan ni Freia, pero may pagdududa siya, dahil nakainom sila ng gabing iyon, kahit hindi siya lasing at alam niyang hindi rin lasing ang babae noon ay may alak parin sa sistema nito na maaaring nakaapekto sa naging reaction nito. Pero itong pangalawang pagkakataon, parehas na matino ang utak nilang dalawa, and she responded to his kisses with the same ferocity, she willingly clung her body to his, kaya nasisigurado niyang pareho sila ng nararamdaman, kaya naiinis siya sa inaakto ng babae ngayon. Para siyang may nakakahawang sakit kung iwasan nito, Kung tignan siya nito, para siyang kriminal na kinatatakutan nito. Don’t get him wrong, of course he understand her situation, for sure ay nalilito ito ngayon at natatakot rin, sino ba naman ang hindi? alam niya dahil galing na siya doon, ginawa narin niya ang ginagawa nito ngayon, pero kahit pa naiintindihan naman niya ay hindi parin niya magawang wag makadama ng inis dito. He missed her so bad! Kahit manlang sana kausapin siya nito tulad ng dati, kahit sana umarte na lang ito na tulad ng dati na parang walang nangyari, basta nakakasama niya ito, nahahawakan, nakakausap at nakikita. Tangna naman kasi! Hindi rin niya maintindihan ang sarili, kinaya naman niya ng limang taon pero bakit ngayon para na siyang mamamatay kahit ilang araw palang? ramdam niyang kapag hindi pa siya nito kinausap ay talagang sasabog na siya, and he need to do something about it.
Muli niyang dinampot ang cellphone to check kung nag reply na ba ito, pero wala siyang nakita dahilan para lalong kumulo ang dugo niya, ang dami na niyang chat at text messages sa babae pero ni isa ay wala itong nireplyan tinatawagan rin niya ito but she rejected his calls. Muli niyang ibinaba ang cellphone saka nag isip ng paraan upang mapalabas niya ang babae sa lungga nito. Napangiti siya ng may idea na pumasok sa kanyang isipin, sa totoo lang ay ayaw niyang gumamit ng dirty tricks, pero mukhang kailangan niyang gamitan ng ganun ang babae, kaya naman nakangiti niyang dinampot muli ang kanyang cellphone at nag text sa kanyang ama at sa babae.
At hindi nga siya nagkamali because she came faster than he expect, yun nga lang ay parang gusto siya nitong patayin sa talim ng pagkakatigtig nito sa kanya habang ang secretary niya na tila nabigla sa pag dating ng babae ay humihingi ng paumanhin.
ABALA SI ASTER sa dami ng mga papeles na kailangan niyang basahin at pag aralan bago i-approve ang mga iyon ng maka tanggap ulit siya ng message mula sa lalaking one week na niyang iniiwasan, wala sana siyang planong basahin ang text nito katulad ng mga nauna nitong messages, but something is telling her to read his message, kaya naman napabuntong hininga siya saka kinuha ang kanyang cellphone at binuksan ang text message nito dahilan upang unti unting mawala ang kulay sa kanyang mukha.
Edric:
Meet me in my office now or I’ll tell dad. Your choice.
Habang dahan dahang nag si-sink in sa kanya ang message nito ay unti unti ring nabubuhay ang galit sa kanyang puso, how dare he blackmail her! Mabilis siyang nag titipa ng isasagot niya sa lalaki ng tumunog ang intercom kaya naantala ang pag tatype niya, huminga muna siya ng malalim at inilapag ang cellphone sa ka sinagot ang tumatawag.
“Yes?” bungad niya sa secretary nila ng ama.
“Ma’am, your dad wants you in his office now” magalang nitong turan.
“Okay’ tell him I'll be there in a few” sagot naman niya, mabilis siyang tumayo saka nag lakad papunta sa may pinto ng biglang salakayin ng matinding kaba ang kanyang puso, di kaya? Shit! Hindi naman siguro nito ginawa agad ang sinabi nito hindi ba? Naglakad siya pabalik sa kanyang lamesa upang kunin ang kanyang cellphone when she stop midway, hindi naman siguro nito sasabihin agad sa daddy nila ang tungkol doon, I mean, kaka text lang nito so naturally maghihintay naman siguro ito kung darating ba siya o hindi, or maybe his waiting for her text or call? Pero pano kung nag sabi na nga ito sa ama nila? wala naman kasi siyang alam na kailangan nilang pag usapan ngayon, lalo pa at alam naman ng ama niya na marami siyang kailangang gawin ngayon. Bigla siyang nalito kung ano ang dapat niyang gawin, makailang ulit niyang pinag isipan kung ano ang uunahin niya, until she finally decided to go to her dad’s office, halos mangatog ang kanyang tuhod dahil sa kaba habang nag lalakad siya palapit sa table ng secretary nila, agad namang tumayo ang babae ng makita siya at magalang na bumati, saka mabilis na nag tungo sa pinto upang kumatok ng isang beses at pag buksan siya ng pinto, pinilit niyang ngumiti ng pumasok siya sa office ng kanyang ama kahit kabang kaba siya.
