[o1] Meet The Monster

13.5K 271 59
  • Dedicated kay Tin Victoriano
                                    


"When I was a little girl I used to read fairy tales. In every tale you met a Prince Charming and he's everything you ever wanted. In fairy tales the bad guy is always wearing a black cape so you always know who he is. Then you grow up and you realize the bad guy is not wearing a black cape and he's not easy to spot; he's really funny, and he makes you laugh, and he has perfect hair..."

© Taylor Swift

**

"MAVIS, baba."

"Mommy—"

"Baba."

Kulang na lang umapoy ang nagbabagang mga mata ni mommy Yuna sa anak nito.

Heto na naman ang monster kong nanay, sa isip-isip ni Mavis.

Kasalukuyan silang nasa harap ng palasyo— este mansyon ng mga Arvilla. From this day on, dito na si Mavis titira.

"Stop acting like a spoiled brat, Madrigal. Baba na riyan!" Mainit ang ulo ng mommy niya dahil halos sampung minuto na siyang nagmamaktol sa passenger's seat. Ayaw niya kasing bumaba dahil hindi niya matanggap na iiwan siya ng pamilya niya sa bahay ng bestfriend ng mommy niya. Ayaw kasi ng mga magulang niya na mag-isa siya sa bahay nila at mga katulong lamang ang kasama niya.

Sa Italy nagtatrabaho ang mommy at daddy niya. Doon na nga halos tumira ang dalawa sa kompanya. Pati ang kuya niyang si Levi ay nasa England at doon din nag-aaral para maging neurologist. At ang pinakamatanda sa kanilang magkakapatid na si Blair na may pamilya na ay doon naman sa Amsterdam nag-migrate.

At dahil nga siya ang bunso at kasalukuyan siyang nasa third year senior highschool ngayon sa Sinclaire University ay naiwan siya sa Pilipinas. Ayaw niya namang umalis dahil hindi niya kayang iwan ang mga kaibigan niya. Nangako kasi sila na sabay-sabay silang ga-graduate.

Moreover, she's got a huge responsibility being the President of their Student Council. Ayaw niyang talikuran na lang ng basta-basta ang responsibilidad na iyon. At hindi lang iyon ang dahilan kung bakit ayaw niyang tumira sa bahay ng mga Arvilla. Isa pa sa rason ay dahil doon din sa mismong bahay na iyon nakatira ang monster ng childhood niya.

"Mavis! Nandito ka na pala!" Malayo pa lang ay tanaw na tanaw niya na ang panganay na anak ng bestfriend ng mommy niya. Ang ever supportive niyang Ate at kakampi sa lahat ng bagay, si Connie.

Kumislap ang mga mata niya at agad na bumaba ng sasakyan.

"Ate Connie!" Yumakap siya rito. "OMG! Ate Connie, dito na raw ako titira."

"Yeah. I know, darling! Excited na excited nga ako. Pinaayos ko na ang room mo sa taas. Handa na rin ang mga gamit mo. Ipinagluto ko rin ang favorite mong lasagna."

"Lasagna?! Salamat, Ate! The best ka talaga."

Binigyan niya ito ng halik sa pisngi.

Sa bahay ng mga Arvilla, kung may monster siyempre mayroon ding prinsesa, at si ate Connie 'yon. Kasabay nang paglabas ni ate Connie ay ang paglabas din nina tita Mira at ni tito Aki.

Himala. Wala yata ngayon si monster. Lucky! bulong ng kanyang pilyang isipan.

"Bes!" agad na nagbeso-beso si tita Mira at ang mommy niya.

"Pasensya talaga sa abala, Mira," sabi ng mommy niya.

"Ano ka ba? 'Di ba napag-usapan na natin 'to? Parang anak na rin namin 'yang si Mavis, eh. Don't worry. She'll be safe here."

Ang ganda talaga ni Tita Mira kapag nakangiti. Nakakatomboy. 'Di halatang nasa mid-40's na siya, sabi ng utak niya habang nakayakap pa rin kay Connie.

The Bad Guy's Kiss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon