"WHO would normally give their older brother an uppercut pagkatungtong pa lang ng bahay?" saad ni Ryle habang idinadampi sa ilalim ng panga niya ang icepack. Nagulat na lang kasi siya kanina nang pagbukas niya ng pinto ay sinalubong siya ng suntok ng nakakabatang kapatid. At hindi lang suntok 'yon, it's a freakin' uppercut.
"Like I said, Kuya, I'm sorry," Ryner apologized at nahiga ito. "Naiinis kasi ako kanina tapos mas lalo akong nainis nang makita ang mukha mo."
"What the hell?"
Nasa bubungan kasi sila ng bahay nila. Naging hobby na yata ng magkapatid na umakyat at doon mag-usap. It's 11:00 PM at nakapatay na ang karamihan sa mga ilaw ng mga bahay sa neighborhood nila. The cold evening wind brushing their skin was somewhat calming for them.
"Tss. Do you hate me that much dahil nagkagusto sa 'kin si Rei?" Ryle asked causing Ryner to glare at him.
"Part of me, yes," the younger one answered. "Pero nagustuhan ko si Rei dahil nagustuhan ka niya."
"What? Ang gulo mo," sabi ni Ryle at ginulo ang buhok ng kapatid.
"Would you stop it? Seryoso ako," saway ni Ryner at iwinakli ang kamay ng Kuya.
"Stingy little brat."
"I like Rei." Napatahimik si Ryle sa biglang diretsahang sinabi ng kapatid.
"I don't know how and why. Seeing how stupid she is for liking someone like you is like—""Hey...!"
"No offense, Kuya. But I'm serious. Hindi ko sinasadyang mahulog sa kanya. I just woke up one day and realized that I did fall for her. Fell for a girl who's stupidly and hopelessly in love with my stupid brother— oww!" Sinuntok ni Ryle ng ang braso ni Ryner.
"Babawasan ko ng kalahati ang allowance mo dahil tinawag mo akong 'stupid'."
"Joke lang 'yon, Kuya. Joke lang."
Tumawa si Ryle. "So, did you tell her that you like her?"
"I did," sagot ni Ryner.
"Oh, ano raw sagot niya?"
"She's in the process of moving on. I'm not expecting a response right away."
Napangiti si Ryle. "You're really growing up, Ryner."
"And you're really getting old. You sounded like an old man."
"Shut up," Ryle hissed.
"Pero Kuya..." napatingin ang nakakatanda sa kapatid. "Don't approach her like you did earlier."
"Is this a warning for me?"
"Seryoso ako." Napaupo si Ryner mula sa pagkakahiga at napabuntung-hininga naman si Ryle.
"I'm respecting Rei's feelings, alam mo 'yon. Wala akong masamang intensyon. I'm doing it out of kindness, Ryner. I don't want to change the kind of relationship that we have right now," pahayag ni Ryle.
Napatayo si Ryner at pinagpag ang pantalon niya. Nagsimula siyang umalis. "Sometimes..." tinitigan niya ang nakakatandang kapatid na ngayon ay nakatingin na rin sa kanya. "That kindness can hurt, too."
**
Naalimpungatan si Kisa nang marinig ang tunog ng cellphone niya. Una niyang tiningnan ang wall clock. Its 3:00 AM in the morning. Sino naman kaya ang tatawag sa kanya ng ganito kaaga?
"Hel—"
"I'm sorry!"
Nabigla ang dalaga. Animo'y nawala ang antok niya ng marinig ang boses na 'yon. "D-Darren?! Ikaw ba 'to?" tanong niya para makasiguro. Pero imposible namang hindi niya makilala ang boses ng lalaki.
"I'm sorry, Kisa."
Kumunot ang noo niya. "Bakit ka nagso-sorry?"
"Actually..."
"Actually?"
"Nasa harapan ako ng bahay niyo ngayon."
She froze. "You've got to be kidding me."
**
"Coffee or chocholate?" tanong ni Kisa at umupo sa tabi ng lalaki.
