Chapter 37

79 9 0
                                    


 


Xyrine was worried, kahapon pa hindi lumalabas ng silid niya si Aster, she knew something was wrong with their daughter, so she tried to talk to Xiron about Aster’s behavior but her husband just told her na baka nga pagod lang ang bata at gustong mag pahinga, kaya kahit gusto niya itong pasukin sa silid nito at kausapin ay hindi na siya nag pumilit. Pag gising niya kaninang umaga ay agad siyang na handa ng agahan nilang pamilya katulad ng palagi niyang ginagawa, tapos ay nag tungo siya sa silid ni Aster upang gisingin ito at ng makakain na, kanina pa siya kumakatok sa pinto nito ngunit hindi ito sumasagot, wala rin siyang naririnig na kahit anong ingay mula sa loob ng silid nito, hindi tuloy niya maiwasang kabahan ng husto.
 
“Adelai” tawag niya sa isang kasambahay na mabilis namang lumapit sa kanya. “Bakit po mam?” magalang nitong tanong sa kanya, “Paki tawag mo nga ang sir mo, tapos pakikuha na rin ng duplicate key nitong silid ni Aster, paki bilisan” pag uutos niya sa babae na mabilis naman nitong sinunod. Nang maka alis ang kasambahay ay muli siyang kumatok. “Aster? Anak, gising na, breakfast is ready, kahapon ka pa hindi lumalabas ng silid mo, are you okay sweety?” patuloy niyang pag tawag sa anak kahit pa nga wala siyang nakukuhang sagot, maya maya ay dumating na rin ang kanyang asawa. “She’s still not coming out?” nag aalala narin nitong tanong sa kanya. “Oo e, hindi nga rin sumasagot, kanina ko pa tinatawag, God mix, I’m worried” sabi niya sa asawa saka humawak sa braso nito. “Aster sweety? Let’s go have some breakfast” sabi ng asawa niya habang kina katok ang pinto ng silid ng anak, katulad kanina ay wala silang nakuhang sagot. Hindi naman nag laon ay bumalik si Adelai dala ang susi na ipina kuha niya rito, kasunod nito si Yarrow na nagtataka narin sa nangyayari.
 
“What’s happening Mom? Dad?” tanong nito sa kanilang mag asawa, nag katinginan naman silang mag asawa at si Xiron na ang sumagot sa tanong ng kanilang bunsong anak. “Hindi sumasagot ang kapatid mo, do you have any idea if your sister has a problem?” tanong nito bunso nilang anak na agad namang umiling, “wala naman po, akala ko pagod lang siya kahapon kaya natulog siya buong araw” sagot naman nito. Hindi na siya muling nag salita, inabot nalang niya ang susi mula kay Adelai at binuksan ang pinto. “Aster anak, were coming okay” sabi muna niya bago niya tuluyang binuksan ang pinto.
 
Parang piniga ang puso niya ng makitang walang Aster na nakahiga sa kama nito, pumasok silang lahat sa silid at paulit ulit na tinawag ang pangalan ng babae, si Yarrow ay sinilip ang CR upang tingnan kung naroon ang kapatid ngunit wala doon ang babae. “Where is she?” tanong nila sa isa’t isa, ng masiguradong wala sa silid nito ang babae ay hinanap nila ito sa buong kabahayan, ngunit hindi parin nila ito nakita. Kinausap nila ang lahat ng kasambahay kung may nakapansin ba sa mga ito kung lumabas si Aster ng bahay, ngunit wala raw nakapansin rito simula pa kanina. Hindi naman din ugali ng anak nila ang umalis ng hindi nag papaalam kaya hindi niya maiwasan ang lukubin ng matinding pag aalala. They started calling the Crison and Silva’s to ask if ever Aster went to their houses, ngunit wala daw doon ang anak nila, her husband called the guard of the subdivision to ask kung napansin ba nitong lumabas ang kanilang anak ngayong araw, at napag alaman nilang lumabas nga ito ng subdivision kaninang 3 am, ang sabi raw nito sa guard ay may kailangan itong kunin sa office, bagay na ipinag taka nila, dahil pwede naman nito iyong kunin mamaya pag pasok sa opisina, bakit kailangang madaling araw umalis? Gayon pa man ay nag pasalamat sila sa security at sunod na tinawagan ang guard sa kompanya, lalo siyang kinabahan ng sabihin nitong hindi nagagawi doon si Aster, pina check rin nila ang CCTV dahil baka naka idlip lang ang guard na nag babantay, ngunit hindi talaga ito pumunta doon. Isa isang dumating ang mga Silva at Crison sa kanilang bahay, kaya sinabi na nila rito na nawawala si Aster, na umalis ito ng walang paalam at hindi nila alam kung saan nag tungo.
 
“Relax Xy, baka naman babalik din kaya hindi na nagpaalam, did you check her things already?” tanong sa kanya nila Monique, Chelle at Fire, ang asawa naman ng mga ito ay kasama ni Xiron habang ang kanikanilang mga anak ay magkakasama rin maliban kay Edric na kasalukuyang nasa out of the country conference at kay Aster.
 
“Yeah, you are right, hindi pa namin na check ang mga gamit niya” dahil doon ay mabilis siyang tumayo at muling umakyat sa taas upang tignan ang gamit ng anak, sumunod naman sila Yarrow at Freia sa kanila, ganun nalang ang panlulumo niya ng makitang hindi kumpleto ang mga gamit ng anak sa lalagyan, wala narin doon ang paborito nitong maleta na palagi nitong ginagamit kapag umaalis sila, hindi niya napigilan ang mapaluha ng marealize ang posibilidad na lumayas ang anak niya, but why would she do that? Wala naman silang alam na pwedeng maging dahilan para maglayas ito, hindi sila nag away sa bahay maayos sila, wala rin silang alam na problema ng babae, bigla na lang itong hindi lumabas ng silid nito kahapon, and now this. Pilit naman siyang inalo ng mga kaibigan at sinabing magiging okay din ang lahat, gusto niyang tumawag ng Pulis pero wala pang 24 hours kaya sigurado siyang hindi sila maasikaso.
 
“Mom” narinig niyang tawag sa kanya ni Yarrow, pinunasan niya ang luha saka bumaling sa bunsong anak, may hawak itong kung anong maliit na tila larawan, “What is that?” tanong niya sa anak saka kinuha ang hawak nito, ganun nalang ang panlalaki ng mga mata niya ng makita kung ano ang hawak ni Yarrow, it’s an ultrasound and what’s more shocking was that the ultrasound has the name of Aster in it.
 
“Ow my God” natutop niya ang sariling bibig, pakiramdaman niya ay humiwalay ang kaluluwa niya sa kanyang katawan, dinampot naman ni Fire ang ultrasound na nabitawan niya. Nang medyo makabawi sa pag kagulat ay muli niya iyong inagaw sa babae saka pinaka titigan, she is pregnant, bulong niya sa isip.
“Xiron!” pag tawag niya sa asawa “Xiron!” sigaw niya sa pangalan nito ng hindi agad ito sumagot sa una niyang pag tawag, “Xiron!” mas malakas na niyang tawag dito. Maya maya pa ay humahangos na dumating ang kanyang asawa, kasama ang mga kaibigan nila na naiwan sa baba kanina. “What happened Mix?” nag aalala nitong tanong sa kanya bago lumapit sa kanya at mahigpit siyang niyakap “What is it? Bakit ka sumisigaw?” nag aalala nitong tanong, hindi siya nag salita at inabot sa asawa ang ultrasound na nakita ni Yarrow, tapos ay nag lakad siya pabalik balik sa loob ng silid ng anak. So, she was pregnant, kaya ba ito umalis? But who could be the father? Wala silang alam na kasintahan nito, sa katunayan lahat ng nanliligaw dito ay binasted nito, kaya paano?
 
Nakita niyang dumilim ang mukha ng asawa, kasabay ng pagkuyom ng kamao nito dahilan upang makusot ang hawak nitong ultrasound, kasunod ay ang malakas nitong pag mumura at pag suntok sa pader na ikinasigaw nilang lahat, mabilis niyang nilapitan ang asawa upang pakalmahin ito kahit maging siya ay parang gusto ring mag mura. Tinulungan naman siya ng mga kaibigan nila upang pakalmahin ang asawa, si Yarrow ay yakap ni Freia dahil umiiyak na ito, mukhang hindi na nito kinaya ang kaguluhang nakikita sa loob ng kanilang tahanan. Maging siya ay litong lito at nanghihina dahil sa kanilang natuklasan, mabuti nalang their friends were there with them. Pinakalma sila ng mga ito at dinala sa baba, lahat sila ay nabigla sa kanilang natuklasan, nasasaktan siya sa na laman, paano ito nagawa ni Aster sa kanila? Ni minsan ay hindi pumasok sa isip nila na mag papabuntis ito ng ganun ganun lang, and worst wala naman itong kasintahan kaya lalo nilang hindi maunawaan kung paanong nangyari na nabuntis ito.
 
“Puma, find who ever that fucking asshole who impregnate my daughter” matalim na utos ni Xiron sa kaibigan na agad namang nag taas kilay “Utusan mo ako Xiron?” sabi nito dahilan upang mahina itong hampasin ni Fire sa braso. “Just fucking do it!” matalim na turan ng kanyang asawa, hindi alintana ang pag sama ng mukha ni Puma dahil sa pag uutos nito, hindi naman siya nag aalala dahil ganun naman talaga ang mga ito kung mag usap. “Pasalamat ka si Aster ang pinag uusapan natin dito, parang anak ko narin ang batang iyon” sagot ni Puma saka nito kinuha ang cellphone sa bulsa, tumayo at may idinial sa telepono nito.
 
