ISANG malutong na sampal ang natanggap ni Darren pagkabukas niya ng pinto. Sa bigla at sa sobrang lakas ng sampal na 'yon ay nawalan siya ng balanse at napaupo sa sahig. Hinawakan niya ang kaliwang pisngi na ngayon ay namumula na ng sobra.
"You stupid brat! Alam mo ba kung gaano kami nag-aalala sa 'yo?!" sigaw ni Hina. Alam niya rin naman na gumagawa siya ng eskandalo kahit hindi niya bahay iyon pero nawalan siya ng kontrol sa sarili. Napansin niyang nakatingin ang pamilya Arvilla sa direksyon nila. Not to mention na nasa harapan sila ng pinto ng bahay na 'yon. Pero hindi niya mapigilan ang sarili.
These past few days, all she could ever think about was his missing brother. Hindi pa nga matatawag na 'missing' iyon dahil alam niya kung nasaan ito. Pero naiinis siya. Naiinis siya dahil nalaman ni Darren ang totoo. Naiinis siya dahil wala itong may nasabi nang nagpaalam si Darren noong gabing 'yon na aalis siya. Naiinis siya dahil wala siyang magawa. She's so pissed that she's crying right now. At nakayuko lang ang kapatid niya sa sahig. Hindi siya tinitingnan ni Darren.
"So what kung hindi ka namin kadugo?! Wala kaming pakialam kung ano ang sabihin ng ibang tao! Wala kaming pakialam kung hindi ka tunay na Yanson! But please... I'm begging you.. don't push us away..." she said between sobs. She can't believe she's crying right now. Minsan nang nawala ang kapatid niya sa kanya. Hindi niya kakayanin kung mawala si Darren ngayon.
"...A replacement," Darren mumbled.
"What?"
"Am I a replacement?" nagulantang si Hina sa naging tanong ni Darren. She was taken by surprised. Hindi niya inaasahang itatanong 'yon ni Darren sa kanya.
"Why would you even think that you're a replacement?" nanlulumong tanong ni Hina sa kapatid. "Ni minsan hindi namin inisip na replacement ka ng namatay kong kapatid. Regardless of what other people say to you, you are my brother."
"Pero—"
"Darren!"
A long silence proceeded. Kahit nga ang mga Arvilla na nasa likuran nila ay nanatiling tahimik.
"Ate..." hinimas ni Darren ang kaliwang pisngi na sinampal ni Hina, "...masakit." Napaurong si Hina. "I'm sorry, Ate."
She saw it. For a split second there, may nakita siyang tumulo mula sa mga mata ni Darren. Pero agad na pinunasan iyon ng lalaki. At hindi napigilan ni Hina na lumuhod at yakapin ang kapatid.
'..Masakit'
Alam ni Hina na dalawa ang kahulugan ng salitang iyon. But she stayed silent. Even a prideful man can cry. Even his calm and composed brother can cry.
Pagkatapos no'n ay humingi ng paumanhin sina Hina at Darren kina Tito Aki at Tita Mira. Napapailing na nga lang ang mag-asawang Arvilla dahil hindi nila napansin na nasa bahay pala nila si Darren ng isang linggo. Pinaliwanag din ni Darren na siya ang pumilit kina Mavis at Yohan na itago muna siya. Pagkatapos no'n ay umuwi na ang magkapatid na Yanson sa bahay nila.
As for Mavis and Yohan, well, as expected, pinagalitan sila ni Tito Aki. Sinabihan sila na kapag magsimula na ang Christmas vacation ay grounded silang dalawa ng isang linggo. Hindi naman maiiwasan 'yon. Although it wasn't clearly all their fault, pinayagan pa rin nila si Darren. Pero tinanggap naman ng dalawa ang pagkaka-ground sa kanila ni Tito Aki.
**
It was the last day of classes at bukas ay mag-uumpisa na ang Christmas vacation. Papauwi na ngayon sina Kisa at Reika. Nagpaiwan si Mavis dahil kailangan niya pang i-confirm ang approval ng Chairman sa mga events na gagawin sa Cultural Festival na magaganap sa darating na January.
Nasa harap na ng gate ang magkaibigan ng mapansin ang student council president ng St. Blue na nakasandal sa sasakyan nito at umiinom ng coke.
"Hinihintay niya ba si Mavis?" tanong ni Kisa.
