Chapter 23

78 8 0
                                    

 
“Sinungaling!” Mahinang bulong ni Aster habang nakatingin sa kanyang cellphone, kasalukuyang naka open ang kanyang gallery, at naka display doon ang pagmumukha ng lalaking medyo kinaiinisan at pinananabikan niyang makita ngayon. May nalalaman pa itong I will chase you until you admit to yourself that you love me too, siya naman itong isa’t kalahating addict, alam naman niyang mali ay umasa pa talaga siya na gagawa nga ito ng paraan upang magkausap ulit silang dalawa matapos siyang dumistansya rito. Maarte na kung maarte, hindi rin niya alam, basta gusto niyang lambingin siya ng lalaki, na suyuin siya nito tulad ng typical na manliligaw. Napuno na siguro ng agiw ang utak niya para maisip niya ang bagay na iyon. Kasalanan, oo, alam rin niyang huhusgahan siya ng lahat at sasabihan na masamang babae, haliparot at kung ano ano pang masasakit na salita, pero pwede naman nilang ilihim ang relasyon nila hindi ba? Hindi naman kailangang malaman ng iba. Ang gusto lang naman niya ay makasama ang lalaking nag papatibok ng kanyang puso. Anong magagawa niya? Yun talaga ang nararamdaman niya, at mas matindi ang pagmamahal na nararamdaman niya para sa lalaki ng mga oras na iyon kesa sa takot sa mga maaring mangyari.
 
Kaya naman medyo na disappoint siya ng wala itong gawin matapos ang ilang araw na pag iwas niya rito, umasa kasi siya na may gagawin ito. Napabuntong hininga nalang siya saka muling tinignan ang larawan ng lalaki, stolen shot lang iyon noong 18th birthday ni Freia, madilim ang bukas ng mukha nito sa larawan, pero ayos lang sa kanya, sigurado naman kasi siyang hindi ito papayag na mag papicture sa kanya. Pinatay niya ang cellphone at ipinatong sa nightstand saka siya muling nahiga sa kanyang kama, weekend ngayon kaya hindi niya kailangang magmadali sa pag kilos upang pumasok. Wala naman din siyang planong gawin kaya nanatili nalang siya sa kanyang higaan. Matapos ang nangyari sa kanila ng lalaki sa office nito ay hindi narin niya napigilan ang sarili na aminin ang tunay niyang nararamdaman, mahal niya ang lalaki, noon pa, hindi lang niya pinapansin dahil alam niyang bawal, pero matapos ang namagitan sa kanilang dalawa ay hindi na niya maitatanggi pa ang katotohanang in love siya sa sarili niyang kapatid. Siguro masama siya in her past life, kung bakit sa dami ng lalaking nagkakagusto sa kanya ay kay Edric pa siya nahulog. Walang pagsidlan ang kasiyahan sa  puso niya ng sabihin nito sa kanyang mahal siya nito, kung nakakamatay lang kilig ay baka naka libing na siya ngayon, hindi niya sukat akalaing lahat ng pag susungit at pag iwas nito sa kanya dati ay dahil may nararamdaman na itong pagmamahal para sa kanya. Ang sarap pala sa pakiramdam na malamang mahal ka rin ng taong lihim mong minamahal, parang gusto niyang mag sisigaw, kahit medyo may tampo siya rito ay mas lamang parin ang kasiyahan sa kanyang puso. Ngunit hindi rin niya maiwasang kabahan sa katotohanang magkapatid sila at bawal ang kanilang pag iibigan. Hindi nila iyon pwedeng ipag sigawan sa lahat ni sabihin man lang sa mga kaibigan nila ay bawal, dahil walang makakaunawa sa kanila. Sino ba naman kasi ang makakaintindi sa pagmamahalan sa pagitan ng dalawang magkapatid? Masarap isiping mahal nila ang isat isa, pero parang sumpa ang katotohanan na kailangan nila iyong pigilan at panatilihing hanggang doon lang.  She can just imagine the hell that he been through all this years, kaya pala ganun nalang ang galit nito kapag napapalapit siya sa ibang lalaki, kaya pala ganun nalang ang pag babanta nito sa tuwing may pagtatangkang lumapit sa kanya o nag papakita ng interest. Maging siya ay nahihirapan rin, hindi madali ang sitwasyon nila, pero naniniwala siyang lahat ay may solusyon, kung kinakailangan nilang ilihim ay nakahanda siyang sumugal, hindi lang para sa pansarili niyang kaligayahan, kundi pati narin ang kaligayahan ng lalaking mahal niya, hanggang ngayon ay nakikita pa rin niya sa kanyang isipan ang kislap ng mga mata nito ng araw na iyon.
 
