Chapter 9

59 4 0
                                    


 


EDRIC was rooted in place as he saw the man Aster is happily talking outside her classroom, he went to see her and to give her some food because she hasn't eaten anything after the bastard left their table. Yon pala ay hindi na nito kailangan ang dala niya dahil meron ng nauna sa kanya na dalhan ito ng pagkain, nasayang lang ang effort niyang tumakas sa kanyang professor upang ibili ang babae ng paborito nito, makikita lang pala niya itong nakangiti sa ibang lalaki. Hindi niya napigilan ang pag sikip ng kanyang dibdib, para iyong iniipit ng dalawang malaking bato. The scene was painful to watch, too painful that it makes him want to wring the neck of the bastard and take the poor life out of his body, ang lakas ng loob nitong lapitan parin ang babae matapos niya itong balaan. Nang hindi na niya matiis ang sakit ay tumalikod na siya at nag lakad palayo sa lugar na iyon, gusto niyang magwala pero hindi pwede, it was heartbreaking to see her smiling sweetly at someone else, but what can he do? He is just the brother. Fuck the universe! Of all the people in the planet why those it has to be her? Nang makarating siya sa bahaging walang tao ay galit niyang sinipa ang basurahan na nadaanan, dahilan upang kumalat ang laman niyon sa lupa, hindi pa siya nasiyahan kaya pabalya rin niyang itinapon ang pagkaing hawak parin niya, sa lakas ng pwersang binitawan niya ay halos masubsob narin siya sa lupa.
 
Pakiramdam niya ay mawawasak na ang dibdib niya sa sobang sakit, alam naman niyang darating ang panahong ito, na may isang lalaking darating at mag kakagusto sa babae na maaari rin nitong magustuhan, alam niya ang bagay na iyon, pero hindi niya matanggap. Bakit ba kasi ganito ang sitwasyon nila? Bakit ba siya pinarusahan ng langit? Bakit kailangan niyang maging kapatid si Aster? Ang dami niyang bakit, pero halat ay hindi niya masagot. Hindi rin niya alam kung bakit at kung paanong nangyari na napasok siya sa ganitong klase ng sitwasyon.
 
Noong mga bata pa sila ay inakala niyang simpleng pagkainis lang ang nararamdaman niya rito, inisip niyang normal ang lahat ng iyon at hindi pinag tuunan ng pansin. Pero habang lumalaki siya ay unti unti niyang nadiskubre ang tunay na dahilan sa likod ng pagkainis niya sa babae, kung bakit iba ang tingin niya rito kumpara kay Yarrow. God knows how hard he tried to stop whatever he is feeling for her, dahil sa simula palang ay alam na niyang walang patutunguhan ang damdamin niya, masasaktan lang siya at posibleng masaktan rin niya ang babae. Pero kahit anong gawin niya ay hindi siya nag tagumpay, nahulog parin siya rito, and he fell so hard, he can no longer leave. He was only 17 when he finally accepted the painful truth that his love was cursed, at lahat ng iyon ay sinarili niya, wala siyang pinag sabihan kahit mga best friends niya, mag isa niyang hinarap ang suliranin, umiwas siya sa abot ng kanyang makakaya at natutong makontento sa mga palihim na pagsulyap sa babae tuwing hindi ito nakatingin, appreciating her beauty without her knowing. Nag tago siya sa likod ng madalas na pang aaway dito upang pag takpan ang tunay niyang damdamin, naging maayos naman ang lahat dahil walang nakapansin sa totoo niyang nararamdaman para sa babae, lalo pa at kabi kabila ang mga girlfriends niya. Subalit may mga bagay talaga na kahit anong iwas mo ay kusang lumalapit sayo. Mga hindi sinasadyang pagkakataon na talaga namang iniingatan niya sa kanyang puso,  aaminin niya na gusto niya ang pailan ilang pagkakataon na hindi sinasadyang mag tagpo sila kusina.  Noong gabing bumaba ito upang uminom ng tubig ang pinaka masayang gabi ng buhay niya, every detail of that night was a dream come true. Never in his wildest dream na naisip niyang makikita niya itong halos hubot hubad, bilang isang lalaking matagal ng nagmamahal dito ay isa iyon sa mga bagay na gusto niyang mangyari, hindi na siya mag papaka ipokrito, kaya ng ibigay sa kanya ng pagkakataon ay hindi niya napigilan ang sarili, mabuti nalang at nagising siya sa tila pagkaka hipnotismo ng gabing iyon bago pa man siya makagawa ng bagay na pag sisisihan nilang dalawa.
 
