"GUTOM na gutom na gutom na ako!" reklamo ni Kisa habang palabas silang tatlo nina Mavis at Reika sa sinehan. Sabado kasi at nagdesisyon silang manood ng Insurgent. Girl bonding daw at ise-celebrate raw nila ang hindi pagkawala ng position ni Mavis as Sinclaire's SC president. Medyo na-delayed pa nga dahil dapat ay last week pa ang plano nilang mag-celebrate. Kaso napagdesisyunan nilang hintayin ang showing ng Insurgent. Crush kasi ng tatlo si Tobias.
"Saan niyo gusto? KFC o Chowking?" tanong ni Reika sa dalawa.
"Jollibee!" Mavis and Kisa said in chorus at inakbayan ang isa't-isa. Napatawa na lamang si Reika.
Magsisimula na sana siyang maglakad nang biglang may mahagilap ang mga mata niya. "Bloody hell," bigkas nito na nagpataas sa kilay ng dalawang kaibigan.
"Bakit? Bakit?" curious na tanong ni Mavis at nagpalinga-linga.
"Hoy girl, si Sir Ryle ba 'yon?" tanong ni Kisa.
"Dammit, goth girl. 'Wag mong ituro baka makita tayo—hala shit." She cussed nang magtama ang paningin nilang dalawa ni Sir Ryle. Huminga ito ng malalim nang mapansin na naglalakad patungo sa direksyon nila ang teacher. Hindi niya man aminin ay kumakabog na naman ang dibdib niya. Just a mere sight of him tickles her young heart. Taksil na puso.
"Ikaw nga, Rei. Akala ko namamalikmata lang ako," sambit ng 24-year old na guro at nagpakawala ng isang matamis na ngiti.
Nagsikuhan naman sina Mavis at Kisa sa likod ni Reika. "Siya ba si Sir Ryle? Ba't ang gwapo?" pabulong na tanong ni Mavis.
"I know. Ang daya, no?" dagdag naman ni Kisa.
Kahit na naririnig ni Reika ang mga bulungan ng dalawa sa likod ay hindi niya na lang iyon pinansin. Sa halip ay binalik nito ang atensyon sa kaharap na tutor. "Mag-isa ka lang, Sir? Nanood ka rin ng Insurgent?" tanong niya sa lalaki.
Gaga! Stupid! Airhead! Alam mong nakaporma 'yan tapos tatanungin mo kung mag-isa? Siyempre may ka-date 'yan. Inay ko po naman, Reika. Mag-isip ka ng matino.
"Oo. 'Tsaka kasama ko si Tris. Hinihintay ko pa nga. Pumunta kasi siya ng restroom kaso ang daming nakapila."
See?
She smiled awkwardly at the tutor. "Gano'n po ba. Ay, Sir, si Mavis pala at Kisa, mga kaibigan ko. Girls, si Sir Ryle, tutor ko." Todo ngiti naman ang dalawa sa teacher at tinapunan ng nakakalokong ngiti si Reika.
"Hello po, Sir," bati ng dalawa.
"Hi rin. Gusto niyo bang sumabay sa 'min? Narinig ko kasing kakain kayo. Actually magla-lunch na rin kami. Ano?" aya ng teacher.
"'Wag na po, sir. Baka maistorbo namin kayo sa date niyo," Reika said.
"I'm sure Tris won't mind. Heto na pala siya, e," Ryle said at sinalubong ang fiancee niya. A beautiful woman in a simple yellow dress walks towards them at binigyan sila ng maaliwalas na ngiti. Lumapit si Sir Ryle sa kanya at may ibinulong sa tainga niya. Pagkatapos no'n ay nakangiting humarap kina Reika ang babae.
"Well, this is Tris. My girlfriend," Sir Ryle introduced her to them. "Tris, this is Reika, iyong estudyante ko sa pagtu-tutor. At ang mga kaibigan niyang sina Mavis at Kisa."
"Sumabay na kayo sa 'min mag-lunch," saad ni Tris sa kanila. "The more the merrier ika nga."
Sinubukan ni Reika na tumanggi. Ayaw niya kasing magmukhang tanga sa harapan ng mga kaibigan niya. And most of all, she's scared of looking at Sir Ryle and his fiancee acting all sweet towards each other—parang nakikita niya lang ang malaking karatulang 'IKAKASAL NA KAMI' sa harapan nilang dalawa. But whenever she's looking at those gentle eyes—his eyes— parang nakakalimutan niya ang simpleng pagtanggi.
"Okay—mmff!" Biglang may kamay na tumakip sa bibig niya mula sa likod. Dama ng dalaga ang dibdib nito at ang pamilyar na pabango na katulad na katulad ng kay Sir Ryle.
"Hindi siya sasama," saad ng salarin sa likod ni Reika bago pinakawalan ang bibig nito.
"Ry? Akala ko ba may tinatapos ka sa student council?" tanong ni sir Ryle sa nakakabatang kapatid na may pagtataka.
"Natapos ko na 'yon. Anyway, alis na kami. Bye."
"Huh?! Wha—! Wai—! Ryner!" Hindi na nakatanggi pa si Reika dahil hinawakan ni Ryner ang kamay niya at saka siya tumakbo hatak-hatak ang dalaga. Lumingon naman si Rei sa mga kaibigan na ngayon ay todo ang ngiti sa kanya at binigyan pa siya ng apat na thumbs up.
"And there she goes, kinidnap ng isang gwapong nilalang," sambit ni Kisa habang nakapamaywang.
"So that's Ryner?" tanong ni Mavis at tinapunan ng tingin ang teacher sa tabi nila. "Wow. Parang photocopy ni Sir Ryle— Ah! Gets ko na!" Napabaling si Kisa sa kaibigan. "Iyong nakakatandang kapatid ang gusto ni Reika pero iyong nakakabata ang may gusto sa kanya."
"Shh! Baka marinig ka."
"Pero tama ako, right?"
"Unfortunately, yes," sagot ni Kisa sa kaibigan.
**
"Ryner! Ryner malayo na tayo." Huminto sila sa tapat ng isang park sa labas ng mall. Hinihingal pa nga sila pareho.
"What the bloody hell is wrong with you?!" Nagulat si Reika nang bigla siyang sinigawan ni Ryner. Nagtinginan rin ang ibang taong dumadaan sa tapat nila. "Bakit ka papayag na sumama sa kanila?!" Napayuko si Reika. Ryner sighed at napaupo sa damuhan. "Bakit mo pilit na pinapatay ang puso mo?"
"I-I'm sorry." Walang nagawa ang babae kung hindi ay ang humingi ng tawad sa kasalanang hindi niya alam. "I messed up again."
"Yeah. Good thing that you realized what you did. Kung sumama ka roon, you're just going to put up a monkey show in front of them. "
Naupo si Reika sa tabi ng lalaki. During those past few days, palaging sumusulpot si Ryner tuwing kinakailangan siya ni Reika. She's still wondering if that's his way of making her like him. Pero thankful siya dahil palaging nandiyan ang lalaki sa tuwing kailangan niya ng kausap.
"Aray!" daing ng dalaga nang biglang pinitik ni Ryner ang tainga niya.
"Stupid," Ryner said and signalled her to sit beside him. Sinunod naman siya ni Reika. "Pahiga ako." Walang pasintabi siyang humiga sa mga binti ng dalaga.
"R-Ry!" saway ni Reika. Nakatingin kasi ang ilang dumaraan sa kanila.
"Let me sleep. Five minutes lang. I ran from St. Blue hanggang mall nang tinext ako ni kuya na nakita ka niya. Malakas kasi ang kutob ko na lalapitan ka ng ungas na 'yon."
Nabigla si Reika. "Ran?! Pero ang layo ng eskwelahan niyo sa SM—"
"That's why let me do this as your payment atleast. I just saved your heart, you know."
Hindi napigilan ni Reika ang matawa ng mahina. "Thanks, superman," she said and tapped Ryner's forehead.
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...