“Ang kakapal ng mukha ninyo! Paano ninyo nagawa sa akin ito?” napabalikwas siya ng bangon ng makarinig ng tila sigawan sa labas ng bahay “What happened?” tanong niya sa sarili saka mabilis na lumabas ng kanyang silid, nakita rin niya si Yarrow na humahangos mula sa sarili nitong silid. “Ang bababoy ninyo! Saan ako nagkulang huh? Saan!” narinig nilang sigaw ng isang babae na tila umiiyak, mas malakas na iyon ngayon kumpara kaninang nasa loob siya ng silid. “What was that?” tanong ni Yarrow saka siya mabilis na hinawakan sa braso at hinila palabas ng bahay, nandoon rin sa labas ang kanilang mga magulang, medyo nagulat pa siya ng makitang nakatayo sa tabi ng kanilang ama si Edric, hindi niya alam na umuwi ang lalaki, o kararating lang ba nito? “What’s happening dad?” tanong ni Yarrow ng makalapit na sila sa gate, siya naman ay hindi na nag abalang mag tanong sa halip ay naki silip nalang siya sa labas.
 
Nanlaki ang kanyang mga mata ng makita ang kapitbahay nila na pinag sasampal ng ina nito habang ang kapatid naman nitong lalaki ay pilit na inaawat ang ginang. Noon pa man ay may pagka eskandaloso na talaga ang pamilyang iyon, single mom ang ginang at madalas silang makakita ng iba’t ibang lalaking labas pasok sa bakuran ng mga ito, hindi lang nila pinag tutuunan ng pansin dahil wala naman sila sa posisyon upang makialam. Looking at the scene in front of her, ay hindi niya mapigilan ang macurious, panay ang sigaw ng ginang sa dalawa nitong anak, hanggang sa ang curiosity niya ay napalitan ng matinding pagkagulat. Hindi mahirap malaman kung ano ang nangyayari, base narin sa mga salitang lumalabas sa bibig ng ina ng dalawang kabataang ngayon ay parehas na binubogbog ng ina ng mga ito. turned out na may relasyon ang dalawang mag kapatid at nahuli ang mga ito ng kanilang ina sa akto ng pagtatalik, kaya pala walang pang itaas na damit ang lalaki habang ang babae naman ay nakabaliktad ang kasuotan. Hindi niya napigilan ang makadama ng kilabot sa eksenang nasaksihan, pakiramdam niya ay nanonood siya ng sine. Sanay na sila sa iba't ibang eskandalo na kinasasangkutan ng pamilya ng kapitbahay nila, ilang asawa na ba ang sumugod sa bahay na iyon upang gyerahin ang ina ng magkapatid na iyon dahil kabit daw ito ng mga asawa nila, but none of those scandalous scenes affect her the way that she is affected now. Kitang kita ang puot, pandidiri, sakit at hinanakit sa mata ng ina ng magkapatid na iyon, habang ang babae naman na nakasalampak sa sahig ay dumudugo ang labi at halos mamaga na ang mga mata sa kakaiyak. Nakaramdam siya ng panlalamig, para siyang nawalan ng kakayahang gumalaw, takot at pagkabalisa ang nararamdaman niya ng mga sandalling iyon.
 