Nakakapagod ding labanan ang sariling damdamin, it has been 3 years of pure torture. He is Edric Walker, maraming nag hahabol sa kanya, mga babaeng sinasamba ang lupang nilalakaran niya, he can fuck any woman he wants, but he can't even hold the only woman who caught his heart. Not because he can't but because he shouldn't, walang makakatanggap sa nararamdaman niya para sa rito, kahit ang mismong babae ay siguradong mandidiri sa kanya sa oras na malaman nito ang tunay niyang nararamdaman para rito, and that though hurts, sobrang hirap na nasa tabi mo lang pero hindi po pwedeng hawakan. Pagkatapos ngayon ay dumagdag pa ang De Ocampo na iyon, kung inaakala ng lalaki na hahayaan niya itong mag tagumpay sa plano nito kay Aster ay nag kakamali ang lalaki. Inalam na niya ang lahat ng tungkol dito, lalo na ang mga babaeng may kinalaman rito at isa lang ang napatunayan niya, na isa itong gago. Alam niyang kahit kailan ay walang pag-asa ang nararamdaman niya para kay Aster, pero hindi siya papayag na matulad ito sa mga naging karelasyon ng De Ocampo na iyon. He is a player, and he sucks, nagkamali ito ng babaeng piniling kantiin, dahil hinding hindi siya makapapayag na saktan nito ang babae, over his dead body, that De Ocampo will not have Aster.
 
PAGKATAPOS ng klase ay hindi agad sila umuwi, napag pasyahan nilang mag mall nalang muna, nag aya rin kasi si Gun na lumabas, at dahil masyado ng abala ang apat na iyon ay hindi na nila ito masyadong nakakasama, but they still find time to bond with each other, and this is one of those. Nang makarating sila sa mall ay sinundan niya si Aster sa pinasukan nitong boutique, gusto niyang kausapin ang babae pero nainis lang siya dahil tila may gusto na nga ito sa bwisit na De Ocampo na yon, kaya minabuti nalang niyang umalis at iwan ito. Hinanap nalang niya ang kambal na Magnus na natagpuan niyang nag lalaro sa timezone, habang napapaligiran ng mga kabataang babae, ang lakas rin talaga ng hatak ng dalawang ito.  Lumapit siya sa mga ito at nakigaya sa nilalaro ng dalawa.
 
“What happened?” tanong agad ni Torin sa kanya, alam nitong sinundan niya si Aster kanina kaya nagtatanong ang lalaki.
 
“Mukhang may gusto” tipid niyang sagot bago binitawan ang bolang hawak.
 
“Papayag ka?” tanong naman ni Neil na nginisihan niya.
 
“Subukan lang ng De Ocampo na yon, subukan lang talaga niya” seryoso niyang turan, seryoso naman talaga siya sa mga binitawan niyang salita rito, subukan lang nitong kantiin si Aster at sisiguraduhin niyang pag sisisihan nitong nabuhay pa ito sa mundo.
 
“Hay, ang hirap bantayan ng tatlong yon” reklamo ni Torin na sinangayunan nilang dalawa ni Neil, all three girls are exceptionally beautiful, at hindi na nila mabilang ang mga lalaking hinarang nila sa pagnanais na mag paramdam sa isa sa tatlo, itong si De Ocampo ang pangalawang hindi natakot sa kanila kahit tatlo na silang kumausap rito, pinapabilib siya ng lalaki sa tapang nito, pero hindi uubra sa kanya ang style nito. Pasensyahan nalang silang dalawa, mali ito ng babaeng ginusto.
 
“Hey nag chat na sila Den, nandoon na daw sila sa bagong tambayan, bilisan na natin dahil kasama nila si Con, bihira na nating makasama ang isang yon” Sabi ni Neil dahilan upang tumigil agad sila sa paglalaro at nag kanya kanya ng kuha ng cellphone, upang tawagan ang tatlong babae habang naglalakad palabas ng time zone. Sa totoo lang ay nai-excite rin siyang makasama ulit si Con, bigla nalang kasing lumayo ang isang yon sa kanila, ang alam nila ay sumali ito sa isang underground group na gumagawa ng mga illegal na bagay. May tiwala naman sila sa lalaki kaya hinayaan na lang nila ito, pero habang tumatagal ay na-a-adopt na ata nito ang ugali ng mga bago nitong kaibigan, bagay na ipinag aalala nila.  
 
Ng nasa sasakyan na sila ay nag reklamo pa si Yarrow dahil gutom na raw ito at gusto na nitong kumain doon sa mall, pero ng malaman nito na kasama si Con ay tumigil ito sa pag rereklamo at minadali ang driver, aware naman silang lahat na crush nito si Con, hindi lang nila pinapansin dahil crush lang naman at hindi naman ito pinapansin ni Con, pero kung sakali na ligawan ito ni Con ay hindi siya papayag, kilala niya si Con at tiwala siya rito dahil alam niyang mabuti itong tao, noon, pero ngayon na marami ng naging pagbabago dito ay hindi niya maiwasang mag alala para sa kapatid.
 
Nakarating sila sa bago nilang tambayan, hindi iyon mamahaling klase ng restaurant pero maganda ang nasabing lugar, bawat mesa ay nasa loob ng isang maliit at bukas na kubo, merong pang dalawahan meron din pang maramihan, maraming halaman sa paligid na pinalamutian ang warm white Christmas light, the place is open and is located in a high place kaya mahangin at maganda sa mata ang overlooking view nito,  may live band din na kumakanta doon kapag ganitong araw. Bago palang ang naturang kainan kaya hindi pa ganun karami ang mga tumatambay doon, pero masasabi niyang mabilis na nakikilala ang lugar na iyon base sa dami ng tao ngayong gabi kesa nung una silang nag tungo doon.  
 
Habang nagkakasiyahan ang mga kasama niya ay tahimik lang siya sa isang sulok, tahimik niyang pinag mamasdan si Aster, Bakas sa mukha nito ang kasiyahan, ngayon lang niya ito nakitang ganun kasaya, madalas niya itong titigan kaya alam niyang may kakaiba sa kislap ng mga mata nito, ang De Ocampo ba na iyon ang dahilan? Sa isiping iyon ay hindi niya napigilan ang pinong kirot sa kanyang puso kaya inalis niya ang mga mata sa babae. Ang mukha nito ang pinaka paborito niyang tanawin simula noon, dahil nag dadala iyon sa kanya ng kakaibang saya sa tuwing makikita niya ito, pero ng mga oras na iyong ay hindi kasiyahan ang nararamdaman niya sa pag titig sa maganda nitong mukha kundi walang kapantay na sakit. Pakiramdam niya ay gumuguho na ang mundo niya, kahit hindi nito alam na gumuho iyon.
 
“OMG! Is that Jazz?” biglang turan ni Yarrow na nakatingin sa bandang stage kung saan nag sisimula ng mag prepare ang banda na kakanta sa gabing iyon.
 
“Good evening everyone!” magiliw nitong pag bati sa mga naroroon, siya naman ay napasimangot, alam niyang marunong kumanta ang lalaki pero alam rin niyang hindi ito miyembro ng kahit anong banda kaya anong ginagawa nito sa stage? Malamang nakita sila nito at gusto ng kumag mag pasikat kay Aster, mabilis na nabuhay ang matinding inis sa puso niya dahil sa isiping iyon.
 
“Alam ko medyo nag tataka siguro kayo kung bakit ako nakaupo rito, yes I’m not part of the band, but I’d like to thank them for letting me sing 1 song tonight, Anyways I want to dedicate this song to a very special person, I saw her pagpasok ko kanina, I didn't know she was here, Hi Aster!” nakangiti nitong bati sa babae na napatakip pa ng dalawang kamay sa bibig saka matamis na ngumiti sa lalaki dahilan para lalong kumulo ang dugo niya.
 
“This is for you As” sabi pa ng lalaki sabay turo kay Aster dahilan para mag tilian ang mga tao sa paligid, napaka papansin talaga ang bwisit na lalaking ito. The band started to play and the bastard sings well, habang kumakanta ang lalaki ay napabaling siya kay Aster, mukha itong tanga habang nakanganga na nakikinig sa lalaki. “Tss, palibhasa walang talent ang isang ito eh” mahina niyang turan, nakakainis ang reaction nito, akala mo naman ay hindi pa ito nakakarinig ng magaling kumanta samantalang palagi niya itong kinakantahan ng palihim. The woman loved to listen to music kaya kahit hindi nito alam ay madalas niyang iwang nakabukas ang pinto ng kwarto niya upang kantahan ito, sa ganun man lang ay maiparating niya rito ang kanyang tunay na nararamdaman.
 
“God! he sings really well” kumento ni Freia na ikinainis niya. Hindi naman magaling, sabi niya sa isip
“My gosh sis, hawakan mo panty mo” narinig niyang pag bibiro ni Yarrow dito “tatawag naba ako  ng ambulance? Baka himatayin kana sa kilig mo diyan” dagdag pa ng bunso nilang kapatid.
 
“Tigilan mo nga ako Row” kunyari ay naiinis pa nitong saway sa kapatid nila dahilan upang lalong umalsa ang inis niya. Gusto na nga niyang batuhin ng baso ang bwisit na De Ocampo na yon habang kumakanta ito sa stage at nakatitig kay Aster, na halatang naiilang ng mga oras na iyon. The guy was singing “bakit ba ikaw” by Michael Pangilinan and he is doing really well, pero di hamak namang mas magaling parin siya rito. Hindi nag tagal ay natapos narin ang lalaki sa pag kanta, nag tilian ulit ang mga babaeng naroon habang todo bigay ang iba sa pag palakpak at pag bigay dito ng papuri.
 
“Tss, di naman ganun kagaling eh” di niya napigilang turan dahilan upang mapatingin sa kanya ang mga kasama. Ng matapos pumalakpak ang mga tao ay tumayo siya sa kanyang kinauupuan at lumapit sa banda, kinausap niya ang mga ito at pumayag naman din ang mga ito sa gusto niya, dahil kararating lang ng vocalist nila at hingal na hingal pa ito, kaya mas mabuti kung makakapag pahinga muna ito saglit. Nakangiti niyang kinamayan ang leader ng banda saka naupo sa kaparehas na upuang inupuan ni De Ocampo kanina, saka tumingin sa gawi ng mga kasama, ang mga lokoloko niyang kaibigan ay panay ang cheer sa kanya, maging sila Yarrow at Freia ay ang lalakas ng tinig, habang si Aster ay tila hindi makapaniwalang nakatitig lang sa kanya. Nginitian niya ang babae saka nag salita sa mic, nunkang papayag siyang masapawan ng damuhong De Ocampo na iyon sa pag kanta.  

--------------------------
Click the video on top to hear Jazz.
That is how I imagine his voice will sound like 😁
Voice lang ahh less the face and the background😁

Savage book 1: Edric Walker - CompletedWhere stories live. Discover now