Magkahawak kamay silang dalawa ni Aster habang sakay ng kanyang kotse, pabalik na sila ng Manila, maaga silang umalis kanina dahil narin sa malayo ang kanilang byahe, ngunit bago sila umalis ay masinsinan munang kinausap ng kanyang mga magulang ang kasintahan, naging maayos naman ang kanilang pag uusap, umiyak ang kasintahan ngunit natanggap din nito ang katotohanan, gayon pa man ay hindi nito magawang itago ang lungkot, kung pwede nga lang sana na siya nalang ang ampon para siya nalang ang nasasaktan. Nag aalala siya sa kasintahan, kahit ngumingiti ito sa kanila ay alam niyang nahihirapan ito sa loob, buntis pa ito kaya nag aalala rin siya na baka makasama sa bata ang katotohanang inilahad nila rito.
Tahimik lang ang babae sa kabuuan ng kanilang biyahe, nirespeto naman niya ang pananahimik nito dahil alam niyang hindi madali ang pinag dadaanan nito ngayon, pero hindi niya binibitawan ang kamay nito, maliban nalang kung kailangan, doon man lang ay maipadama niya sa kasintahan na hindi ito nag iisa, na nandito siya at hindi niya ito pababayaan.
“Are you tired baby? Gusto mo i-recline ulit natin ang upuan mo? Baka nanakit na ang balakang mo. Or do you want to stop for a while so you can stretch?” tanong niya rito na tinanguan naman ng babae. Itinigil muna niya ang sasakyan at tinulungan itong i-recline ang sandalan ng upuan nito, dahan dahan namang nahiga ang babae at ipinikit ang mga mata upang matulog, hinalikan niya ito sa noo at bumulong ng I love you bago siya bumalik sa maingat na pagmamaneho.
After more than 3 hours nakarating din sila, sila nalang ang hinihintay dahil nauna na ang mga kasama nila kanina, hindi kasi siya pwedeng magpatakbo ng sobrang bilis dahil ayaw niyang mapahamak ang mag ina niya, ilang beses rin silang tumigil dahil kailangang umihi ng kasintahan at para makapag stretching narin ito. Kompleto ang lahat ng dumating sila, halatang hinihintay talaga ang kanilang pag dating, nilingon naman niya ang kasintahan at nakadama siya ng kagaanan ng makitang nakangiti ito habang nakatingin sa mga taong naghihintay dito.
“They are all excited to see you again baby, It’s almost been a year and we all missed you so much” sabi niya rito dahilan upang maluha ulit ito, muli siyang nag alala dahil simula kagabi ay panay na ang iyak nito. “Are you okay babe? May masakit ba sayo? Bakit ka umiiyak?” kinakabahan niyang tanong sa babae. “I’m just happy, nandito na ulit ako, akala ko matatagalan pa bago ko kayo makasama ulit eh” sabi nito, mabilis niyang niyakap ang kasintahan upang patahanin ito. “Hindi mangyayari iyon, sa palagay mo ba hahayaan kong isilang mo ang anak natin ng wala ako sa tabi mo? No fucking way babe! I will be there to hold your hard and cheer you up kapag nanganganak kana” nakangiti niyang pangako sa babae na ngumiti rin sa kanya, this time her smile is genuine.
Nang makalabas sila ng sasakyan ay inalalayan niya ang kasintahan na mag lakad patungo sa loob ng bahay kung saan to hinihintay ng lahat. Pagkapasok nila sa loob ay parang kidlat na inagaw sa kanya nila Yarrow at Freia ang kasintahan upang yakapin ng mahigpit, panay ang iyak ng dalawa habang sinasabi kung gaano nila na miss ang babae, hinayaan naman niyang mag moment ang tatlong babae dahil alam niya kung paanong nag alala ang mga ito para sa kasintahan.
Makalipas ang ilang sandali ay nilapitan narin ito ng iba pa nilang kasama sa bahay, simula sa kanilang mga Tito at Tita, mga kaibigan, hanggang sa mga kasambahay ay nagpahayag ng kasiyahan sa muling pagbabalik ng babae, and he is happy to see her happy and smiling genuinely again, akala kasi niya ay matatagalan pa bago niya muling makikita ang masasaya nitong ngiti. Pero ang kasiyahan niya ay unti unting napalis ng halos hindi na siya pansinin ng kasintahan dahil abala na ito sa pakikipag tawanan sa mga kaibigan nila, tila siya naging hangin sa paningin nito, kahit ng lapitan niya ito kanina ay hindi parin siya nito pinansin, umakto ito na parang hindi siya nakita kaya lalo siyang nakadama ng inis.
“Anong feeling?” narinig niyang tanong ng tinig na iyon kasabay ng pag lundo ng upuan sa tabi niya, pag lingon niya ay nakita niya si Conall na matiim na nakatingin sa nagtatawanang kumpulan nila Aster habang marahang uminom ng wine sa kupitang hawak nito.
“What?” balik tanong niya sa lalaki
“Anong feeling na after so many months nakita mo na ulit siya tapos hindi ka naman niya pinapansin?” nakangisi nitong pagulit sa tanong nito, napailing naman siya dahil inaasar nanaman siya ng lalaki, bibihira na nga lang itong mag pakita sa kanila mang aasar pa, hindi nalang niya pinansin ang kaibigan at muling ibinalik ang mga mata sa kasintahan.
Hindi narin muling nag salita si Conall at katulad niya ay nakamasid lang ito sa gawi nila Aster. Hanggang sa bumaling sa redeksyon nila ang tingin ni ng babae, tapos ay masaya itong tumayo at nag paalam sa grupo upang lumapit sa kanila, hindi naman niya napigilan ang mapangiti dahil sa wakas ay napansin na ulit siya ng babae. Ngiting dagli ring napawi dahil imbes na sa kanya ay kay Conall ito tumabi. Narinig niya ang mahinang tawanan ng kaniyang ama at mga tiyuhin dahil napansin pala ng mga ito ang pagkalat ng disappointment sa kanyang mukha, tinignan naman niya ang mga ito ng masama ngunit hindi rin siya pinansin ng mga ito. Nag sisimula ng uminit ang kanyang ulo, hindi niya alam kung sinasadya ba ng babae na inisin siya o ano, pero kung gusto siya nitong inisin ay nag tatagumpay ito, lalo pa at napaka lambing nito kay Conall akala mo ang lalaki ang kasintahan nito, panay pa ang pisil sa mukha ng lalaki na para bang gwapong gwapo ito dito.
“Ganyan talaga pa buntis, pag pasensyahan mo” bulong ng mommy niya sa kanya habang mahinang tinatapik ang kanyang balikat.
“Ang gwapo gwapo mo naman Con” papuri ni Aster sa lalaki na proud na proud namang nakangiti, sarap basagin ng mukha ng gago.
“Ganun talaga As, it runs in our blood” nag mamalaki namang tugon ni Gunner kahit hindi naman ito ang kinakausap.
“You’re not as handsome as Connal” tugon ng kasintahan niya sa lalaki dahilan upang magkatawanan silang lahat, ngayon lang may nagsabi kay Gunner na hindi ito kasing gwapo ng kakambal nito dahil identical twin ang dalawa, kung wala nga lang mga tattoo si Conall ay hindi nila malalaman kung sino ang sino sa dalawa.
“Hey, magkamukha kaya kami” apela pa ng lalaki pero inismiran lang ito ng kasintahan saka muling bumaling kay Conall upang purihin ang lalaki. Napapailing nalang siya at bumuga ng hangin upang kalmahin ang sarili, hindi niya alam kung dahil lang ba iyon sa pag bubuntis ng babae o ano, pero naiinis talaga siya na si Conall ang pinagtutuunan nito ng pansin imbes na siya. “She didn't even smile at me the whole day” mahina niyang bulong sa hangin “Ako kaya ang boyfriend, tsaka mas gwapo naman ako ng di hamak dyan” pag hihimutok niya.
Lihim namang natatawa si Conall na naririnig ang mahinang pag bulong ng kaibigan sa tabi niya, ang sira ulo bubulong bulong pero dinig naman niya, hindi nalang deretsong sabihin sa kanya na lumayas na dahil ramdam naman niya ang pag nanais nitong ihagis siya sa labas maging ang matatalim nitong tingin sa kanya sa tuwing lalambingin siya ng buntis. “I need to go now beautiful, ingatan mo ang sarili mo okay? Pati si baby, ninong ako niyan huh” pagpipresenta niya na mabilis namang tinanguan ni Aster. “Ninong my ass” muling bulong ng lalaking bitter sa likod niya na lalong nag palapad sa kanyang pagkakangiti. “So pano ba yan? Alis na ako, baka di na ako makalabas ng buhay dito eh” natatawa niyang turan sabay tapik sa balikat ng kaibigan na sobrang sama ng tingin sa kanya, ang mokong hindi man lang nag plastic ng ngiti, “Wag ka ng babalik” walang buhay nitong turan ng nag lalakad na siya palabas na tinawanan lang niya.
HINDI MALAMAN NI EDRIC kung ano ang unang ilalagay na gamit sa bag na dadalhin nila sa hospital, 8 months pa lang ang ipinagbubuntis ng asawa ngunit kanina pa humihilab ang tiyan nito, hindi pa nila inihahanda ang mga dapat dahil.
“Edric bilisan mo diyan! What’s taking you so long?” tanong nito sa nahihirapang tinig habang mahigpit na nakakapit sa hamba ng pinto ng kanilang condo, parang gusto tuloy niyang mag sisi na bumukod agad sila pagkatapos ng kasal, tuloy ay wala siyang mahingian ng tulong ngayong manganganak na ang asawa.
“S-sandali na lang babe, saglit lang, hold on, I’m coming” natataranta niyang tugon sa asawa saka basta nalang dinampot ang nakita niya at isinaksak sa bag, tapos ay nag mamadaling nilapitan ang asawa at inalalayan palabas ng kanilan unit. Panay ang pisil nito sa balikat niya sa tuwing nag hihilab ang tiyan nito, kaya pati siya at napapa iri na rin dahil sa sakit ng pagbaon ng kuko nito sa kanyang balikat, pakiramdam niya ay madi-dislocate na ang kanyang buto sa balikat dahil sa pag piga nito doon, he didn't know that his wife can exert such force, para itong nagiging halimaw sa lakas habang pinipiga ang kanyang balikat. Gayon pa man ay tiniis niya ang sakit, he knew that it’s nothing compared to the pain his lovely wife is feeling right now, ng maisakay niya ito sa sasakyan ay mabilis siyang umikot at naupo sa drivers seat, agad niyang binuhay ang makina ng sasakyan at mabilis na pinatakbo iyon patungo sa hospital.
Pagkarating nila ng hospital ay agad niyang binuhat ang asawa at tumawag ng nurse at sinabing manganganak na ang kanyang asawa, sakto namang nailapag niya ito sa stretcher ay pumutok ang panubigan nito, dahilan upang tuluyan siyang lukubin ng takot, kitang kita niya ang sakit sa mukha ng asawa, hinawakan niya ang kamay nito at ramdam na ramdam niya ang panginginig ng laman nito, parang gusto niyang manuntok ng mga oras na iyon dahil sa pinag halong kaba at awa sa asawa, pero hindi niya binitawan ang kamay nito, “I’m here baby, I’m here, I love you! I love you much, you are amazing! You will get through this, okay?” pag kausap niya rito, humigpit naman ang pagkakahawak nito sa kanyang kamay saka tumango. Kahit parang maiihi na siya sa kanyang pantalon sa matinding kaba ay nagawa pa rin niyang ngumiti sa asawa, she really never fail to amaze him, first with her beauty, and now with her strength.
Nabitawan lang niya ang kamay ng asawa ng pigilin na siya ng mga nurse sa pagpasok sa delivery room, hindi siya pinayagan ng mga ito na sumama sa loob kahit nag makaawa siyang papasukin. Nag lakad siya ng pabalik balik sa pasilyo habang hinihintay na matapos manganak ang asawa, pinag papawisan siya ng malagkit at namumutla narin dahil sa matinding kaba, hanggang sa dumating ang kanyang mga magulang kasama ang kanilang mga kaibigan, hindi niya pinansin ang mga ito at nag patuloy lang siya sa pag lalakad, pakiramdam kasi niya ay sasabog siya kapag nag salita siya, hanggang sa hawakan siya ng kanyang ina sa magkabilang balikat ay masuyong tignan. “She will be fine son” pag papakalma nito sa kanya, medyo gumaan naman ang kanyang pakiramdam dahil sa sinabi nito.
“Anong gamit ng bata ang dala mo pare?” nag pipigil ng tawa na tanong ni Torin, kasabay ng pag takip ng iba pa nilang kasama sa bibig ng mga ito na tila ba may nakakatawang nangyari. Dahil sa tanong ng kaibigan ay bigla niyang naalala ang bag na hindi niya alam kung saan niya nailagay sa sobrang pagkataranta niya kanina.
“I think I left the bag in my car” wala sa sarili niyang turan sabay hakbang upang bumalik sana sa kanyang sasakyan at hanapin ang bag na dinala nila, medyo nagulat pa siya ng biglang mag tawanan ang mga ito, pati ang kanyang mga magulang ay hindi na rin napigilan ang matawa. Nag tataka naman niyang tinignan ang mga ito na tila mga baliw na nagpipigil tumawa ng malakas. “What’s so funny?” naiirita na niyang tanong sa mga ito, nakakainis, hindi ba ng mga ito nakikita na nag aalala siya, nasa loob ng delivery room ang asawa niya tapos nag tatawanan ang mga ito.
“Sorry! Sorry pare” natatawa paring paghingi ng paumanhin ni Aziel.
“Your bag is in you back” sabi naman ni Neil ng medyo makabawi na ito sa pag tawa, mabilis naman niyang kinapa ang likod, saka lang niya naramdaman na nakasabit pala iyon sa kanyang balikat, agad niyang tinanggal ang pakakasuot ng bag sa kanyang balikat upang asikasuhin ang gamit ng kanyang anak.
Nang mailapag niya ang bag sa upuan ay bigla nanamang nag tawanan ang mga ito, siya naman ay agad na namula ang mukha ng narealize kung ano ang dahilan ng pagtawa ng mga ito, nakasabit lang naman sa zipper nang dala niyang bag ang regalo ng mga ito sa kanya na T-front brief noong kasal nila ni Aster, hindi pala niya naisara ng maayos ang bag kaya lumabas ang brief at muntik ng mahulog sa pagkakasabit. Napailing nalang siya, sa sobrang pagkataranta niya kanina ay kung ano ano na ang nadampot niya, mabuti nalang at naipasok naman niya ang mga kailangan ng anak niya. Ang mga damuho naman niyang kaibigan ay halos mag lupasay na sa sahig ng hospital kakatawa sa naging pagkakamali niya. “Sige mag si tawa kayo, pag ang mga asawa nyo na ang nanganak, ako naman ang tatawa sa inyo mga damuho kayo, mag si layas nga kayo dito” sabi niya sa mga ito."Akala namin bagong design ng baby cloth pre" tawang-tawang turan ni Aiden na hindi nalang niya pinansin, hinayaan niya ang mga itong mag patuloy sa parang baliw na pag tawa.
Makalipas ang ilang oras ay lumabas narin ang isang nurse at kinuha sa kanya ang mga kakailanganin ng bata. “How’s my wife?” kinakabahan niyang tanong dito habang inaabot ang mga gamit ng bata. “Your wife is fine sir, natutulog na po siya ngayon” nakangiti nitong turan, gumaan naman ang pakiramdam niya, para siyang nabunutan ng tinik. Makalipas ang ilang sandali ay inilabas na ang kanyang asawa at inilipat sa private room nito, sabi ng nurse na nag asikaso sa kanilang anak ay pwede na niya itong silipin sa nursery, pero gusto niyang sabay sila ng asawa kaya hinintay niya itong magising.
HE IS SO BEAUTIFUL – naluluhang turan ng kanyang asawa habang nakaupo ito sa wheelchair at sabay nilang pinagmamasdan ang kanilang anak, hindi rin niya napigilan ang maluha sa sobrang kaligayahan. Ganito pala ang pakiramdam ng maging isang ama, sobrang saya niya, daig pa ang kasiyahan niya ng lubusang maging kanya ang babaeng minamahal, akala niya ay iyon na ang pinakamasaya niyang sandali, but looking at his son now, masasabi niyang ito ang tunay na pinaka masayang araw ng buhay niya, the day he truly found his purpose.
“Salamat babe, for rewarding me with such a beautiful gift!” madamdamin niyang bulong sa tenga ng asawa, nakangiti naman itong lumingon sa kanya at marahang hinaplos ang kanyang pisngi upang pahirin ang luha mura roon.
“Thank you din” tugon nito sa kanya “I love you! Thank you, I don't know what I did to deserve such an amazing woman but thank you! for everything my love” sabi ulit niya sa asawa bago muling pinag masdan ang natutulog niyang anak. And on that day, he swore, he will do his best to be a good father and a good husband, he will give his all to protect his family, the source of his strength and purpose in life.
THE END!!!!--------------------------------------
Akalain mo yun, nakatapos na ako ng 5 stories dahil lang sa pag pifeeling ko, hehehehe.Thank you pips for your support! I really appreviate those few comments, your votes and siempre ang pag papabudol nio sakin. Thank you for following me! 😘 humayo pa kayo at magkarami.
See you again in the next story, alam nio na kung sino ang kasunod 🙂

YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
RomanceEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...