“I will kill that bastard! How dare he? Of all people ang anak ko pa!” galit na galit na turan ni Xiron, ramdam niya ang matinding galit ng asawa, hindi naman niya ito masisisi, maging siya ay nagagalit sa lalaking iyon, kung sino man ito.
 
EDRIC WAS WORRIED SICK, ilang araw ng hindi sumasagot sa kanya ang kasintahan, hindi niya alam kung ano ba ang nangyari rito, gusto sana niyang umuwi at wag ng tapusin ang conference ngunit hindi siya maka alis-alis, hindi naman niya matanong kay Yarrow kung okay lang ba si Aster dahil siguradong mag tataka ang kapatid niyang iyon at siguradong magagalit si Aster kapag nalaman na nag tanong siya kay Yarrow. Kaya naman ng sumapit ang araw ng kanyang pag uwi ay wala siyang sinayang na oras, nagmamadali siyang lumabas ng airport at nag tungo sa parking area kung saan iniwan ng tauhan niya ang kanyang kotse. Habang nag mamaneho siya pauwi ay nakatanggap siya ng tawag mula sa Ama.
 
“Dad?” bungad niya rito.
 
“Are you back in the country?” seryoso nitong tanong na ikinakunot ng noo niya.
 
“Yes Dad, I just came, papunta ako sa bahay ngayon” sagot niya rito.
 
“Come to your Tito Puma’s house now” utos nito na lalong ikinakunot ng kanyang noo, lalo na ng patayan siya nito ng tawag, alam niyang galit ang ama base sa tinig nito at sa pagpatay ng tawag, pero ano naman kaya ang ikinagagalit nito? hindi kaya may nangyari talagang hindi maganda sa kasintahan niya? Lalo namang nilukob ng pag aalala ang puso niya. Tinapakan niya ang silinyador at halos paliparin na niya ang kanyang sasakyan, please be safe baby bulong niya sa isip, hindi niya kakayanin kapag may hindi magandang nangyari sa babae.
 
Pagdating niya sa bahay ng mga Crison ay lalo siyang nilukob ng matinding kaba, something seems off, kompleto ang lahat maliban sa babaeng ilang araw na niyang pinanabikang makita, walang nag sasalita sa mga ito, bagay na ipinag tataka niya dahil imposibleng magkasama sila sa iisang lugar na walang asarang nagaganap. Pagpasok niya ay agad na bumaling ang tingin sa kanya ng lahat, both her Mom and Yarrow are crying habang inaalo ang mga ito ng mga mga Tita nila at ni Freia, that made him more worried, what the fuck happened? Why are his Mom and sister crying? Ang ama naman niya ay nakatayo sa tapat ng bintana habang nakapamulsa, ang mga tiyuhin ay nakaupo sa isang upuan kasama ang mga kaibigan niya, nag tatanong ang kanyang mga mata pero walang sumagot sa kanya kaya lumapit siya sa ama upang kunin ang pansin nito.
 
“Dad?” tawag niya rito, umikot naman ito paharap sa kanya at hindi niya napaghandaan ang sunod nitong ginawa, natumba siya sa lakas ng suntok na pinadapo nito sa kanyang mukha, kasabay niyon ay ang malakas na pag sigaw ng kanyang ina, mukhang pati ito ay nagulat sa ginawa ng Daddy niya. Never in his entire life a pinagbuhatan siya ng kamay ng sariling ama, ngayon lang, and for him to do, he must have done something terrible, but what could it be?
 
“Dad?” nag tataka niyang tanong dito ng muli siyang bumaling dito, the old man is furious, tila ba handa ulit itong sapakin siya at hindi lang magawa dahil ngayon ay hawak na ito ng kanyang mga tiyuhin sa magkabilang gilid nito.
 
Pilit itong kumawala sa pagkakahawak ng mga tiyuhin niya at may kinuhang folder sa lamesa, may inilabas ito doong mga papel at inihagis iyon sa mukha niya.
 
“Explain this Edric! What have you done to your sister?” pagalit nitong sigaw, siya naman ay napabaling sa mga papel na ngayon ay nagkalat sa harapan niya, kasabay ng mas lalong pag lakas ng iyak ng kanyang ina ay ang pag takas ng kulay sa kanyang mukha, pakiramdam niya ay tumigil ang pag pintig ang kanyang puso, para siyang tinakasan ng lakas, nanlamig ang buo niyang katawan habang nakatitig sa mga larawan nila ni Aster na nag hahalikan.
 
They Knew! 

Savage book 1: Edric Walker - CompletedWhere stories live. Discover now