[16] Goth Girl

4.8K 148 2
                                    

"I am serious. What if we were made for each other? Born to become bestfriends and lovers. I wanna stay, right here in this moment, with you, over and over and over again"

© Colbie Caillat

* *

"HUWAG mo akong sundan. Stalker ka ba?" bulyaw ni Kisa sa manliligaw nitong si Darren. Weekend kasi ngayon at naisipan niyang bumili ng bagong libro sa mall.

"E, 'di ba nga nililigawan kita," rason ni Darren.

"Hindi ibig sabihin no'n kailangan mo akong sundan kahit saan ako magpunta. Are you that desperate?"

"But—"

"And don't make an excuse that you like me."

"But I do."

Napasapo si Kisa sa ulo. Bakit ang tigas ng ulo niya? Nagkasalubong lang naman kasi sila kanina habang papunta siya sa KFC para kumain. Tapos ngayon ay nakabuntot na ito sa kanya.

"Ano'ng libro ba 'yong hinahanap mo?" tanong ni Darren nang makapasok sila sa National Bookstore.

"Kahit ano basta maganda ang cover."

Napataas ang dalawang kilay ni Darren. "Talaga? ... Ah!" nabigla naman si Kisa sa katabi. Akala mo kasi ay nakakita ito ng national treasure. Kumikislap kasi ang mga mata ni Darren habang hawak ang isang partikular na libro. "City of Heavenly Fire ni Cassandra Clare. Hindi ko alam na nasa bookstores na pala 'to."

She gasped. 'Yon iyong librong pinakaaabangan niya simula noong natapos niyang basahin ang Book 5 ng Mortal Instruments series.

Fan din ba si Darren ng series na 'to? naitanong niya sa sarili.

"Bibilhin ko 'to. May bibilhin ka pa ba?" tanong ni Darren sa kanya. Umiling naman siya. 'Yon sana iyong gusto niya kaso alangan naman na agawin niya 'yon kay Darren. Nang tingnan niya ang ibang stacks ng libro, wala ng pareho noon. Mukhang last one na lang. Sayang.

"Wala. Sige bayaran mo na 'yan," utos niya rito at pumunta naman ang huli sa cashier.

Naghintay siya sa labas ng bookstore. Siya iyong bibili sana dapat ng libro tapos siya pa 'yong naubusan. Ang malas.

"Tara?" alok ni Darren sa kanya ng matapos itong magbayad.

Umu-o naman siya at nagsimula itong maglakad. Pero napahinto siya sa kalagitnaan nang may na-realize siya bigla. Hinarap niya si Darren.

"Teka, bakit parang date 'to?!" tanong niya sa binata.

"Ha? Hindi ba tayo nagde-date—houch! (ouch)" Kisa squeezed his nose. Nag-tiptoe pa ito dahil mataas si Darren.

"Kailan ko sinabing date 'to? 'Tsaka ikaw 'yong sunod ng sunod sa 'kin, e," rason niya.

"Akala ko kasi date na 'to, e. Hinayaan mo kasi akong bilhin 'yong libro mo."

Napatigil siya. 'mo'?

"Wala akong biniling libro." Itinaas ni Darren ang libro kakabili niya lang. "Akala ko ba sa 'yo 'yan?"

"Nakita ko 'yong collection mo ng Mortal Instruments series pinost mo sa Facebook. I'm also a huge fan of Jace. He's cool and awesome. Pero hindi ko naman matitiis na unahin ko pa ang sarili ko kaysa sa babaeng gusto ko. Puwede ko namang hiramin 'yan sa 'yo kapag tapos ka na. I can even order online." Saka niya nilagay ang libro sa backpack ni Kisa. "Uuwi ka na ba? Hahatid na kita."

Wala na siyang nagawa kundi ang umu-o. Hindi niya alam kung ano ang ire-react sa sitwasyong 'yon. Masaya siya, panigurado 'yan. Pero hindi niya rin maikakaila na na-touch siya sa sinabing iyon ni Darren. Matagal na itong nanliligaw sa kanya at hanggang ngayon ay hindi niya pa alam kung sasagutin niya ito o hindi.

**

"Bakit nga ba kasi hindi mo pa siya sinasagot? 'Di ba halos limang buwan nang nanliligaw 'yong tao sa'yo?" puna ni Mavis kay Kisa. Kasalukuyan silang kumakain ng lunch sa cafeteria. Hindi nila kasama ngayon si Reika dahil may inaasikaso itong report sa History subject nila.

"Ilang ulit ko na bang sinabi, Mabs? Hindi kami bagay."

"Why would you care kung ano'ng sabihin ng mga tao? E, ano ngayon kung taga-Sinclaire ka at taga St. Blue siya?"

"That, coming from the one who has the biggest problem dahil magkasama sila sa iisang bahay ng taga St. Blue."

"That and this are two different matters," kontra ni Mavis. "I heard about that Darren guy, you know. He's nice...and reliable. Hindi lang 'yon, matalino pa."

"Yeah. At siya rin ang makakalaban mo sa competion na 'yon."

Naibato ni Mavis ang balat ng pakwan seeds na kakabili niya lang kay Kisa. "Dapat ba talagang ulit-ulitin 'yan? Alam ko namang nanganganib ako, e. But it's not my point. All I'm saying is that sayang kung pakakawalan mo ang isang katulad niya. He's a big catch."

"Pero hindi nga kami bagay. Wala kaming chemistry..o physics o biology." Tiningnan ni Kisa ang sarili. Black vest. Black kneesocks. Black bracelets. Black boots. "Hindi nababagay ang isang nice guy na katulad niya sa isang goth girl na 'gaya ko."

"Who cares? That's your style." Napabuntung-hininga si Mavis. "Are you sure that he even care about that? Hindi ba matagal ka na niyang nililigawan kahit ganyan ang hitsura mo?" Naiangat ni Kisa ang ulo sa kaibigan. "Then that means na katulad din namin ni Reika si Darren. He's not looking at your exterior appearance. Tanggap niya kahit anong hitsura mo. He likes you for what you are. Bakit ka pa ba nababagabag? Do you dislike him that much?" dagdag pa ni Mavis.

Dislike? Hindi. He's actually very interesting para sa kanya. It's just that she can't decide. Nang nagtanong si Darren kung pwede raw bang manligaw sa kanya ay hindi agad ito nakasagot dahil sa sobrang gulat. He took her silence for a 'yes' kaya ayan ang sitwasyon nilang dalawa ngayon.

Hanggang ngayon ay hindi pa rin alam ni Kisa kung ano ang mayroon siya na nagustuhan ni Darren. Malabo kaya ang mga mata nito? Who knows?

"Paano mo naman nasabi 'yan?" tanong ni Kisa sa kaibigan.

Mavis took a sip in her banana juice. "Just a hunch."

"A hunch? 'Tsaka nakakapanibago 'yang mga love advices na lumalabas diyan sa bibig mo. Sinapian ka ba ni Aphrodite?"

"Mm. Stingy. Kumain ka na nga lang."

Kisa sighed at kinuha ang librong binili ni Darren. Hindi na siya makapaghintay, 5 pages to go at matatapos niya na iyon. Sabik na siya. She suddenly stopped sa pagflip ng pages at tumingin lang sa kawalan.

"Ano'ng problema?" tanong ni Mavis nang mapansin ang blankong tingin ng kaibigan.

Napatulala si Kisa. Sabik siya? Para saan? Para kanino? Bakit siya nasasabik na tapusin ang libro? Bakit ang mukha ni Darren Yanson ang naka-flash sa utak niya ngayon? Bakit siya nakangiti habang iniisip niya 'to?

"Wala, pres. I love you!" matawa-tawang sabi ni Kisa habang niyakap si Mavis na walang ka-ide-ideya kung ano ang iniisip ng kaibigan.


The Bad Guy's Kiss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon