Goodnight!
Happy reading!!
--------------------------------
Lumipas ang buong mag hapon na walang masyadong nangyari, maliban sa insidente kaninang umaga at sa masasamang tingin sa kanya ni Edric, na tila ba gusto siya nitong gilitan ng leeg. Sa tuwing mag sasalubong ang kanilang mga mata ay palaging madilim ang mukha nito kaya nag kibit balikat nalang siya, alam niyang galit parin ito dahil medyo OA talaga itong kapatid niya sa pag babantay sa kanila ni Yarrow.
“Bakit ang sama ng tingin sayo ni Drey?” tanong ni Freia nang tila hindi na ito nakatiis, wala kasing binabasang libro ang babae ngayon kaya napapansin nito ang paligid, madalas kasi ay wala itong pakialam at palaging nakatutok lang ang mata sa mga libro na binabasa at magsasalita lang kapag kinakausap ito.
“He saw Jazz” sagot niya dito sa mahinang tinig upang hindi sila marinig ng mga kasama, ayaw na niyang dagdagan pa ang inis ni Edric kapag nalaman nitong pinag uusapan nila ang lalaki habang daan, pauwi ng kanilang mga tahanan.
“Jazz who?” muling tanong ng kaibigan na mahina rin ang tinig na ikinangiti niya, malamang ay hindi na nito maalala ang mga lalaking lumapit sa kanila sa bar, ganun naman talaga ang kaibigan. Hindi ito makakalimuting tao, sa katunayan ay matalas ang memorya nito, sadyang hindi lang ito matandain sa mga bagay o tao na walang halaga rito. Kaya pag naalala ng babae ang pangalan ng isang tao, ibig sabihin ay mahalaga iyon dito, kahit nga ang mga classmates nila ay hindi nito kilalang lahat.
“Remember the guy at the bar? Yung umupo nalang bigla sa tabi ko?” pag papaalala niya sa kaibigan na saglit munang nag isip bago marahang napatango. “Okay, what about him? Magkakilala ba sila ni Drey?”
“No, but Jazz went to our room this morning, nakita niya raw kasi tayo, schoolmate pala natin sila, and Drey saw us talking and he assumed na nakikipag landian ako, kaya ayan nagalit” pag papaliwanag niya sa babae na muli nanamang tumango tango.
“But is he hitting on you?”
“uhm, I’m not sure?” matapat niyang tugon sa kaibigan.
“why are you not sure?”
“Well, wala naman siyang sinasabi but he kept on sending me messages since the bar incident” sagot niya dito
“Ow, baka may gusto nga sayo?” komento nito.
“I don't know” kibit balikat niyang turan nang may bigla nalang umakbay sa kanya. It was Neil.
“May I borrow your phone?” tanong nito sabay lahad ng kamay nito sa harap niya, at dahil sanay naman silang hinihiram ng mga ito ang phone nilang tatlo nila Yarrow at Freia, ay walang pag aalinlangan niyang inabot dito ang kanyang cellphone. Inalis naman nito ang pag kakaakbay sa kanya at ginawa ang gusto nitong gawin, siya naman ay muling bumaling sa kaibigan at nakipag kwentuhan dito, habang si Yarrow ay natutulog sa pwesto nito. Hindi naman nag laon ay ibinalik din ni Neil ang cellphone sa kanya.
“What did you do?” tanong niya rito nang ibalik nito ang phone niya. “Nothing, I just checked on something online” nakangiti nitong turan saka bumalik sa kinauupuan nito kanina katabi ng kambal nito at ni Edric na masama parin ang timpla mukha.
“Did you reply to him?” biglang tanong ni Freia na ikinakunot ng noo niya.
“Who?” tanong niya dito.
“Jazz” tipid naman nitong sagot.
“Ow, hindi pa, mamaya nalang sa bahay tinatamad pa ako mag reply eh” sagot niya dito.
“Do you like him?”
“No, but I think his nice naman” sagot ulit niya rito.
“What if he courted you?” tila curious nitong tanong na ikinangiti niya.
“Frei, have you forgotten na bawal pa tayong mag paligaw? if he courted me, I would decline him, ayaw ko pang ma grounded ng 1 month or more. Knowing daddy, he will really go ballistic” natatawa niyang tugon na ikinatawa narin ng kaibigan.
“True! Hindi lang si Tito Xi, kay Drey palang siguradong yari na siya, isama mo pa yang sila kuya at ang mga pinsan kong baliw, good luck talaga sa mga manliligaw ninyo ni Yarrow” natatawa nitong komento.
“Wow huh, mas good luck sa mga manliligaw mo Frei, we all know na kung mahigpit sila samin ni Yarrow ay doble ang pag hihigpit nila sayo. Well, can't blame them, sa ganda mong yan talagang dapat kang bantayan” nakangiti niyang turan sa kaibigan na agad namang nabura ang pag kakangiti.
