[69] For Now, Retreat

2.9K 82 1
                                    

"IS HE really okay?" tanong ni Kisa kay Darren habang tinitingnan si Yohan na nasa loob ng sasakyan niya. Mayroon siyang headphone sa ulo at may coke na hawak. Hindi nila matukoy kung natutulog ba ito o sadyang nakapikit lamang. "Simula nang umalis si Mabs naging ganyan na siya," dagdag ni Kisa.

Napabuntung-hininga naman si Darren. "Of course he's not okay. Palagay ko minumura niya ngayon ang sarili niya sa utak niya. Sa palagay mo nasaan ngayon si Kuya Jade?"

"Sa flowershop nila," mabilis na sagot ni Kisa.

Bigla namang tumayo si Darren. "Got it. I'll be back, okay?" he leaned down and kissed her left cheek.

Nagulat naman si Kisa. "Teka ano'ng gagawin mo?"

The guy grinned. "Love you, Kis." He said and walked towards Yohan's car. Naiwan namang namumula ang girlfriend niya.

**

"Jade!" sigaw ni Mavis pagkatungtong niya pa lang sa harap ng flowershop. Agad siyang pumasok at nadatnan si Jade na pasimpleng nag-a-arrange ng mga bulaklak sa isang maliit na vase. And there's a splint in his left arm. But other than that, he seems to be doing okay.

"Mabs!" Jade yelled in shock.

"Pakshet. Buti na lang ganyan lang ang inabot mo. Ano ba kasi ang nangyari sa 'yo?" humihingal na tanong ni Mavis.

Agad namang lumapit si Jade sa kanya at binigyan siya ng tubig. "Ako dapat ang magtanong niyan. Ano'ng nangyari sa 'yo? 'Tsaka bakit ka ba tumakbo? Hindi ba't may Cultural Festival kayo ngayon?"

"Yup. Tumakas lang ako sandali. Gusto kong masigurado kung okay ka lang ba talaga."

Napailing na lamang si Jade. "You know that we have this amazing thing called cellphone, right? Sana tinawagan mo na lang ako."

"Ah." Mavis wore a completely blank face. "I totally forgot."

Napatawa ng mahina si Jade. "You really are incredible in your own way, Mabs," komento ni Jade at piningot ng mahina ang ilong ni Mavis. "Nahulog ako sa upuan kanina habang may inaabot sa aparador tapos hindi maganda ang bagsak ko kaya nagka-fracture ang kamay ko. Gagaling din daw 'to sabi ng doktor pagkatapos ng kalahating buwan. Pero okay lang naman talaga ako."

Napahinga ng malalim si Mavis.

"Well, then..." saad ni Jade at umupo sa harapan ng dalaga. "You're worried because of my little accident that's why you came here, right?" tumango si Mavis. "Pero alam kong hindi lang 'yon ang ipinunta mo rito."

Matagal na tiningnan ni Mavis ang basong hawak-hawak niya bago makasagot sa lalaki.

"Actually, Jade... may gusto akong sabihin sa 'yo."

Sa isang iglap ay parang naging seryoso ang ekspresyon ng dalawa.

"Okay. Makikinig ako," anito.

**

"Darren, where the hell are we going?" naiiritang tanong ni Yohan habang nagmamaneho si Darren sa tabi niya. Nagulat na lang kasi siya kanina nang tinulak siya ng kaibigan at umupo sa driver's seat. Pagkatapos ay bigla siyang nag-drive at ngayon naman ay hindi alam ni Yohan kung saan sila papunta.

"Just sit down and don't talk. You'll thank me for this later," aniya ni Darren.

Napasampa si Yohan sa inuupuan niya. "I really hate that part about you, you know."

"What part?" curious namang tanong ni Darren.

"The part where you act like you know everything."

Darren chuckled. "It's not lilke I know everything. I just knew things more than you do."

"That's why I said I hate that part about y—" napahinto si Yohan sa pagsasalita nang may mahagilap ang mga mata niya. At mukhang napansin din iyon ni Darren. "Stop the car."

"Uhh... Ano kasi—mali ang napuntahan ko. Dapat sa kabila tayo. 'Tsaka isa pa—"

"Stop the friggin' car, Darren," muling pangusap ni Yohan at walang nagawa ang kaibigan kung hindi ay sundin ang gusto nito. Mariin niyang ipinikit ang mga mata para iwasang makita ang ekspresyon sa mukha ni Yohan habang nakatingin sa dalawang taong nagyayakapan sa loob ng flowershop.

"Umm...Yohan?"

"It's okay. Bumalik na tayo."

"Pero—"

"It's okay, Darren."

Muling sinimulan ng binata ang makina at nag-drive palayo roon. Ang plano niya sana'y sundan si Mavis dahil hindi niya matiis na nakikitang parang wasted si Yohan. Pero hindi niya naman inakalang iyon ang eksenang madadatnan nila. Mahigpit na nakayakap si Mavis kay Kuya Jade at ganoon din ang lalaki.

"I'm sorry," sambit nito.

"Why the hell are you apologizing?" may bahid ng pagtataka ang boses ni Yohan.

"E, kasi—"

"I told you it's okay. I already prepared myself for this."

Ninakawan ni Darren ng tingin ang kaibigan at nakitang nakatingin lang ito sa labas. Hindi niya tuloy alam kung ano ang susunod na sasabihin. For now, there's only one thing to do: retreat.

0+x F

The Bad Guy's Kiss | ✔Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon