[22] Under the Acacia Tree

4.3K 141 5
                                    

"UHH..." Aminado si Reika na hindi niya magawang tingnan ng diretso si Ryner sa mga mata. Lalo na't magkaharap sila ngayon at kasalukuyan siyang sumusubo ng cake. Hindi pa rin mabura sa utak niya ang mga salitang binitiwan ni Ryner. Mahirap i-absorb. Naguguluhan kasi siya. Alam ni Ryner ang nararamdaman ni Reika para sa Kuya niya. Posible kayang naaawa lang siya para sa dalaga kaya niya sinabi iyon?

"I'm not telling you to like me back." Nakuha ang atensyon ni Reika nang biglang magsalita si Ryner. "I just wanted to tell you that I like you. You don't have to feel awkward."

Hindi kumibo si Reika. Hindi niya kasi alam kung ano ang sasabihin. Hanggang ngayon ay nararamdaman niya pa rin ang after-shock ng confession ni Ryner.

She never experienced something like this before. Noon ay siya palagi ang nagtatapat sa mga lalaking napupusuan niya. Nagbibigay siya ng love letters, nagpo-post ng status sa Facebook, nagte-tweet sa Twitter, at kung anu-ano pa para lang makuha ang atensyon ng crush niya. Now, it all turned upside down. Kung noon siya ang nagbibigay ng confession, ngayon siya ang binigyan ng confession.

"Kuya. Kuya." Namilog ang mga mata ni Reika nang makita ang four-year old na kapatid na nasa tabi ni Ryner.

"Hazzel!" tawag niya sa kapatid pero hindi siya pinansin nito.

"Your sister?" tanong ni Ryner sa kanya.

Tumango siya. "Yeah. She's Hazzel."

"Kuya! Kuya! Bakit mo kamukha si Kuya teacher sa kwarto ni Ate?" Reika gasped sa tanong ng kapatid kay Ryner. Pinandilatan niya ito at binigyan ng go-to-your-room look pero pinandilaan lang siya ng kapatid.

Nabigla naman si Reika ng ngumiti lang si Ryner sa bata. "Kuya ko kasi si Kuya teacher, Hazzel."

Napalundag naman ang bata. "I knew it!"

Nagkuwentuhan lang sina Ryner at Hazzel tungkol sa mga alagang pusa ng bata habang patuloy naman sa pagsubo ng cake si Reika. It seemed like Hazzel has taken a liking to Ryner. Hindi nga siya makapaniwala na may ganitong side pala si Ryner. Akala kasi nito ay cold-blooded human at isang malaking iceberg ang nakakabatang kapatid ni Sir Ryle. She didn't expect to see Ryner talking to a kid so casually.

Nang umalis si Hazzel ay naiwan na naman ang dalawa. Naging awkward at tahimik na naman ang atmosphere sa pagitan nila. Alam ni Reika na nakatingin sa kanya si Ryner dahil ramdam niya ang mga titig nito. Ang problema lang ay hindi niya kayang ibalik ang mga tingin ng binata. Nahihiya siya dahil nalaman ni Ryner na may picture siya ni Sir Ryle sa kwarto niya. Naalarma lang siya ng ibinaba ni Ryner ang tinidor at kinuha ang bag niya. "S-Sa'n ka pupunta?" tanong ni Reika.

"Home. Ayokong dagdagan ang awkwardness na nararamdaman mo."

Kinuha ni Ryner ang tinidor niya at kumuha pa ng isang maliit na slice ng cake. Itinapat niya iyon sa bibig ni Reika. "Eat this."

"Wh—"

The moment that she opened her mouth, isinubo ni Ryner ang cake sa kanya. He flashed a smirk across his face na nagpaurong kay Reika.

"Why did you—"

Nagkibit-balikat si Ryner. "Goodbye kiss. Although it's an indirect one," he said pointing out his fork. Pagkatapos no'n ay umalis na siya.

**

"So how did you answer him?" usisa ni Kisa nang ikwento ni Reika ang nangyari sa kanila ni Ryner kahapon.

"I did not answer him. Hindi ko alam kung paano," sabi niya at dahan-dahang sinubo ang spaghetti. Nasa kandungan niya kasi si Mavis at natutulog. Kasalukuyan silang nasa ilalim ng punong acacia sa likod ng classroom nila. Lunch time ngayon at puno na sa cafeteria.

