Aster kept her things and starts preparing to go home, she is lucky to land a job kahit buntis siya, medyo nahirapan siyang makakuha ng trabaho because of her situation but thankfully, may tumanggap pa rin sa kanya after so many rejections. Hindi malaki ang sweldo niya pero okay lang, kahit papano ay sapat naman iyon sa iba niyang pangangailangan, nag unat muna siya ng katawan dahil nanakit na ang balakang niya sa ilang oras na pagkakaupo, hinaplos niya ang tiyan na ngayon ay mag pipitong buwan na “Are you okay baby?” Tanong niya rito, napangiti naman siya ng gumalaw ang bata sa loob niya bilang tugon, lalaki ang ipinagbubuntis niya at sabi ng doctor ay very healthy raw ito kaya masaya siya. “Uwi na tayo nak” sabi niya dito dahilan upang muli itong gumalaw sa loob niya, nakangiti niyang dinampot ang bag na ginagamit niya at nag simulang mag lakad, nasa 30 mins ang layo ng kanyang trabaho sa kanyang tinutuluyang town house, sinasadya niyang wag ng mag dala ng sasakyan dahil sinabihan siya ng Doctor niya na mag lakad lakad para ma exercise daw siya at hindi masyadong mahirapan sa panganganak, kaya nga kahit medyo hirap na siya dahil nakakahingal mag lakad ay kinakaya niya, nag papahinga na lang siya pag talagang hinahapo na siya dahil mahirap rin naman na pwersahin niya ang sarili.
Pagdating niya sa lugar nila ay medyo maraming tao sa labas, nag taka siya kung anong meron dahil ang daming nagkukumpulang mga tao, akala mo may artistang dumating, at dahil hindi naman siya interesado ay hindi na siya naki usyoso at derederetsong nag lakad patungo sa gate ng nirerentahang town house.
“So, the missing princess is here” narinig niyang turan ng pamilyar na tinig dahilan upang mapabaling siya sa kanyang likuran, ganun nalang ang gulat niya ng makita kung sino ang dahilan ng pag kukumpulan ng mga tao sa paligid kanina. Napanganga nalang siya sa sobrang gulat “h-h-how d-d” hindi niya magawang ituloy ang nais itanong dahil sa sobrang pagkagulat.
“Did you miss us As?” nakangiting tanong ni Gunnar habang naka pamulsa na nakatingin sa kanya.
“You look more beautiful with your baby bump huh” komento naman ni Aiden
“How did you find me?” nagawa niyang itanong sa mga kaibigan, masaya siya na nakita ulit niya ang mga ito dahil miss na miss na niya ang mga ito, pero natatakot siya sa mangyayari ngayon na nahanap na siya ng mga kaibigan.
“Aww, we miss you too As” sabi naman ni Neil
“Group huuug!” sabay na sigaw nila Torin at Aziel tapos ay pinagitnaan siya ng mga ito at buong higpit ngunit may pag iingat na niyakap. “Pinahirapan mo kami” “Alam mo bang malapit na naming baliktarin ang buong Pilipinas kakahanap sayo?” “Nag alala kami sayo” “Bakit kaba kasi nag layas” sabay sabay a turan ng mga ito habang yakap yakap parin siya, hindi niya magawang sumagot, dahil natatakot siyang mag salita, nasa ganun silang kalagayan ng tumigil ang isang pamilyar na sasakyan sa di kalayuan, bumaba doon ang nag iisang lalaking nag patibok sa kanyang puso. “Edric” mahina niyang usal sa pangalan nito, mukhang narinig naman iyon ng mga lalaking nakayakap sa kanya kaya agad na kumalas ang mga ito sa group hug. Nag salubong ang kanilang mga mata ni Edric, nakatayo lang ito sa tabi ng kotse nito habang nakatitig sa kanya, seryoso ang mukha nito habang marahan siyang pinapasadahan ng tingin mula ulo hanggang paa, nag tagal ang mga mata nito sa kanyang tiyan na halatang halata na, nakita niya ang pag silay ng munting ngiti sa mga labi nito bago siya nito muling tinignan sa mga mata. Dahan dahan itong nag lakad palapit sa kanya without breaking the stare, samot saring emosyon ang nakikita niya sa mga mata nito, pag mamahal, pananabik, lungkot, galit, takot. Siya naman ay nanatili lang sa kinatatayuan hanggang sa tuluyang makalapit sa kanya ang lalaki, naramdaman nalang niya ang masuyong pag dapo ng kamay nito sa kanyang mukha at ang marahan nitong pag pahid sa luhang tumulo sa kanyang mga mata, tapos ay buong tamis siyang nginitian. Ngumiti rin siya sa lalaki, tatanungin sana niya ito kung kamusta na ito ng bigla nitong sakupin ang kanyang labi sa isang maalab na halik. Nagulat siya sa ginawa ng lalaki, biglang bumalik sa alaala niya ang mga kaibigang siguradong nakamasid sa kanila, sinubukan niyang itulak si Edric ngunit mahigpit ang pagkakahawak nito sa kanyang batok, hinapit rin siya nito sa bewang upang pag dikitin ang kanilang katawan, ramdam niya ang matindi itong pananabik sa halik na ipinag kakaloob nito, tumigil lamang ang lalaki ng pareho na silang hindi makahinga, mabilis itong lumuhod sa kanyang harapan at sinapo ang kanyang tiyan. Siya naman ay napabaling sa mga kaibigan na siguradong nakasaksi sa pa halik nito sa kanya, she was afraid kung ano ang reaction ng mga ito, nakahanda na sana siyang mag paliwanag ng makita niyang nakangiti ang mga ito sa kanila, wala ang inaasahan niyang pang huhusga sa mata ng mga ito.
Naramdaman niya ang paghalik ni Edric sa kanyang tiyan, maging ang paulit ulit itong pag bulong ng I love you sa kanyang tiyan at ng Daddy is here. Lalo siyang kinabahan dahil naririnig ito ng mga kasama nila, ni hindi man lang nito hininaan ang pagsasalita tila ba walang pakialam kung marinig man ito ng mga kasama nila, ano na lang ang sasabihin ng mga kaibigan?
Muli itong tumayo at sinapo ang kanyang pisngi, buong pag mamahal siya nitong tinitigan saka bumulong ng I love you at I miss you, hindi naman niya napigilan ang pag silay ng ngiti sa kanyang mga labi, it has been months since she last hear those words from his lips, and she must admit that she missed hearing him say those words, hindi na siya hinayaan ng lalaki na makasagot dito dahil muli nitong pinag lapat ang kanilang mga labi, this time ay buong puso na niyang tinugon ang halik nito, completely forgetting all the people around them and her fear for their judgement, nag hiwalay lamang ang kanilang mga labi ng marinig nila ang tila naiiyak na tinig ng kanilang ina.
“Aster” napabitaw siya kay Edric at dagling nilukob ng matinding kaba, did she saw? Tanong niya sa sarili, dahan dahang umalis sa kanyang harapan si Edric upang bigyang daan ang kanilang, takot na takot siyang mag angat ng tingin ngunit pinilit pa rin niyang tignan ang ginang, halos madurog naman ang puso niya ng makita ang Ina na lumuluha habang nakangiting nakatingin sa kanya, she was smiling? Tanong niya sa sarili, maya maya pa ay mabilis na nag lakad ang ginang palapit sa kanya at buong pagmamahal siyang niyakap, “God I was so worried about you sweety” sabi nito habang patuloy na lumuluha, did she not see? Naguguluhan niyang taong sa sarili. Gayon pa man ay gumanti siya ng yakap sa Ina, hindi ito ang inaasahan niyang reaction nito kapag nag kita sila pero nakahinga siya ng maluwag na tila hindi ito galit sa kanya. Maya maya ay naramdaman niya ang pag yakap sa kanya ng isa pang mahalagang tao sa kanyang buhay “Thank God we found you!” it was her father, hindi rin ba ito galit? Ng humiwalay ang mga ito sa kanya ay agad siyang tinabihan at niyakap ni Edric mula sa likod, ipinatong pa nito ang baba sa kanyang balikat, habang yakap siya nito ay hinahaplos nito ang kanyang tiyan, “Ang laki na ng anak natin” walang kaabog abog nitong turan dahilan upang takasan siya ng kulay, ano ba ang lalaking ito, their parents are with them, nag aalala siyang tumingin sa kanyang mga magulang at ganun nalang ang kalituhan niya ng makita na nakangiti ang mga ito. Tila naman nabasa ng kanyang Ina ang kanyang iniisip kaya hinawakan nito ang kanyang kamay at mahigpit na pinisil.
“It’s okay sweety, we know” nakangiti nitong turan, natutop naman niya ang sariling bibig dahil sa sinabi nito.
“Y-y-you kn-know?” nanlalaki ang mga mata niyang tanong sa ina, “And you are okay with it?” hindi niya napigilang itanong sa ginang, muli naman siya nitong nginitian at hinalikan sa noo bago tumango.
“Don’t think too much, baka ma stress ka, makakasama sa apo ko, pasok na para makapagpahinga ka, galing ka pa raw sa trabaho mo” turan nito na marahan lang niyang tinanguan, hindi parin niya maunawaan kung bakit ayos lang sa mga ito ang nalamang relasyon nila ni Edric, ng medyo makabawi na siya ay binuksan niya ang gate upang papasukin ang mga ito, ngunit walang sumunod sa kanila ni Edric kaya nilingon niya ang mga ito.