“Thank you for complimenting me As, but I know that I'm not as beautiful as you and Yarrow, ewan ko nga lang diyan kila kuya kung bakit ang OA maka bantay, wala namang manliligaw sakin” sabi nito na ikina iling niya, hindi niya alam kung bulag ba ang babae o hindi lang talaga ito tumitingin sa salamin, Freia is beautiful, manang mana ito sa Tita Fire nila, malakas din ang sex appeal ng kaibigan kahit napaka simple lang nito, hindi niya alam kung anong meron pero when it comes to her looks, Freia is not convince that she is so beautiful, ang dami ngang nag kakacrush dito sa school nila eh, pero deadma lang ito.
NANG makarating na sila sa kanilang bahay ay agad siyang umakyat sa kanyang silid, wala pa kasi ang kanilang mga magulang, pauwi palang ang mga ito galing sa trabaho. Nag palit muna siya ng pambahay bago niya kinuha ang kanyang cellphone upang replyan si Jazz, marami itong text messages sa kanya kanina at hindi niya ito nireplyan dahil nag kaklase pa sila, pag kauwi ng bahay niya talaga ito planong replyan. Pero napakunot ang kanyang noo ng hindi na niya makita ang mga messages nito, hindi pa naman niya nasave ang number ng lalaki, nadelete marahil niya ang message nito ng hindi sinasadya. Napailing nalang siya saka inilapag ang cellphone sa kanyang kama, hindi naman niya kabisado ang number nito kaya hindi na niya ito ma-i-tetext maliban nalang kung mag text ulit ito.
Habang hinihintay ang mga magulang ay inabala na lang muna niya ang sarili sa social media when she received a call from unregistered number, upang malaman kung sino iyon ay sinagot niya ang tawag.
“Hello, who is this?” magalang niyang tanong sa kabilang linya.
“Do you hate my guts that much?” sabi ng nasa kabilang linya na nag pakunot sa kanyang noo, familiar ang boses nito pero hindi sapat upang makilala niya.
“I’m sorry, but who are you?” tanong niya sa kausap, narinig niya ang pag buntong hininga nito bago muling nag salita.
“Napagalitan kaba ng kuya mo kanina kaya nagalit ka sakin?” tanong nito, dahil doon ay agad na rumihistro sa kanya kung sino ang kausap.
“Jazz?” paninigurado niya, “Yeah, it’s me, kung napagalitan ka ng kuya mo kanina dahil sakin, I'm sorry! pero sana wag ka namang magalit sakin” tila nakikiusap nitong turan na ikinakunot ulit ng noo niya.
“Nagalit ng si Drey kanina, but I'm not mad at you, what made you think that I'm mad?” tanong niya dito.
“I just read your message, and you said fuck off, so I assumed na galit ka sakin because of what happened earlier?”
“Huh? I don’t understand, I did not send you a message yet, I was about to reply to your text when I got home but I accidentally deleted your text, kaya I was not able to message you back” paliwanag niya sa lalaki, baka iba ang nag text dito at napag kamalang siya.
“Huh, wait I'll check?” tila nalilito rin nitong turan bago saglit na nawala sa linya. “Well, I receive a text message from your number saying fuck off, the text was sent around 5:34pm” sabi nito, agad naman siyang napaisip at bahagyang napatakip ng bibig ng ma-realize kung sino ang maaaring nag send dito ng mensaheng iyon. Namula ang kanyang mukha sa hiya sa lalaking kausap, mabuti nalang at wala ito sa harap niya ng mga oras na iyon.
“Ow my god! I’m sorry! I think I already knew who sent that message” sabi niya dito sa nahihiyang tinig.
“Huh, may iba pa bang gumagamit ng number mo maliban sayo?” tila nag tataka nitong turan, siya naman ay bumuntong hininga muna bago nag paliwanag sa lalaki. “I think it was Neil, Freia’s brother, he borrowed my phone kanina, I’m sorry I didn't know that he will text you, what else did he say aside from, uhm f-fuck off?” naiilang niyang tanong sa lalaki na saglit na natahimik sa kabilang linya, maya maya ay narinig niya ang malalim nitong buntong hininga. “Wala naman na, yon lang, are you guys really that close para mag hiraman kayo ng phone?” tanong nito na tinaguan naman niya kahit hindi naman nito nakikita.
“Yeah, madalas talaga nila hiramin ang phone naming tatlo” sagot niya rito. Muli naman niyang narinig ang pag buntong hininga ng lalaki, “I guess mahihirapan ako” sabi nito, siya naman ay napakunot ang noo pero hindi na nag komento, “Anyways” basag nito sa katahimikan nilang dalawa, “Maliban sa kuya mo at sa Neil na nag text sakin, ilan pa silang dapat kong bantayan?” tanong nito, muli namang napakunot ang noo niya “What do you mean?” tanong niya sa lalaki
“I mean, ilan pa ang Edric at Neil sa buhay mo na dapat kong bantayan” tanong ulit nito
“Well, Edric is my only brother, but we are close to Crison’s and Silva’s, they are like brothers to me. I'm like a sister to them, if that’s what you are asking” sagot niya rito.