"Maybe. Hindi ba siya mapapagalitan kapag makita siyang nakatambay sa harap ng Sinclaire?"
"Who cares about that now, Rei? Alam na ni Madame V na magkababata sina Yohan at Mabs. 'Tsaka alam na rin ng halos lahat ng estudyante ng Sinclaire."
"You got a point there," saad ni Reika. "Well, if that's the case, then that means..."
The two girls looked at each other and wide grins flashed across their faces. Nilapitan nila si Yohan. "Hello, Mr. Childhood-friend-ni-Mavis," bati ni Reika.
Nagpabalik-balik ang tingin ni Yohan sa dalawa. "Kayo 'yong friends ni Mavis?" tumango sila. "So, ikaw si Kisa at siya si Reika? Tama?" tanong ni Yohan at tinuro ang dalawa.
"Paano mo nalaman na ako si Kisa at siya si Rei?" curious na tanong ni Kisa habang nakakunot ang noo.
"Natandaan kita, e. Nakita ko kasi ang mukha mo sa laptop ni Darre—oww!" daing ni Yohan. Bigla kasing may humablot ng uniform niya mula sa likod. "Hey, Yanson! Akala ko ba natutulog ka?"
"Ang ingay mo. Nagising ako." Nagulat ang dalawang babae. Lalo na si Kisa. Nasa loob pala ng sasakyan si Darren.
"Ha! Liar. Narinig mo lang ang boses ni—"
"Okay, Arvilla. Shut up."
Napatawa ang dalawang babae sa kanila.
"Bakit ka nandito, monster?!" napalingon ang apat nang marinig ang boses ni Mavis na ngayon ay papalapit na sa direksyon nila. Nakakunot pa nga ang noo nito at animo'y nag-uusok ang mga tainga. Mukhang maaga siyang natapos sa ginagawa niya.
Yohan walked towards her and flicked her forehead. "Aray! Jerk!"
"Shut up. Pasalamat ka nga sinundo kita. Hinatid pa ni Mang Ian si Connie kina Sir Will kaya 'wag kang magreklamo diyan. Wala kang choice."
"Psh."
Napapailing na lang sina Darren, Kisa, at Reika sa kanilang dalawa.
"Kailan pa kaya magiging sila?" Kisa mumbled.
Napalingon tuloy sa kanya si Darren. "You mean, you knew?"
Kisa grinned. "Don't underestimate the girls' intuitions. We may not be always right, but most of the times, we're right."
Napatawa si Darren.
"E, kayo?" tanong bigla ni Reika. Napatingin tuloy sina Darren at Kisa sa kanya. "Kailan kaya magiging kayo?"
Napaurong ang dalawa. Animo'y na-speechless. Kisa's cheeks flushed at namula rin ang mga tainga ni Darren. Hindi tuloy naiwasan ni Reika na mapatawa ng malakas. "This is way too fun. Teasing you both is so much fun!"
"R-Rei!" sita ni Kisa.
"Okay, okay. Tatahimik na ako," Reika said while pinching Kisa's cheeks.
"Uhh...actually..." napalingon ang dalawang dalaga nang magsalita si Darren. "Puwede ko ba siyang hiramin?" sabi niya at tinuro si Kisa.
Reika grinned widely. "Oh, sure!" sabi niya at tinulak ang likod ni Kisa. "Balik mo siya agad, a. 'Wag kayong magpagabi."
"Rei, I'm begging you, stop," nahihiyang sabi ni Kisa at pabirong pinapalo si Reika.
Bigla namang kinuha ni Darren ang kamay ni Kisa. "Okay. Alis muna kami."
Napahawak na si Reika sa tiyan niya. Kanina pa kasi siya nagpipigil na tumawa ng malakas. Na-amused siya sa reaksyon ng dalawa. Parang mga inosenteng teenagers na in love.
"Ah! Yohan tingnan mo..." saad ni Mavis. Tumingin naman si Yohan sa direksyon na tinuro ni Mavis. He let out a relief sigh nang makita na naglalakad palayo si Darren kasama si Kisa. "Kinidnap ng vice president mo ang treasurer ko."
"Pfft~ What the hell are you talking about? Tara na, uwi na tayo."
"Fine. 'Kay. Rei alis na kam—tumigil ka na sa kakatawa diyan! Pagagalitan ka na naman ni Kisa bukas. Jeez."
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...