"SO, Ms. Madrigal." Hindi maiwasang tumingin ni Mavis kay Madame V nang banggitin nito ang apelyido niya. "I've heard news about you."
'News' ang huling salita na gusto niyang marinig mula sa Chairman nila. Itinuwid niya ang upo habang ina-adjust naman ni Madamme V ang eyeglass niya. "I can explain Madame—"
"Oh, so it's true?" Naputol siya sa pagsasalita dahil sa tanong ng Chairman. Walang nagawa si Mavis kung hindi ang tumango. Alam niyang kahit ano'ng excuse ang gawin niya'y hindi siya makakalusot sa gusot na 'to.
Pinipigalan niya lang ang sarili na sumigaw ng 'Napilitan lang din akong tumira sa bahay na 'yon. Mas pipiliin ko pang tumira sa ilalim ng tulay kaysa tumira kasama ang monster na 'yon. Pero wala akong choice. Kung may dapat kayong sisihin, si mommy 'yon. Inosente ako. Inosente. Biktima lang ako rito.'
"Tell me, Ms. Madrigal." Intro pa lang ay grabe na ang kabang nararamdaman ni Mavis. Kulang na lang ay pumutla ang mukha niya. Ni hindi niya magawang huminga ng malalim para makapagready sa susunod na tanong ng Chairman nila.
"What exactly is your relationship with St. Blue's pawn— I mean, with Mr. Arvilla?" Sa tono palang na iyon ay alam niya ng may bahid ng bitterness si Madame V sa St. Blue. Kung sabagay, siguro mas magugulat siya kung wala.
"Nothing, Madame," mabilis niyang sagot. "I mean, our families are close. That's all." Tumatango-tango lang si Madame V at matalim na nakatitig sa kanya.
"So can you explain kung bakit kayo nakatira sa iisang bubong? Two minors, a girl and a boy, one from Sinclaire and one from St. Blue, under the same roof?"
"Nandoon din iyong Mommy at Daddy niya, Madame. Uhm, pati ang Ate niya. Pati mga maids. 'Tsaka si Manong Ian na driver nila. At last year pa po naging 18 si Yohan. Magiging 19 na siya this year."
Ngumiti si Madame V sa kanya. Although hindi sigurado si Mavis kung ngiti nga ba ang tawag doon dahil walang bahid ng saya ang mukha nito. She cussed silently. Mukhang mas pinainit niya ang ulo ni Madame V. Bakit naman kasi 'di ba? Sinagot niya naman ng tama ang tanong ng Chairman.
"Uhm.. It was my mom who arranged na doon muna ako magstay sa mga Arvilla, Madame V, specifically sa bestfriend niya. Hindi niya kasi ako maiwan na mag-isa rito sa Pilipinas habang nasa labas silang lahat ng bansa kaya..."
"I'm pretty sure that you get what I mean, Ms. Madrigal," the chairman said and stood up.
Naglakad siya papunta sa bintana. She gazed down at the school's greenhouse na nasa ibaba lang ng office niya. "You're a clever girl. So far maayos ang pagpapatakbo mo ng student council." Gustong mamula ng tainga ni Mavis dahil sa narinig pero pinigilan niya dahil hindi iyon ang tamang timing para ma-flatter. Para kasing ginigisa siya sa sitwasyon ngayon.
"There's been bad blood between us and St. Blue for generations. Then this? You, a Siclaire student, is staying with a St. Blue's. To make matters worse, pareho kayong student council president." Napabuntung-hininga siya at bumalik sa pagkakaupo. "Okay lang sana kung ordinaryong estudyante ka lang ng Sinclaire. But with your position..." The Chairman sighed. "What I'm saying is that.. this is beyond preposterous." Nanatiling tahimik si Mavis sa sinabing iyon ng chairman. "I can't possibly ignore this issue," dagdag pa ni Chairman.
Nag-isip si Mavis ng pwede niyang sabihin pero walang pumapasok sa isip niya.
"But.." saad ni Madame V. But? napatanong din si Mavis sa utak niya. "I have high hopes for you Ms. Madrigal. You're an important asset of this school and I don't want to lose an important person because of this."
Konti na lang magsa-sparkle na ang mga mata ni Mavis dahil sa mga naririnig niya. "Madame?" Hindi napigilang tanong niya rito.
"I'm saying that if ever you manage to bring home the gold medal from this upcoming Scholastic Competition, then..maybe, I can guarantee that you can retain your position as the student council president of Sinclaire."
The smile on Mavis' face vanished. Napatulala siya. Dahil sa issue na lumitaw tungkol sa kanya, nakalimutan niya ang Scholatic Competition na gaganapin ngayong Disyembre. Idagdag pa na para lang sa private schools ang kompetisyong 'yon. Puro nerds at science geeks ang sumasali roon.
At siya? Saan kaya siya ilulugar doon? "But Madame—"
"You can't say no, Ms. Madrigal," pinutol siya ni Madame V bago pa man siya tumanggi. "I hope you realize na unti-unting nawawala ang loyalty at respeto ng Sinclaire sa 'yo. Mawawalan ng saysay ang pagkapresidente mo kung hindi mo sila magawang rumespeto sa 'yo. Your position is useless if the whole student body won't let you lead them. So now you don't have a choice but to win this competition to restore your reputation and their trust for you. You curretly only have two options Ms. Madrigal: win the competion or kiss goodbye to your position as the president," sabi niya at in-adjust ulit ang salamin nito. "Do you get it?"
"Y-Yes Madame."
"Good. You can come back to your class now." Tumayo si Mavis at lumabas ng office ni Madame V. Pilit inaabsorb ng utak niya ang mga sinabi ng Chairman. Ano'ng milagro kaya ang pwedeng mangyari para manalo siya?
She sighed habang naglalakad sa corridor papunta sa room nila. Well, atleast binigyan pa siya ng second chance. Parang hindi nga siya makapaniwala na binigyan pa siya ng second chance ni Madame V. Okay na 'yon kaysa naman mawala ng parang bula ang pinaghirapan niyang posisyon.
For now kailangan niya munang mag-focus sa competition. Confident naman si Mavis sa grades niya.
Isang requirement para maging student council president ng Sinclaire is to have an average percentage not lower than 92%. Hindi biro ang magka-grades ng ganoon kataas lalo na sa standards ng Sinclaire at na comply iyon ni Mavis. She has the brains and the potential to lead.
Kung nakaya niya noon, siguradong kakayanin niya rin 'to ngayon. Isa lang naman ang nagbibigay sa kanya ng problema: Physics.
Tunog pa lang ng subject na 'yon hindi na maganda ang epekto sa tenga niya.
Binilang niya ang mga araw bago ang contest. Three weeks. May three weeks pa siya para maghanda. Kailangan niya atang magpakalunod sa pag-aaral sa tatlong linggong 'yon. Feeling niya tuloy mas malala pa 'to kaysa sa finals nila.
Okaylang 'to
BINABASA MO ANG
The Bad Guy's Kiss | ✔
ChickLit#2 in ChickLit last Nov. 2016 __ Sinclaire University's nemesis has always been the St. Blue Academy. Unbeknownst to all, the student council president of Sinclaire, Mavis, is also the long time rival and target of bullies of the student council pre...