“How many are they?” tanong ulit nito, medyo napa kunot ang noo niya, kilala kasi sa buong campus nila ang kapatid at mga kaibigan niya kaya nakapagtataka na hindi nito alam gayong nasa iisang paaralan sila. “You don't know?” paninigurado niya rito.
“Sorry, I heard about them already, but I'm not that familiar, kaka transfer ko lang kasi sa school two months ago” sabi nito.
“Ow” tangi niyang nasabi habang bahagyang napapatango, that explains why hindi nito alam kung ilan sila
“Well, they are 7 all in all, Si Drey, my brother which you already meet kaninang umaga, I'm sorry nga pala for how he acted, mahigpit kasi talaga yon eh” pangiwi niyang pag hingi ng paumanhin dito bago ang patuloy sa pag papaliwanag “then Neil the one who texted you using my number, and his twin brother Torin, they are the Crison’s, kapatid naman nila si Freia, yong isa sa kasama ko sa bar that night. Then the twin Lorcan, Aiden and Aziel and the Gregory twin Gunnar and Conall” mahaba niyang paliwanag sa lalaki saka muling humingi ng paumanhin dito para sa inasal ng dalawa. Mahaba pa ang naging pag uusap nilang dalawa ni Jazz, nadiskobre niyang masaya naman pala itong kausap kaya hindi na niya namalayan ang oras, naputol na lamang ang pag uusap nilang dalawa ng katukin siya ng kasambahay at sabihing bumaba na upang kumain dahil dumating narin ang mommy at daddy nila.
KINABUKASAN, ay nag pasya siyang puntahan si Edric sa classroom nito, hindi parin kasi siya nito pinapansin hanggang ngayon. Ewan ba niya, dati naman ay ok lang sa kanya kahit hindi siya nito pinapansin at palaging binubulyawan, sanay na kasi siya sa ugali nito, pero simula ng magkausap silang dalawa sa kusina ay tila hindi na siya mapakali sa isiping galit ito sa kanya, kaya nag pasya siyang kausapin ito. Sakto namang wala ang isa nilang teacher kaya malaya siyang nakalis sa kaniyang classroom, nag paalam lang si kay Freia na sasaglit lang sa labas dahil abala nanaman ito sa pag babasa ng book na bagong bili ata nito. Nang makarating siya sa Business department ay napapalingon sa kanya ang mga estudyante, marahil ay nag tataka ang mga ito kung bakit siya naroon gayong pang senior high school ang uniform niya. Ang ibang nakasalubong niya ay hindi niya kilala, ang iba naman ay kilala niya sa mukha dahil matagal nang nag aaral sa school na iyon, ng makarating siya sa classroom ng kapatid ay ipinag tanong niya kung nasaan ang lalaki dahil wala ito doon. Maayos namang itinuro sa kanya ng mga nakakaalam ng relasyon nila kung saan niya makikita ang kapatid.
Nag lakad siya papunta sa lumang building na sinabi ng estudyante na nag turo sa kanya, hindi niya alam kung anong ginagawa ng kapatid niya sa building na iyon gayong bawal pumunta ang mag estudyanteng katulad nila sa building na iyon dahil irerenovate daw iyon. Gayon pa man ay nagpatuloy siya sa pagpasok sa naturang building, hanggang sa makarinig siya ng mahinang ungol na parang sa isang babae, kinabahan siya at handa ng tumakbo pabalik ng marinig niya ang pangalan na inuungol ng kung sino. “Ow god edric, sige pa babe, ibaon mo pa” tila nahihirapang turan ng babae, napakunot naman ang noo niya, may kasama ba si Edric? at dahil nasigurado niyang hindi multo ang narinig niya ay nagpatuloy siya sa pag lalakad habang sinusundang ang tila nahihirapang tinig ng babae. At ng makarating siya sa isang bukas na silid ay agad na nanlaki ang kanyang mga mata sa eksenang naabutan. Lying in the old teacher’s table is a girl with long straight hair, naka uniform ito katulad ng suot niya while her brother Edric, is in between the girls parted legs, mahigpit nitong hawak ang magkabilang binte ng babae habang nakapikit na katingala sa kisame. Mabilis niyang naitakip sa kanyang bibig ang dalawang kamay upang pigilan ang pag alpas ng tinig sa kanyang bibig saka nag mamadaling tumalikod at patakbong umalis ng lugar na iyon, goodness! she just saw her brother having sex inside the campus!

YOU ARE READING
Savage book 1: Edric Walker - Completed
RomanceEdric Walker, just his name and every girl would go insane and fall on their feet like a servant owned by their master willing to give anything and everything to satisfy his salacious desire. Wala namang nakapagtataka, he is a handsome man, thank yo...