"E, natanggap mo na ba iyong invitation ni Sir Ryle?"

"Yeah. Nasa bahay na."

"Talaga bang pupunta ka?" Bakas sa boses ni Kisa ang pag-aalala. Alam na kasi nito ang tungkol sa engagement ni Sir Ryle. Labag man sa loob na ibalik sa alaala ang tungkol doon ay ikinuwento pa rin 'yon ni Reika sa mga kaibigan.

"Siyempre pupunta ako." Mabilis niyang naisagot kay Kisa. May sasabihin pa sana si Kisa pero naputol siya dahil tumunog ang school bell senyales na tapos na ang lunch break.

"Gisingin mo na si Mabs. Baka malate tayo sa PE," sabi ni Kisa habang pinapagpag ang palda.

Tiningnan ni Reika ang mukha ng kaibigan. Mahimbing na mahimbing itong natutulog. Mukhang nagpuyat na naman ito kagabi. "Hindi na lang siguro ako papasok. Sasamahan ko na lang siya rito. Ang tigas kasi ng ulo nito. Sabi nang 'wag papagurin ang sarili pero tingnan mo naman." Mahina niyang pinitik ang noo ni Mavis.

Kisa sighed at umupo ulit. "Kaya niya kaya bukas? What if she fails at matalo roon sa kompetisyon?"

"Who cares if she fails? Matalo o manalo, susuportahan natin siya kagaya ng pasusuporta na ginagawa niya sa 'tin."

Humiga na rin si Kisa sa damuhan katabi ni Mavis. Nagdesisyon na rin siyang hindi na rin papasok. "Do you still remember that time when she punched that guy who tore your love letter?" Tumawa si Reika sa naging tanong ni Kisa.

"Yeah, of course. Sino ba ang hindi makakalimot no'n? Iiyak na sana ako noon pero dahil ginawa ni Mabs 'yon, tumawa na lang ako. Who would have thought that that guy is a wimp? Nabawasan lang ng isang ngipin dahil sa suntok, umiyak agad."

Tumawa si Kisa. "Ang panget kasi ng taste mo."

"Oh. Shut up." Sinimulan niyang laruin ang buhok ni Mavis. "Hey, do you also remember that time noong tinapunan ni Mavis ng isang baldeng tubig ang mga nanunukso sa 'yo dahil sa damit mo?"

Kumislap ang mga mata ni Kisa. "That's one of my best days!" Humalakhak ito. "Paano ko naman makakalimutan 'yon? Mavis was like my hero noong first year pa lang tayo. Kaya kahit minsan nagpapakatanga 'yan, mahal ko pa rin 'yan."

"Tama. Tama. Kahit nakakainis siya minsan. Palagi niyang inuuna ang iba kaysa sa sarili niya. Kaya heto ngayon, siya ang nahihirapan." Pinitik niya ulit ng mahina ang noo ni Mavis.

"Nabigla nga ako no'n noong sinabi niya na childhood friend niya si Yohan. I mean, it's Yohan Jeyy Arvilla. The Yohan Jeyy Arvilla, Student Council president, Ranked One sa kanilang eskwelahan, at tinaguriang Earl of St. Blue. Sino'ng mag-aakala na mayroon pala silang malalim na koneksyon sa isa't-isa?" Kinuha ni Kisa ang marker at nilagyan ng polka dots ang mga kuko ni Mavis.

"I know, right? At sino'ng mag-aakala na ang perpektong taong 'yon ay isa palang bully," dagdag ni Reika. "At isa pa, hindi ko ma-gets kung bakit si Mavis lang ang binubully niya."

"You're right. A natural bully won't stick to only one person. Not unless it's—"

"Love!" they both said in unison. Nagkatinginan silang dalawa at nag-high-five sa isa't-isa.

"Iyon lang ang naiisip kong dahilan," Reika said while putting a smirk on her face.

"It's definitely the reason," segunda naman ni Kisa na hindi napigilan ang pagtawa. "Ano kaya ang gagawin ni Mabs kapag nalaman niyang in love ang kababata niya sa kanya?"

+NF"

The Bad Guy's Kiss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon