"CAKE? Bakit cake?" tanong ni Ryner. Nasa Red Ribbon sila ngayon at kasalukuyang nagbabayad si Reika ng cake na pinili niya. Chocolate flavor iyon na may almonds and peanuts toppings.
"Why not?" nasabi ng babae at pumanhik sa labas ng Red Ribbon. Sumunod naman sa kanya si Ryner. Nakaabot sila sa park nang hindi nag-iimikan. Naging awkward ang atmosphere sa pagitan nila. Dahil malamang sa pinag-usapan nila noong nasa coffee shop pa sila.
"Hanggang dito na lang ako Ryner. Umuwi ka na rin baka mag-alala na sa 'yo si Sir Ryle. Salamat sa ice cream," sabi ni Reika na nakangiti sa kanya.
"Uhh..okay."
Pumara ang isang taxi. Kinuha ni Reika ang kamay ni Ryner at nilagay doon ang biniling cake.
"Wai— Why are you giving this to me?" Napakunot ang noo ng binata. "Para saan 'to? Akala ko ba sa 'yo 'to?"
"Nah, Take it. Gift ko 'yan sa 'yo. Thanks for comforting me. By the way, eat it with the girl you like, okay? I know you like someone kahit na hindi mo pinapahalata. Girl intuition. Sige, Ryner. Byebye." At sumakay na siya sa taxi.
'Eat it with the girl you like' daw...tsk, sa isip-isip ng lalaki. Napakamot na lang siya ng ulo at tinungo ang bahay nila.
**
"PUMPKINS! HELP ME!" sigaw ni Connie mula sa kusina.
Dali-dali namang bumaba si Yohan sa hagdan para tingnan ang kapatid. Nadatnan niya ito sa harap ng ref at nakaupo sa sahig. "Connie?! Ano'ng nangyari?!" May panic sa boses niya.
"Wala na tayong patatas!" sigaw ng babae. Bumagsak naman ang mga balikat ni Yohan. Hindi niya alam kung magagalit ba siya o matatawa. He just sighed a deep sigh of relief.
"Patatas? Aanhin mo naman ang patatas?" Napakamot siya ng ulo. For the love of— Iyon lang ba ang dahilan ng pagsigaw niya? tanong ni Yohan sa sarili. Hindi niya na alam kung ano ang gagawin sa isip-batang kapatid.
"Magluluto ako ng potato pie," saad naman ni Connie.
"Potato pie?!" bulalas ni Yohan.
"Favorite namin ni Will 'yon. Monthsary namin kaya ipagluluto ko siya. Kaso walang patatas."
Tumaas ang isang kilay ni Yohan. "So? Nasaan ba si Manang Ines? Magpatulong ka na lang."
"May sakit si Manang Ines, e, pinauwi ko muna sa kanila. Pumpkins bilhan mo ako ng patatas."
"What?" Tumaas na ang dalawang kilay ni Yohan. "No way."
"Sige na. Hindi ako puwedeng umalis ng bahay ngayon. Pupunta kasi rito ang editor ko para i-check ang manuscript."
"Ayoko nga. I'm your brother, I'm not your errand boy."
"Please?" Connie blinked a couple of times hoping na umubra ang pagpapa-cute niya sa kapatid.
"No means no. And would you stop doing that?"
Pinagdaop niya ang dalawang palad na animo'y nagpe-pray. "Please? Please? Please?" pagmamakaawa niya kay Yohan. "Ah! Cupcake, nandiyan ka na pala."
Lumingon naman si Yohan at nakita si Mavis na kakauwi lang galing school. May naisip si Connie. Siniko niya bigla ang kapatid at nginitian ito ng nakakaloko. "Mavis, cupcake, darling, sweetie... pwedeng humingi ng favor?"
"Uhh..sure po. Ano 'yon Ate?" sagot naman ni Mavis.
"Puwede mo bang samahan si Yohan na bumili ng patatas?" Tiningnan siya ng masama ni Yohan pero hindi siya pinansin ng kapatid.
"Huh? Uhh..okay po."
Ate Connie grinned. "Oh, pumpkins." Tinulak nito ang kapatid. "Humayo na kayo at bumili ng patatas."
"Hey! Hindi ako pumaya—"
KABLAG!
Sinirado ni Connie ang pintuan ng kitchen. "Uhh, ano'ng nangyari?" Nagtatakang tanong ni Mavis.
Namula naman si Yohan sa inis. "Wala. Halika na!" Hinatak nito ang braso ng dalaga.
**
Nandito na ngayon sina Mavis sa parking lot kasama si Yohan na kanina pa nakasimangot.
"Why do you have to agree, midget?" inis na tanong ni Yohan kay Mavis.
"Why not? Ano'ng masama? Bibili ka lang naman ng patatas, a."
Napakamot ng ulo si Yohan. Ayaw niya mang aminin ay napasunod na naman siya ng kapatid sa kagustuhan nito. He was utterly dancing in his sister's finger. At 'yon ang kinaiinis niya. Nagpalinga-linga naman si Mavis sa paligid nang mahagilap ng mata niya ang pamilyar na uniporme ng eskwelahan nila.
Sht. Why now?!
"Yohan halika muna rito!" Hinila niya ang t-shirt ng binata at 'di sinasadyang mapaupo ito sa sahig.
Okay lang kung makita nila si Yohan dito pero 'pag nakita nilang kasama ko siya, argh!
"Mavis, ano ba—"
"Shh!" Nagtago silang dalawa sa malaking poste.
"Ano ba? Bitiwan mo ang t-shirt ko, isa—"
"Huwag nga kasi. Tumahimik ka muna," bulong niya kay Yohan. Itinuro niya ang mga Sinclaire students at na-gets naman ni Yohan ang ibig niyang sabihin.
"Bibili lang naman tayo ng patatas, a."
Nainis si Mavis. Bigla niyang kinuwelyuhan si Yohan na ikinabigla naman ng binata at 'di halos naka-react. "Listen here, okay?" She gritted her teeth. "Kapag ako nakita ng mga 'yan na kasama ka at isumbong kay Madame V, baka hindi na ako abutan ng kompetisyon na 'yon at tuluyan na akong mapatalsik sa position ko. If that happens, bibitayin kita."
Why would she push the blame on me? Kaya nga ayaw kong pumayag na pumunta ng Supermarket kasi masyadong open sa public, sa isip-isip ni Yohan.
"You're not wearing your uniform today so you're not the St. Blue's president, right now you're my childhood friend at nangangailangan ako ng tulong mo," dagdag pa ni Mavis.
Yohan sighed. Alam niyang nagpa-panic na ang kasama niya. "Okay, okay. Chill. Edi nastuck tayo ngayon dito sa poste, ano'ng gagawin natin?" Monotone na tanong ni Yohan.
Kumalma naman si Mavis. "Balik tayo sa kotse mo. May naisip ako."
!%
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...