“As much as we want to spend the night with you, that mam will surely not let of you, so, it’s okay sweety, sa kabila na kami matutulog nitong mga kaibigan ninyo, you two should talk, I know you have so many questions in mind right now, meanwhile, Edric can give you the answer you need, we will just explain everything tomorrow, once you are already well rested, just remember sweety, Mommy and Daddy loves you so much, hhmm” sabi ng kanyang Ama saka nag simulang mag lakad patungo sa kabilang town house. Siya naman ay masuyong hinila ni Edric papasok sa loob, pagka sara nila ng pinto ay agad siya nitong isinandal doon at binigyan ng maalab na halik, hindi na rin siya umangal at tinugon na lamang ang bawat halik at haplos na ipinag kakaloob sa kanya ng lalaki, she suddenly feels so hot, marahil dahil iyon sa ilang buwan niyang pananabik sa lalaki and of course her pregnant hormones.
MAGKATABI silang nakahiga sa kanyang kama at yakap yakap siya ng lalakI mula sa kanyang likuran, pareho silang walang saplot dahil katatapos lang nilang mag salo sa isang mainit na love making, nakangiti siya habang hinahaplos ang kamay nitong nakayakap sa kanya.
“Why didn't you tell me?” tanong nito sa kanya, na wala naman ang kanyang pag kakangiti at napabuntong hininga, so this is it, this is the time to answer all his questions, he deserve it though, alam niyang nag alala ito, halata naman sa itsura nito, he lose weight at nangingitim rin ang ilalim ng mata nito.
“I’m sorry” panimula niya “I know it’s wrong, to hide from you and from everybody, pero na takot ako sa pwedeng sabihin ng mga tao, na takot akong marinig mula kila Mommy at Daddy na ikinakahiya nila ako, that time, I don’t want to talk to anyone, including you. I know I should be calling you, but I don't have the strength to do it, natatakot ako, at ang umalis ang nakita kong pinaka mabuting gawin ng mga oras na yun” umikot siya paharap sa lalaki at hinaplos ang mukha nito, halatang stress ito, gayon pa man ay hindi naman nakabawas sa kagwapuhan nitong taglay ang stress nito.
“I’m sorry” sinsero niyang paghingi ng paumanhin rito, hinawakan naman nito ang kamay niyang nasa mukha nito saka iyon dinala sa labi nito at masuyong hinalikan. “Let’s forget about it, ang mahalaga sakin ngayon ay nandito kana ulit sa tabi ko, maayos kayo ng anak natin at hindi na kayo mawawala sakin, kahit kailan” sabi nito saka hinaplos ang kanyang tiyan, ng tila hindi ito makuntento at bumaba ito at ipinantay ang ulo sa kanyang tiyan, bago buong pagmamahal na hinaplos iyon. “I love you son” sabi nito, nanlaki naman ang kanyang mga mata sa sinabi nito “How did you know?” tanong niya sa lalaki, napangiti ito sa kanya tapos ay muli siyang hinalikan sa labi. “I was just making a guess” sagot nito sa kanya.
“Any way, how did Mom and Dad know? Bakit parang okay lang sa kanila? Why are they not mad?” sunod sunod niyang tanong sa lalaki, actually kanina pa niya ito gustong tanungin hindi lang siya makasingit dahil agad siya nitong sinunggaban ng halik. Muli itong nahiga sa kanyang tabi, bago nito ikwinento ang mga ipinagtapat dito ng kanilang magulang. Hindi siya makapaniwala sa narinig mula sa kasintahan, so ampon lang siya, hindi niya malaman kung matutuwa ba siya sa nalaman dahil sa wakas ay malaya na silang dalawa o kung magagalit ba siya sa mga magulang dahil hindi ng mga ito ipinag tapat sa kanya ang totoo. Halo halo ang kanyang nararamdaman, nalilito siya, ang malinaw lang sa kanya ng mga oras na iyon ay ang sakit sa kanyang puso, ang mga taong inakala niyang magulang ay hindi pala niya totoong magulang, Ang buhay niya at lahat ng alam niya tungkol sa sarili ay tila isang lumang gusali na gumuho, pakiramdam niya ay pinag taksilan siya ng mga ito, gayon pa man ay hindi niya magawang magalit ng lubusan dahil siya man ay may kasalanan sa mga ito. Iyak siya ng iyak dahil sa katotohanang natuklasan, while Edric stayed by her side, making sure that she will not feel alone.

YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
RomanceEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...