“You called me dad?” tanong niya sa ama.
“Yeah, Edric texted me, he said he needs you in his office, may kailangan daw siyang i-discuss sayo tungkol sa project na hawak mo, iwan mo muna ang mga ginagawa mo and go to your brother” nakangiting turan ng kanyang ama. Hindi niya alam kung dapat na ba siyang huminga ng maluwag dahil hindi naman pala sinabi dito ng lalaki ang kinatatakutan niyang malaman ng ama nila, o hindi dahil gumawa parin ito ng paraan para hindi siya makalusot at mapilitan na talaga siyang makipagkita dito. Isang linggo rin niyang pinipilit na wag mag cross ang landas nilang dalawa, lalo na sa trabaho, todo iiwas siya rito, dahil narin sa takot niyang baka kung ano nanaman ang mangyari kapag nagkasama silang dalawa, lalo pa kung mag kakasolo sila, siguradong mawawala nanaman siya sa katinuan kapag hinalikan ulit siya ng lalaki at yon ang ayaw na niyang mangyari dahil hindi naman talaga tama.
“Sweetheart did you hear me?” narinig niyang tanong ng ama dahilan upang mapakurap kurap siya. napatulala na pala siya sa kinatatayuan, kaya naman nakakunot na ngayon ang noo ng kanilang ama.
“Y-yes dad” sagot na lang niya saka pasimpling huminga ng malalim.
“Are you okay sweety?” masuyong tanong ng daddy niya, mukhang nag alala ito sa sandali niyang pagkakatulala.
“Yeah, I’m fine dad, medyo may iniisip lang po” magalang niyang sagot dito saka bahagyang ngumiti.
“Are you feeling okay? Namumutla ka” tanong ulit nito, this time worry is visible in his eyes.
“I’m fine dad, I'll get going” paalam niya dito saka tumalikod at nag lakad pabalik sa kanyang office. Bwisit na Edric yon, mapapahamak talaga siya dahil sa lalaking yon. Remembering how afraid she was kanina ng tawagin siya ng ama nila, kasalanan lahat ito ng lalaking iyon, he is really messing with her. Muli na naman nabuhay ang matinding inis sa dibdib niya, madilim ang mukha niyang pumasok sa kanyang office to get her things, maging hanggang sa paglabas niya ng building lulan ng kanyang sasakyan ay madilim pa rin ang kanyang mukha. Sa isip niya ay pinaplano na niya kung paano niyang sasapakin ang lalaki mamaya, how dare he blackmail her? How dear he played with her emotions? Sisiguraduhin talaga niyang pag sisishan nito ang pambablackmail sa kanya mamaya, humanda ito!
She arrived in his office and parked her car, pagka labas niya ng sasakyan at mabilis siyang nag lakad at gumamit ng elevator patungo sa floor kung saan ang office ng lalaking pakay niya sa building na iyon. Nang bumukas ang elevator ay taas noo siyang nag lakad, most of Edric's employees don't know her as his sister but she don't care, hindi nakapagsalita ang guard ng walang kaabog abog siyang pumasok, mukhang natulala ata ang lalaki pagkakita sa kanya, hindi na siya nag taka, she knew she exudes authority as she walks in his territory, halos lahat ng madaanan niya ay napatingin sa kanya specially when she stop to look around. To be honest, she don't know where his office is located kaya naman minabuti niyang mag tanong sa babaeng pinaka malapit sa kanya.
“Where is the CEO’s office?” seryoso niyang tanong sa babae, nag aalangan man ay itinuro pa rin nito kung saan ang office ni Edric, pansin niyang medyo nataranta ang ilan sa mga employee ng basta nalang siyang naglakad patungo sa direction na tinuro ng babae, pero wala siyang pakialam sa mga ito, all she want is to face Edric and make him suffer her wrath.