“Let’s go inside” narinig niyang turan ng kanilang ama, ngunit tila siya bingi sa sinasabi ng mga tao sa paligid, para siyang na estatwa sa kinatatayuan niya, biglang bumagal ang bawat pangyayari at nafocus ang kanyang mga mata sa babaeng nakasalampak sa semento, hindi niya alam pero tila nakikita niya ang kanyang sarili mukha sa babaeng, pakiramdam niya ay siya ang nasa kalagayan ito she can feel her pain and hardship. Para siyang naiiyak na hindi niya maintindihan, tila may kamay na pumipiga sa kanyang dibdib, lahat ng kasiyahang nararamdaman niya kanina ay napalitan ng takot, matinding takot na hindi niya akalain mararamdaman niya.
 
“Come on” narinig niyang bulong ng kung sino sa kanyang tagiliran kasabay ng malakas na pwersang nag dala sa kanya papasok ng kanilang gate.  Saka lang tila bumalik sa normal ang daloy ng kanyang isipan.
 
“As are you okay? God namumutla ka! ano bang nangyari sayo?” nag aalalang tanong ni Yarrow na nakatayo sa harapan niya, maya maya ay lumapit rin sa kanya ang kanyang Ina, nakakunot ang noo nito saka siya mabilis na hinawakan tila ba inaalam ang kanyang temperature.
 
“Your cold, namumutla ka” nag aalalang turan ng kanilang ina. “I – I’m fi-fine mom” nauutal niyang sagot dito saka pilit siyang ngumiti.  “Nanginginig ang katawan mo tapos your fine?” istrikto nitong turan saka sinenyasan ang daddy nila at si Edric upang alalayan siyang makapasok sa loob ng bahay, ng nasa loob na sila ay narinig niyang tinapos ng mommy nila ang pakikipag usap nito sa kanilang family doctor.
 
“How are you feeling baby? May masakit ba sayo?” tanong nito ng maupo sa kanyang tabi, maya maya ay lumapit sa kanya si Yarrow na may dalang isang baso ng tubig, agad naman niya iyong ininom hanggang sa unti unting bumalik sa normal ang tibok ng kanyang puso. “Dr. Mansano is on her way to check up on you, ano bang nangyari sayong bata ka? Ang putla putla mo” nag aalalang tanong ng kanyang ina. “Ahhh” tangi niyang nasabi, hindi niya alam kung ano ang isasagot sa tanong ng ina, hindi naman niya pwedeng sabihin na natakot siya na baka katulad ng kapitbahay nila ay mahuli rin sila ng mga ito, kahit wala pa naman silang opisyal na relasyon ng lalaki, napabaling siya kay Edric na matiim rin palang nakatitig sa kanya. “Hindi ka naman maputla kanina pag labas natin eh” sabi niya Yarrow dahilan upang mapa baling siya rito. “Bigla lang po akong nahilo mom but I’m okay” bigla niyang sagot bago pa man makapag salita ang kanilang ina.
 
“Hindi kaya na shock ka sa nangyari sa labas?” biglang tanong ng kanilang ama dahilan upang mapayuko siya ng ulo, hindi niya magawang tignan ang mga ito sa mata dahil sapol na sapol nito ang totoong dahilan. “That family is so scandalous, kung pwede lang hilingin sa may ari ng village na ito na paalisin ang pamilyang yan rito nag request na ako, sa labas pa talaga ng bahay nila gumagawa ng eksena. Hindi na nila binigyan ng kahihiyan ang mga sarili nila, imagine magkapatid? Hindi ba sila nag iisip? Pati tuloy mag inosenteng kabataan sa paligid ay nadadamay” galit na turan ng kanilang ama. Mukhang inakala ng mga ito na shock siya sa nakita, mabuti nalang at hindi sumagi sa isip ng mga ito na natakot siya dahil ganun rin ang sitwasyon niya. Nanatili lang siyang kayuko ng maramdaman niya ang masuyong pag yakap sa kaniya ng kanilang ina. “Kawawa naman ang inosente kong baby, where you shocked?” napakalambing na tanong nito sa kanya.  “Hay naku, sating dalawa ako ang mas bata pero mas inosente kapa ata sakin As eh, nakaka shock naman talaga yung nangyari sa family nila pero grabe naman yung reaction mo, parang pati kami aatakihin sa puso sa pag aalala sayo eh” sabi naman ni Yarrow na ikinatawa ng mommy nila”
 
