PUMUNTA si Reika sa sala at hinintay na matapos si Sir Ryle. Naghuhugas kasi siya ng pinggan. Samantalang naiwan naman si Ryner at Ryle sa kusina.
"Kuya.." Sumandal si Ryner sa ref at pinanood ang kuya niya.
"Alam ko ang ginawa ko Ryner."
"But isn't it a bit too much?"
"May naisip ka pa bang ibang paraan?"
Napabuntung-hininga si Ryner. Matagal ng alam ng kuya niya na may gusto sa kanya si Reika. Tinatago lang nito dahil ayaw niyang iwasan siya ng dalaga. Bukod sa teacher siya at estudyante niya ito, may girlfriend din siya. Talagang imposible. Malinaw nang hindi sila para sa isa't-isa.
But to think na sinabi niyang ikakasal siya sa harap ni Reika.
"It was the only way," nasabi ulit ng kuya niya. "Mabait si Rei. She just made a mistake of liking me. Alam kong may matatagpuan siyang mas babagay sa kanya."
Naputol ang usapan nila ng lumapit doon si Reika.
"Uhm, sir? Uuwi po muna ako ngayon. Medyo masama po ang pakiramdam ko."
Nagkatinginan ang magkapatid. Alam nilang palusot lang iyon ng dalaga.
"O-okay. Gusto mo bang ihatid na kita?"
Gustong mag-facepalm ni Ryner. Ikaw ang dahilan kung bakit uuwi siya tapos ihahatid mo pa? Kuya naman.
"Okay lang ako, Sir Ryle."
Napakamot ng ulo si Ryner. He sighed and left. Nilagpasan niya lang si Reika. Alam niyang hindi okay ang 'okay' na 'yon. That's a girl's greatest lie. Alam niya dahil ilang ulit niya nang narinig ang tunog ng ganoong klaseng 'okay'. Ang tunong ng kasinungalingan sa likod ng 'okay' na iyon.
"Okay lang ako, Ryner. Huwag kang mag-alala. Malakas ang nanay, gagaling ako."
But in the end, she left him. Kung noon hospital room ng nanay ang binibisita niya, ngayon ay ang puntod na nito. His mother died because of lung cancer and it was just a year ago when she left.
Nanghilamos si Ryner at tiningnan ang sarili sa salamin. He washed his mother's face in his mind. This is not the time to brood over and think about his dead mother. Sa ginagawa niyang 'yon, ibinabalik niya lang sa alaala ang mga ngiti ng namayapang ina. Closed wounds are starting to open up again.
**
Niligpit ni Reika ang mga gamit niya. "Sige, Sir Ryle. Alis na po muna ako."
"Okay. Mag-ingat ka."
Mabilis na lumabas si Reika sa bahay nila. Tinungo niya ang gate at nabigla siya ng makita si Ryner na nakasandal doon at nakapamulsa.
"Ano'ng ginagawa mo dito?" tanong niya sa binata.
"May pupuntahan ako," he said. "Pero nakalimutan ko kung ano'ng lugar 'yon, e. Saan ka nga ulit nakatira?" dagdag niya.
Kumunot ang noo ni Reika. "Southville."
"Ahh. Oo. Doon nga ako pupunta. Ano? Sabay na tayo?"
She gripped her bag. Ano bang pinaplano ni Ryner? She knew how vulnerable she is right now. As much as possible gusto niyang mapag-isa. Pero ngayon naman ay kinukulit siya ni Ryner.
"Kinakaawaan mo ba ako?" Nahihiya man siya ay naitanong niya rin iyon.
Nagsimula namang maglakad si Ryner. "Why should I? Ginusto mo 'yan, 'di ba?"
There's coldness in his voice. Pakiramdam ni Reika ay may naglagay ng ice sa paligid niya. She pursed her lips. Unti-unting nauubos ang lakas niya. Sumandal siya sa posteng nandoon. Kinuyom niya na ang palad sa sobrang pigil niya sa mga luhang nagbabadya ng tumulo.
"You can cry, but not here." She heard Ryner said. Naiangat niya ang ulo at mukha agad ng binata ang nakita niya. He's stretching his hand for her. "Let's go. Ihahatid kita sa inyo."
"H-hindi ako makatayo." Totoo 'yon. Nanghihina siya ngayon. Hindi niya alam kung saan napunta ang lakas niya.
"Hey, ang init mo," napuna ni Ryner ng hawakan nito ang noo niya.
"You mean I'm hot?" she said and Ryner chuckled. Nabigla pa nga si Reika. Marunong pa lang tumawa ang lalaking 'to? sa isip-isip niya.
"Come on. Sakay ka sa likod ko," suhestyon ng binata.
"Pero—" Hindi na siya nakareklamo. Ryner suddenly grabbed her ankles at nilagay ang mga braso niya sa leeg nito.
"Hold on tight. Baka mahulog ka," he reminded her.
Nagsimula silang maglakad. Ang lapit-lapit niya sa leeg ni Ryner at naaamoy nito ang pabango niya. Katulad ng pabango ni sir Ryle. Ayan na naman. Naaalala niya na naman.
"I'm getting married."
Hindi niya na napigilan ang pagtulo ng luha niya. Hinigpitan niya ang pagkakayakap sa leeg ni Ryner, seeking strength from him.
"Don't strangle me, Rei."
Nabigla si Reika ng sabihin nito ang nickname niya. Ito kasi ang unang beses na tinawag siya ni Ryner ng ganoon. Hindi niya alam kung bakit pero hindi niya na napigilan ang paghikbi at pangingilid ng mga luha niya. She broke down.
"Ry..?" she called. His name sounds a bit different pero may dalang comfort iyon ng sinabi niya.
"Mm?"
"Salamat."
**
"Hello?" Hindi mapigilang ngumiti ni Sir Ryle ng marinig ang malambot ng boses mula sa kabilang linya.
"Tris?"
"Yes? Ano'ng problema? You seemed down."
"Am I good or bad?"
He heard her giggle. "What? Saan naman nanggaling 'yan?"
"I hurt my student."
"Oh." Alam ni Tris ang tungkol kay Reika. Alam din nitong ngayon sasabihin ni Ryle ang tungkol sa engagement nila. "What did she say?"
"She congratulated me."
"Brave."
"Yeah. And kind too."
"But it was for her, right? Kung hindi mo sinabi ngayon mas masasaktan lang siya."
"I know." Napabuntung-hininga si Sir Ryle.
"Alam kong maiintindihan ka niya. Nasaan na pala siya ngayon?"
"She went home."
"Ha?"
"..With Ryner."
"Hinatid siya ni Ryner? Ni Ryner? Wow, that's.."
"...A shock, right? When I said that we're getting married in front of Rei, it was the first time that..."
"That...?"
Ryle sighed at pinagpatuloy ang sinabi niya. "It was the first time that he glared at me and said those words to me."
"Kuya, if you don't want Rei, I'll take her."
Sinara ni Sir Ryle ang kurtina. Nakasakay na kasi sina Ryner at Reika sa taxi. Aminado naman siyang kanina niya pa tinitingnan ang dalawa mula sa second floor ng bahay nila.
Alam niyang sinaktan niya si Reika. Nabasa nito ang reaksyon ng dalaga kanina. She was like an open book. At mabilis niya iyong nahalata. Ang hindi niya lang inaasahan ay ang kilos na ipinakita ng nakakabatang kapatid.
Maybe, just maybe, he thought. Ryner will be her cure.
ih=683�.5�T�
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...