"Coffee," he said. Iniabot sa kanya ni Kisa ang can ng coffee na binili niya sa vending machine. Nakaupo silang dalawa ngayon sa tabi ng daan sa harapan ng gate nina Kisa.
Kahit na malamig at gustong-gusto pa sanang matulog ng dalaga ay pinilit niya pa rin ang sarili na bumangon. Halata kasi sa boses ni Darren kanina na may problema ito. Hindi niya naman kayang basta-basta na lang isawalang bahala iyon. She wanted to ask what's the problem. Hindi niya lang matyempuhan at hindi niya rin alam kung paano. Simula kasi nang bumili siya ng inumin nila ay hindi pa nagsasalita si Darren.
Nako-concious pa siya dahil nakasuot lang siya ng pajama. When Darren told her that he's in front of their house, she hurriedly rushed outside unaware of what she looked like. Ni hindi niya nasuklay ang buhok. She's fidgetting at kanina pa 'yon napapansin ni Darren.
"Sorry..." he said again.
"Para saan?"
He sighed. Napakamot siya ng ulo at tiningnan si Kisa. "For calling you at a time like this. For waking you up. For—"
"Okay, okay. Enough of that. Alam kong hindi ka pupunta rito kung wala kang dahilan."
Darren slumped his shoulders. "You're right." He sipped his coffee. "Kisa..."
The sound of his voice calling her name is sending vibrations in the girl's heart. Napatingin ito sa lalaki. "Yes?"
"I really...need your answer right now."
Nagtaka ang dalaga kung ano ang tinutukoy nito. May naitanong ba si Darren na hindi niya nasagutan? Then realization hit her when he touched her hand and his hopeful eyes stared directly at her. "By answer..you mean—" She gasped. The way he looked at her gave her the answer. She can feel her heart hammering inside her chest. Bigla siyang kinabahan. Hindi niya alam ang isasagot.
Alam niyang mabuting tao si Darren. He's sincere and a very hard-working person. Straighforward din siya kung minsan pero may pagkamahiyain din. Masaya rin siyang kausap. Pareho pa sila ng nakahiligan. She wants to be his support. She wants to be with him. Those were all facts. Pero handa kaya siyang pumasok sa isang relasyon? She's a novice when it comes to love, she knows that herself. Natatakot siya na baka ma-disappoint niya si Darren kung maging sila. She's unlike those girls in his world na classy, magaganda, at mga mature. The insecurity is building up inside her.
Nagulat siya ng biglang binitiwan ni Darren ang kamay niya. "Sorry. I was forcing this on you again, aren't I?" saad ng binata habang mukhang nanlulumo.
"Hindi.. ano—"
"My head's messed up right now," he said and sighed. Napatingin lang si Kisa sa kanya. Darren's wearing a troubled face. "Pupunta ako ng Germany after graduation."
"Germa—" biglang kumabog ang dibdib ni Kisa.
Germany?! Bakit ang layo? Bakit ka pupunta roon? Gaano katagal? Kailan ka babalik?
Maraming tanong ang nabubuo sa isipan ni Kisa pero ni isang salita ay walang lumabas sa bibig niya. "I want to have something on my own," saad ni Darren habang tinitingnan ng maigi ang mga palad niya. "All these years, my father taught me to be like him. Nagagawa ko lahat ng gusto kong gawin. Nakukuha ko lahat ng gusto kong kunin ng walang kahirap-hirap. But it doesn't seem right to me. Now I know why."
Nanatiling tahimik si Kisa habang pinapakinggan ang mga salitang binibitiwan ni Darren. "Pakiramdam ko nakukuha ko lahat ng 'yon dahil sa pangalan ng mga magulang ko. Although it wasn't supposed to be. I don't even have the right to be a Yanson."
"Darren..." naguguluhang tanong ni Kisa sa kanya. "What are you talking about?"
"I just found out about it last night." Tiningnan siya ni Darren. Mapait ang ekspresyong nakaguhit sa mukha nito. Animo'y isang bata na nawalan ng isang importanteng laruan. "Kisa..." he said softly, almost a whisper. "I was adopted."
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...