“Ito kasi talagang si Aster ang baby ng family natin” pang gagatong pa nito, hindi niya alam kung matutuwa na ba siya that her family took her reaction the total opposite of the truth. Kung alam lang ng mga ito ang totoo, baka masahol pa sa ginawa ng ina ng magkapatid na iyon ang ginawa ng mga ito sa kaniya, both her parents are God sent, napakabait at mapagmahal ng mga ito, bihirang magalit, kaya kapag nagalit ang mga ito ay parang bulkan na sumabog, lalo na ang mommy nila na nawawala ang pagiging girly kapag talagang galit.
 
“I’m sorry” nasabi na lang niya. Marahan namang hinaplos ng daddy nila ang kanyang ulo. “Don’t worry sweetie, I know it’s not right but I will talk to the owner of this village and ask if they can do something to kick that family out of here, hindi ko rin gusto ang kabulastugang ginawa ng magkapatid na iyon, they are a bad influence to other youth, pati narin ang mommy nila napaka iskandalosa” sabi ng kanyang ama. Tumango nalang siya bilang pag sang ayon kahit sa totoo lang ay nasaktan siya sa mga sinabi nito, pano kaya kapag nalaman nito na ang anak nito na sobra nito kung protektahan ay katulad rin pala ng kabataang iyon. 
 
“Where is the patient?” tanong ng babaeng doctor habang nag lalakad palapit sa kanila.
 
“I’m fine po doc” mabilis niyang sagot ng masusi siyang pag aralan ng babae ng makita siya nitong nakaupo sa tabi ng kanyang ina.
 
“I can see that” sabi nito na nakakunot ang noon at bumaling sa kanilang ina “I thought something happened to her?” nag tataka nitong tanong sa mommy nila na nakangiti namang nag paliwanag. Patango tango naman ang ginang ng malaman ang nangyari.
 
“Since narito na lang rin naman ako, might as well check you up” sabi nito na sinang ayunan naman ng kanilang ina, at upang tuluyang makampante ang mga ito ay hinayaan na lang niya ang doctor na icheck up siya. tulad ng inaasahan ay wala naman itong nakitang mali sa kanya. 
 
“Thank you doc, pasencia na sa abala” narinig niyang turan ng kanilang ina ng ihatid nito sa labas ang doctor, siya naman ay nanatili sa sofa habang nakatingin lang sa kanyang magkasalikop na mga kamay, hanggang sa maramdaman niya ang pag lundo ng upuan, napabaling siya sa lalaking naupo sa kanyang tabi. Hinawakan nito ang dalawa niyang kamay at mariin iyong pinisil.
 
“Are you okay baby?” mahina nitong tanong, tila ba ayaw iparinig sa iba ang sinasabi nito. Ng muli niyang ibalik ang tingin sa kamay nitong mahigit na nakahawak sa kanya ay nakadama siya ng matinding takot, kaya naman mabilis siyang tumayo at walang lingon likod na umakyat ng hagdan. Whatever they have for each other must end! Bago pa sila tuluyang mahuli katulad ng nangyari sa kapitbahay nila.   

Savage book 1: Edric Walker - CompletedWhere stories live. Discover now