“E-excuse me Ma’am, do you have an appointment with Mr. Walker? I’m sorry visitors are not allowed po kasi in his office, let me lead you to the receiving area while we inform the boss of your arrival, can we get your name?” tuloy tuloy na turan ng babaeng pinag tanungan niya kanina, mukhang naka recover na ito sa pagkabigla nito kanina at nasundan siya upang bahagyang harangan. Bumuntong hininga muna siya bago tinignan ang babae at sinagot ang tanong nito.
“Aster Walker, and yes, I have an appointment with my brother, can I go now?” walang emosyon niyang tanong sa babae na kapansin pansin ang biglaang pag lunok, bahagya pa itong yumukod sa kanya saka umalis sa daraanan niya.
“Yes ma'am, you may go, apologies po” hingi nito ng paumanhin, muli naman siyang bumuntong hininga, hindi naman niya ugaling mang terrorize ng mga employee, sadyang masama lang ang mood niya dahil sa boss ng babae.
“It’s okay” tipid na lang niyang turan para hindi naman ito masyadong mag alala bago nagpatuloy sap ag lalakad patungo sa direction na itinuro nito. Hindi nag laon ay nakita niya ang isang pinto na may signage na CEO’s office, di kalayuan sa pinto ay may isang babae na nakaupo sa isang lamesa at abala sa ginagawa nito sa computer, must be his secretary, alam niyang dapat muna niyang kausapin ang babae bago siya pumasok sa office ng kapatid, pero hindi na niya ito pinansin at derederetso siyang nag lakad patungo sa pinto.
“Excuse me ma'am, may I-“ hindi na nito natuloy ang sasabihin dahil nabuksan na niya ang pinto.
“Ma’am hindi po kayo pwedeng pumasok” pag habol nito sa kanya pero huli na dahil nag katitigan na sila ng lalaking pakay niya roon.
“Sir, I’m sorry! bigla nalang po siyang dumating at pumasok, sorry po!” hingi nito ng paumanhin sa lalaking relax na relax na nakaupo sa upuan nito habang nakatitig parin sa kanya.
“It’s okay Laz, you may leave us now, lock the door when you leave and no distraction until I call you” pagbibigay nito ng instruction sa secretary nito habang hindi inaalis ang mga mata sa kanya.
“Yes sir” magalang namang tugon ng babae saka mabilis na lumabas, narinig niya ang pag click ng pinto palatandaan na inilock nga nito ang pinto, taas noo siyang humakbang palapit sa lamesa ng lalaki habang ang kanyang galit na paningin ay nananatili rito. Ang lalaki naman ay nanatili sa kinauupuan nito at katulad niya ay hindi rin nito inaalis ang mga mata sa kanya. Nilapag niya ang kanyang bag sa table bago nag salita, hindi na siya nag abala pang umupo dahil wala naman siyang planong mag tagal doon.
“How dare you!” sabi niya sa lalaki. “Anong karapatan mong I blackmail ako huh?” mahina ngunit galit niyang turan, kahit gusto niya itong sigawan hanggang sa mabingi ito ay nag pigil parin siya dahil nakakahiya kung maririnig sila ng mga tauhan nito na sigurado siyang nag kumpulan sa labas dahil sa biglaan niyang pag sulpot doon. Imbes na maalarma dahil sa pinapakita niyang galit ay nginitian lang siya ng lalaki at tila wala lang na tumayo at nag lakad palapit sa kanya.
“My office is soundproof As, you can shout as long as you want, hindi ka nila maririnig” sabi nito ng nasa tapat na niya ito at tila ba nabasa ang iniisip niya. Akmang susundin niya ang sinabi nito ng mabilis nitong hagipin ang batok niya, and in one swift move, his lips are already lock with hers trapping all the words she want to shout at his face inside her mouth. While his other hand embrace her by the waist making her rooted in her place. Sinamantala naman nito ang pagkatulala niya at agad nitong pinalalim ang halik na ipinagkakaloob sa kanya. And like a magic, all her anger fades away, and was replaced by the magical feeling that she always feel whenever their lips are locked together. Hindi na niya namalayan na unti unti na pala siyang gumaganti sa halik at yakap ng lalaki. Hanggang sa kusa nitong bitawan ang kanyang labi at ibinaon ang mukha sa kanyang leeg habang yakap parin siya ng mahigpit.
“God! I missed you so much baby! You have no idea how much I missed you” sabi nito saka lalong hinigpitan ang pagkakayakap sa kanya at lalong ibinaon ang mukha sa kanyang leeg.
“Jesus, you smell so heavenly As” pabulong nitong turan na tuluyang tumunaw sa kakayahan niyang mag isip.
YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
RomanceEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...
